You are on page 1of 5

GAWAING PAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1

ENERO-Katatagan

Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. Natutukoy ang kahalagahan ng pag-unawa sa sa pagpapakilala


sa sariling kakayahan.
2. Naipakikita ang kakayahan na may tiwala sa sarili, gusto, hilig
gawin at talentong taglay. (EsP 1PKP-1a-b-1)
3. Napahahalagahan ang mga naipakitang kakayahan na may
katatagan ng loob sa pagtanggap ng mga puna upang mas
mapaunlad ang sarili.(EsP-1a-b-1)

Panimula

1. Kumustahan.

2. Pagpapahayag ng batayang layunin at pangkasanayang layunin ng

sesyon.
3. Pagbasa ng kuwento :

“Si Eriech at Dong”


Si Eriech ay isang batang masigla at mahusay. Si Dong ay mahusay
gumuhit at sumayaw. Masayahin si Eriech at Dong. Mahal sila ng
kanilang mga magulang.
4. Pagtalakay sa kuwento: Eriech at Dong

Itanong ang mga sumusunod:.


a. Ano-ano ang ang mga hilig gawin ni Eriech? Ni Dong?

b. Bakit mahal sila ng magulang?

c. Kaya ninyo rin ba na maging tulad nina Eriech at Dong?

Panlinang na Gawain

Pangkatang Gawain: Magpakitang Gilas


Panuto:
1. Hatiin sa apat na pangkat ang mga kalahok.

2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng kanya-kanyang gawain.

Unang Pangkat: Pagiging Matulungin


Ikalawang Pangkat: Pagiging Matapat
Ikatlong Pangkat : Pagiging Masunurin
Ikaapat na Pangkat: Pagiging Mapagmahal

3. Bawat grupo ay bubunot sa kahon ng isang natatanging gawain.

(pag-awit, pagtula, pagsayaw)


4. Magkakaroon ng oras sa pagpapakita ng mga natatanging gawain ang

bawat grupo.
5. Pag-usapan, gawin ito sa 20 minuto at 5 minuto naman para sa

presentasyon.

Pagsusuri

1. Ano ang inyong naramdaman habang ginagawa ninyo ang nakaatang na


gawain sa inyong pangkat?
2. Nasiyahan ba kayo sa inyong ginawa? Ipaliwanag ang inyong
naramdaman.
3. Ano ang inyong ginawa nang maramdaman ninyo ang kaba o takot bago
magsimula ang gawain?
4. Kung sakali na meron sa inyong nagbigay ng hindi magandang puna
tungkol sa ginawa mo, ano ang gagawin mo?
5. Sa inyong palagay, ano ang tamang gawin upang magkaroon ng
katatagan ng loob na tanggapin ang mga puna sa ating mga kahinaan?
6. Bukod sa ating mga magulang sino pa ang higit nating dapat
pasalamatan sa pagkakaroon natin ng mga natatanging kakayahan?

Paghahalaw

1. Ano-anong mga angking kakayahan ang ipinakita ng bawat pangkat?


2. Ano-anong damdamin ang kanilang naipakita matapos ang gawain?
3. Paano ninyo hinarap ang mga suliranin o balakid sa kanilang
pagpapakitang gilas sa pangkatang gawain?
4. Ipaliwanag ang inyong karanasan sa mga nasabing gawain.
5. Maaari ba natin na sabihing ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng
meron tayo sa ngayon lalo’t higit ang katatagan ng loob?

Paglalapat

Ipahayag ang kasabihan sa buwan ng Enero

“ KATATAGAN-Diyos ang ating gabay sa matatag na buhay”


Sa oras ng pangangailangan at suliranin tanging ang Diyos lamang ang
ating pinakamalakas na sandigan. Katatagan at pananampalataya sa Diyos
ang ating tanging kailangang linangin sa ating pang-araw araw na buhay.
Pampinid na Gawain

Gamit ang isang kard na hugis puso, isulat sa loob ng puso ang
katagang “Diyos ang aking gabay sa matatag na buhay, hindi ako
matatakot kahit ano man ang kahinatnan”

Sanggunian
ESP1 CG
Kagamitan ng Mag-aaral

Manunulat: JOVELYN N. DE RAMON-Guitol Elementary School


Sta. Elena District

Editor: ALAINE M. VILLAGRACIA -Cresencia B. Enverga Elementary School


Jose Panganiban West District

Tagasuri ng Nilalaman:
DARIO I. CABANELA, EdD -EPS II - Division of Camarines Norte
AMY B. DUMAIL-EPS-LRMS, Division of Camarines Norte

You might also like