You are on page 1of 1

ALA-ALA

Ang pagtatapos ay siyang simula. Simula ng bagong yugto ng ating buhay kung saan tayo
ay natututong lumipad at tumayo sa sarili nating mga paa. Simula ng mga pagbabagong yayanig
at magbubukas ng mga pinto ng oportunidad para sa atin. Simula para sa mas malawak pang
karanasan na ating mapagdadaanan at simula ng tunay na buhay na nooy nakakubli ngunit
ngayong unti-unti nang nabubuksan. Sa pagtatapos ng yugtong ito ng ating kasarinlan, alalahanin
natin ang mga bagay na naitatak at ating napagsamahan kasama ng mga taong sa atin na ay
napamahal.

Parang kailan lang ng tayo’y magkasalamuhaan. Tayo’y naging magkakaibigan hanggang


sa tayo’y nakabuo ng pamilya sa loob ng ating silid-aralan. Parang kailan lang ng tayo’y
nagsisiawitan, naglalambingan at nagkakatuwaan kasama ng ating mga kamag-aral na parang
magkakapatid na ang turingan. Mga ngiti at tawa’y simbolo ng ating matibay na samahan. Sa
hirap at ginhawa’y hindi tayo nag iwanan. Ngayong malapit na tayong humantong sa punto kung
saan tayo ay magkakanya kanya, baunin natin sa ating mga puso ang mga karanasan na ating
napagdaanan. Sa lahat ng hirap na ating mga napagdaanan, mga research at thesis na walang
tulugan, mga exams na nakapagpapasakit ng kalamnan at mga recitations na ginagawang
katatawanan ng ating mga kaibigang walang mapagtripan. Mga projects na panggrupohan ngunit
iisa lamang ang kumakayod at lumalaban, mga exams na panggrupohan, mga assignments na
ginagawa sa paaralan, mga presentations na tila ba isang komedya dahil sa ngiti at tawang
namumutawi sa ating mga labi at higit sa lahat ang samahan na nabuo sa loob man o labas ng
paaralan. Sa mga panahong ginagawang tambayan ang seven eleven para lamang magpahangin at
gumamit ng internet. Mga panahong pumupunta sa bahay ng mga kaklase upang gumawa ng
projects ngunit nauwi sa panonod ng mga pelikula, mga oras na pupunta sa Naga upang kumain
ng siomai na kay sarap talaga at sa mga panahong tayo’y tumatawa dahil sa trip ng ating mga
kaibigan. Parang kalian lang ng lahat ng ito’y ating napagdaanan. Naging saksi ang apat na sulok
ng ating silid aralan sa lahat ng mga bagay na ating napagsamahan. Sa lungkot man o ligaya
palagi tayong nagdadamayan. May mga bagay man tayong hindi napagkakasunduan sa huli
mamumutawi pa rin ang pagmamahal na kahit kalian hindi mahahadlangan.

Ngayong tayo na’y tutungo sa kanya kanya nating kinabukasan, maalala sana natin ang
mga pangyayayari ito sa ating buhay. Baunin natin ang mga aral na ating natutunan sa panahon
na tayo ay nagkasalamuhaan. Mapagpatuloy sana natin ang magandang samahang ating
nasimulan at sana’y hindi tayo magkalimutan. Maraming salamat sa lahat ng mga ala ala na ating
napagsaluhan. Salamat sa lahat mga kaibigan, kamag aral, at mga guro na aming nakasama sa
dalawang taong aming ginugol dito sa paaralan. Ngayon sama sama nating mababanggit ang mga
salita na sa ating isipan ay matagal ng nakaukit, “Sa wakas! Gagraduate na kami!!”

You might also like