You are on page 1of 4

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga saklaw na literatura at pag-aaral

patungkol sa paska ng pananaliksik.

2.1 Kaugnay na Literatura

Kasama na natin ang asignaturang Filipino mula pa noong tumungtong tayo ng

elementarya. Ayon kay Tasic (2016), isinulong ni dating Pangulong Manuel L. Quezon noong

1940 ang Executive Order No. 263 na nag-uutos sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan

na isama sa kurikulum ang pagtuturo ng wikang pambansa. Ito ngayon ang tinatawag nating

asignaturang Filipino ngayon. Ito ang pag-aaral ukol sa tamang paggamit ng ating wika at mga

literaturang itinuturing nating kayamanan. Ayon kay Jasareno (2012), ang asignaturang ito ay

lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag iisip sa Filipino.

Sumasalamin ang asignaturang Filipino sa pagkilala natin sa ating bansa. Ayon naman kay

Tipones (2013), ito ang tulay sa paghasa ng analitikal na pag-iisip ng mga kabataang Pilipino.

Dahil ang dapat na maunang hubugin sa kanila ay ang edukasyon sa kultura, tradisyon,

kasaysayan, at lalo na sa wika ng Pilipinas. Ang pag-aaral ng Filipino ay pag-aaral rin ng

pagiging Pilipino. Pilipino tayo kaya’t nararapat lamang na mas maging maigi ang pag-aaral

natin sa sarili natin at iyan ang wikang Filipino. Ang pag-aaral ng Filipino ay simula upang

mapalawig ang pagkilala at pagmamahal sa bayan. (“Bakit mahalaga ang Filipino,” 2014)

Ang asignaturang Filipino ay mahalaga hindi lang dahil isa itong pangangailangan

sa paaralan, ngunit dahil mga Pilipino tayo at dapat lang na maging sanay tayo sa sarili nating

wika. Ayon kay Dabu (2014), bagamat araw-araw na ginagamit ang wikang Filipino sa tahanan

man o sa kalsada, maraming mga Pilipino pa rin ang hindi bihasa rito. Marami pa ring mga
Pilipino ang patuloy na nagkakamali sa tamang paggamit ng mga salita. Dahil sa pamamagitan

ng pag-aaral ng asignaturang Filipino, magiging mulat ang bawat mag-aaral tungkol sa tamang

paggamit ng wika at mapapalawig mismo ang ating pambansang wika. Dahil ayon kay

Bienvenido Lumbera, "Ang wikang Filipino ay di lamang isang simbolo ng ating pagiging

bansa." Dahil sa wika natin nakatuon ang asignaturang Filipino, ito na rin ang pagkilala natin na

nabibilang tayo sa iisang nasyon at ito ang ating pangangailangan upang mahubog ang bawat isa

tungo sa iisang sistema ng edukasyon.

Ngunit dahil na rin sa pag-unlad ng sistema ng edukasyon sa bansa, dumarami

ang mga asignaturang kinakailangan ng mga mag-aaral upang makasabay tayo sa sistema ng

edukasyon sa iba’t ibang mga bansang mas maunlad sa atin. Lalo na sa kolehiyo, kung saan

nakadepende ang mga asignatura ng mag-aaral base sa kanilang nais na propesyong kuhanin.

Tunay ngang mahirap pagsabaysabayin ang mga requirements sa iba’t ibang

asignatura. Kaya naman may ilang mga estudyante ng kolehiyo na hindi na prayoridad ang mga

asignaturang wala namang kinalaman sa kanilang kurso. Tulad ng ilang mga kurso sa business,

medicine, engineering at iba pa, itinuturing lamang na minor subject ang asignaturang Filipino.

Kaya naman sa taong 2018 ay ipapatupad na ang CHED Memorandum no. 20,

series of 2013 o ang pagrerebisa sa sistema ng edukasyon kapag nakatungtong na sa kolehiyo

ang mga nakapagtapos ng Grade 12, o ang unang batch ng Senior High sa bansa. Ito ay inilabas

noong Hunyo 28, 2013 na naglalayong tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo at ilipat

na lamang ito sa Senior High School. Ang batas na ito ay may layuning paunlarin ang mga

kabataan sa kanilang napiling larangan at upang maging mga mahuhusay ding mga indibidwal na

pinahahalagahan ang kanilang mga kaalaman, maging bukas dahil dito, at upang maging mas
makabuluhan ang kanilang tungkulin sa bansa at sa mas malawak pang komunidad. (Cariga at

Giongco, 2014)

Ayon sa Commission on Higher Education, ang pangunahing layunin ng CHED

Memorandum no 20 series of 2013 ay ang sumusunod:

“General education thus lays the groundwork for the development of a professionally

competent, human and moral person. It also prepares the Filipino for the demands of

21st century life and the requisite abilities to anticipate and adapt to swiftly changing

situation, to think innovatively and create solutions to problems. General education

enables the Filipino to find and locate her/himself in the community and the world, take

part in and hopefully assert her/his identity and sense of community and nationhood amid

the forces of globalization.”

Sinasabi rito na dahil nga patuloy na umuunlad ang ating mundo, marapat lang na

paunlarin din natin ang sistema sa ating bansa, lalo na sa edukasyon. Dahil dito matutulungan

ang mga Pilipino makipagsabayan sa agos ng ating makabagong heneraasyon.

Mapagtutuunan ng maraming oras ang mga asignaturang kailangan ng mga mag-

aaral ayon sa kanilang nais na propesyon. Ibig sabihin ay mas lalawak ang kanilang kaalaman

patungkol sa kanilang larangan. Ayon kay Tabora (2013), ang General Education ay hindi

lamang tungkol sa edukasyon ngunit ukol din sa buhay na mayroon tayo ngayon. Makatutulong

ito sa pagbibigay liwanag sa mga mag-aaral upang maging mga propesyonal at mga lider balang-

araw.
Kalakip man ng pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, mananatili

naman ito sa Senior High School o ang itinuturing na pagsasanay sa kolehiyo. Mananatili ding

medium ang asignaturang Filipino kung nanaisin ng mga guro.

Ngunit ayon muli kay Tasic (2016), paano na maaalala ng mga kabataan ang

paggamit sa sariling wika natin kung ang asignaturang Filipino ay tatanggalin? Paano natin

mapapaunlad ang sariling bayan natin kung hindi natin kayang tangkilikin ang sariling atin? Ang

kahalagahan ng asignaturang Filipino ay katulad ng kahalagahan ng ating sarili. Repleksyon ng

ating mga Pilipino ang ating wika kaya hindi natin ito dapat balewalain bagkus ay mas

pahalagahan natin ito dahil ito ay magiging susi natin sa matibay at malinaw na komunikasyon

sa bawat isa. At komunikasyon na daan sa tagumpay ng bawat Pilipino.

You might also like