You are on page 1of 34

EsP Aralin 7 (days 1-5)

by: rachellejanevillanueva
Aralin 7
Aking Tutularan: Pagiging
Mapagpasensiya
DAY 1
Basahin at Unawain ang Kwento

Si Rolando ay isang masigasig at


masipag na bata. Ang kanyang ama
ay isang tricycle driver
samantalang ang kanyang ina ay
nasa bahay lamang. Hindi sapat
ang kita ng kaniyang ama para sa
kanilang pang-araw-araw na
pangangailangan.
Si Rolando ay panganay sa apat
na magkakapatid kaya naisip niyang
tulungan sa paghahanapbuhay ang
kanyang ama para may makain sila
sa araw-araw.
Hindi na siya nakapagpatuloy ng
pag-aaral sa sekondarya. Nagtinda
siya ng kendi, tubig at kung anu-ano
pa. Kapag ubos na ang kaniyang
paninda, nagsa-shine naman siya ng
sapatos
Gustung-gusto sana niyang
makatapos ng pag-aaral ngunit
nakiusap ang kaniyang ama at sinabi,
“Magpasensiya ka na, anak. Unahin na
muna natin ang pag-aaral ng dalawa
mong kapatid. Kapag may naipon na
tayong sapat na pera saka mo na
ipagpatuloy ang iyong pag-aaral.
Sumagot si Rolando, “Huwag po
kayong mag-alala Ama, naiintindihan
ko po. Alam ko na may awa rin ang
Diyos sa ating pamilya.”
Pinagpasiyahan ni Rolando na ipagpatuloy ang
pagtatrabaho at pagtulong sa pamilya. Hindi siya
gumagastos kung hindi kailangan.

Unti-unti siyang nakaipon


dahil sa kaniyang pagtitipid.
Nagtiis siya sa lahat ng
pagkakataon hanggang sa
siya ay makaipon.
Minsan, may nakapagsabi sa kanya na may
programa ang Department of Education (DepEd)
na Distance Learning. Sa programang ito,
makapag-aaral ang isang bata
kahit hindi pormal na pumapasok
sa paaralan. Agad siyang
nagpalista rito at nagsimula
siyang makapag-aral sa
sekondarya.
Hindi naglaon ay
nakatapos din siya ng pag-
aaral. Tuwang-tuwa ang
kaniyang mga magulang sa
ipinakita niyang pagtitiis,
tiyaga, at pagsisikap para
makatapos ng pag-aaral.
Sinabi niya sa kaniyang sarili,
“Magsisikap pa ako para
makapagtapos ng kolehiyo.”
Sagutin ang mga Tanong

1. Tukuyin ang mga katangiang ipinakita ni Rolando.


Kahanga-hanga ba ang kanyang ginawa? Patunayan.
2. Paano niya tinulungan ang kaniyang ama? Ikuwento
ito sa klase nang may paghanga sa ginawa ni
Rolando.
3. Masasabi mo bang mapagpasensiya ang batang si
Rolando? Basahin ang bahagi mula sa kwento na
nagpapakita ng kaniyang pagtitiis at pagpapasensiya.
Sagutin ang mga Tanong

4. Kung ikaw si Rolando, paano mo maipakikita ang


pagiging mapagpasensiya at maparaan?

5. Ipaliwanag: Kakambal ng pagiging mapagpasensiya


ang pagtitiis at pagtitiyaga.
DAY 2
Gawain 1

1. Magpangkat sa tatlo.
2. Bawat miyembro ng pangkat ay
humanay ng dala-dalawa.
Maghawak-kamay at pagdikitin
ang tig-isang paa.
3. Magtalaga ng isang mag-aaral na
magsisilbing poste ng bawat
pangkat.
Gawain 1

4. Mag-unahang lumakad at umikot


sa poste ang bawat pareha ng bawat
pangkat na magkadikit ang paa at
hindi magbibitiw ng kamay.

5. Ang huling pareha na makabalik


ay bubunot ng papel sa kahon at
sasagutin ang tanong.
Gawain 2

1. Gumawa ng isang maikling dula-dulaan tungkol sa


sitwasyong nakuha ng inyong pangkat.
2. Ang inyong Gawain ay susukatin gamit ang pamantayan.
3. Sa pagtatapos ng dula-dulaan, tukuyin kung anong
pagpapahalaga ang dapat taglayin ng isang mag-aaral
kung sakaling magkakaroon ng ganoong karanasan.
Pamantayan 3 2 1
Pagsusuring Ginawa Nasuri nang maayos Nasuri nang maayos Nasuri ang
ang sitwasyon at ang sitwasyon at sitwasyon at
naipakita ang tamang naipakita ang dapat naipakita ang dapat
paraan na dapat gawin. gawin.
gawin.
Pagpapahalaga Natukoy at Natukoy at Natukoy
naipaliwanag ang naipaliwanag ang pagpapahalaga na
tamang pagpapahalaga na ipinakita sa dula-
pagpapahalaga na ipinakita sa dula- dulaan
ipinakita sa dula- dulaan
dulaan
Kooperasyon Lahat ng miyembro 1 o 2 miyembro ng 3 o higit pang
ng pangkat ay nakiisa pangkat ay hindi miyembro ng
sa Gawain nakiisa sa gawain pangkat ay hindi
nakiisa sa gawain
DAY 3
Pagsulat ng Refection

1. Naipakita ko na ba ang pagpapasensiya?


2. Kung hindi, ano ang aking nararamdaman?
3. Kaya ko ba itong magawa sa ngayon?
4. Paano ko ito dapat isagawa?
Tandaan Natin

Pasensiya. Salitang palaging namumutawi sa bibig


ng mga Pilipino. Ang pagiging mapagpasensiya ay
isang mabuting pag-uugali. Kasama sa
pagpapasensiya ang pagtitiis at pagtitimpi.
Madaling makamtan ang ating mithiin at pangarap
sa buhay kung tayo ay marunong magpasensiya.
Tandaan Natin

Sa pag-uugaling ito, makikita natin ang


kahalagahan ng tamang panahon, tamang oras, at
tamang pagkakataon. Sinasabi ng matatanda na
ang mga taong walang pasensiya at palaging
nagmamadali ay kadalasang nagkakaroon ng
problema sa buhay.
Tandaan Natin

May mga taong nakilala dahil sa kanilang pagiging


mapagpasensiya. Sila ay umunlad sa napili nilang
larangan. Tulad ng bayaning si Andres Bonifacio na
naging mapagpasensiya. Dahil sa maagang
pagkamatay ng kanilang mga magulang ay nahinto
siya sa pag-aaral sa edad na labing-apat.
Tandaan Natin

Gumawa siya ng kahoy na baston at pamaypay na


papel na kaniyang itinitinda sa lansangan upang
maging pantustos sa pangangailangan nilang
magkakapatid. Kahit hindi siya nakapagtapos ng
pag-aaral ay sinikap pa rin niyang paghusayin ang
kaniyang kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa
ng mga aklat.
Tandaan Natin

Tulad ni Andres Bonifacio, marami pang ibang


tao na bago nila narating ang kanilang
kinalalagyang estado ngayon ay naging
mapagpasensiya sila sa mga nararanasang
paghihirap sa buhay.
DAY 4
Gawain: Gumawa ng Commitment Booklet

1. Hatiin ang dalawang bahagi ng tigkabilang


booklet tulad ng halimbawa sa ibaba.
Ako ay naging... Ang aking anak ay naging...
Mapagpasensiya Dahil sa… Mapagpasensiya Dahil sa…
sa……. sa…….
Gawain: Gumawa ng Commitment Booklet

2. Ang kaliwang bahagi ay sasagutan mo at ang nasa


kanang bahagi naman ay para sa iyong magulang.
Ako ay naging... Ang aking anak ay naging...
Mapagpasensiya Dahil sa… Mapagpasensiya Dahil sa…
sa……. sa…….
Gawain: Gumawa ng Commitment Booklet

3. Bawat hanay ay susulatan mo at ng iyong magulang ng


tiglilimang sitwasyon ayon sa hinihingi ng booklet.
Ako ay naging... Ang aking anak ay naging...
Mapagpasensiya Dahil sa… Mapagpasensiya Dahil sa…
sa……. sa…….
DAY 5
Lagyan ng tsek (  ) ang bilang na
nagsasaad ng pagiging mapagpasensiya at
ekis ( X ) kung hindi.

_____ 1. Matiyagang naghihintay ng pagkakataon.


Lagyan ng tsek (  ) ang bilang na
nagsasaad ng pagiging mapagpasensiya at
ekis ( X ) kung hindi.

_____ 2. Laging nagmamadali sa anumang gawain.


Lagyan ng tsek (  ) ang bilang na
nagsasaad ng pagiging mapagpasensiya at
ekis ( X ) kung hindi.

_____ 3. Patuloy na nakikinig sa guro kahit maingay


ang mga kaklase.
Lagyan ng tsek (  ) ang bilang na
nagsasaad ng pagiging mapagpasensiya at
ekis ( X ) kung hindi.

_____ 4. Hindi sumisingit sa pila sa pagbili ng pagkain


sa kantina.
Lagyan ng tsek (  ) ang bilang na
nagsasaad ng pagiging mapagpasensiya at
ekis ( X ) kung hindi.

_____ 5. Mahilig magreklamo kung inuutusan ng nanay


na tumulong sa mga gawaing bahay.
PAGBATI!

Ngayong natamo mo na ang kaalaman sa pagiging


mapagpasensiya, isagawa mo ito para lalo kang
pagpalain.
Sapagkat alam mo na ang pagpapahalagang ito ay
maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin.

You might also like