You are on page 1of 28

ARALIN

8:
Pagtitimpi
Day 1
BALIK-
ARAL
Isulat ang tsek ✔ sa sagutang papel kung tama ang
pahayag at ekis ❌ kung mali.
1. Pagtutok sa balita upang malaman ang mga
pangyayari.
2. Huwag nang pag-isipang mabuti ang mga panonoorin.
3. Maging mapanuri sa mga programang ipinalalabas sa
telebisyon bago paniwalaan.
4. Palagiang panonood ng mararahas na palabas.
5. Isaalang-alang ang edad sa mga pinanonood na
palabas.
TUKLA
SIN Pisi ni Tesi
Alas otso ng umaga sa Barangay Mahinahon,
mayroong mga tanod na nag-iikot upang magbigay
paalala tungkol sa gaganaping pamimigay ng ayuda sa
kanilang lugar. Lumabas si Tesi ng bahay sapagkat may
nais itong itanong sa mga tanod. “Ipagpaumanhin po
ninyo sapagkat ang aking paanyaya ay malabo at hindi
masyadong mabasa ang oras at petsa tanong ko lang po,
kailan po kaya ito?” ani Tesi. Sinagot naman siya nang
maayos ng mga tanod.
TUKLAS
IN Pisi ni Tesi
Nang biglang may lumapit na isang lalaki, galit na galit
sapagkat akala niya ay ngayon ang kanyang iskedyul sa
ayuda dahil may nakapagsabi daw sa kanya ngayong
araw. Nag-aamok ang lalaki, sapagkat nasayang ang
kanyang oras sa pagpunta at wala naman itong napala.
Nagulat ang mga tanod at maging si Tesi ay kinausap
naman ito nang mahinahon, at sinabihang habaan nito ang
kaniyang pisi.
TUKLAS
IN Pisi ni Tesi
Sapagkat walang mapapala kung hindi marunong
magtimpi, maaari ka lamang mapahamak o magkamali ng
desisyon kung hindi mo kokontrolin ang iyong sarili.
Nakinig naman ito at agad na huminahon. Hiniram ni Tesi
ang kanyang paanyaya upang maipakita sa mga tanod at
malaman ang tamang iskedyul para sa kaniyang ayuda.
TUKLAS
IN Pisi ni Tesi
Ilang sandali pa ay humingi ng paumanhin ang lalaki
sa mga tanod at maging kay Tesi ay nagpasalamat ito dahil
sa natutuhan niya sa naging sitwasyon. Nasabi pa nito na,
“ maging ang katotohanan ay hindi rin pala dapat
nakabase sa mga sabi-sabi lang kundi dapat ay inaalam
nang mabuti at sumasangguni sa mga taong higit na
nakaaalam nito. Naging mapayapa at maayos na ang lahat
sa Barangay Mahinahon at naipamigay na rin ang
nasabing ayuda sa mga residente.
SURIIN Sagutin ang mga sumusunod na
tanong:
1. Ano ang pamagat ng ating kwento?
A. Pisi ni Tesi C. Piso ni Tesi
B. Pito ni Tesa D. Pato ng aking lolo
2. Ano ang naging tugon ni Tesi sa hindi niya mabasang paanyaya?
A. Pagalit siyang nagtanong.
B. Pinagsisigawan niya ang lahat ng tao.
C. Sinisi niya ang gumawa ng hindi mabasang paanyaya.
D. Mahinahon siyang nagtanong tungkol sa hindi mabasang
paanyaya.
SURIIN Sagutin ang mga sumusunod na
tanong:
3. Bakit nagkaroon ng kaguluhan sa Barangay Mahinahon,
ano ang pinagmulan nito?

A. Dahil sa isang lalaki na inakala na ngayon ang iskedyul


ng pagkuha niya ng ayuda.
B. Dahil nagsisiksikan ang mga tao sa pila.
C. Dahil may mga dumating na mga sikat na artista.
D. Dahil dumating na ang mga sasakyan na naglalaman ng
ipamimigay na ayuda
SURIIN Sagutin ang mga sumusunod na
tanong:
4. Dapat ba tayong magkaroon ng pagtitimpi sa sarili? Bakit?

A. Opo, Sapagkat ito ang maglalayo sa atin sa kaguluhan at


kapahamakan.
B. Hindi po, maaaring isipin ng mga tao sa paligid na tayo ay duwag.
C. Maaari kung alam natin na hindi tayo mananalo sa mga
nakasamaan natin ng loob o nakagawa ng pagkakamali sa atin.
D. Siguro, kung alam ko na mababayaran ako dahil sa pagiging
mapagtimpi o mapagpasensya ko.
SURIIN Sagutin ang mga sumusunod na
tanong:
5. Kung ang mga tao ay hindi marunong magtimpi ano ang
mangyayari sa atin?

A. Maaring magkaroon lagi ng kaguluhan at kapahamakan.


B. Magiging tahimik at matiwasay ang ating kapaligiran.
C. Magiging mayaman at maginhawa ang buhay ng bawat isa.
D. Maaaring maging masaya at mapagpakumbaba ang bawat isa.
PANGKATANG
GAWAIN
Ikaw ay ay biniyayaan ng Diyos ng ugaling
mapagtimpi paano mo ito maipamamalas sa
iyong:
ISAISIP
Ang Pagtitimpi ay isang mahalagang ugali na dapat
maging parte ng ating pang-araw-araw na buhay.
Marami sa atin ang napahahamak dahil nagpapadala sa
bugso ng damdamin. Nakalilimutang magtimpi o
magkaroon ng tinatawag na self-control. Ang mga
magulang ang isa sa magandang halimbawa sa pagiging
mapagtimpi sapagkat sila ang nagpapalaki sa kanilang
mga anak ano man ang maging sitwasyon.
ISAISIP
Maging ang ating mga guro, sa lahat ng ating ginagawa
sa loob ng paaralan, sa kakulitan, kaguluhan o mga hindi
sinasadyang pangyayari iniiwasan nilang magalit.
Nagtitimpi ang ating mga magulang at guro dahil gusto
nilang ipaalam sa mga mag-aaral na kailangan ang
ugaling ito para sa magandang pakikisalamuha at
pakikipagkapuwa-tao. Naipakikita sa ugaling mapag-
timpi ang pagmamahal na dapat sa isang tao. Ang taong
mapagtimpi ay nalalayo sa pakikipag-away.
PAGTATAYA
Iguhit ang masayang mukha 🙂 sa sagutang papel kung ito ay
nagpapakita ng pagtitimpi at malungkot na mukha 🙁 kung
hindi
1. Maraming pinasasagutan sa modyul at biglang nag-
aya ang kaibigan mong maglaro, hindi ka sumali kaya
inasar ka nila ngunit hindi mo sila pinatulan.
2. Pinatawag ka ng iyong guro dahil nagsumbong ang
iyong kaklase na nangongopya ka, kahit ang totoo ay
hindi naman. Mahinahon mong sinabi ang buong
katotohanan.
PAGTATAYA
Iguhit ang masayang mukha 🙂 sa sagutang papel kung ito ay
nagpapakita ng pagtitimpi at malungkot na mukha 🙁 kung
hindi
3. Kaliligpit mo lang ng iyong damitan, pag-uwi mo
ay nagkalat sa sahig ang mga ito nakita mo ang
bunso mong kapatid at ang aso mo na naglalaro
malapit dito. Mahinahon kang nagtanong kung
anong nangyari sa mga damit mo.
PAGTATAYA
Iguhit ang masayang mukha 🙂 sa sagutang papel kung ito ay
nagpapakita ng pagtitimpi at malungkot na mukha 🙁 kung
hindi
4. Hindi sinasadyang natalsikan ng putik ang bago
mong sapatos at bigla mong tinulak nang malakas
ang iyong kapwa kahit walang may gusto sa
nangyari.
5. Pinaghugas mo ng plato ang iyong bunsong
kapatid, ngunit ikaw ay kanyang ininis at
tinakbuhan, kaya agad mo itong pinagpapalo.
KARAGDAGANG
GAWAIN
Bumuo ng isang Acrostic na tula gamit
ang salitang P-
A-
G-
T-
I-
M-
P-
I-
ARALIN
8:
Pagtitimpi
Day 2
BALIK-
ARAL
Isulat ang MAPAGTIMPI sa sagutang papel kung ang
pahayag ay nagpapakita ng pagtitimpi sa mga
sitwasyong kinahaharap, MAGAGALITIN naman
kung hindi.
1. Sinugod at pinagsisigawan ng ate ni Myca ang mga
batang babae na nang-aasar sa kanya.
2. Pinag-aaralan munang mabuti ang mga bagay na nais
ipost sa facebook page bago ito tuluyang ipost.
3. Lumabas muna saglit ang aming guro nang maabutan
kami sa klase na nagkakagulo, dahil dun ay tumahimik
kaming lahat.
BALIK-
ARAL
Isulat ang MAPAGTIMPI sa sagutang papel kung ang
pahayag ay nagpapakita ng pagtitimpi sa mga
sitwasyong kinahaharap, MAGAGALITIN naman
kung hindi.
4. Pinakakalma ko ang aking ina sa tuwing ito ay
nagagalit sa aking mga nakababatang kapatid.
5. Iniisip ko muna nang maraming beses ang mga
salitang aking sasambitin sa mga nakasamaan ko ng
loob.
TUKLA
SIN
PAGTITI
MPI
Ito ang dumidisiplina sa emosyon upang hindi
mapunta sa maling paghahangad ang kilos na
makasira sa pagkatao.
Nang dahil sa pagtitimpi, maaaring patawarin
ang isang nakasakit, magpaumanhin sa taong
nagsalita nang hindi maganda, at maiwasang
magalit sa isang sitwasyon na hindi maganda.
TUKLA
SIN
PAGTITI
MPI
Maaari ding magtimpi para maging malusog ang
katawan at maiwasan ang magkasakit. Ang pagkain
ng higit sa dapat ay maaaring magdulot ng
kapahamakan sa ating kalusugan.
May mga pagtitimpi din na ginagawa sa mga
bagay na ating ngugustuhan. Kung marunong
tayong magtimpi, bibilhin lamang natin ang mga
bagay na talagang kaiangan.
SURIIN
Paano natin maipapakita
ang pagtitimpi sa sarili?
1. Pagtanggap ng sariling pagkakamali at
pagtutuwid nang bukal sa loob.
2. Pagtanggap ng puna ng kapwa nang maluwag
sa kalooban.
3. Pagpili ng mga salitang di-nakakasakit ng
damdamin sa pagbibiro.
PANGKATANG
GAWAIN
Sumulat ng mga salitang may kinalaman sa
PAGTITIMPI o SELF- CONTROL.
ISAISIP
Ang pagtitimpi sa sarili ay
nangangahulugang:
👉 pagpipigil na gawin ang isang bagay na
makakasama sa sarili, sa pamilya o sa kapwa.
Ang pagtitimpi sa sarili ay:
👉 isang mabuting halimbawa ng isang batang
gustong makipagkapwa.
PAGTATAYA
Iguhit ang masayang mukha 🙂 sa sagutang papel kung ito
ay nagpapakita ng pagtitimpi at malungkot na mukha 🙁
kung hindi.
1. Hindi nakasali si Luis sa mga batang nagkamit ng
karangalan sa kanilang klase kaya siya ay nag-iiyak.
2. Agad na sinuntok ni Renato ang kaklaseng si Roberto
nang asarin siya nito.
3. Madalas na inaaway ni Ayah ang kanyang
nakababatang kapatid sa tuwing pinakikialaman nito
ang kanyang mga gamit.
PAGTATAYA
Iguhit ang masayang mukha 🙂 sa sagutang papel kung ito
ay nagpapakita ng pagtitimpi at malungkot na mukha 🙁
kung hindi.
9. Pinagsabihan nang maayos ng nanay ni
Elisha ang mga kaklase niya na nang-aasar sa
kanya.
10. Ibinigay na lamang ni Angelika ang
kanyang laruan sa umiiyak na kapatid.

You might also like