Narito po ako nakatayo sa inyong harapan Reymil Donadillo Velarde bilang isang
mananalumpati. Isang makabuluhang hapon po sa ating lahat na naririto po ngayon, sa ating
guro at sa aking kapwa mag-aaral. Ang mga magulang ang napakamagandang regalong natanggap ko, nating mga anak. Pero naalala niyo pa ba kung kailan ninyo huling sinabi ang salitang “I LOVE YOU” o “MAHAL KITA” sa ating mga magulang. Baka naman hindi mga magulang ang inyong mga pinagsasabihan baka ang inyong kasintahan . Akoy magiiwan ng isang tanong na tatatak sa inyong isipan “Mahal mo ba ang iyong mga magulang” Magulang walong letra pero maraming kahulugan Maalaga, mapagmahal, mapagpatawad, maingay Magulang minsan istrikto minsan nakakairita Mga sermon ang bubungad sa umaga at sintoron pag ikay magkasala Siyam na buwan tayoy ipinagbubuntis siyam na buwan rin tayong tiniis Gaano ngaba tayo kamahal ng ating magulang?, Gaano ngaba tayo kamahal ng ating magulang? kaya lang naman nila tiisin ang gutom para tayoy makakaiin, kaya nilang gawing araw ang gabi, kaya lang naman nila magpuyat hanggang umaga bantayan ka lamang sa kama, kinakaya tinitiis lahat ng problema. Pero minsan sumagi na ba sa inyong isipan na silay iyong yakapin halikan o pagpahingahin. Silay nagpapakahirap mapaghandaan lamang ang ating kinabukasan. Dugo’t pawis lamang ang kanilang puhunan. Nang tayoy isinilang, hindi masusukat ang kasiyahang naramdaman. Tinuruan tayong maglakad, magsalita, magbasa at magsulat. Gumagabay sa tamang landas. Kahit nalilito at namomoblema kung saan kukunin ang pampaaral sa atin, ginagawa nila ang lahat mapag aral lamang tayo sa isang maganda at dekalidad na paaralan. Nang tayoy lumaki, natuto tayo kung paano sagut-sagutin ang ating mga magulang. Minsan sinumpa pang mawala na sila. Natuto rin tayo kung paano suwayin ang utos nila. Tila biglang nakalimutan ang mga sakripisyong ginawa nila. Nagsisinungaling na mayroong gawaing pampaaralan para matakasan lamang ang utos sa tahanan. Gumagawa gawa ng mga bayaran makupitan lamang at mabili ang luho. Isinawalang bahala natin ang mga araw na halos himatayin sa pagod sa pagtratrabaho ang ating mga magulang. Pero alam niyo ba, na kahit nasasaktan sila sa mga maling ginagawa at sa masasakit na salita na nagmumula sa ating dila ay hindi nilang magawang ipagtabuyan at kalimutan tayo? Hindi nga talaga masusukat ang pagmamahal nila para sa atin, na kahit talikuran, saktan at ipagtabuyan natin sila at sa mga sitwasyong ikinahihiya pa natin sila sa ating mga kaibigan, ikinahihiya mo ba sila dahil sa kanilang trabaho o sa kanilang itsura. Pero sa lahat ng ginagawa natin sa kanila, handa pa rin nila tayong tanggapin at mahalin. Alam naman natin kung gaano nila tayo kamahal pero ang tanong magbubulag bulagan pa rin ba tayo? Sa simpleng pag I LOVE YOU natin sa kanila, alam ninyo ba kung gaano na sila kasaya? Paano pa nga ba natin sila mapapasaya? Paano nga ba natin masusuklian ang mga sakripisyong ginawa nila? Simple lang, mag-aral nang Mabuti upang makatapos at magkaroon ng diploma medalya. Dahil ang diploma natin katumbas ng isang ginto para sa kanila. Yaman na hindi mapapalitan. Yaman na katumbas ay walang hanggang kasiyahan. Lagi nating tatandaan na mabilis lang ang takbo ng oras. Bawat minuto bawat segundo ay mahalaga, kaya habang nandyan at kapiling pa natin sila, iparamdam natin sa kanila kung gaano sila kamahal at kung gaano sila kahalaga sa ating buhay. Salamat, patawad, mahal ko kayo mga simpleng salita pero katumbas ay walang hanngang kasiyahan ng mga magulang. Gusto ko sanang iparating sa lahat, na ang magulang pa rin ang maiiwan sa atin sa bandang huli, sila pa rin ang dadamay at aagapay sa ating paglaki, mawawalan tayo ng kaibigan pero sila ay mananatili at hindi tayo pababayaan, ganyan nila tayo kamahal. Habang silay buhay pa huwag hintayin ang pagsisisi, gawin ang nararapat, seize the moment kung baga. Maraming Salamat po sa inyong lahat sa pakikinig sa aking talumpati at magangdang hapon po sa inyong lahat.