You are on page 1of 2

Pamalo Ng Pagmamahal At Sigaw Ng Pag-Aaruga

Dumampi na ba sa iyong balat ang pamalo… o kaya naman nasermonan ng iyong mga
magulang? Sigurado ako na halos lahat ng nakikinig ay “oo” ang sagot. Bakit ka napagalitan?
Dahil ba hindi mo napipigilan ang iyong mga daliri sa pagtuturo ng kung ano-ano. Baka naman
iyang mga paa mo ang hindi mo mapigilan sa pagdadabog. Maari rin namang nawala mo ang
bagong biling tupperware ng nanay mo. Ilan lamang yan sa mga dahilan kung bakit tayo
nalalatayan sa ating mga puwitan at nabubulyawan sa ating mga tenga.

Sariwang-sariwa pa sa aking alaala ang mga panahon na parati na lamang akong


nahahampas, nakukurot, o kaya naman ay nabubulyawan ng nanay ko. Inis na inis ako sa
kanya noon dahil sa tingin ko parati na lamang mga kamalian ko ang kanyang nakikita at wala
na akong nagagwang tama para sa kanila. Kung minsan nga, pumapasok sa isip ko kung
mahal niya ba talaga ako. Kasi kung mahal niya ko dapat hindi niya ko pinapalo. Dahil sa
aking musmos na kaisipan kung mahal mo ang isang tao dapat hindi mo siya sinasaktan.

Ngunit ngayong ang musmos kong isipan ay namulat na sa katotohanan, napagtanto ko


na mali pala ang pinaniniwlaan ko noong bata pa ko. Mali palang magalit tayo sa ating mga
nanay. Mali palang magalit tayo sa pangaral ay pamalo ni nanay… Pamalo ni nanay na palagi
nalang na humahabol sa atin sa tuwing ayaw natin pumasok sa eskuwelahan at ang kaakibat
na pangaral tungkol sa ating kinabukasan. Pamalo ni nanay na ilang beses tumalbog sa ating
puwitan noong mga panahong ayaw natin kumain at ang di mamatay-matay na linyang
“maraming bata ang nagugutom sa mundo dahil walang makain, tapos ikaw mag-iinarte.”
Pamalo ni nanay na minsan lumilipad pa para maabot tayo tuwing tumatakas tayo kapag
nakakupit na tayo ng barya sa kanyang pitaka. Pamalo at sermon ni nanay na ginagawa
nating dahilan para magalit at lumayo sa kanya.

Bakit? Ano bang ginawa sa atin ng pamalo ni nanay? Ano bang kasalanan ng pamalo ni
nanay? Sa bawat hampas ng pamalo ay masakit. Sa tuwing pinapalo tayo ay umiiyak tayo.
Ayun lang. Ayun lang ang naging kaslanan ng pamalo ni nanay. Binigyan lang naman tayo
nito ng panandaliang sakit.

Ngunit minsan ba ay pumasok na sa iyong isipan kung ano ang nararamdaman ng iyong
nanay habang pinapalo at pinapagalitan ka? Masaya kaya sila? Tumatawa ba sila sa kaloob-
looban nila habang nakikita tayong nasasaktan? Sa totoo lang nasasaktan din ang mga nanay
sa tuwing pinapalo nila tayo. Di man nila pinapakita ito ngunit sa kaloob-looban ng puso nila
ay umiiyak din sila. Walang sinumang nanay ang gustong makitang nahihirapan at umiiyak
ang kanilang anak ngunit kailangan nila itong gawin para sa atin.

Kailangan nila tayong pagalitan para sa ikabubuti natin. Sapagkat kung hindi nila ito
gagawin , higit pa sa panandaliang sakit ang iyong matatamo. Ito’y magiging isang
panghabang-buhay na sakit na makaaapekto sa iyong pamumuhay kahit ikaw ay matnda na.
Isipin mo, kung hindi ka pinalo ni nanay, baka hindi ka marunong magbasa, magsulat, o kaya
magbilang. Hindi ka matututong rumespeto sa iba. Hindi tatatak sa iyong isipan kung ano ang
tama at mali.

Kung hindi ka pinagalitan ni nanay, tingin mo ba ikaw ay nakatayo diyan sa pwesto mo


ngayon? Malamang hindi. Kung hindi ka pinalo o pinagalitan man lang ni nanay sa tingin mo
ba may magandang kinabukasan na naghihintay sayo? Malamang wala.

Sa bawat sermon at palo na ang kaakibat ay pag-aaruga, pag-aala, at pagmamahal,


dapat tayong magpasalamat. Dapat tayong magpasalamat sa malaking bahagi na
ginampanan nito sa ating buhay. Dapat tayong magpasalamat sa ating nanay na palaging
nandyan sa ating tabi kahit ipagtabuay pa natin sila. Dapat pasalamatan natin ang ating mga
nanay na hindi nagsasawa na paalalahanan tayo. Dapat pasalamatan natin ang ating mga
nanay na mahal na mahal tayo. Mga nanay na animo’y bayani. Pamalo ang sandata sa pag-
aalis ng mga nakaharang patungo sa kinabukasan ng anak nila na kanilang lubos na iniibig.
Dapat tayong magpasalamat sa ating mga nanay at sa pamalo nila. Dahil sila ang naghubog
sa atin at sa kung sino at ano tayo ngayon.

You might also like