You are on page 1of 25

ANTAS NG PAGGAMIT NG MGA GURO SA MOTHER TONGUE BILANG

PANTURO AT EPEKTO NG MOTHER TONGUE BASED-MULTILINGUAL

EDUCATION SA MGA MAG-AARAL NA NASA BAITANG IKA-3 NG PAARALANG

COR JESU COLLEGE

Ipinasa kay:

Gng. Christine Panon

Ipinasa nila:

Cainong, Lady Jane B.

Embalsado, Marianne Aubrey B.

Sarona, Marvi Ann

Reponte, Bhon Rhieno


(Marso, 2019)

KABANATA 1

PANIMULA

Ang Mother Tongue-Based Multilingual (MTB-MLE) ay ang pangunahing

programa ng pamahalaan para sa sector ng edukasyon bilang isang kapansin-pansing

bahagi ng pagsasakatuparan ng K to 12 Basic Education Program. Ang kahalagahan

nito ay nabigyang diin sa pamamagitan ng pagpasa ng Republic Act 10523, na kilala

bilang ang "Enhanced Basic Education Act of 2013". Ang MTB-MLE ay isang pag-

aaral, pormal o di pormal, kung saan ang katutubong wika at iba pang wika ng mag-

aaral ay ginagamit sa loob ng silid-aralan. Sinisimulan ng mga mag-aaral ang

kanilang pag-aaral sa wikang lubos nilang naiintindihan o nauunawaan ang kanilang

katutubong wika o mother tongue at magtatag ng isang matibay na pundasyon sa

kanilang katutubong wika bago dagdagan ng iba pang wika. Ang grupo ng mga mag-

aaral ng Cor Jesu College ay nagsagawa ng pananaliksik upang malaman ang

katayuan ng pagpapatupad ng programang ito. Kinapanayam ng pangkat ang mga

estudyante na nasa baitang ika-3 sa paaralan ng Cor Jesu College sa siyudad ng

Digos. Siniyasat ng mga magnanaliksik ang mga midyum na ginagamit panturo ng

MTB-MLE at ang mga epektong dulot nito sa mga mag-aaral. Binanggit ni Gleason

(Baluca et, al, 2006) na ang baryasyon ng wika ay isang katotohanan sa lipunan na

nakabukod sa mga tradisyon ng mga tao at sa mga salik panlipunan na nakikilala sa

iba’t-bang grupong sosyal, kultural at etniko. Sa kabilang banda ayon sa libro na


pinamagatang “MOTHER TONGUE: for TEACHING and LEARNING” , ang unang

wika na pinag-aaralan ng mga bata ay magbibigay ng isang matatag na pundasyong

pang-edukasyon. Sa pamamagitan rin ng pagtuturo gamit ang Mother Tongue, ang

mga guro ay madaling mag-scaffold sa pag-aaral ng mga bata at ang mga mag-aaral

ay mas makikilahok, may tiwala at may mas mataas na pagpapahalaga sa sarili.

Kung ang mga mag-aaral ay may mga pangunahing kaalaman sa karunungang bumasa't

sumulat sa L1 at mga kasanayan sa pakikipag-usap sa L2, maaari nilang simulan ang pagbabasa

at pagsulat sa L2, na mahusay na inililipat ang mga kasanayan sa pagbasa na nakuha nila sa

pamilyar na wika. Ang mga pedagogical na prinsipyo sa likod ng positibong paglipat ng mga

kasanayang ito ay ang teorya ng pagtutulungan ng Cummins ' (1991, 1999) at ang konsepto ng

pangkaraniwang kaalaman, na kung saan ang kaalaman sa wika, karunungang bumasa't sumulat

at konsepto na natutunan sa L1 ay maaaring ma-access at magamit sa ikalawang wika nang isang

beses Ang oral na kasanayan sa L2 ay binuo, at walang muling pag-aaral ang kinakailangan.

Pare-pareho sa mga prinsipyo na ito, posible para sa mga bata na nag-aaral lamang sa L2 upang

ilipat ang kanilang kaalaman at kakayahan sa L1, ngunit ang proseso ay lubos na hindi mabisa

pati na rin ang hindi kinakailangan na mahirap.

Ang mga hamon ng bawat tagapagturo para sa bagong kurikulum na ipinatupad ng

Kagawaran ng Edukasyon ay nagbibigay ng mga benepisyo sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Nagbibigay ito ng mga pangmatagalang benepisyo tulad ng mas mataas na pagpapahalaga sa

sarili, higit na kumpiyansa at mataas na hangarin para sa pag-aaral at buhay (UNESCO, 2006).

Ang paggamit ng Mother Tongue sa silid-aralan ay makakatulong sa mga mag-aaral upang

maipahayag nila ang kanilang sarili, mag-ambag sa mga talakayan at bumuo ng kanilang mga

pag-iisip habang ang mga pag-uusap ay isinasagawa sa isang pamilyar na wika. Sa kabilang
banda ang pagtuturo sa pamamagitan ng isang wika na hindi naman ginagamit sa pag uusap ay

tinatawag na ”submersion” (Skutnabb-Kangas 2000). Ang Mother Tongue ay mahalagang

pundasyon para sa lahat ng pag-aaral at sa gayon, mahalaga na ang lahat ng mga bata ay

gumamit ng kanilang sariling wika kapag pumasok sila sa paaralan sa unang pagkakataon.

Teoretikal na Balangkas

Ayon kay Noam Chomsky sa kanyang teaoryang innateness theory na ang wika ay likas.

Isinulat niya ang kanyang sikat na aklat na pinamagatang "Language and Mind " noong 1972,

kung saan ipinanukala niya ang kanyang mga bantog na mga teorya sa pagkuha ng wika. Sa aklat

na ito, isinulat ni Chomsky, “When we study human language, we are approaching what some

might call the ‘human essence,’ the distinctive qualities of mind that are, so far as we know,

unique to man.". Ibig sabihin ang mga teorya ni Noam Chomsky sa wika ay batay sa

kahalagahan ng lingguwistika sa mga makabagong agham. Ayon sa kanya, upang pag-aralan ang

mga wika, mahalagang pag-aralan ang kalikasan ng tao na nasa isip ng tao. Dagdag pa ni

Stephen Krashen sa teoryang noong 1983 na language acquisition,”Ang natural process

phenomenon na may elementong subconscious ay mas epektibo at mas nauunawaan ng mga bata

kompara sa itinuturo sa kanila dahil malay na sila rito.”

Ayon din sa teoryang Social Learning Theory ni Albert Bandura, ang isang indibidwal

ay nagagaya ang asal ng iba kapay mayroon siyang pinagbabatayan o ang tinatawag na model

(Bandura & Ross, 1961). Sinasabing sa teoryang ito mayroon itong pinagbabatayan katulad

nalang ng mga nakapaligid sa atin, pinagbabatayan natin sila sa kanilang kilos o salita . Katulad

na din iyan sa wika may pinagbabatayan tayo halimbawa na ito ay; sa ating mga magulang, mga
guro dito nalalaman natin ang unang lenggwahe o ang Mother Tongue ginagamit natin ang unang

lenggwahe paras mas matagumpay ito sa susunod na wika (L2) (Nila, 2014).

Ito ang napili naming teorya sapagkat binibigyan nila ng kahalagahan at malalim na pag

unawa kung ano ang wika . Ito rin ang aming napili sapagkat ito’y konektado sa ginawa naming

paksa upang makuha ang saloobin ng bawat isa sa pag aaral ng Mother Tongue nang sa gayon

ay magkaroon ng iisang konklusyon.


Konseptwal na Balangkas

Pigura 1.

Ang paggamit ng mother tongue sa ilalim ng programang MTB-MLE

Ang pangunahing
lenggwahe odayalekto ang
gagamitin na midyum sa
pagtuturo simula
Upang Kindergarten hanggang
Upang
mapaunlad ang ikatlong baitang.
magkaroon
language ngsariling pag-
Sa pamamagitan nang
deficiency paggamit ng programang unawa saating
Sa ating bansa. MTB-MLE mula kultura.
Kindergarten hanggang
ikatlong baitang sa
Elementarya
Ang pagpapatupad
ng programang K-
12 sa Pilipinas

Upang mahasa ang mga


mag-aaral sa ating sariling
kultura at lenggwahe.
Ang pigura ay nagpapakita ng paggamit ng mother tongue nang maipatupad ang MTB-MLE

sailalim ng programang K-12 sa una hanggang ikatlong baitang. Ang tatlong kahong nakapaligid

ay ang mga pangunahing layunin kung bakit itinupad ng gobyerno ang MTB-MLE. Aalamin ng

mga mananaliksik kung nakakamit ba ng gobyerno ang mga layuning nakasaad sa pamamagitan

ng ng pag-alam sa mga antas ng paggamit ng Mother Tongue sa pagtuturo at epekto ng paggamit

ng mother tongue bilang midyum ng pagtuturo sa ikatlong baitang sa paaralan ng Cor Jesu

College.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na matugunan ang mga problema na may kaugnayan

kung epektibo ba ang paggamit ng Mother Tongue sa pagtuturo sa paaralan. Ang mga problema

na nangangailangan ng kaukulang pansin ay ang mga sumusunod:

1. Ano ang level ng paggamit ng guro sa Mother Tongue sa mga mag-aaral sa baiting ika-3

2. Ano ang mga kagamitan sa pagtuturo sa Mother Tongue?

3. Ano ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa baiting ika-3?

Kahalagahan nang Pag-aaral

Kahalagahan ng pag-aaral na ito ay magiging mahalaga sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral: Nakatutulong ito sa mga mag-aaral na madagdagan ang kanilang

nalalaman at kaalaman kung bakit kailangan ang paggamit ng Mother Tongue sa pagtuturo sa

paaralan. Malilinawan din ang kanilang kaisipan kung paano magiging madali ang mabisang

pagkatuto sa mga mahihirap na asignatura.


Sa mga guro: Magsisilbing gabay ang pag-aaral na ito sa paraan ng kanilang pagtuturo at

mabatid nila ang saloobin ng kanilang mga estudyante sa mga ginagamit nilang paraan ng

pagtuturo ng kanilang aralin

Sa Department of Education: Ang pananaliksik na ito ay makakatulong para isaalang-

alang ang mga epekto ng MTB-MLE sa mga mag-aaral ng baiting ika-3. Ang DepEd ay

maaaring gamitin ang pag-aaral bilang isang instrumento upang isaalang-alang ang

pagpapalaganap ng mga materyales na gagamitin sa paaralan sapagkat ito ay magpapakita ng

mga positibo at negatibong epekto ng MTB-MLE tungo sa pag-aaral.

Sa Mga Mananaliksik Sa Hinaharap: Ang resulta ng pananaliksik na ito ay

magsisilbing gabay sa mga susunod pang mga paaralan na dadaan din sa ganitong proseso. Ito ay

magsisilbing batayan para sa mas masusing pag-aaral sa hinaharap.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay maisasagawa sa pamamagitang ng survey na kung saan pipili

ang mga mananaliksik ng mga mag-aaral na nasa baiting ika-3 sa Cor Jesu College, Digos City,

Davao del Sur. Sila ay dapat may edad na 8-9 taong gulang. Bukod pa dito hindi kasali ang mga

mag-aaral na hindi kabilang sa baiting ika-3.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Para sa maliwanag na pagkakaunawa sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na salita ay

bigyang kahulugan

CHED (Comission on Higher Education) ay isang sangay ng gobyerno na nasa

pamamahala ng DepEd na may awtoridad sa kolehiyo at unibersidad sa bansa.


DepEd (Department of Education) ay isang departamento ng gobyerno na namamahala

sa larangan ng edukasyon at mga may kaugnay rito.

MTB-MLE – (Mother Tongue Based – Multilinggual Education) o paggamit ng

unang wikang natutunan ng mga mag-aaral sa larangan ng pagtuturo-pagkatuto.

WIKA – Ginagamit sa proseso ng komunikasyon ng dalawa o higit pang tao na nag-

uusap.

KABANATA II

Mga kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE) ay isang pormal o di-

pormal na edukasyon, kung saan ang unang wika ng mga bata ang ginagamit sa silid-

aralanbilang tulay sa pag-aaral ng Filipino at Ingles. Layunin nitong bumuo ng angkop na

nagbibigay-malay at kasanayan sa pagdadahilan sa iba’t ibang wika – simula sa unang wika

hanggang sa Ingles.

Mas mataas ang pagganap at pagkatuto ng mga mag-aaral kung gagamitin ang kanilang

unang wika (Walter at Dekker, 2008), tinutukoy rito ang kahalagahan ng wikang katutubo sa

matagumpay na pagtatamong kaalaman ng mga mag-aaral. Sa paggamit ng Mother Tongue at

pagkatuto ng isang mag-aaral, dahil nauunawaan na niyang mabuti ang wikang ginagamit bilang

midyum ng pagtuturo, maiisip na magiging madali sa kanila ang paggamit ng mataas na lebel ng

kasanayang pangkaisipan sa mga gawaing pasalia at pasulat. Nakapag-iisip siya ng malalim sa

wikang kaniyang nauunawaan at higit siyang nakapagsusuri at nakapagpapahayag (Rene,2015).


Ang Kautusan ng Departamento ng Edukasyon Bilang 74, Serye 2009: Isang Pagsusuri sa

Katatagan ng Programang Edukasyon sa Unang Wika (MLE) ng Pilipinas.

Ang sanaysay na ito ay sumusuri sa katatagan ng Ordinansa ng Departamento ng

Edukasyon Bilang 74, Serye 2009, na may pamagat na Institutionalizing Mother Tongue-Based

Multilingual Education (MLE), sa pamamagitan ng limang paraan. Una, hinihimay nito ang

estruktura at nilalaman ng nasabing ordinansa. Ikalawa, tinitingnan nito ang nasabing ordinansa

sa konteksto ng kasaysayan ng pagpaplano ng wika sa Filipinas. Ikatlo, sinusukat nito ang

pedagohiya ng ordinansa gamit bilang lente ang kasalukuyang antas ng kaalaman tungkol sa

MLE. Ikaapat, pinag-aaralan nito ang politikal na implikasyon ng ordinansa gamit ang mga

konsepto ng nasyonalismo, pagsasabansa, at multikulturalismo. Ikalima, pinag-aaralan nito ang

ekonomikal na implikasyon ng ordinansa gamit ang mga paksang pangmatagalan (long term) at

panandaliang (short term) ekonomikal na implikasyon. Bilang kongklusyon, tinitimbang nito ang

kabuuang halaga at katatagan ng ordinansang ito.

Positibo at Negatibong Epekto sa Mother Tongue

Isa sa mga positibong epekto ng MTB-MLE ay ang pagiging globally competitive ng

mga mamamayan. Higit ring matututo ang mag-aaral kung silay magiging mahusay sa paghasa

ng kanilang sariling wika. Nakakabuti rin ito para mapreserba ang Philippine Cultural Center ng

bansa. Ayon kay dating Pres. Benigno Aquino “We should become tri-lingual as a country.

Learn English well and connect to the world. Learn Filipino well and connect to our country.

Retain your dialect and connect to your heritage”May mga negatibong epekto rin ito lalong-lalo
na sa mga kabataan na kasali sa sistemang ito. Kapag ang inang wika (mother tongue) na

itinalaga sa isang lugar ay mali o hindi tugma sa mismong wika na isinasalita mas mahihirapang

matuto at maintindihan hindi lang ng mga bata kung hindi pati narin ng mga guro ang mga paksa

na tinatalakay.May mga ibang bata rin na imbes mas mapadali ang pagtuturo ng iba’t ibang

asignatura ay mas nawawala pa ang gana dahil hindi ito ang kanilang nakasanayang “mother

tongue”(Dela cruz, 2012).

Mother Tongue sa Primaryang Edukasyon

Inilalahad sa artikulong ito ang kawing-diwang anti-kolonyal sa pagsasaling pambata.

Tampok dito ang mga halimbawang tunguhin ng pagsasaling pambatang Filipino na pinamunuan

ng mga muling pagsasalaysay at saling pambata ni Jose Rizal. Isinisiwalat ng papel ang

makasaysayang pagtuon ng mga akdang ito sa pagbibigay-halaga sa pagkabatang Pilipino na

kaugnay at kaakibat din ng mga hangarin ng bayani ukol sa pagkakamit ng pagkakapantay-

pantay sa mga Espanyol. Sa paglikha ng mga muling pagsasalaysay para sa batang Pilipino,

binalikwas ni Rizal ang kalakarang moralistiko at relihiyoso na namayani sa pananakop ng mga

Kastila. Sa pagpili ng pabula at ng paghahambing nito sa isa pang akdang Asyano, iginigiit ng

kanyang muling pagsasalaysay ang bisa ng kulturang popular bilang sisidlan at daluyan ng

kontra-gahum at subersibong sensibilidad para sa mga naaapi. Samantala, sa pagsasalin sa mga

akda ni Andersen sa Tagalog, nailatag ang mga prinsipyo sa pagpili ng teksto, mga katangian ng

isang mahusay na tagasalin at ang pagsusulit-wikang iniaambag nito sa ating wika. Sa gitna ng

lahat ng ito, ang mga inisyatiba ni Rizal ay naghawan ng landas upang magsimula ang panitikang

pambata bilang anyong may hangaring ikawing ang mga batang Pilipino sa pagkabatang lampas

at labas sa pagiging kiming tagasunod sa mga mananakop. Inilunsad ng mga akdang ito ang

panitikang pambatang nagpapahalaga sa katutubong panitikan at umuugnay sa mga


makabuluhang panitikan sa daigdig upang malinang ang pagkabatang may dignidad, malikhain

at mapanuri ( Fajilan, 2015).

Mother Tongue Hindi Tanggap Bilang Asignatura

Sa ilang sitwasyon ng wika, ang pangunahing pag-aaral sa wikang ina ay maaaring hindi

kanais-nais. Bilang ng mga kadahilanan ay maaaring makilos laban sa edukasyon sa wikang una

nahihirapan sa pagtukoy ng Mother Tongue. Ito ay lalong problema sa mga mag-aaral

maraming wika kung saan ang mga bata ay lumaki na may maraming mga wika at kahulugan ng

isang wika. Ang mga wika ng wika ay maaaring ituring na karaniwang pamantayan; at

panlipunan at etniko ang Mother Tongue ,wika ng edukasyon. Sa mga multilingual na kaayusan,

ang pagpapanatili ng panlipunang pagkakaisa ay maaaring higit na kahalagahan kaysa sa

pinagkaloob na edukasyon ng Mother Tongue. Ang mga pattern ng paggamit ng wika ay

nakaugnay sa antas ng panlipunan, ang edukasyon ng Mother Tongue ay maaaring higit na

lumubhang access sa mga istrukturang kapangyarihan ng mga kulang na karapatan sa grupo.

Ang mga ideolohikal na isyu ay maaaring malutas lamang sa konteksto ng partikular na

sitwasyong panlipunan at pampulitika. Walang pangkalahatang tuntunin na ang pangunahing

pag-aaral ay dapat nasa wika ng Mother Tongue (Mahboob & Cruz,2013).

Mother Tongue o Unang Wika Bilang Asignatura: Patunay na Pag-unlad ng

Wikang Filipino

Ang mga lokal na wikang ito ay gagamitin sa pagtuturo sa mga bata sa mga pampubliko

at pribadong paaralan sa ilalim ng programang K-12. May paniniwalang mas madaling matuto

ang mga batang mag-aaral kung ang kanilang Mother Tongue o unang wika ang wikang panturo

ng mga guro. Ang mga karagdagang wika ito ay ituturo rin bilang asignatura. Tinukoy ng DepEd
noong 2012 ang labindalawang wikang gagamitin sa pagtuturo. Ito ang Tagalog, Kapampangan,

Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Maranao at

Chavacano. Samantala, ngayong taon ay nakabilang ang pitong bagong asignatura ng Mother

Tongue sa mga katutubong wikang gagamitin sa loob ng paaralan: Ang Ybanag para sa

lalawigan ng Cagayan at Isabela at lungsod ng Tuguegarao; Ivatan para sa Batanes; Sambal para

sa Zambales; Akianon at Kinaray-a para sa lalawigan ng Aklan at Capiz. Yakan para sa

lalawigan ng Basilan; Surigaonon para sa mga lalawigan ng Surigao at Lungsod ng Surigao. Isa

sa mahalagang pagbabago sa Edukasyon sa Pilipinas ay ang midyum ng pagtuturong gagamitin

sa paaralan. Binigyang-halaga ang paggamit ng Mother Tongue o unang wika sa pagtuturo ng

mga asignatura lalo na sa pre-school at unang tatlong baitang ng elementarya. Nagpalabas ang

kagawaran ng Edukasyon ng Kautusan Blg. 74, Serye 2009 hinggil sa pagpapatupad ng Mother

Tongue Based Multilingual Education sa pagtuturo ng pre-school hanggang ikatlong baitang sa

Elementarya (Fortunato,2017).

Mother Tongue Bakit nga ba mahalaga?

Mga bata na pumapasok sa paaralan na may nalalaman Ang pundasyon sa kanilang

katutubong wika ay nagpapaunlad ng mas malakas na kakayahan sa pagsulat at pagbasa sa

paaralan. Kapag ang mga magulang at iba pang mga tagapag-alaga (halimbawa mga lolo't lola)

ay magagawang gastusin ang oras kasama ang kanilang mga anak at magsaysay ng mga kuwento

o talakayin ang mga isyu sa kanila, sa paraang iyon bubuo ng bokabularyo at konsepto ng

kanilang sariling wika, at ang mga bata ay pumapasok sa paaralan ng mahusay na pag- handa

upang matutunan ang wika ng paaralan at magtagumpay sa edukasyon. Mga bata kaalaman at

kasanayan sa paglipat ng mga wika mula sa wika ng ina natutunan sa tahanan sa wika ng

paaralan. Mula sa pananaw ng mga bata pag-unlad ng mga konsepto at mga kasanayan sa pag-
iisip, ang dalawang wika ay nagtutulungan. Ang paglipat sa iba ibang wika ay maaaring dalawa:

kapag ang Mother Tongue na sa paaralan (hal. sa isang bilingual na programa sa edukasyon),

ang mga konsepto, wika, at karunungang bumasa't sumulat Ang mga kasanayan na natututo ng

mga bata sa karamihan ng wika ay maaaring ilipat sa bahay wika. Sa madaling salita, ang

dalawang wika ay nagpapalaki sa bawat isa kapag ang edukasyon pinapayagan ng kapaligiran

ang mga bata na ma-access ng parehong wika (Cummins,2015).

Ang kahalagahan ng pag-aaral na nakabatay sa Mother Tongue bilang wika para sa

kalidad ng edukasyon

Habang maraming mga bagay na kasangkot sa paghahatid ng kalidad ng pangunahing

edukasyon, ang wika ay malinaw na ang susi sa komunikasyon at pag-unawa sa silid-aralan.

Maraming mga umuunlad na bansa ang nailalarawan sa pamamagitan ng indibidwal pati na sa

societal multilingualism, gayunpaman patuloy na pinahihintulutan ang isang wikang banyaga na

dumadating ng sektor ng edukasyon. Ang pagtuturo sa pamamagitan ng isang wika na hindi

nagsasalita ay tinatawag na "paglulubog" (Skutnabb-Kangas 2000) dahil ito ay kahalintulad sa

pagkakaroon ng mga mag-aaral sa ilalim ng tubig na hindi itinuturo sa kanila kung paano

lumangoy. Pinagsasama ng malulubhang problema tulad ng mababang antas ng pag-aaral ng

guro, hindi maganda ang dinisenyo, hindi naaangkop na kurikulum at kakulangan ng sapat na

pasilidad ng paaralan, ang paglulubog ay nagpapahirap sa pag-aaral at pagtuturo ng napakahirap,

lalo na kapag ang wikang pagtuturo ay din ng dayuhan sa guro (Benson, 2015).

Wikang kinagisnan

Ang paggamit ng Mother Tongue Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE) bilang

medium of instruction ay makatutulong sa mga mag-aaral na maintindihan ang mga itinuturo sa


kanila gamit ang kanilang kinagisnang wika.“Malaki ang magiging tulong ng paggamit ng

panrehiyong wika sa [pagtuturo sa mga] paaralan dahil mas maiintindihan at maisasapuso ng

mga mag-aaral ang kanilang mga natutunan,” ani Santos.Tampok sa bagong kurikulum ang

MTB-MLE, kung saan gagamitin muna sa pagtuturo ang wikang kinagisnan mula Kinder

hanggang ikatlong baitang. Sa ikaapat na baitang, inaahasang matibay na ang pundasyon ng mga

mag-aaral sa kanilang katutubong wika at maari nang turuan ng iba pang wika.Kabilang sa mga

wikang gagamitin sa pagtuturo ay ang wikang Bikolano, Cebuano, Chavacano, Hiligaynon,

Iloko, Kapampangan, Maranao, Maguindanaoan, Pangasinense, Tagalog, Tausug, at Waray

(Quirante,2018).

Mga Perpektiba sa MTB-MLE

Matagal nang umiiral ang MTB-MLE sa konteksto ng pagtuturo sa Pilipinas. Hindi na

ito bago sa mga Filipino kung hindi pagsasapormal lámang at pagsasabatas sa mga panimulang

gawain ng pagtuturo gamit ang unang Wika. Ito ang natural o likás na proseso ng pagtuturo ng

wika at ito ay isang linguistic phenomenon. Ayon sa teorya ni Stephen Krashen (1983) sa

language acquisition, ang natural na penomemong proceso na may elementong subconscious ay

mas epektibo at mas nauunawaan ng mga bata kompara sa itinuturo sa kanila dahil maláy na sila

rito. Kung ang guro ay gumagamit din ng Inang Wika, nagiging ganap ang pagkatuto ng mga

mag-aaral na maalam sa Inang Wika. Nawawala ang takot ng mga bata sa isang talakayan na

magbahagi dahil pamilyar sila sa lengguwahe o sa wikang ginagamit nila sa kanilang

pamayanan. Kaya sa huli, nagkakaroon ng isang kaaya-ayang talakayan at diskurso ang mga

mag-aaral dahil naisasadiwa nila ang paksa (Barcasio, 2015).


Ang Kinabukasan ng Mag-aaral: Isang Appreciative Inquiry sa Mother Tongue sa Silid-

aralan sa Wikang Pambansa sa Pilipinas.

Ang pag-aaral na ito ay nakasentro sa mga kasalukuyang kasanayan na matatagpuan sa

ilang mga nangungunang mga pampublikong paaralan na nakalista sa ilalim ng programang

Multilingual Education (MTB-MLE) na Pinagmulan ng Wika ng Wika (MTB-MLE) sa higit sa

limang taon pagkatapos ng pagpapatupad nito. Ginalugad sa pamamagitan ng mga narratives ng

mga tagapagturo ng Ilokano at Ibanag sa Isabela, sinusuri nito ang kanilang mga diskarte sa

pagtuturo, mga estratehiya sa silid-aralan, at mga materyales sa pagtuturo, bukod sa iba pa.

Gamit ang isang dalawang antas na inductive analysis method, ang mga tema na may kaugnayan

sa katutubong paraan ng pagtuturo at pag-aaral ay natukoy, upang lumikha ng isang potensyal na

modelo para sa iba pang mga wika ng pamana sa lugar, tulad ng Yogad. Ang kooperatibong pag-

aaral, pakikipagtulungan ng mga stakeholder, pati na rin ang mga kontekstualisado at naisalokal

na mga materyales na dominado ang talakayan. Ang mga implikasyon at rekomendasyon ay

ginawa, upang itaguyod ang patuloy na tagumpay ng patuloy na utos ng edukasyon sa bansa.

Mga keyword: pag-aaral ng wika sa ina, multilingualismo, katutubong edukasyon,

mapagpasalamat na pagtatanong (Quirante,2018).


KABANATA III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Inilahad ang kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit ng pag-aaral at paglalarawan

ng mga hakbang na isakatuparan sa pagsusuri at pagpapakahulugan. Matatagpuan dito ang

disenyo ng pananaliksik at ang pasgsusuri ng asignaturang Mother Tongue kung epektibo ba ito

sa mag-aaral na nasa baitang ika-6.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pananaliksik ay gumagamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik na

gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanungan o survey

questionnaire para makalikom ng mga datos . Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang

disenyong ito para sa paksang ito, sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa

maraming respondent.

Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng

disenyong ito nasa limang tagasagot na sumagot sa katanungan mga guro sa baiting ika-6. Kung

kaya lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik na nagbabagay ito sa pag-aaral kung saan

maari ring magsagawa ng pakikipagpanayam at obserbasyon upang makadagdag sa pagkalap ng

mga datos at impormasyon. Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng

mananaliksik na magiging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na

magiging epektibo sa pananaliksik (Tina, 2015).


Ang mga kalahok na mga respondente ay naayon sa propesyon ng mga guro, kung gaano

ba ka epektibo ang Mother Tongue bilang paggamit na instruksyon sa klasi at pipili lamang ng

sampung guro at sampung mag-aaral.

PAMAMARAAN NA SAMPLING

Upang makuha ng mga impormasyon ang mananaliksik ukol sa Epektibo ba ang Mother

Tongue sa baitang na 6, ginagamit ang simpleng random ng sampling kung saan ang pagpili ng

respondante ay malaya mula sa kinabibilangan na grupo.

Ang napiling respondante sa pagsusuring ito ay ang mga guro at mag-aaral na nasa

baitang ika-6. Nahahati ito sa dalawampung guro at dalawampung mag-aaral at malayang pumili

ang mananaliksik ng tagasagot na sasagot sa mga talatanungan sa kasalukuyang taon.

Talahanayan 1. Mga Respondente

Kabuuang bilang ng mga mag-aaral Kasarian ng mga Guro at mag-aaral


sa baitang ika-6
40 Babae Lalaki

20 20

INSTRUMENTONG NG PANANALIKSIK

Ang mananaliksik ay gumagamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang

pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pananaliksik. Ang

talatanungan ay nahahati sa tag-iisa: ang propayl at ang sarbey ukol sa paksang pinag-aaralan.

Ang sarbey ay nagbibigay ng iba’t ibang persepsyon sa mga mag-aaral na nasa baitang ika-3.
Kahulugan na Paglalarawan ng
Interpretasyon
Numerikal pandiwang

Ipinapahiwatig nito na
3 Lubos na Sumang-ayon ang mga respondent ay
nakakaranas ng
nakasaad na sitwasyon
sa lahat ng oras.
Ito ay nagpapahiwatig
na ang mga respondent
2 Sumsang-ayon ay nakararanas ng
nakasaad na sitwasyon
sa ilang sandali.
.
Ipinapahiwatig nito na
Hindi pa natatapos ang mga respondent ay
1 nakararanas ng
nakasaad na sitwasyon
sa isang karaniwang
lawak, at sa gayon ay Narito
may neutral na desisyon
tungkol dito. ang sipi

ng survey questionnaire upang lubos na maunawaan ang komposisyon ng mga talatanungan na

ginagamit.

Pangalan:______________________________Propesyon:_________Kasarian:_____Edad:___

1. Naiintindihan ba ng maayos ang leksyon ng guro kung Mother Tongue ang kanyang

gamit sa pagturo?

1. opo

2.Hindi
3.Ewan

1. Alin ang mas epektibong sa paraan ng pagtuturo?

3. Paggamit na Cebuano

2. Paggamit ng Filipino

1. Paggamit ng Ingles

2. Ano ang ang gamit ni teacher sa pagtuturo sa Mother Tongue?

3. Cebuano

2. Ingles

1. Filipino

3. Nakikinig k aba ng maayos kapag Mother Tongue o unang wika ang gamit na pangturo

ng iyong guroh?

3. Opo

2. Hindi po

1. Ewan

4. Mataas ba ang iyong grado sa Mother Tongue?

3. Opo

2. Hindi

1. Ewan

5. Marami ka bang natutunan sa iyong Mother Tongue na subjek?

3. Marami

2. Konti lang

1. Wala
PAMAMARAAN SA PAGKALAP NG MGA DATOS

Ang mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang lubos na

maiunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang maitiyak ang kalidad ng

ipepresetnag datos. Ginagamit nito ang talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang mas

madali sa mga mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang mananaliksik ay nagsasagawa ng

maikling oryentsayon sa mga guro at mag-aaral at sinisiguro din ang pagiging kompidensyal ng

mga nakakalakap na datos bago ang pamamahagi ng talatanungan upang mas makapagpahayag

ang mga sasagot ng tanong. Ang kabuuang pag-aaral ay nagsimula sa Pebreo hanggang Marso

ng taong kasalukuyan. Ang pagkolekta ng datos ay isinasagawa ng isang araw kung saan

maalwan na oras para sa mag mag-aaral at mga guro na nasa baitang ika-6. At sinisuguro ng mga

mananaliksik na maayos ang pagkalap ng mga survey questionnaire at pagpili ng mga

respondente na naayon sa propesyon.

PAGSUSURI NG DATOS

Ang pagsusuri ng mga datos na nakalap tungkol sa antas ng propesyon at antas ng mga

guro at mag-aaral. Ang pagtatalakay sa mga sagot sa pagkakayos ng mga katanungan.

Talahanayan 2.

Kasarian ng mag Respondente Kalimitan Bahagdan

%
Babae 20 40%

Lalaki 20 40%

Kabuuan 40 100%
Edad ng mga respondente Kalimitan Bahagdan

Mga 8-9 15 30%

Mag-aaral
Mga Sanggunian:

Garcia, M. F. M. A. (2014). Ang Suliranin at Pag-aangkop ng mga Guro ng Pampribadong

Paaralan sa Pagtuturo Gamit ang Di-kinagisnang Wika sa Programang MTB MLE.

Constantino, P. C. (2014). GANITO NA NOON, GANITO ULI NGAYON: PAGTALUNTON

SA KASAYSAYAN AT DAYNAMIKS NG MULTILINGGWAL NA EDUKASYON SA

PILIPINAS. Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, 20.

Demeterio III, F. P. A. (2010). Ang Kautusan ng Departamento ng Edukasyon Bilang 74, Serye

2009: Isang Pagsusuri sa Katatagan ng Programang Edukasyon sa Unang Wika (MLE) ng

Filipinas. MALAY, 23(1).

Fajilan, Wennielyn F. "Mother tongue sa Primaryang Edukasyon" Katipunan ng mga Pag-aaral

sa Wika, Panitikan, Sining at Kulturang Filipino 3 (2018): 52-88.

Fortunato, T. (2017). Mother Tongue o Unang Wika Bilang Asignatura: Patunay na Pagunlad ng

Wikang Filipino Anvil Publishing, Incorporated via PublishDrive.

Cummins, J. (2015). Mother Tongue Bakit nga ba Mahalaga?

Dela cruz, N. M. (2012). Positibo at Negatibong Epekto ng Mother Tongue.Linguistics,

Language and the Professions: Education, Journalism, Law, Medicine and Technology, 119-134.

Mahboob, A., & Cruz, P. (2013). Mother Tongue Hindi Tanggap sa Asignatura: Language

attitudes in the Philippines. AJELS, 2.

Benson, C. (2015). Ang kahalagahan ng pag-aaral na nakabatay sa Mother Tongue bilang wika

para sa kalidad ng edukasyon. commissioned study for EFA Global Monitoring Report.
Quirante, C. L. (2018). The Future of Yogad: Wikang Kinagisnan(Doctoral dissertation, Carleton

University).

Llenaresas, H. M., Bercasio, R. R. O., & Oyales, J. M. N. (2015). Mga Perspektiba sa MTB-

MLE. International Journal of Arts & Sciences, 8(6), 469.

Garcia, M. F. M. A. (2014). Ang Suliranin at Pag-aangkop ng mga Guro ng Pampribadong

Paaralan sa Pagtuturo Gamit ang Di-kinagisnang Wika sa Programang MTB MLE.

Ramos, E. P. (2013). Mga Suliraning Kinakaharap ng mga Guro sa Filipino sa Pagkalunsad ng

MTB-MLE.

Demeterio III, F. P. A. (2010). Ang Kautusan ng Departamento ng Edukasyon Bilang 74, Serye

2009: Isang Pagsusuri sa Katatagan ng Programang Edukasyon sa Unang Wika (MLE) ng

Filipinas. MALAY, 23, 31-52.

Quirante, C. L. (2018). Ang Kinabukasan ng Mag-aaral: Isang Appreciative Inquiry sa Mother

Tongue sa Silid-aralan sa Wikang Pambansa sa Pilipinas. (Doctoral dissertation, Carleton

University).

You might also like