You are on page 1of 5

PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA WMSU NAGA NG PANUROANG

2021-2022 SA PLANONG PAGTANGGAL


NG ASIGNATURANG FILIPINO

Isang Tesis Proposal na Inihanda sa Pamamahalaang Pamantasan ng Kaunlarang


Mindanao

Naga External Unit

Bilang Bahagi ng Pangangailangan


Para sa Asignaturang Ugnayan ng Wika, Kultura, at Panitikan

Mga Mananaliksik:

Dagu-oc, Joy Grace J.

Din, Althea Luise S.

Onog, Janica S.P


KABANATA 1

Panimula

Mahalaga ang ginagampanang papel ng asignaturang Filipino sa paaralan. Bukod sa


pinapalawak nito ang ating kaalaman saa pagbabasa at pagsusulat gamit ang wikang
Filipino, nakakatulong din ito upang mahasa tayo sa ating sariling wika. Bagaman ang
wikang ginagamit sa asignaturang Filipino ay ang wikang atin nang nakagisnan,
narararapat parin natin itong gamitin sa larangan ng pag-aaral, upang ito ay mas
malinang at mapaunlad, at mapigilan ang posibleng pagkamatay ng ating wika.

Ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa elementarya, sekondarya at kolehiyo, ay


napakahalaga sapagkat nililinang nito ang ating pag-unawa sa ating kultura bilang
mga Pilipino, at mas napapaunlad nito ang ating pakikipagkomunikasyon gamit ang
wikang Filipino sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.

Pinapatibay ng asignaturang Filipino ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pakikinig,


pagbabasa, pagsusulat, pag-iisip, at pagsasalita gamit ang wikang Filipino.

Ang wikang Filipino ay ang kaluluwa ng ating bansa, at ang pagkakakilanlan nating
mga Pilipino. Nararapat lamang na ito’y gamitin bilang midyum sa pagtuturo upang
maipalaganap ang edukasyon at impormasyon patungkol sa wikang Filipino, gaya ng
wastong pagbaybay at paggamit nito, dahil hindi lingib sa ating kaalaman na
bagama’t ito ang wikang ating kinagisnan, ay halos marami pa rin sa atin ang hindi
hiyang at kulang sa kaalaman hinggil sa wikang Filipino. Bukod pa rito, mabibigyan
natin ng parangal ang ating sariling wika, na siyang humulma sa ating kultura,
panitikan, kasaysayan, at pagkakilanlan natin bilang mga tubong Pilipino.

Ayon sa (Art. XIV, sec. 6) ng Philippine Consitution, nararapat na gamitin at


paunlarin ang wikang Filipino kasabay ng daloy ng panahon. Nakasaad din sa
artikulong ito na nararapat gamitin ang ating sariling wika sa pang araw-araw na
pakikipagtalastasan, at lalong lalo na sa sistema ng edukasyon dito sa Pilipinas.
(Baldon et.al 2014)

Ayon naman kay Porter (2012), ang wikang Filipino ay isang napakahalagang
instrumento ng ating pakikipagkomunikasyon. Dito nakasalalay ang epektibong
pagkatuto ng mga tao, at paghahatid o pagpapalaganap ng mga ideya at kaalaman.
Kailangang mahasa ang bawat indibidwal sa paggamit ng wikang Filipino upang
magamit ito sa wastong paraan.

Ang paaralan ay maituturing na isa sa mga pinakamahalagang instrumento sa


pagpapayaman at paglilinang ng paggamit ng wikang Filipino.

Nararapat lamang na ipalaganap ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng ating


sariling wika sa pamamagitan ng asignaturang Filipino, lalong-lalo na sa panahon
natin ngayon na posibleng ipatatanggal ang asignaturang ito sa kolehiyo. Ang
kahalagahan ng pag-aaral gamit ang wikang Filipino ay hindi natin maitatanggi, at
hinding hindi mababawasan ang kahalagahan nito kahit lumipas ang panahon.
Napili ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral ng WMSU Naga ESU sa panuroang
2021-2022, bilang mga respondente dahil sila ang pinaka naapektuhan sa suliraning
pagpapatanggal ng asignaturang Filipino, dahil sila ay nasa kolehiyo na at lalong lalo
na’t dahil ang mga mag-aaral na ito ay nagpapakadalubhasa sa wikang Filipino.

Paglalahad ng Suliranin

Nilalayon ng mananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod :

1. Anu-ano ang pananaw ng mga mag-aaral ng WMSU NAGA ng panuroang

2021-2022 hingil sa pagpaplanong pagtanggal ng asignaturang Filipino.

2. Matukoy ang magiging epekto nito sa mga mag-aaral ng WMSU NAGA

ng panuroang 2021-2022.

3. Anu-ano ang mga dahilan Ng pagtanggal ng asignaturang Filipino.

Teoritikal na Balangkas

Ayon kay Jimeno (2014), bagamat tinuturo ang Filipino sa primarya at


sekondaryang paaralan, kung hindi ito ituturo sa kolehiyo ay makakalimutan ito ng
mga hindi gumagamit ng ating sariling wika.

Ayon kay Bugarin et al. (2015). hindi maikakaila na ang ilang kapwa nating
Pilipino ay inuuna ang wika ng iba kaysa sa sariling atin kaya't tuluyang mawawalan
ng interes o hindi bibigyang halaga ang Filipino kung ito ay tatanggalin sa kurikulum
ng kolehiyo. Tila isa itong sitwasyon na hindi kapani-paniwala para sa isang bansa, na
tangkilikin ang wika ng iba kaysa sa sariling atin. At tila, walang sariling
pagkakakilanlan ang ating bansa at ang mga naninirahan dito dulot ng kolonyalismo.

Ayon kay Bienvenido Lumbera, "Ang wikang Filipino ay di lamang isang simbolo
ng ating pagiging bansa." Dahil sa wika natin nakatuon ang asignaturang Filipino, ito
na rin ang pagkilala natin nanabibilang tayo sa iisang nasyon at ito ang ating
pangangailangan upang mahubog ang bawat isa tungo sa iisang sistema ng
edukasyon.

Ito ang mga teoryang napili ng mga mananaliksik sapagkat ito ay konektado at
sumusuporta sa ginagawa nilang pananaliksik na pumapatungkol sa “Pananaw ng mga
Mag-aaral sa Wmsu Naga ng Panuroang 2021-2022 sa Planong Pagtanggal ng
Asignaturang Filipino”.
Konseptwal na Balangkas

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa iba't-ibang pananaw ng mga mag-aaral ng


WMSU Naga sa planong pagtanggal ng asignaturang Filipino. Ang nasa unang kahon
ay ang Independent Variable, ang nakapaloob dito ay ang “Asignaturang Filipino”.
Ang ikalawang kahon ay ang Independent Variable na ang nakapaloob dito ay ang
“Pananaw ng mga mag-aaral”. Makikita na ang unang kahon may naka angkla na
arrow patungo sa pangalawang kahon na ang ibig sabihin ay nakadepende ang
pananaw ng mga mag-aaral sa pagplanong pagtanggal ng asignaturang Filipino sa
panuroang 2021-2022.
Dependent Variable

Independent Variable Pananaw ng mga Mag-aaral


Modelong Balangkas
Asignaturang Filipino

You might also like