You are on page 1of 24

ARALIN 1

Pagkakamali Ko, Itutuwid


Ko
ESP Q2 WEEK 1
DAY 3 – 4
BALIKAN (Subukin 1-5):
Iguhit ang ang thumbs up 👍 kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtanggap sa sariling
pagkakamali at thumbs down 👎 naman kung hindi.

1. Agad akong humihingi ng tawad sa aking mga magulang


sa tuwing ako ay nakagagawa ng pagkakamali.
2. Hindi na ako muling nakikipag-usap sa mga taong
nakagawa ng pagkakamali sa akin.
3. Itinutuwid ko ang aking pagkakamali sa pamamagitan
nang pag-amin sa aking nagawang kasalanan.
BALIKAN (Subukin 1-5):
Iguhit ang ang thumbs up 👍 kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtanggap sa sariling
pagkakamali at thumbs down 👎 naman kung hindi.

4. Wala akong pakialam kong nakagawa man ako ng


pagkakamali sa aking kapwa.
5. Madalas akong nakagagawa ng pagkakamali sa
aking mga magulang at mga kapatid nang hindi ko
sinasadya subalit humihingi naman agad ako ng
paumanhin.
TUKLASIN
8 Paraan Upang Malaman at Tanggapin ang Sariling Pagkakamali
:

1. Dapat mong maunawaan na ang pagtanggap sa


iyong pagkakamali ay hindi isang kahinaan bagkus
ito ay nagpapakita ng pagpapakumbaba.
2. Huwag mong isisi sa iba ang iyong mga
nagawang pagkakamali.
TUKLASIN
8 Paraan Upang Malaman at Tanggapin ang Sariling Pagkakamali
:

3. Maging bukas ang pag-iisip sa iyong nagawang


pagkakamali at tanggapin ng maluwag sa kalooban
ang puna ng iyong kapwa.
4. Ilagay ang iyong sarili sa sitwasyon ng iyong
kapwa (empathy).
TUKLASIN
8 Paraan Upang Malaman at Tanggapin ang Sariling Pagkakamali
:

5. Alamin ang damdamin ng iyong kapwa kung sila


ba ay iyong nasasaktan sa iyong mga sinabi o
ginawa sa kanila.
6. Magpakumbaba at makinig nang mabuti sa puna
ng iyong kapwa.
TUKLASIN
8 Paraan Upang Malaman at Tanggapin ang Sariling Pagkakamali
:

7. Maging mapagpasalamat sa mga kapaki-


pakinabang na puna ng iyong kapwa.

8. Pagpili ng mga salitang di-nakakasakit ng


damdamin sa pagbibiro.
SURIIN:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang kahalagahan ng pagtanggap ng sarili nating


pagkakamali?
2. Bakit napakahalaga nap ag-isipang mabuti ang mgha
salitang sasabihin bago ito ihayag sa ating mga kausap?
3. Paano mo maipapakita ang wastong pagtanggap ng
mga puna ng iyong kapwa sa mga pagkakamaling iyong
nagawa?
PANGKATANG GAWAIN:
Punan ang tsart sa ibaba.
Mga taong aking Detalye ng aking Paraan upang matama
nagawan ng kasalanan kasalanan ang nagawang
at nasaktan kasalanan

1.

2.
ISAISIP:
Ang mga pagpapahalaga (values) ng
pagiging mahinahon at mapagpakumbaba ay
mga positibong katangiang taglay nating mga
Pilipino. Ika nga, ito ay Ugaling Pinoy. Nawa
ay patuloy mo itong pagyabungin at
pagyamanin.
TAYAHIN (6-10):
Iguhit ang arrow up (⬆) kung ang pahayag ay nagpapakita pagtanggap ng
sariling pagkakamali at pagtutuwid nang bukal sa loob at arrow down (⬇)
kung hindi.

1. Padabog na sumunod si Dianne sa kanyang ina nang


inutusan siya nito na ayusin muna ang kanyang
pinaghigaan bago maglaro ng cell phone.
2. Humingi lamang ng paumanhin at nakipagbati sa
kanyang kaibigan si Divine nang pinilit siya ng kanyang
ina na makipagbati na siya.
TAYAHIN (6-10):
Iguhit ang arrow up (⬆) kung ang pahayag ay nagpapakita pagtanggap ng
sariling pagkakamali at pagtutuwid nang bukal sa loob at arrow down (⬇)
kung hindi.

3. Hindi naiwasan ni Lorraine na kumuha ng pera sa


wallet ng kanyang ina dahil may kailangan siyang
bilhin sa tindahan, subalit sinabi nya naman ito sa
kanyang ina at humingi ng paumanhin.
TAYAHIN (6-10):
Iguhit ang arrow up (⬆) kung ang pahayag ay nagpapakita pagtanggap ng
sariling pagkakamali at pagtutuwid nang bukal sa loob at arrow down (⬇)
kung hindi.

4. Biglang naitulak ni Jeffrey ang kanyang kapatid habang sila ay


naglalaro, subalit hindi siya humingi ng paumanhin sa kanyang
kapatid dahil mas matanda daw siya dito.
5. Hindi sinasadyang nabasag ang salamin sa mesa ng kanyang
guro habang pinupusan ito ni Josephine. Kinausap niya kaagad
ang kanyang guro at ipinaliwanag ang nangyari.
KARAGDAGANG
Ipaliwanag kung paano mo maipakikita ang pagtanggap sa nagawa mong
GAWAIN:
pagkakamali sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno sa ESP.
1. Nakita ka ng nanay mo na pinagpapalo ang alaga ninyong aso. Ano ang mo sasabihin
sa iyong nanay?
2. Pinagsabihan ka ng ate mo, dahil inaagawan mo ng laruan ang bunso ninyong
kapatid.
3. Agad mong sinuntok ang iyong kalaro sa basketbol nang matalo kayo sa laro.
4. Hindi sinasadyang napatid ka ng iyong kaklase at ikaw ay nadapa, kaya nang
makatayo ka ay agad mo siyang pinagsabihan ng mga masasakit na salita. Nakita at
narinig ng iyong guro ang lahat ng nangyari.
5. Pinagsabihan ka ng iyong guro dahil basta mo na lamang itinapon sa bintana ang
ginusot mong papel.
BALIKAN (Subukin 6-10):
Iguhit ang ang thumbs up 👍 kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtanggap sa sariling
pagkakamali at thumbs down 👎 naman kung hindi.

1. Madalas tayong nakagagawa ng pagkakamali sa ating


kapwa nang hindi natin sinasadya.
2. Mas gugustuhin ko pa na magbayad na lang ng pera sa
mga taong nasaktan ko o nagawan ko ng pagkakamali kaysa
humingi ng paumanhin.
3. Ang paghingi ng paumanhin ay para lamang sa mga taong
mahihina ang loob at hindi kayang ipagtanggol ang sarili.
BALIKAN (Subukin 6-10):
Iguhit ang ang thumbs up 👍 kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtanggap sa sariling
pagkakamali at thumbs down 👎 naman kung hindi.

4. Agad na humingi ng paumanhin si Divine sa


kanyang mga magulang ng makakuha siya ng
mababang marka at nangako na mag-aaral na siyang
mabuti.
5. Hindi ko na kailangan na humingi ng paumanhin sa
mga nakababata kong kapatid dahil mas matanda ako
sa kanila.
TUKLASIN
Tingnan at pag-aralan ang mga larawan.
:
SURIIN:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ibigay ang pagkakaiba ng dalawang larawan.


2. Bilang isang mabuting bata, alin sa mga larawang
iyon ang nararapat mong gayahin o tularan?
3. Ano ang kahalagahan ng pagtanggap ng sariling
pagkakamali?
PANGKATANG GAWAIN:
Ipakita sa klase sa pamamagitan ng dula-dulaan.

1. Nakabasag ng pinggan si Karla ng hindi niya sinasadya. Bilang


isang mabuting bata, ano ang mainam niyang gawin?
2. Si Justine ay madalas na napupuna at napapagalitan ng kaniyang
mga magulang dahil sa pagpupuyat sa paglalaro ng mobile games.
Bilang isang mabuting bata, ano ang mainam niyang gawin?
3. Si Michiko ay madalas nagbibiro o gamit ang masasakit na salita o
pahayag. Hindi niya isinaalang-alang ang damdamin ng taong bibiruin.
Bilang isang mabuting bata, ano ang mainam niyang gawin?
ISAISIP:
Ang mga pagpapahalaga (values) ng
pagiging mahinahon at mapagpakumbaba ay
mga positibong katangiang taglay nating mga
Pilipino. Ika nga, ito ay Ugaling Pinoy. Nawa
ay patuloy mo itong pagyabungin at
pagyamanin.
TAYAHIN (6-10):
Iguhit ang masayang mukha 🙂 kung tama ang mga salitang ginamit sa
pagtanggap ng puna at malungkot na mukha 🙁 naman kung hindi.

____ 1. Huwag mo na akong pagsasabihan kasi alam


ko na iyan.
____ 2. Mabuti na lang friend nakita mo ang mali ko.
Salamat ha.
____ 3. Ito ang masusunod kasi ito ang gusto ko. Wala
akong pakialam sa inyo.
TAYAHIN (6-10):
Iguhit ang masayang mukha 🙂 kung tama ang mga salitang ginamit sa
pagtanggap ng puna at malungkot na mukha 🙁 naman kung hindi.

____ 4. Hindi ko kailangan ang puna ninyo kasi


alam kong magaling ako.
____ 5. Salamat po Nay. Alam ko naman na ang
puna ninyo ay para sa kabutihan ko.
KARAGDAGANG
GAWAIN:
Gumawa ng isang Sorry Card na nagpapakita ng
pagtanggap ng sariling pagkakamali at pagtutuwid ng bukal
sa loob, pagtanggap ng puna ng kapwa nang maluwag sa
kalooban o pagpili ng mga salitang di-nakakasakit ng
damdamin sa pagbibiro. Ang Sorry Card ay maaaring para
sa iyong mga magulang, kapatid o kaibigan na iyong
nasaktan.
Thank you!

You might also like