Professional Documents
Culture Documents
G11-ABM 2
Bakit may sobrang strikto na mga magulang? Kailangan ba talaga yon? Ni minsan kaya,
naiisip nila na sobra na sila? Ni minsan kaya naiisip nila na nakakasakal na sila? Naiintindihan ko sila sa
parte na nag-aalala sila kaya nila ginagawa lahat ng yon. Kadalasang sinasabi rin nila na mahal daw nila
tayo at para sa atin ang mga sinasabi at ginagawa nila. Pero minsan naiisip ko kung mahal ba talaga nila
tayo? Kasi kung oo, bakit hindi nila kayang hayaan kung saan tayo mas sasaya? Bakit hindi nila maibigay
ang 101% na tiwala nila sa atin? Hindi ba nila alam na mas mararamdaman natin ang pagmamahal nila
kung may tiwala sila sa atin?
Halimbawa nalang ang paglabas ng bahay kasama ang mga kaibigan. Ang mas masakit pa
dito ay kilala na nila ang mga kasama mo at nagsasabi ka naman ng totoo pero humahadlang pa rin sila.
Lalo na sa panahon ngayon na nauso na naman ang kuhanan ng mga bata. Naiintindihan ko sila kasi
alam kong nag-aalala lamang sila para satin. Pero sana yung minsang magpaalam at lumabas na may
pag-iingat ay hayaan nila. Isa na rin ang pagkakaroon ng crush sa school. Yung tipong mag oopen-up ka
lang sa kanila na crush mo si ganito, nasa isip agad nila na mabubuntis ng maaga. “like omygod this
allergies”. Dinaig pa nila si flash sa sobrang bilis at advance mag-isip.
Hindi niyo naman siguro kami pinag-aral para sayangin lang ang mga bagay na aming mga
natutunan. Oo minsan kami ay pasaway. Pero hindi naman pumapasok sa matitino naming isip na
ipahamak ang aming mga sarili. Hindi ba dapat mas maging matuwa sila lalo na kung nagkukwento kami
ng bagay-bagay na nangyayari sa buhay namin. Hindi yung naglilihim kami sa kanila. At hindi ba dapat
mas suportado pa kayo sa amin kasi naranasan niyo na ito noong kabataan niyo. Kaya “pa experience
naman” ng mga bagay na hindi namin ikapapahamak. At sa pag-ibig, kunsakali man na kami ay
masaktan, andiyan naman kayo para damayan kami at hindi sigaw-sigawan lang. Hayaan niyong ma-
enjoy namin ang mga aming kabataan dahil ang buhay ay hindi pababa. Darating rin ang araw na hindi
na namin pwedeng gawain ang mga bagay na kaya pang gawin ngayon. At alam din naming na hindi
habambuhay na buhay ang ating mga magulang. Tiwala at pagmamahalan sa isat-isa ang kialangan ng
isang pamilya.
HANDA KA BANG BUMANGON?
G11-ABM 2
Paano nga ba tumayo para maipakita sa mga taong mapanghusga na kaya mo?
UNA - Kailangan mo munang kilalanin ang iyong sarili. Nang sa gayon ay hindi ka basta basta
maaapektuhan sa sasabihin ng iba lalo na kung alam mong hindi ito totoo.
PANGALAWA - Kailangan na may tiwala ka sa iyong sarili. Dahil kung wala, sarili mo
na rin ang tatapos sa hindi pa nasisimulang laban.
PATATLO - Ipasok sa isang tenga at ilabas sa kabilang tenga ang mga salitang ibinabato
sayo na hindi maganda. Hindi natin ito ikatatalino kaya huwag ng itigil sa isipan.
PAAPAT – Isipin mo kung bakit mo ginagawa ang bagay na yan. Isipin mo kung kanino o
saan mo iniaalay ang mga bagay na pinaghihirapan mo. Isipin mo para mas tumatag ang loob mo.
Ano, kaya mo ba? O susuko ka nalang sa mga taong mapanghusga at hahayaan silang manalo?
Syempre siguro hindi, kaya naman kailangan mong lumaban sa mga salitang lumalabas sa bibig nila
kahit mali. Ipakita mo at ipagmalaki mo na hindi ka isang simpleng tao na pwedeng tapak-tapakan
ng kahit na sino. Huwag mong sasayangin ang pinag-aralan at itinuro sa iyo ng iyong mga magulang
ng ilang taon. Ni kahit na sino ay walang karapatang husgahan ang bawat isa sa atin, maliban nalang
sa diyos na lumikha sa ating mga tao. Hindi tayo perpekto para husgahan ang bawat isa. Hindi tayo
siya. Hindi tayo ginawa para maging masama sa bawat isa. Sa halip tayo’y magtulungan sa lahat ng
larangan at magbigayan sa lahat ng bagay.