Professional Documents
Culture Documents
- Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang tugon ng mga mag-aaral sa ikatlong baitang
ng Ormoc City, tungkol sa paggamit ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-
MLE) sa pagtuturo ng Matematika sa mga mag-aaral ng Ikatlong baitang. Ang pananaliksik na
ito ay may mga katangiang nais sikapin na bigyan ng kasagutan.
Layunin ng Pag-aaral
Maihambing kung ano ang mas epektibong paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral.
Masukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa ikatlong baitang.
Makabuo ng mga datos tungkol sa pag-aaral na ito.
Mailahad ang mga bagong impormasyon tungo sa malawakang pag-aaral.
Matukoy ang kahalagahan ng paggamit nang Mother Tongue-Based Multilingual
Education (MTB-MLE).
Kahalagahan ng Pag-aaral
-Ang pananaliksik na ito na tungkol sa epektibong paggamit ng Mother Tongue-Based
Multilingual Education (MTB-MLE) sa pagtuturo ng matematika sa mga mag-aaral ng
ikatlong baiting ng Ormoc City ay makakatulong sa mga mag-aaral, mga guro, mga
magulang, at pamahalaan. Mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat tinutuklas nito ang
mga maaaring epekto nito sa mga mag-aaral at paano ito nakakatulong sa kanila. Sa
larangan ng pagtuturo maraming mga paraan ang ginagawa ng mga guro upang mas
mapapabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral at hindi ito mabagot sa klase. Isang paraan
na don ay ang ginagamit na linggwahe ng mga guro. Malaki ang kaugnayan na ginagamit
na linggwahe ng mga guro sa pagpapaunlad ng kaalaman ng mga mag-aaral kaya mas
ginagamit nila ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE). Isa itong pag-
aaral, pormal o di-pormal, na kung saan ang katutubong wika at iba pang wika ang ginagamit ng
mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Sa ganitong paraan mas mapapabilis ang pakatuto ng mga
mag-aaral at mas magiging aktibo pa sila na makinig at makilahok sa ano mang ipapagawa ng
kanilang guro.