You are on page 1of 9

LCFLIB Z20

Praymer ukol sa pagtanggal ng Mother Tongue Based-Multilingual Education


(MTB-MLE) bilang asignatura sa K to 10 kurikulum—o ang Matatag kurikulum

Mga Miyembro:
Conda, Paco
Garillo, Tricia Alyana
Maderazo, Eunice
Reyes, Angel
Robin, Zopia
Trillana, Gabrielle

Nobyembre 2023
Mga Madalas Itanong na Katanungan
Frequently Asked Questions (FAQs)

Q. Ano ang Matatag kurikulum?

A. Ang Matatag kurikulum ang panibagong kurikulum na ipapatupad ng Kagawaran ng


Edukasyon (DepEd) para sa K to 10 kurikulum kapalit ng K to 12 na
programa/kurikulum.

Q. Kailan ipapatupad ang Matatag kurikulum?

A. Ipapatupad ito nang paunti-unti batay sa pangakatan ng mga baitang. Magsisimula ito
sa SY 2024-2025 para sa mga ika-una, ika-apat, at ika-pitong baitang (Grade 1, 4, at
7). Sa SY 2025-2026 naman ito mag-uumpisa para sa mga nasa ikalawa, ikalima,
ika-walong baitang (Grade 2, 5, at 8) habang sa SY 2026-2027 naman para sa mga
nasa ikatlo, ika-anim, at ika-siyam na baitang (Grade 3, 6, at 9). Mahuhuli naman ang
ikasampung baitang (Grade 10) na magsisimula sa SY 2027-2028.

Q. Saan unang ipinatupad ang Matatag kurikulum?

A. Unang itong ipinatupad sa 35 na mga paaralan sa pitong rehiyon sa bansa: Ilocos,


Cagayan Valley, Central Visayas, Soccsksargen, Cordillera Administrative Region,
Caraga, at National Capital Region bilang pilot testing o inisyal na masubukan ang
naturang kurikulum sa loob ng silid-aralan (Bacelonia, 2023).

Q. Ano ang papel ng pagpapatupad ng Matatag kurikulum kapalit ng K to 12 kurikulum?

A. Binuo at ipapatupad ang Matatag kurikulum bilang panibagong ruta ng edukasyon


para sa K to 10 kurikulum dahil sa mga matitinding pagkukulang ng kasalukuyang
K-12 na programa.

a. Isang puna rito ay mahahanap sa artikulo ni Janvic Mateo sa Philippine Star na


naghayag na nabigo ang K-12 na programa sa pangako nitong gawing handa
sa trabaho ang mga estudyanteng nakapagtapos ng Senior High School
(Mateo, 2023b).

Q. Ano ang mga kaibahan ng dating K to 10 kurikulum sa ipapatupad na Matatag kurikulum?

A. Sa Matatag kurikulum mas mababawasan ang dami ng itinuturong kakayahan sa


kabataan. Layon nitong magbigay nang mas malalim na pagtuon sa mga
mahahalagang kasanayan, magkaroon ng balanse at sapat na pansin para sa
pagpapatalas ng kaisipan, mas malinaw na paglalahad ng mga kasanayang
kinakailangan sa kontemporaneong panahon, pagpapatatag ng edukasyon sa tamang
kaugalian at kapayapaan, at maging handa para makasabay sa internasyonal na
pamantayan (Hernando-Malipot, 2023c).

Q. Ano ang mga asignaturang saklaw ng Matatag kurikulum?

A. Sa kasalukuyan, pito ang saklaw ng K to 10 kurikulum: mother tongue, Filipino,


English, Mathematics, Araling Panlipunan, MAPEH, at Edukasyon sa Pagpapakatao.
Sa kabilang banda, magiging lima na lamang ito para sa mga nasa ika-una at
ikalawang baitang sa ilalim ng Maatatag kurikulum: Language, Reading and Literacy,
Mathematics, Makabansa, at Good Manners and Right Conduct (Balancio, 2023).

Q. Ano ang MTB-MLE?

A. Ang Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE) ay isang asignatura


at wikang panturo. Layon nitong gamitin ang kinalakihang wika, o wikang unang
ginamit, ng mga bata bago magtungo sa pagtuturo ng Filipino at Ingles (Flagne, 2017;
DepEd, 2016a).

a. Bilang asignatura, nakatuon ang pansin nito sa pagpapabuti ng pagsasalita,


pagbasa, at pagsulat ng mga batang nasa ilalim ng ika-una (Grade 1) hanggang
ikatlong baitang (Grade 3).

b. Bilang wikang panturo, ginagamit ang kinalakihang wika (mother tongue) sa


lahat ng pinag-aaralan mula kindergarten hanggang ikatlong baitang (Grade
3), maliban dito ang pagtuturo ng asignaturang Filipino at Ingles.

Q. Paano tinatalakay ang Mother tongue na asignatura sa loob ng silid-aralan?

A. Ayon sa MTB-MLE curiculum framework, tinatalakay ang asignatura gamit ang


sariling wika o kulturang kinalakihan ng mga bata sa kanilang lugar upang mas
magkaroon sila ng matibay na pundasyon sa pagbabasa, pagsulat, pagsasalita, at
pag-unawa (DepEd, 2016a).

Q. Ano ang mga wikang itinuturo ilalim ng MTB-MLE?*

A. 19 na wika ang nasa ilalim nito: Tagalog, Kapampangan, Pangasinan, Iloko, Bikol,
Ybanag, Sinugbuanong Binisaya, Hiligaynon, Waray, Bahasa Sug, Maguindanaoan,
Maranao, Chavacano, Ivatan, Sambal, Akianon, Kinaray-a, Yakan, at Sinurigaonon
(DepEd, 2016b).

Q. Epektibo ba ang framework na MTB-MLE sa pagkamit ng layunin nitong itaas ang antas
ng kasanayan sa pagbabasa, pagsulat, pagsasalita, at pag-unawa ng kabataan sa ilalim ng K to
12 kurikulum?

A. Oo. Ayon sa eksperimentong ipinatupad noong 1948-1954 sa Iloilo, naipakita nitong


mas mahusay ang pagsagot ng pagsusulit at kasanayan sa wika (language proficiency)
ng mga batang natuto sa ilalim ng MTB-MLE kompara sa mga batang gumagamit ng
Ingles (DepEd, 2016b).

Q. Matatanggal ba ang mother tongue na asignatura sa ilalim ng Matatag kurikulum?

A. Oo. Hindi na ituturo bilang bukod o hiwalay na asignatura ang mother tongue sa
kindergarten hanggang ikatlong baitang ayon sa DepEd (Balancio, 2023). Kaya
naman, hindi na kasama sa mga asignaturang matutuhan ng mga mag-aaral ang
mother tongue sa lahat ng baitang.

Q. Ano ang dahilan ng pagtanggal ng mother tongue bilang asignatura sa Matatag kurikulum?

A. Kasama ito sa pagpapakaunti ng mga pinag-aaralan ng mga bata upang


mabigyang-pokus nila ang pagpapabuti ng kanilang abilidad at kasanayan sa
pangalawa at pangatlo nilang wika, partikular na rito ang Filipino (pambansang wika)
at Ingles (wikang unibersal).

Q. Masama ba epekto ng patanggal ng mother tongue na asignatura sa mga estudyante?

A. Oo:
1. Magkakaroon ito ng negatibong epekto sa kanilang antas ng pagkatuto
sapagkat mas naiintidihan at epektibo para sa kabataan ang unang wikang
kanilang ginagamit (mother tongue).

a. Mababawasan ang kasanayan pagdating sa pagbabasa at pagsulat na


mapapakinabangan sa pag-aaral ng iba pang asignatura (Philippine
Daily Inquirer, 2023).

2. Hindi rin nila makukuha ang benepisyo o pakinabang na dala ng pagiging


multilinggwal, o indibidwal na nakaaalam ng higit pa sa isang wika.

a. Nalilimitahan ang paglago ng isipan ng mga mag-aaral na hindi lubos


na mauunawaan ang kanilang mother tongue sapagkat mas nalilinang
ng mga multilingguwal ang kanilang memorya, kasanayan sa pag-aaral
ng wika, at pundasyon mula sa iba’t ibang wika (Ocampo, 2023).

Q. Masama ba epekto ng patanggal ng mother tongue na asignatura sa kultural na identidad


ng mga estudyante?

A. Oo. Negatibo ang epekto nito sa kanilang kultural na identidad at pagkakakilalan lalo
na sa mga katutubong Pilipino (o Indigenous People).

a. Mawawalan ng kumpiyansa o tiwala ang iba sa sariling identidad sapagkat


makabuluhang bahagi ang wika bilang representasyon ng iba’t ibang
pagkakakilanlang mayroon ang mga Pilipino na nasa bawat sulok ng Pilipinas.

b. Hindi nabibigyan ng halaga at kamalayan ang kabataan ukol sa sari-saring


kultura ng bansa, lalo na sa mga kultura ng minorya (minority) sapagkat mas
pinapapalago at binibigyang-priyoridad ng pagtanggal ang wika ng mga
dayuhan (Mateo, 2023a).

Q. Hindi ba mabuti ang epekto ng patanggal ng Mother tongue na asignatura sa mga guro?

A. Oo, hindi ito mabuti. Pagbabalewala ito sa dedikasyon ng mga gurong bumuo ng mga
sulating pampanitikan at mga kagamitan sa pagtuturo na nakaayon sa sari-sariling
wika ng bawat lugar.

a. Halimbawa nito ang nailimbag sa artikulo ni Arzadon (2023) na nagsasabing


bumuo ang isang distrito ng paaralan sa Benguet ng 300 aklat ng mga kuwento
na nakasulat sa kanilang lokal na wika.

B. Marami na rin ang nakatalang kagamitan sa pagtuturo ang binuo ng mga guro para sa
naturang asignatura batay sa DepEd Learning Resources Management and
Development System.

Q. Ano ang implikasyon ng pagtanggal ng mother tongue na asignatura sa lipunan?

A. Posibleng humantong ang pag-alis nito sa pagkawala ng sari-saring lingguwistikang


(linguistic diversity) nakaayon sa natatanging mga kulturang mayroon ang Pilipinas,
lalo na’t 48 na wika na ang nanganganib na tuluyang mawala sa bansa.

a. Ayon sa Philippine Daily Inquirer, malaki ang pagkakataong mapabilis ng


pagtanggal ng mother tongue na asignatura ang paghina o pagkitil sa buhay ng
isang wika—na magtutungo sa pagkawala ng mga kultura at tradisyon ng
ilang mga Pilipino.

B. Nagbibigay ito ng mensahe na walang halaga at saysay ang mga katutubong wika
sapagkat hindi na ito kailangang matutuhan ng malalim. Magdadala ang ganitong
mensahe ng negatibong pananaw at pagtrato patungo sa kultura pati sa mga
katutubong Pilipino.

C. Ang pagkakaroon ng kakapusan sa pagtalakay sa natatanging kultura at buhay ng


bawat lugar gamit ang sarili nilang wika ay kontra sa pagsulong at pagpapaunlad sa
natatanging pagkakakilanlan ng bawat isa, pag-unawa sa bawat kultura, at
pagkakapantay-pantay (Ocampo, 2023).

Q. May nilalabag bang batas o panukala ang pagtanggal ng MTB-MLE?

A. Mayroon itong nilalabag na mga batas o panukala:

a. Labag ito sa Kindergarten Act (RA 10157) at K to 12 law (RA 10533) na


nag-atas sa paggamit ng MTB-MLE Framework bilang asignatura at wikang
panturo.
b. Dagdag pa rito, ayon sa Indigenous Peoples Rights Act 1997 (RA 8371),
may karapatang matuto ang mga Indigenous People sa kanilang sariling wika
(Arzadon, 2023).

c. Hindi rin sang-ayon dito ang United Nations Convention on the Rights of
the Child na naghahayag na kasama sa karapatan ng mga bata na matuto
gamit ang kanilang sarili o kinalakihang wika (UDHR, 1989).

d. Hindi rin sang-ayon ang pagtanggal sa Universal Declaration on Cultural


Diversity na naghahayag na may karapatan ang lahat na makatanggap ng
dekalidad na edukasyon na binibigyang-respeto ang kanilang identidad at
kultura sa pamamagitan ng pagtuturo at pagbuo ng mga impormasyong
nakasulat o nakabatay sa wikang kanilang pinili, lalo na ang kanilang sariling
wika o mother tongue (UNESCO, 2001).

Q. Matatangal ba bilang wikang panturo ang mother tongue?

A. Hindi. Ayon kay Michael Poa, ang DepEd Undersecretary and Spokesperson,
mananatili pa ring wikang panturo ang kinalakihang wika o mother tongue sa ilalim
ng Matatag kurikulum alinsunod sa K to 12 law (Hernando-Malipot, 2023a).

Q. Ano ang kahalagahan ng mother tongue bilang wikang panturo?

A. Ayon sa UNESCO, mahalaga ang paggamit ng mother tongue bilang wikang panturo
dahil isa ito sa mga dahilan ng pagpapabuti ng resulta ng mga pang-akademikong
pagganap o gawain ng mga mag aaral. Mahalaga rin ito dahil mas napapabilis nito
ang pag-intindi at pag-aaral ng mga bata sa mga aralin.

Q. Sapat na ba ang pagpapanatili sa mother tongue bilang wikang panturo?

A. Hindi. May positibo mang epekto ang paggamit at pagpapanatili ng mother tongue
bilang wikang panturo, hindi pa rin nito mapapalitan at malalampasan ang positibong
epektong dala ng mother tongue bilang asignatura. Dulot ito ng hindi masinsinang
paglubog at pagtalakay sa kulturang kalakip ng sari-saring wika. Dagdag pa rito, hindi
nito mas mapapalalim ang pag-intindi at pag-unawa sa mismong wikang kanilang
kinalakihan. Sa gayon, itutulak nito ang kabataan na gamitin ng mas madalas ang
wikang Filipino at Ingles sapagkat mas naiintindihan nila ito—na maaaring kumitil ng
buhay ng mga nasabing mother tongue, lalo na ang mga katutubong wika.

Q. Nararapat bang ipagpatuloy ng DepEd ang pagtanggal ng mother tongue na asignatura sa


ilalim ng Matatag kurikulum?

A. Hindi. May mga isyu man sa pagpapatupad ng MTB-MLE katulad ng pagkuha at


pagpopondo para sa mga kagamitan upang makaturo, gayundin ang pagpili sa wikang
gagamitin sa pagtuturo sapagkat halu-halo ang mga estudyanteng may iba-ibang
mother tongue (Monje et al., 2019; Race, 2023)—mas masidhi pa rin ang negatibong
epekto nito kaya kaysa alisin mas kinakailangan itong pagbutihin. Sa panawagan ng
mga gurong kabilang sa Teachers' Dignity Coalition (TDC), nagbigay sila ng mga
suhestiyon o alternatibong solusyon kaysa alisin ang naturang asignatura
(Hernando-Malipot, 2023b) na sinang-ayunan din ng grupo:

a. Pagsusuri sa implementasyon
i. Sa halip na ipatigil, inirerekomenda ng grupo ang pagsusuri at
masinsinang pagtalakay sa pagpapatupad ng DepEd ng MTB-MLE sa
mga nakalipas na taon upang malaman kung epekibo ba ito at
nakaayon sa batas.

b. Pagtutok Pondo
i. Binibigyang-diin ng grupo ang pangangailangan ng sapat na pondo
para sa produksiyon ng mga kagamitan, publikasyon, module, at
komprehensibong pagsasanay at preparasyon ng mga guro upang
suportahan ang epektibong pagpapatupad nito.

c. Malalimang Pagsusuri at Pag-aaral sa tulong ng mga eksperto


i. Inirerekomenda ang pagsasagawa ng malalimang pag-aaral sa tulong
ng mga ekspertong tulad ng mga dalubwika (linguist), antropologo,
mananalaysay (historian), sikolohista ng bata, sosyologo, at iba pang
mga eksperto. Ang pag-aaral na ito ay dapat na nakapailalaim sa mga
naunang saliksik, maging mga karanasan ng ibang bansa at mga
internasyonal na pinagkukunan ng impormasyon upang maging gabay
sa maayos na implementasyon nito.
Mga Sanggunian
Arzadon, C. (2023, Agosto 21). [OPINION] On the deletion of Mother Tongue in the
Matatag K-10 Curriculum. Rappler.
https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/opinion-deletion-mother-tongue-mata
tag-k-10-curriculum/
Bacelonia, W. (2023a, Agosto 10). DepEd launches MATATAG Curriculum to address basic
education woes. Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1207588
Bacelonia, W. (2023b, Setyembre 26). DepEd: Teachers, learners 'receptive' to MATATAG
Curriculum. Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1210540
Balancio, J. (2023, Agosto 10). DepEd launches adjusted K to 10 curriculum with ‘mother
tongue’ no longer a separate subject. ABS-CBN News.
https://news.abs-cbn.com/news/08/10/23/adjusted-k-to-10-curriculum-launched-whats
-in-whats-out
Department of Education [DepEd]. (2016a). K to 12 Curriculum Guide Mother Tongue.
https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/Mother-Tongue-CG.pdf
Department of Education [DepEd]. (2016b). Mother Tongue-Based Learning makes lessons
more interactive and easier for student.
https://www.deped.gov.ph/2016/10/24/mother-tongue-based-learning-makes-lessonsm
ore-interactive-and-easier-for-students/
Enhanced Basic Education Act of 2013 [Republic Act No. 10533]. (2013). Official Gazette.
https://www.officialgazette.gov.ph/2013/05/15/republic-act-no-10533/
Flagne, M. (2017). Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE): Saloobin at
Kabisaan ng Pagtuturo. Academia.
https://www.academia.edu/40931327/Mother_Tongue_Based_Multilingual_Education
_MTB_MLE_Saloobin_at_Kabisaan_ng_Pagtuturo
Hernando-Malipot, M. (2023a, Agosto 11). ‘Confusing’ Mother Tongue subject removed; to
remain as a medium of instruction—DepEd. Manila Bulletin.
https://mb.com.ph/2023/8/11/confusing-mother-tongue-subject-removed-to-remain-as
-a-medium-of-instruction-dep-ed
Hernando-Malipot, M. (2023b, Hulyo 15). Teaching urge gov’t to ‘support not suspend’
Mother Tongue Education. Manila Bulletin.
https://mb.com.ph/2023/7/15/teachers-urged-gov-t-to-support-not-suspend-mother-ton
gue-education
Hernando-Malipot, M. (2023c, Agosto 12). Understanding DepEd’s MATATAG K to 10
curriculum. Manila Bulletin.
https://mb.com.ph/2023/8/12/understanding-dep-ed-s-matatag-k-to-10-curriculum
Kindergarten Education Act [Republic Act No. 10157]. (2012). Official Gazette.
https://www.officialgazette.gov.ph/2012/01/20/republic-act-no-10157/
Mateo, J. (2023a, Abril 26). DepEd Eyes Removal of Mother Tongue Subject. One News.
https://www.onenews.ph/articles/deped-eyes-removal-of-mother-tongue-subject
Mateo, J. (2023b, Abril 28). Government mulls revamp of K-12 program. The Philippine
Star.
https://www.philstar.com/headlines/2023/04/28/2262289/government-mulls-revamp-k
-12-program
Monje, J., Orbeta, A., Francisco-Abrigo, K., & Capones, E. (2019). ‘Starting Where the
Children Are’: A Process Evaluation of the Mother Tongue-Based Multilingual
Education Implementation. Philippine Institute for Development Studies.
https://pidswebs.pids.gov.ph/CDN/PUBLICATIONS/pidsdps1906.pdf
Ocampo, D. (2023). Matatag Curriculum as a Decongested Pillar of Philippine Education:
Tweak or Weak? Central Bicol State University Agriculture - Sipicot.
https://www.studocu.com/ph/document/ateneo-de-naga-university/bs-nursing/matatag
-curriculum-as-a-decongested-pillar-of-philippine-education/71831398
Philippine Daily Inquirer. (2023, Setyembre 11). Mother tongue subject: Improve, not
remove.
https://opinion.inquirer.net/166211/mother-tongue-subject-improve-not-remove
Race, R. L. (2023). K to 12 Education in the Philippines: Policy Analysis and Reform.
Research Gate.
https://www.researchgate.net/publication/374509879_K_TO_12_EDUCATION_IN_T
HE_PHILIPPINES_POLICY_ANALYSIS_AND_REFORM
United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization [UNESCO]. (2001).
Universal Declaration on Cultural Diversity.
https://en.unesco.org/about-us/legal-affairs/unesco-universal-declaration-cultural-dive
rsity
Universal Declaration of Human Rights [UDHR]. (1989). Convention on the Rights of the
Child.
https://www.ohchr.org/en/instruments-mechanisms/instruments/convention-rights-chil
d

You might also like