You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5

Ni: Lady Jane B. Cainong

I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nakikilala ang uri ng pangungusap ayon sa gamit
B. Nakapagbibigay ng kahalagahan ng uri ng pangungusap sa buhay ng tao
C. Nakabubuo ng pangungusap sa bawat uri ng pangungusap ayon sa gamit
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit
B. Sanggunian: CG: F5WG-IVa-13.1 LM:
C. Kagamitan: tsart, Manila Paper, Kartolina, Mga larawan, Tarpapel
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
 Sino ang gusto mangulo sa panalangin?
b. Pagbati
 Magandang Umaga muli mga bata!
c. Pagsasaayos ng mga upuan.
 Bago tayo magsimula ay ayusin muna ang mga upuan at kung
tapos na kayo maari na kayong umupo.
d. Pagsasanay
 Ngayon, bago tayo magsimula sa ating aralin, gawin muna natin
ang isang masayang Gawain. Ito ay pinamagatang “
PAGTAMBALIN NATIN”
Gawain: PAGTAMBALIN NATIN
Panuto: Pagtambalin ang sanhi sa Hanay A at bunga sa Hanay B upang mabuo ang
pangungusap.

A B
1. Nagtapon si Katya ng basura sa gilid ng kanilang A. kaya na-overdose siya at
silid-aralan namatay
2. Nag-aral ng mabuti si Ana B. kaya napagalitan siya ng
kanyang guro
3. Hindi kumakain si Jacky. C. dahil sa kanyang mga
problema
4. Nilagok niya nang sabay-sabay ang limang gamut D. kaya nakapasa siya sa
niya pagsusulit
E. kaya tumakbo siya ng mabilis.

e. Balik Aral
 Magaling, Ngayon, maari niyo bang ibahagi kung ano ang hulung leksyon ninyo
sa Filipino?
 Magaling! Ang inyong huling aralin sa Filipino ay ang sanhi at bunga
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
 Mayroon akong inihandang mga pangungusap na inyong babasahin.
MGA PANGUNGUSAP
1. Wow! Ang sarap at ang sustansya ng gulay at prutas!
2. Kumain ka rin ng gulay at prutas araw-araw.
3. Bakit kailangan kumain ng gulay at prutas araw-araw?
4. Ang gulay at prutas ay mainam sa ating katawan.
 Ano-ano ang inyong mga napansin sa mga pangungusap na inyong binasa?
 Magaling! Ang mga pangungusap ay nagkakaiba sa bawat dulo nito.
A1. Presentasyon (Activity)
PANGKATANG GAWAIN GAWING MASIYAHIN
Panuto: Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng apat
na uri ng pangungusap ang patanong, pasalaysay, pautos at padamdam. Itaas ang
tamang sagot sa pangungusap na ipapakita ng guro.
1. Si Ana ay nag-aaral ng mabuti. pasalaysay
2. Mahusay! Matataas ang mga nakuha mong mga marka sa pagsusulit!
padamdam
3. Bakit mahalaga ang mag-aral ng mabuti? patanong
4. Mag-aral ka para sa iyong kinabukasan. pautos
5. Masaya si Jose sa resulta ng kanyang pagsusulit. pasalaysay
 Bago tayo magsimula ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng
pangkatang gawain?
1. Mag-ingat sa inyong pangkatang gawain
2. Magsaya at makipagtulungan sa inyong grupo.
3. Makinig sa opinyon ng bawat miyembro ng inyong grupo
4. Panatilihing malinis ang kapaligiran
 Ngayon, alamin natin kung ano ang kaugnayan ng inyong pangkatang gawain sa
atin aralin ngayon
A2. Pagtatasa (Analysis)
 Ano ang inyong mga napansin sa ating ginawang pagkatang gawain?
 Ano –ano ang inyong mga nalalaman tungkol sa mga uri ng pangungusap?
 Bakit ang inyong sagot sa unang pangungusap ay pasalaysay? Bakit hindi ito
patanong?
 Bakit ang sagot ninyo sa pangalawang pangungusap ay padamdam at hindi
pautos?
A3. Pagtatalakay (Discussion)
 Tama ang inyong mga sagot. Ang ating aralin ay tungkol sa uri ng
pangungusap ayon sa gamit. Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na
buo ang diwa. Mayroong apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit.
 Ito ay ang? Paturol o pasalaylay, patanong, pautos o pakiusap at padamdam.
 Ang inyong sagot sa unang pangungusap ay pasalaysay o paturol dahil ang
pasalaysay ay pangungusap na nagkukuwento o nagsasalaysay. Ito ay nagtatapos sa
tuldok(.)
Halimbawa na lang ay ang unang pangungusap sa inyong pangkatang gawain na
 Si Ana ay nag-aaral ng mabuti
 Masaya si Jose sa resulta ng kanyang pagsusulit

 Ang inyong sagot sa unang pangungusa ay pasalaysay at hindi patanong dahil ang
patanong ay pangungusap na nagsiyasat o naghahanap ng sagot at nagtatapos sa
tandang pananong(?).

Halimbawa na lang ay ang pangatlong pangungusap sa inyong pangkatang gawain

 Bakit mahalaga ang mag-aral ng mabuti?

 Ang inyong sagot naman sa pangalawang pangungusap ay ang padamdam at hindi


pautos dahil ang padamdam ay pangungusap na nagsasaad ng matinding emosyon.
Ito ay nagtatapos sa tandang padamdam (!).
Halimbawa na lamang ay ang pangalawang pangungusap sa inyong pangkatang gawain
na
 Mahusay! Matataas ang mga nakuha mong mga marka sa pagsusulit!

 Ang inyong sagot sa pangalawang pangungusap ay hindi pautos dahil ang pautos/
pakiusap ay pangungusap na nag-uutos. Ito ay nagtatapos sa tuldok. Ang pakiusap ay
pinangungunahan ng paki.

Halimbawa na lamang ay ang pang-apat na pangungusap sa inyong pangkatang gawain


na
 Mag-aral ka para sa iyong kinabukasan

TANDAAN:
 Mahalaga ang uri ng pangungusap dahil mas naiintindihan natin ang
 Nakatutulong ang pag-alam sa mga salitang magkaugnay sa pangungusap o
talataan upang mas madaling maintindihan ang binabasa o pinapakinggan.

Paglalahat
 Ano-ano ang inyong mga natutunan sa ating leksyon ngayon?
 Ano-ano nga ulit ang mga uri ng pangungusap?
 Sino ang gustong magbigay ng halimbawa ng pasalaysay na pangungusap?
 Sino ang gustong magbigay ng halimbawa ng patanong na pangungusap?
 Sino ang gustong magbigay ng halimbawa ng pautos o pakiusap na pangungusap?
 Sino ang gustong magbigay ng halimbawa ng padamdam na pangungusap?
 Ano ang kahalagahan ng uri ng pangungusap sa ating buhay?

 Tama ang inyong mga sagot bigyan ninyo ang inyong mga sarili ng isang malaking
palakpak
 Ngayon handa na ba kayo sa isang masayang gawain?

A4. Paglalapat
 Mabuti dahil meron akong inihandang gawain para sa inyo, ang tawag dito ay "
"PANGKATANG GAWAIN: TAMA o MALI . Atin munang basahin ang
panuto
"PANGKATANG GAWAIN: TAMA o MALI
Panuto: Bumuo ng tatlong pangkat. Itaas ang T, A, M, A kung tama ang uri ng
pangungusap na binggit at M, A, L, I kung mali.
IV. Pagtataya
GAWAIN: KAYANG- KAYA KO ITO!

V. Takdang Aralin:
Gawin at sagutin ang module sa ika-apat na markahan- pangalawang lingo.

You might also like