You are on page 1of 6

SCHOOL NACIO-OLILA ELEMENTARY Grade 1

GRADE 1 to 12 SCHOOL Level


DAILY LESSON TEACHER John Paul A. Sanchez Quarter THIRD
PLAN SUBJECT ESP DATE
WEEK 5 DAY 1
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagiging
masunurin, pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan at kalinisan
sa loob ng tahanan at paaralan.

B. Batayang Pagpapahalaga Naisasabuhay ang pagiging masunusrin at magalang sa tahanan,


nakakasunod ng mga alituntunin ng paaralan at naisasagawa
nang may pagpapahalaga ang karapatang tinatamasa.

C. Pamantayang Pagganap Nakapagpapakita ng mga paraan upang makamtan at mapanatili


ang kaayusan at kapayapaan sa paaralan tulad ng: 15.1 Pagiging
Masaya sa tagumpay ng kamag-aral EsP1PPP-IIId-e-3

II. NILALAMAN Pagiging masaya sa tagumpay ng kamag-aral (Alamin)


III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning


Resource
5.Iba pang Kagamitang Panturo worksheets, , metacards para sa pangkatang gawain,
powerpoint, video ng :Nang Mainggit si Kikang Kalabaw"
IV. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG ESTUDYANTE
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng
bagong aralin

Paano ninyo maipakikita ang pagiging masaya sa (Sasagutin ang katanongan)


tagumpay ng inyong kapamilya?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Magpanood ng video: “Nang Mainggit si Kikang Kailangang mag tipid


Kalabaw”
B. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong
aralin
C.
Ano ang di kanais-nais na pag-uugali ang ipinakita ni
Kikang Kalabaw? Tama bang nainggit si Kikang
Kalabaw? Ano ang epekto ng inggit sa ugnayan nina
Kalabaw at ni Aso? Paano nangyayari ang ganitong
sitwasyon sa paaralan? Dapat bang mainggit sa inyong
kaklase? Bakit? Magkakaroon ba ng kapayapaan at (sasagutin ng mga bata ang mga katanongan)
kaayusan sa paaralan kung paiiralin ninyo ang pagiging
mainggitin

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan #1

Ngayong umaga ay may iparirinig ako sa inyong Mika, Lanie


kuwento tungkol sa magkaibigan.
( Bago basahin ang kuwento, tanungin ang mga bata
tungkol sa mga pamantayan sa pakikinig.)

Malakas na palakpakan ang narinig ni Mika habang


isinisigaw ang kaniyang pangalan ng mga mag-aaral sa
ibaba ng entablado kung saan siya nakatayo. Iyon kasi
ang araw ng patimpalak sa pag-awit sa kanilang
paaralan. ”Ang galinggaling mo Mika!” sigaw ng
kaniyang kaibigan na si Lanie. Kinakabahan siya habang
hinihintay ang paganunsiyo ng mga pangalan ng mga
nanalo sa paligsahan. “Lanie, kinakabahan talaga
ako.”sabi niya sa kaibigan. “Alam mo Mika, kahit di ka
manalo, panalo ka dito,” sabay turo sa tapat ng
kaniyang puso. “At ang nanalo ay si….. Mika Lopez ng
ikalawang baitang!! “Sigaw ni Ginoong Garcia, ang isa
sa mga hurado. Tuwang-tuwang nagyakapan ang
magkaibigang Mika at Lanie. Marami ang bumati sa
tagumpay ni Mika. “Ang galing-galing mo talaga Mika,”
sabi ng kaniyang mga kaklase at ng kaibigang si Lanie.
“Binabati kita Mika. Masayang-masaya talaga ako sa
iyong pagkakapanalo. Tiyak na marami ang gagaya
saiyo.”

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan #2
Pagsagot sa mga tanong. 1. Mika, Lanie
1. Sino ang mga bata sa kuwento? 2. patimpalak sa pag-awit
2. Ano ang idinaraos sa paaralan?
3. dahil nanalo si mika
3. Bakit nagpapalakpakan ang mga magaaral?
4. Sino ang batang naging masaya sa pagkakapanalo ni 4. lanie
Mika? 5. pagsuporta sa kaibigan
5. Anong magandang pag-uugali ang ipinakita ni Lanie? 6. opo
6. Kung ikaw si Lanie, magiging masaya ka rin ba para
kay Mika?

F. Paglinang ng Kabihasaan (Tungo sa Formative


Assessment)

Lagyan ng tsek (√) ang mga larawan na nagpapakita ng


pagiging masaya sa tagumpay ng kaklase. 1.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

 Dapat ba tayong maging masaya sa tagumpay  Opo


ng ating kamag-aral?  Ito ay nakakatulong upang tayo ay magkasundo
 Paano nito mapananatili ang kaayusan at
kapayapaan sa ating paaralan?

Tandaan: Mas magiging masaya ang bawat isa kung ang


lahat ay nagkakaisa at masaya sa tagumpay ng kamag-
aral. Ang tagumpay ng isa ay tagumpay ng lahat. Dapat
hindi tayo makaramdam ng inggit sa ating mga kaklase
na nabibigyan ng pagkakataon ng guro na makasali sa
iba’t ibang uri ng patimpalak. Hintayin mo na mabigyan
ka ng pagkakataon na maipakita ang iyong galing.
Pagsikapan mo rin na magtagumpay.

H. Paglalahat ng Aralin

Natalo ka ng iyong kamag-aral sa paligsahan sa isahang


pag-awit. Dahil dito, hindi mo nakuha ang inaasam Malulungkot po pero ayus lang at babawe nalang po sa
mong premyo. Ano ang dapat mong maramdaman? sunod

I. Pagtataya ng Aralin

Iguhit ang masayang mukha 😊 kung ang pangungusap


ay nagpapakita ng pagiging masaya sa tagumpay ng

kamag-aral at malungkot na mukha ☹


kung hindi. 1. 😊

______1. Ginawa mong inspirasyon ang 2. ☹

3. ☹
pagkakapanalo ng iyong kamag-aral sa Quiz Bee.
______2. Inaaway mo ang iyong kaklase dahil natalo ka

4. ☹
nito sa patimpalak sa paggawa ng poster.
______3. Naiingit ka sa bago ninyong kamag-aral dahil
lagi itong isinasali ng inyong guro sa pagtatanghal.
______4. Ipinagkalat mo na nandaya ang kaklase mo 5. ☹
kaya nakuha nito ang pinakamataas na iskor sa
pagsusulit.
______5. Binigyan mo ng kard ng pagbati ang iyong
kamag-aral dahil sa galing na ipinamalas nito sa
pagsayaw.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at


remediation

Takdang-Aralin:

Gumuhit ng larawan sa iyong papel na nag papakita na


siya ay masaya para sa nakamit ng isang tao o ng iyong
kaibigan.

V. REMARKS
VI. REFLECTION

A. Bilang ng nakakuha ng 80% sa pagtataya


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng aralin

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa


remediation.
E. Alin sa mga stratehiyang pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyoan


sa tulong ng aking punongguro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho ang


nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni : Checked and


Observed:

John Paul A. Sanchez Observer


PST-STUDENTS

Ngayong umaga ay may iparirinig ako sa inyong kuwento tungkol sa magkaibigan.


( Bago basahin ang kuwento, tanungin ang mga bata tungkol sa mga pamantayan sa pakikinig.)
Malakas na palakpakan ang narinig ni Mika habang isinisigaw ang kaniyang pangalan ng mga mag-aaral
sa ibaba ng entablado kung saan siya nakatayo. Iyon kasi ang araw ng patimpalak sa pag-awit sa kanilang
paaralan. ”Ang galinggaling mo Mika!” sigaw ng kaniyang kaibigan na si Lanie. Kinakabahan siya habang
hinihintay ang paganunsiyo ng mga pangalan ng mga nanalo sa paligsahan. “Lanie, kinakabahan talaga
ako.”sabi niya sa kaibigan. “Alam mo Mika, kahit di ka manalo, panalo ka dito,” sabay turo sa tapat ng
kaniyang puso. “At ang nanalo ay si….. Mika Lopez ng ikalawang baitang!! “Sigaw ni Ginoong Garcia, ang
isa sa mga hurado. Tuwang-tuwang nagyakapan ang magkaibigang Mika at Lanie. Marami ang bumati sa
tagumpay ni Mika. “Ang galing-galing mo talaga Mika,” sabi ng kaniyang mga kaklase at ng kaibigang si
Lanie. “Binabati kita Mika. Masayang-masaya talaga ako sa iyong pagkakapanalo. Tiyak na marami ang
gagaya saiyo.”

You might also like