You are on page 1of 18

ABSTRAK

Pangalan:

Darwin Dela Cruz


Michael Malapit
Jiselle Bersabe
Daisy Cunanan
Jan Almarie Datig
Angelica Edades
Jacqueline Livid
Elaiza Ocbena
Joylyne Pascua

Pamagat:

Epekto ng Wikang Filipino at Ingles Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Matematika


sa Antas ng Pagkatuto

Ispesyalisasyon: Filipino
Tagapayo:

Dr. Corazon Javillo

A. Pangkalahatang Layunin
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang masukat at maikumpara ang epekto ng
wikang Filipino at Ingles bilang midyum sa patuturo ng Matematiks sa antas ng
Pagkatuto ng mga estudyane.
Mga Tiyak na Layunin
1. Malaman ang performans ng mga estudyante sa asignaturang matematika kung wikang
Filipino o Ingles ang ginagamit bilang midyum sa pagtuturo.
2. Maikumpara ang mahalagang kaibahan sa antas ng pagkatuto ng mga estudyante na
tinuruan ng matematiks sa wikang Filipino at Ingles?
3. Malaman ang pinakaangkop na midyum sa pagkatuto ng matematiks.

B. Pamamaraan

Ang mga mananaliksiksik ay gamamit ng ibat ibang metodo upang mangalap ng mga
datos sa pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng pamaraang palarawan upang makamit
ang mga layunin.
Ang mga mananallikisk ay gumamit ng pagtatanung tanung sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga kwestyoneyr sa mga kalahok upang alamin ang kanilang pananaw sa epekto
ng wikang Filipino at Ingles bilang midyum sa pagtuturo ng matematika sa sa antas ng
pagkatututo. Sa ganitong pag-aaral ang mga mananaliksik rin ay gumamit ng pagmamasid upang
malaman ang performans sa klase ng kalahok.
C. Kongklusyon
Ang mga sumusunod ay mga hinuha sa pag-aaral na ito.
1. Mas magandaang performas ng mga estudyante sa asignaturang matematika
kung wikang Filipino ang ginagamit sa pagtuturo kumpara sa wikang Ingles.
2. Mas epektibo ang pagtuturo ng matematika kung wikang Ingles ang
ginagamnit.
3. Wikang Filipino ang pinakaangkop na midyum sa pagtuturo ng matematiks
lalo na at mahirap ang asignaturang ito.
D. Rekomendasyon
1. Dahil may resulta na mas mainam na gamiting panturo ang wikang Filipino sa antas
ng pag aaral sa matematika, inererekomenda na gamitin ang wikang Filipino sa
pamamaraan na upang maging panturo sa matematika at sanay pagyamanin at
pagbutihin pa upang matamo ang pagkamabisa sa pagtuturo.
2. Sa susunod na mananaliksik na nagbabalak pag-aralan ang paghahambing ng wikang
Ingles at Filipino tungo sa pagkatuto sa asignaturang matematika na gumawa ng mga
leksyon sa matematika na nakasalin sa wikang Filipino.
3. Pag aralan din ang iba pang pangunahing wika sa bansa upang masuri kung ito ba ay
magiging epektibo sa antas ng pagkatuto sa matematika.
4. Sa mga kagawaran ng Department of Education at Commission on Higher Education,
marapat na isama sa kurikulum ng elementary hanggan sa kolehiyo na dapat gamitin
ang wikang Filipino sa pagtuturo ng matematika.
Kabanata I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Sa kabanatang ito ilalahad ng mga mananaliksik ang kanilang pangkahalatang pananaw,


ang layunin, kahalagahan ng pag-aaral, suliranin, at depenisyon at terminolohiyang ginagamit sa
pananaliksik.
PANIMULA
Sa nakalipas na maraming taon, alam natin na wikang Ingles ang ginagamit na midyum
sa pagtuturo ng matematiks sa lahat ng antas ng pag-aaral. Kahit na noong nagkaroon ng
direktiba ang DECS tungkol sa angkop na midyum para sa pagtuturo ng ibat ibang asignatura,
Ingles pa rin ang napiling midyum para sa pagtuturong matematiks. Subalit hanggang sa ngayon,
wala pa ring resulta ng pananaliksik na nagpaptunay na talagang dapat na Ingles ang gamiting
midyum sa matematiks at wala pa ring malaking pagbabago sa antas ng pagkatuto ng mga magaaral ng matematiks; gayundin wala ring matibay na batayan na kapag Ingles ang gamit sa
pagtuturo, maganda ang atityud ng mga mag-aaral sa matematiks.
Ngayon, isa sa mga pagtutuunan ng pansin ng mga mananaliksik ay ang posibleng epekto
ng paggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng matematiks. Ayon sa karanasan
ng mga mananaliksik na ito ang ilan pang guro sa sa matematiks, kung dumarating ang mga
pagkakataong di maunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang aralin na itinuro sa wikang Ingles,
ito ay ipinapaliwanag nila sa wikang Filipino. Dahil ditto medaling naiintindihan ng mga magaaral ang kanilang aralin, bukod sa nagiging kawili-wili pa sa kanila ang pag-aaral ng
matematiks.
Paglalahad ng mga Suliranin
Ang paglalahad na ito ay magbibigay ng impormasyon at kaalaman ukol sa epekto ng
Wikang Filipino at Wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo ng matematika. Ito ay
naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang propayl ng mga kalahok ayon sa:
1.1.

Edad;

1.2.

Kasarian;

1.3.

Antas at;

1.4.

Marka sa matematika?

2. Ano ang performans ng mga estudyante ukol sa pag-aaral ng matematika gamit ang
wikang Filipino at Ingles?

3. Ano ang mga suliraning nararanasan ng mga estudyante kung wikang Ingles ang
ginagamit sa pagtuturo ng matematika?
4. Ano ang pakinabang kapag ang wikang Filipino ang ginagamit bilang midyum sa
pagtuturo ng matematika?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalaman ng mga pahayag kung ano ang mga
kapakipakinabang na makukuha sa pananaliksik.
Sa mga guro, makatutulong ang pag-aaral na ito upang magsilbing impormasyon kung
ano ang pinaka epektibong midyum sa pagtuturo ng matematika.
Sa mga mag-aaral, makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral sa paraan na
maipababatid ng mga mananaliksik ang impormasyon ukol sa magiging epekto sa kanilang
paggamit ng wikang Filipino at wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo ng matematika.
Sa mga nagpaplano ng kurikulum, itong pag-aaral na ito ay makatutulong nang malaki
sa suporta at pagpapaigting ng kahingian o rekomendasyon ng mga mananaliksik na gamitin ang
wikang may mataas na porsyento na nagsasabing ang wikang iyon ang pinaka wasto bilang
midyum sa pagtuturo ng matematika sa antas ng pagkatuto.
Sa mga susunod na mananaliksik, Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay para
makalikha ng mga impormasyon na siyang magiging gabay upang makagawa ng isang
konklusyon na maaaring ipaalam sa ibang tao upang mas maging laganap ang kaalaman ng mga
tao tungkol sa pag-aaral na ito at para na rin sa mas ikapagpapabuti ng pananaliksik.
SAKLAW AT DELIMITASYON
Saklaw at pokus lamang ng pag-aaral na ito ang Epekto ng Wikang Filipino at Ingles
Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Matematiks sa Antas ng Pagkatuto.
Gagawin ang pag-aaral sa New Era University na matatagpuan sa Central Ave. Quezon
City, sa tatlumpung (30) mga kolehiyol sa akademikong taon ng 2014-2015. Sa pag-aaral na ito,
ang mananaliksik ay gagamit ng accidental sampling. Sa pagkuha ng opinyon o pananaw ay
walang kursong pipiliin o tutukuyin.

KONSWEPTUWAL NA BALANGKAS

Wikang Ingles

Pagtuturo sa
Matematika

MGA
KALAHOK

Wikang
Filipino

KATUTURAN NG MGA TERMINOLIHIYA


BALAKID
- hadlang

EPEKTO SA
PAGKATUTO
NG MGA
MAG-AARAL

DATOS
- impormasyon
INGLES
- internasyunal na wika
KAWILI-WILI
- Kasiya-siya
MATEMATIKA
- isang asignatura na kinapapalooban ng mga numerong ginagamit sa pang-araw araw na
pamumuhay ng tao
MANANALIKSIK
- mga taong nagsasagawa ng mga pag-aaral
MIDYUM
- paraan ng pakikipagkomunikasyon
PAKIKISALAMUHA
- pakikisama, pakikikapwa o pakikihalubilo sa mga tao

Kabanata II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Literaura
`Lokal. Ipinatupad ng pamahalaan ang Executive Order (EO) No. 210 noong Marso 17,
2003 na muling nagtatakda sa wikang Ingles bilang pangalawang wika sa pagtuturo sa mga
pribado at pampublikong paaralan. Nilalayon ng kautusang ito na paunlarin pa ang kasanayan ng
mga estudyanteng Pilipino sa wikang Ingles.
Kabilang sa mga probisyon ng EO 210 ang pagtatakda na ituro ang mga asignaturang
matematika at agham gamit ang wikang Ingles simula ikatlong baitang ng paaralang primarya.
Bukod pa rito, iniaatas ding gawing Ingles ang pangunahing wikang-panturo sa paaralang
sekundarya. Nakasaad pa sa EO 210 na hindi maaaring bumaba sa 70 porsiyento ng kabuuang
oras ng pag-aaral sa loob ng silid-aralan ang ilalaan sa pagtuturo na gamit ang wikang Ingles.
Inilabas din ng Kagawaran ng Edukasyon ang Order No. 36 noong Agosto 22, 2006 upang
maipatupad ang nasabing utos.
Ilang manunulat at guro naman ang nagtangkang pigilan ang pagpapatupad ng dalawang
kautusang ito. Ayon sa isang petisyong isinampa ng mga grupong nagsusulong sa wikang
Filipino, sa pangunguna ng Wika ng Kultura at Agham, Inc. (WIKA), labag umano sa Saligang
Batas ang dalawang kautusan. Anila, taliwas ang mga kautusang ito sa isinasaad sa Article XIV
Section 6 ng Saligang Batas, na dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wikang ng pagtuturo sa sistema pang-edukasyon.
Dagdag pa ng mga naghain ng petisyon, magiging balakid din ang paggamit ng wikang
Ingles sa paaralan sa pagkatuto ng mga mag-aaral na galing sa mahihirap na pamilya. Bunsod ng
kahirapan, hindi sila nakakapag-aral sa mga pribadong paaralan na kung saan higit na ginagamit
ang Ingles bilang wikang-panturo. Nahihirapan silang sumabay sa talakayan sa silid-aralan kapag
Ingles na ang midyum ng pagtuturo.
Subalit binasura ng Korte Suprema ang petisyon noong Hunyo dahil sa kakulangan nito
ng ilang impormasyon hinggil sa pagpapatunay ng pagsang-ayon sa petisyon ng mga miyembro
ng mga grupong kasamang nagsampa ng kaso.
Ayon kay Joel Malabanan, guro ng Filipino sa isang paaralang sekundarya sa Cavite at
dating propesor ng Filipino sa De La Salle University, nakakaabala sa pagkatuto ng mga magaaral ang wikang Ingles sapagkat kinakailangan pa nilang magsalin ang mga salita sa isip nila.
Aniya, Paatras na hakbang ang EO 210 sa pagyabong ng wika at panitikang Filipino.

Batay naman sa aking karanasan, higit kong nauunawan ang mga itinuturo ng aking mga
propesor kung ipinapaliwanag nila sa wikang Filipino ang mga mahihirap na aralin. Higit rin
akong malayang nakapagpapahayag ng aking mga paliwanag o saloobin sa klase kapag
pinahihintulutan akong magsalita sa nakasanayan kong wika.
Sa kabilang banda naman, hindi maikakailang may pakinabang rin sa mga estudyante ang
pagtuturo gamit ang wikang Ingles. Bukod sa lumalawak ang kanilang kaalaman hinggil sa
daigdig, nakatutulong ang pagkatutong gumamit ng wikang Ingles lalo nat ito ang wikang
ginagamit sa larangan ng komersyo at agham.
Mahalagang matutuhan ang wikang Ingles, ngunit higit na mainam kung ang mga magaaral ay tinuturuan muna sa wikang Filipino o sa rehiyonal na wikang kanilang nakasanayan
sapagkat madali nilang maiintindihan ang mga aralin gamit ang mga ito. Naipakita na ito sa mga
pag-aaral, gaya ng ginawa ng Lupon ng Pambansang Edukasyon sa Iloilo noong 1948 hanggang
1954 kung saan higit na natuto ang mga mag-aaral sa Iloilo nang Ilonggo ang ginamit na wikang
panturo.
Ang pagpili ng wikang panturo, batay sa naging karanasan ng ating sistema ng edukasyon, ay
hindi lamang isang panandaliang usaping nakabatay sa pangangailangang pang-ekonomiya. Sa
halip, mahalaga ring isaalang-alang dito kung paano nauunawaan ng mga estudyante ang
kanilang paligid. Kayat nararapat lamang na pag-isipan nang mabuti ng pamahalaan ang mga
polisiyang pangwika upang sa gayon ay higit itong makatulong.(varitarian.net)
Matagal ng isyu na may kinalaman sa edukasyon sa Pilipinas kung alin ang dapat na
gamitin sa pagtuturo sa paaralan, ang Ingles o ang Filipino? May mga nagsasabing Filipino ang
dapat na gamitin bilang opisyal na wika sa pagtuturo dahil aniya mas higit itong naiitindihan ng
nakakaraming Pilipino. Pagpapakita rin ito ng pagmamahal sa sariling wika tulad ng mga
hapones na Nippongo ang gamit. Meron din namang tumututol dahil ayon sa kanila ay mahirap
itong gamitin dahil sa mga salitang Ingles na hindi naman naisasalin sa Wikang Filipino lalo na
sa asignaturang Science, Math at iba pa. Diumano, mas nakakalito ito sa mga estudyante at pati
na sa mga guro.
Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino bagamat mas kilala ito bilang Tagalog sa
kadahilanang pawang mga taga-Maynila at ilang karatig probinsya lang ang gumagamit nito sa
pang-araw-araw na pamumuhay. Mahigit kalahati ng mga Pilipino ay ibang dayalekto ang gamit
tulad ng Bisaya, Hiligaynon, Ilokano, Bikol at iba pa. Sa aking pananaw ay mas nararapat na

Ingles ang gamitin sa paaralan bilang wikang panturo dahil mas nahahasa ang paggamit natin
nito. Alam naman nating maimpluwensya ang Wikang Ingles dahil sa umiiral na globalisasyon sa
mundo. Kapag pumunta ka sa ibang bansa ay Ingles ang gagamitin mo sa pakikipagtalastasan sa
ibang lahi. Gayundin kung may mga dayuhang pumunta dito sa ating bayan. Sa mga
kumpanyang pinagtatrabahuhan ay kinakailangan din ang kaalaman sa nabanggit ma wika dahil
karamihan sa mga kumpanya ay multinational o pag-aari ng dayuhan. Sa pag-iral ng
globalisasyon sa mundo ay pinalakas din nito ang Ingles bilang gamit sa pakikipagkalakalan.
Paano na lang kung tayong mga Pilipino ay hindi marunong magsalita ng Wikang Ingles o
bumaba ang kaalaman pagdating sa larangan ng pakikipagkomunikasyon sa nabanggit na wika?
Mas lalong maghihirap ang ating bansa dahil maapektuhan nito ang ibat-ibang industriya gaya
ng industriya ng Business Process Outsourcing (BPO) o Call Center at mga multinational na
kumpanya. Maraming paraan para maipakita natin ang pagmamahal sa Wikang Filipino o
Tagalog. Halimbawa n lang ay ang paggamit nito sa pagbabalita sa telebisyon, pagsusulat ng
ibat-ibang artikulo, paglikha ng mga tula, awit at iba pang uri ng sining. Isa pa ay ang pagba-blog
gamit ang wika natin gaya ng ginagawa ko. Sa pamamagitan nito ay mas lalong mauunawaan ng
mga mambabasa ang ibat-ibang isyu ng bansa.
Hindi isyu kung alin ba talaga ang dapat na gamiting opisyal na wikang panturo sa mga paaralan.
Ang tunay na isyu dito ay ang kalidad ng edukasyon. Sa huli ay nasa estudyante pa rin kung
paano siya magsusumikap upang tumaas ang kanyang kaalaman sa paggamit ng Wikang Ingles
at pagmamahal sa pamanang Wikang Filipino.

Kabanata III
METODOLOHIYA
Uri ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng deskriptibong uri ng pananaliksik dahil saklaw ng


pananaliksik na ito ang kasalukuyang kalakaran, kalagayan o sitwasyon ukol sa mga bagaybagay. Sisikaping ilarawan ng mga mananaliksik ang epekto ng paggamit ng wikang Filipino at
Ingles bilang midyum sa pagtuturo ng matematika sa mga estudyante. Ilarwan rin ang mga
nakalap na impormasyon ukol sa pag-aaral. Ang mga positibo at neagatibong epekto sa atityud at
performans ng mga estudyante ay ipapakita. Naayon ang uri ng pananaliksik na ito sapagkat
naglalayon itong masukat at maikumpara ang epekto ng paggamit ng wikang Filipino at Ingles sa
pagtuturo ng Matematiks.
Lunan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Pamantasan ng New Era, Lungsod ng Quezon City.
Sa pananaliksik ay hindi magbibigay ng isang partikular na kurso, lahat ay maaaring kalahok.
Bago pa man isagawa ang pag-aaral, humingi muna ng pahintulot ang mga mananaliksik sa guro
upang maaprubahan ang gagawing pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay gagawa ng liham at
ibibigay sa mga kalahok upang maisagawa ang pananaliksik.
Mga Kalahok
Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga kolehiyong mag-aaral sa Pamantasan ng
New Era. Pipiliin ang mga kalahok na ito gamit ang non-random sampling. Ibig sabihin, kung
sinumang makakasalubong ng mga mananaliksik ay maaaring mabigyan ng lupon ng mga
katanungan patungkol sa mga mananaliksik upang sagutan ito.
Instrumentong Pananaliksik
Upang makakalap ng mga impormasyon ukol sa wikang Filipino at wikang Ingles bilang
midyum sa pagtuturo ng Matematika, gumawa ang mga mananaliksik ng talatanungan o
kwestyoneyr na ibibigay sa mga kalahok upang malaman ang kanilang opinion ukol sa pag-aaral.
Ang talatanungan ay binubuo ng aytem ng mga tanong at pagpipiliang sagot.

Estadistikal tritment ng mga datos

Ang analisis at ang pagsalin sa mga datos para maging pamilang na impormasyon (numerical
data) ay gagamit ng percentage upang makuha ang ninanais na detalye. Ang maga ito ay itutuos
sa pamamagitan ng:

% = f/n x 100
Kung saan:
%= porsyento
F+frequency o dami ng mga sumagot sa tanong
N=sample o kabuuang bilang

Kabanata 4

PAGLALAHAD AT PAGBIBIGAY NG INTERPRETASYON


Paglalahad Ng Interpretasyon
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga bilang at porsyento ng mga datos na nakalap
ng mga mananaliksik mula sa mga mag-aaral sa kolehiyo sa New Era University.
1. Propayl ng mga Respondante
Talahanayan 1
Kasarian

Babae
Lalaki
Kabuuang Bilang

Bilang
19
11
30

Porsyento
63.33
36.67
100

Rango
1
2

Ang talahanayan 1 ay nagpapakita ng mga pagkakakilanlan ng mga kalahok sa ginawang


pananaliksik na kung saan ay nakalarawan na mas maraming babae ang tumugon sa bilang na 19
sa porsyentong 63.33, samantalang ang mga kalalakihan ay may bilang na 11, sa porsyentong
36.67.
Talahanayan 2
Kurso
BSBA-FM
BS Psychology
BS Biology
Kabuuang Bilang

BILANG
15
9
6
30

PORSYENTO
50.00
30.00
20.00
100

RANGO
1
2
3

Ang talahanayan 2 ay naglalarawan nang tungkol sa kurso ng bawat tumugon sa


pananaliksik. Nagpapakita na ang kursong Financial Management ang nangunguna na may
bilang na 15 sa porsyentong 50, pumapangalawa naman ang kursong Psychology sa porsyentong
30 at bilang na 9. Nasa ikatlong rango ang Biology na may bilang na 6 sa porsyentong 20.

Talahanayan 3
Karanasan sa Pananaliksik

Meron na
Wala pa

BILANG
27
3

PORSYENTO
90.00
10.00

RANGO
1
2

Ang talahanayan 3 ay nagpapakita nang tungkol sa karanasan sa paggawa ng panamanahong


papel ng bawat tumugon sa pananaliksik at pinapakita nito na may 27 na respondante na sumagot
na Meron na silang karansan sa paggawa at 3 para sa Wala pa karanasan sa paggawa ng
pamanahong papel.
Talahanayan 4
Inaantok sa klase
Boring
Hindi nauunawaan
Tinatamad
Hindi naipapaliwanag ng maayos
Mababa ang nakukuhang iskor
Bagsak

WEIGHTED MEAN
1.83
1.87
1.73
1.7
1.73
1.9
2.03

BERBAL NA INTERPRETASYON
MINSAN
MINSAN
OO
OO
OO
MINSAN
MINSAN

Problemang kinakaharap ng mga estudyante sa pagtuturo ng matematika sa wikang


Ingles o Filipino ay ipinapakita ng talahanayang apat, na nagpapakita na ang mga respondante ay
sumagot ng Oo sa mga problemang Hindi maunawaan, tinatamad, at hindi naipapaliwanag ng
maayos ang matematika kapag sa wikang ingles ang gingamit. At Minsan sa mga problemang
bagsak, mababa ang nakukuhang iskor, inaantok sa klase, at boring.

Talahanayan 5
Naipapaliwanag ng maayos
Naiintindihan ng mabuti
Mataas ang nakukuhag iskor

WEIGHTED MEAN
1.67
1.8
1.8

BERBAL NA INTERPRETASYON
OO
MINSAN
MINSAN

Kahalagahan ng wikang Filipino kapag ito ang ginamit na midyum sa pagtuturo ng


Matematika na pinapakita ng Talahanayan lima, na may papakita na ang mga respondante ay
sumagot ng Oo sa problemang Naipapaliwanag ng maayos. At Misan sa Mataas ang
nakukuhang iskor at Naiintindihan ng mabuti.

Talahanayan 6

Tradisyunal
Reporting
Self-learning
Online

WEIGHTED MEAN
1.6
1.57
1.6
1.6

BERBAL NA INTERPRETASYON
OO
OO
OO
OO

. Paraan ng pagtuturo?, ang Talahanayan Ika-anim ay nagpapakita na ang mga respondate


ay sumagot ng Oo, sa tradisyunal, reporting, self-learning at Online. At wala naman sumagot
ng Hindi.
Talahanayan 7
Mabilis magturo
Hindi nagbibigay ng halimbawa
Boring magturo
Hindi naipapaliwanag ng maayos
Kulang ang kaalaman sa itinuturo

WEIGHTED MEAN
1.63
1.8
1.87
1.8
2.1

BERBAL NA INTERPRETASYON
OO
MINSAN
MINSAN
MINSAN
MINSAN

Mga problemang nakakaharap ng mga guro na pinapakita ng Talahanayan Ika-pito na


ang mga respondante ay sumagot ng Oo kapag Mabilis magturo at Hindi kapag Boring
magturo, Hindi nagbibigay ng halimbawa, Hindi naipapaliwanag ng maayos at Kulang ang
kaalaman sa itinuturo.
Talahanayan 8
Ingles
Filipino
Tagalog
Kabuuang
Bilang

BILANG
18
11
1
30

PORSYENTO
60.00
36.67
3.33
100

RANGO
1
2
3

Wikang ginagamit ng iyong guro na ipinapakita ng Talahanayan Ika-walo na mayroong


30 kabuuang respondante. Ang sumagot ng Ingles ay 18 respondante, 11 para sa Filipino, at
1 respondante para naman sa Tagalog.

Talahanayan 9
1.25-1.0
1.75-1.5
2.25-2.0
2.27-2.5
3.0-pababa
Kabuuang Bilang

BILANG
1
12
12
5
0
30

PORSYENTO
3.33
40.00
40.00
16.67
0
100

RANGO
4
1.5
1.5
3
5

Grado as assignaturang Matematika ang pinapakita ng Talahanayan Ika-siyam na


mayroong kabuuang 30 respondante. May 1 respondante na nakakuha ng 1.25-1.0, 12 para sa
1.75-1.5 at 2.25.2.0 at 5 respondante para naman sa 2.27-2.5.

Kabanata 5
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
a. Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang masuri at mahambing ang epekto ng
wikang Filipino at Ingles bilang midyum sa patuturo ng Matematiks sa antas ng
pagkatuto ng mga estudyante.
Ginamit ng mananaliksik ang disensyong deskriptibo ng pananaliksik sa pag-aaral
na ito. Inilarawan ang bawat bagay-bagay at mga datos na nakalap sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga kwestyoneyr ukol sa paksa. Matapos magsagawa ng surbey ang mga
mananaliksik tungkol sa paksa gamit ang kwestyoneyr ay itinala ng maayos ang bawat
sagot ng mga respondante at impormasyong nakalap. Gumamit ang mga mananaliksik ng
non-random sampling teknik para sa pagpili ng mga respondante.
Napag-alaman sa pag-aaral na ito na iba-iba ang epekto sa pagkatuto ng mga
estudyante sa asignaturang Matematika sa paggamit ng Wikang Filipino at Wikang
Ingles. Ayon sa impormasyong nakalap mula sa mga surbey kwestyoneyr, karamihan ay
mas nais na matuto gamit ang wikang Filipino dahil mas naiintindihan ito ng marami at
nagkakaron sila ng mas malawak na kaalaman ukol sa asignatura. Kung wikang Ingles
naman ang gamit ay, maraming mga suliraning kinakaharap ang mga estudyante sa
pagkatuto ng Matematiks tulad ng nababagot sa klase at hindi maintindihan. Kayat
mahalagang maisaalang-alang ang wikang ginagamit sa pagkatuto lalo na sa asignaturang
Matematiks dahil hindi lahat ay hindi sapat ang kakayahan upang intindihin at unawain
ang bawat paksang itinuturo.
b. Konklusyon
Base sa pag-aaral sa mga datos at impormasyon na nakalap, lumalabas na ang
Wikang Filipino ang mahalagang dapat gamitin na midyum sa pagtuturo ng matematika,
at ito ang pinaka mabisang paraan sa pagkuha ng atensyon ng mga estudyante upang
maki8nig, maki patg kooperasyon, at maging aktibo sa klase. Bagamat nakasaad din sa
mga datos o impormasyon na meroon ding iilang resppondente ang may gusto ng
midyum na Ingles ang gamitin upang gamitin sa pag tuturo ng Matematika. Naasa

panananw parin ng isang indibidwal kung alin ang sa kanila ang pinaka importanteng
paraan.
Sa pananalikaik na ito ay maraming matutunan at mapagtatanto ang mga
mananaliksik at mambabasa nito, sa paraan naman ng mga respondente na may sangayon sa midyum na Filipino man o Ingles, hindi ito nakaka apekto sa ating layunin at pag
aaral ang mahalaga natututo tayo ng mabuti at naipagmamalaki tayo ng mga magulang
natin.

c. Rekomendasyon
Batay sa resulta ng pag-aaral, buong pusong inirerekomenda ng mananaliksik ang
mga sumusunod:
1. Dahil may resulta na mas mainam na gamiting panturo ang wikang Filipino sa antas
ng pag aaral sa matematika, inererekomenda na gamitin ang wikang Filipino sa
pamamaraan na upang maging panturo sa matematika at sanay pagyamanin at
pagbutihin pa upang matamo ang pagkamabisa sa pagtuturo.
2. Sa susunod na mananaliksik na nagbabalak pag-aralan ang paghahambing ng wikang
Ingles at Filipino tungo sa pagkatuto sa asignaturang matematika na gumawa ng mga
leksyon sa matematika na nakasalin sa wikang Filipino.
3. Pag aralan din ang iba pang pangunahing wika sa bansa upang masuri kung ito ba ay
magiging epektibo sa antas ng pagkatuto sa matematika.
4. Sa mga kagawaran ng Department of Education at Commission on Higher Education,
marapat na isama sa kurikulum ng elementary hanggan sa kolehiyo na dapat gamitin
ang wikang Filipino sa pagtuturo ng matematika

You might also like