You are on page 1of 3

Dapat ba o hindi dapat isabay ang pag-aaral at panliligaw?..

LAKANDIWAIsang mapagpalang araw ang malugod na handog koSa lahat ng Pilipinong nagkalat sa
buong mundoMayrong isang email message na natanggap ang lingkod nyoApurahang naghahanap ng
sagot sa tanong na 'to:DAPAT BA O HINDI DAPAT PAGSABAYIN ANG DALAWA:ANG MAG-ARAL AT
MANLIGAW? Dapat o Hindi Dapat ba?Sa nais na makisali, ang tanghalan ay bukas naIpahayag ang
katwiran nang marinig ng balana.DAPATAko'y isang mag-aaral na nasa hustong gulang naMay isip na
tumutuklas at may pusong sumisintaPag-aaral, panliligaw, magsabay man di problemaKaya dapat ang
syang panig na handa kong ibandera. HINDI DAPATBilang ama ng tahanan, kung ako ang tatanunginPag-
aaral ang sya munang nararapat atupaginSaka na ang panliligaw, hindi dapat pagsabayinAng panig na
igigiit sakali at palahukin.LAKANDIWATuloy, kayo'y magsituloy upang ating umpisahanAng tagisan ng
talino sa larangan ng katwiranAng panig ng DAPAT muna una nating pakikingganSalubungin nating lahat
ng masiglang palakpakan!DAPAT (Unang Tindig)Nang ang tao sa daigdig ay nilikha ng
MaykapalMagkasamang nilangkapan ng damdamin at isipanKung di dapat pagsabayin ang mag-aral at
manligawSana'y isip na lang muna ang sa tao'y ibinigay.Sa tahanan una munang namumulat sa pag-
ibigAng sanggol na laging kupkop ng ina sa kanyang dibdibBago pa man makagapang, magsalita,
magkaisipDama na ang pagmamahal ng magulang at kapatid.Sa eskwela hinuhubog, pinapanday ang
isipanMay subject na Health at P.E. para naman sa katawanMayroon ding Social Studies at iba pang
pagsasanayUpang maging mamamayang responsable sa lipunan.Kumpleto ang kurikulum upang tayo'y
makumpletoSa paglago ng isipan, katawan at pagkataoKapag ang crush, o puppy love, o ang pana ni
kupidoAy dumating, bahagi yan ng dapat na ikatuto.Kaya kung ang estudyante ay pumorma at
manligawWalang dapat ipagtaka pagkat ito ay normal langAng binatang umiibig, ang dalagang
minamahalGanado at inspirado sa kanilang pag-aaral.LAKANDIWANapakinggan nating lahat ang
katwirang pumapanigNa DAPAT daw pagsabayin, pag-aaral at pag-ibigSunod nating tatawagin upang
dito'y humagupitHINDI DAPAT, salubungin ng palakpak na mainit!HINDI DAPAT (Unang
Tindig)Sinasabing mas madali sa tao ang maging henyoMatapos na magkamali at magbunga ng di
gustoSa pangaral ng magulang na noon ay sinuway koMapait na kapalaran ang inaning
pagkabigo.Pagtuntong sa kolehiyo, sa kaklase'y nahalinaMas maraming oras kaming ginugol na
magkasamaSa halip na makatapos ay maagang nag-asawaKaya high school diploma lang ang pwede
kong iparanya.Ngayon hirap na maghanap ng trabahong papasukanHirap akong matutustusan ang
gastusin sa tahananKung sana ay inuna ko sa halip na panliligawAy nag-aral nang mabuti, mas malapit
ang tagumpay.Kabataang mag-aaral, isipin ang kasabihanHindi pwedeng magkasabay na sambahi't
paglingkuranAng dalawang panginoon: ang puso at ang isipanMabuti pang pag-aaral na muna ang
katutukan.Ganito ang natutuhan sa minsang pagkakamaliNgunit kayong di pa huli, wag sayangin ang
sandaliPag-aaral ay tapusin, panliligaw ay madaliLalo't ikaw'y tagumpay na't limpak-limpak ang
salapi.LAKANDIWANakatapos ang unang round nitong ating balagtasanNa kapuwa nakatindig ang
dalawang naglalabanHahayaan ko na silang magpambuno't magkagatanKababayan, isa pa ngang
masigabong palakpakan!DAPAT (Ikalawang Tindig)Sa katalong nagkamali ng landas sa murang
edadNanligaw at nag-asawa at maagang nagkaanakAt ngayon ay nangangaral upang kami'y di
matuladAng tangi kong masasabi ay marami pong salamat.Mag-aral at mag-asawa, mabigat ngang
pagsabayinNgunit tila lumilihis yata kami sa usapinKaya upang di malito, akin munang lilinawinPanliligaw
at di kasal ang paksa ng away namin.Pag-aaral, panliligaw, kahit ito'y magkasabayDi masama hangga't
kaming kabataang nagmamahalAy marunong na magdala, responsable, may paggalangMay ambisyong
makatapos, at may basbas ng magulang.Pag-aaral, panliligaw, kapag sabay na nagtagpoMaski harangan
ng tabak ay tiyak na mabibigoHigpitan man ng magulang at bantaan ng paghintoTatakas at magtatanan,
magkikita nang patago.HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig)Salamat din sa katalong niliwanag itong
paksaPanliligaw nga't di kasal ang usapin mula't mulaAko lang ay nag-apura, prusisyong kayhaba-habaSa
simbahan din ang tuloy, inunahan ko nang kusa.Alalaon baga, kapag sinabay sa pag-aaralIyang gawang
panliligaw, ang tuloy din ay sa altarKaya upang makaiwas sa di-planong kalagayan,Pag-aaral muna sana
ang unahin, bago ligaw.Totoo ngang inspirasyon ang katipang iniibigNgunit ito'y totoo rin: pag sya'y
laging nasa isipAt sa kampus ng eskwela hanggang labas ay kadikitMga leksyon at assignments ang
tuluyang nawawaglit.Ang magulang na kawawa at subsob sa hanapbuhayNangungutang ng pang-tuition,
pambaon sa araw-arawUmaasang anak nila ay gagradweyt balang arawIyun pala'y winawaldas ang oras
sa panliligaw.DAPAT (Ikatlong Tindig)Ang hirap sa gumagawa ng mali at nagsisisiGinagawang
pamantayan ang nangyari sa sariliGayong noong kabataan siya mismo ay rebeldeAt hindi nya alintana
ang magulang na nagsabi.Mangyari nga'y noon, ngayon, at hanggang sa hinaharap,Hindi pwedeng
magkabula ang sinulat ni BalagtasPag pumasok daw sa puso ng sinuman ang pagliyagMasunod lang ay
sukdulang hahamakin lahat-lahat.Sa halip na kabataang mag-aaral ay pigilinSa pagligaw na lalo lang
sasadlak sa panggigigilBakit hindi na lang sila pabayaang balansehinAng kaway ng karunungan at ang
tibok ng damdamin?HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig)Ang sariling karanasan ay akin at akin lamangAt di
layong ipanggiit na sukatan ng sinumanBinabanggit ko lang rito sa pag-asang kapulutanNg aral at
halimbawa ng musmos pang kabataan.Pagmasdan mo ang paligid, talamak ang kahirapanKaraniwang
ugat nito'y kawalan ng hanapbuhayAng totoo ay marami ang trabahong naghihintayNgunit ito'y
nakalaan sa may college diploma lang.Di hadlang ang kahirapan kung hangad ay edukasyonDi sagabal
ang itsura o ang utak na mapurolSubalit ang panliligaw na kapatid ng bulakbolMaternity sa halip na
college degree ang katugon!DAPATPanliligaw samantalang nag-aaral ay magandaKapwa namin
natitimbang ugali ng isa't isaKung kami ay maka-gradweyt, magtrabaho, mag-asawaSa pagharap sa
dambana, walang puwang ang pangamba.Ang manligaw samantalang nag-aaral ay tama langPagkat
minsan lamang kami dadaan sa kabataanAanhin ang kayamanan sa oras ng katandaanKung kulubot na
ang mukha't walang gustong magpaligaw?HINDI DAPATMaganda nga kung gagradweyt muna bago mag-
asawaNgunit ating nababatid na di ganyan ang resultaMaraming di makahintay sa pagmartsa nang may
togaDahil labis na nabuyo, sa damdamin nagpadala.Ang ganito'y maaaring iwasan kung panliligawAy di
muna isasabay samantalang nag-aaralPrayoridad ang syang susi sa pangarap na tagumpayTagumpay na
ihahandog sa katipang naghihintay.DAPATKatipan ay nakahandang maghintay sa pagtataposNgunit
iyang panliligaw ay di dapat ginagaposWalang taong nag-aaral na ang puso'y di tumibokHindi pwedeng
paghintayin ang pag-ibig pag kumatok.HINDI DAPATAng mag-aral at manligaw kung parehong
pagsabayinMahahati ang atensyon dahil kapwa agaw-pansinKung mabigo sa pag-ibig, baka ikaw pa'y
maglasingMauuwi lang sa wala ang pangarap at mithiin.DAPATMas mabuti ang umibig at mabigo kahit
minsanKaysa hindi nakaranas na umibig kahit kaylan!HINDI DAPATAng lahat ay may panahong kanya-
kanyang nakalaanPanahon sa pag-aaral, panahon sa panliligaw!DAPATAng mahuli sa pantalan, ang
daratna'y baling sagwan!HINDI DAPATAng lumakad nang matulin, malalim kung masugatan!
DAPATDapat silang magkasabay!HINDI DAPATDapat silang ipagbawal!LAKANDIWATumigil na kayong
dal'wang umuusok na ang tuktokSumapit na ang sandali upang tayo'y magkataposIgagawad ko ang
hatol, ngunit bayang nanonood,Palakpakan muna natin ang makatang nagpanuntok!Sino'ng dapat na
tanghaling kampeon nitong balagtasan?Walang dudang kapwa sila magagaling mangatwiranKaya itong
aking pasya: Sila'y patas, tabla lamangMuli nating paulanan, malutong na palakpakan!

You might also like