You are on page 1of 2

Posisyong Papel ng Pangkat Harlow Hinggil sa Di-Pagsang-ayon sa Pagpapatupad ng Mother Tongue

Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE) Hanggang sa Ika-anim na Baitang sa Elementarya

Pahayag na Tesis:

PAGLILIMITA NG MTB-MLE: HANGGANG SA IKA-APAT NA BAITANG NA LAMANG IPATUPAD ANG


MTB-MLE SA ELEMENTARYA.

Pinaguukulan:

Posisyong Papel na Nauukol sa Kagawaran ng Pilipino

Pinagmulan:

Pinaninindigan nina Camposano, Benedict S. at Canaman, Jay-R F.

Counter Argument:

Inilunsad ang Mother Tongue Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE) ng Department ng


Education (DepEd) noong July 14, 2009 sa loob ng batas Order No. 74. Nakapaloob dito ang pag-gamit ng
Mother Tongue bilang gagamiting panturong wika sa mga paaralan sa bansa. (DepEd, 2009)

Sa isang publikasyon na Inilunsad ng UNESCO taong 1953,iminumungkahi nito ang pag-gamit ng


unang wika. Sa perspektibo ng sikolohiya, ang unang wika ay katumbas ng Kognitong Sistema na umiiral
sa kaisipan ng sinumang bata, sa perspektibong sosyolohiya, Ang wikang ito ay Isa sa mga
pinkamahalagang sangkap na magpapabilang sa kanya sa komunidad at mag ibigay sa kanya ng kultural
na identidad, at sa perspektibong edukasyon, Ang wikang ito ay daan para sa mas epektibong pagtuturo
at pagkatuto. (The Use Of Vernacular Languages In Education, 1953)

Ayon sa isang guro mula sa Davao City, Ang Rehiyon XI na gumagamit ng panrehiyong wikang
Sinugbuanong Binisaya o Cebuano bilang midyum ng pagtuturo, ay nagpapaginhawa sa mga guro sa
masusing pagpapaliwanag ng kanilang mga aralin. (Meridie, 2021)

Reyalisasyon:

Napagtanto namin na mahalagang malaman natin ang mga epekto sa pagpapatupad ng MTB-
MLE upang tayo ay mabigyang linaw sa ating mga desisyon. Ang pagpapatupad ng MTB-MLE ay may mga
negatibong epekto din tulad ng pagkabigla ng mga estudyante pag dating ng high school dahil
nakapaloob lamang sila sa kanilang unang lenggwahe at mahihirapan sila na mag-adjust sa kanilang
pangalawang lenggwahe at maaari rin na malalamangan sila ng ibang mga estudyante pagdating sa ibang
mga subjects na kinakailangan ng pag-gamit ng pangalawang lenggwahe.
Rekomendasyon:

Ang DepEd ay nararapat lamang na limitahan ang mga gradong magkakaroon ng MTB-MLE
upang ng sa gayon ay di-magkaroon ng “learning gap” ang mga estudyante at nararapat lamang na
magpatupad PA ng mga programang tiyak na makakaapekto sa pagpapabuti at pangangalaga ng ating
sailing lenggwahe.

Pagpapatibay:

Pinagtibay noong Disyembre 13, 2023

Sanggunian:

DepEd.com (2009)

The Use Of Vernacular Languages In Education, 1953; UNESCO.com

Meridie.com

You might also like