You are on page 1of 2

Multilinggwalismo sa Edukasyon: Systematic Review

Sheila D.Dotimas at Penelyn M. Banawa

Abstrak
Isang paksang masasabing sintanda na ng panahon at natuklasang marami na ring
pananaliksik ang nagawa kaugnay dito ay ang usapin ng multinggwalismo sa
edukasyon. Bunga nito ang pagkakaroon ng kalawakan ng nasasakop na ideya na
nakapaloob dito bagaman hindi rin maikakailang may mga aspeto pa rin ng paksang
ito na hindi pa nagagawan ng pag-aaral. Kaugnay nito, hinangad ng pag-aaral na sa
pamamagitan ng systematic review ay mailahad ang mga paksang nagawan na ng mga
pag-aaral sa usapin ng multilinggwalismo sa edukasyon at kung ano-ano pa ang mga
kailangan pang pag-aralan o mga kakulangan.
Upang makalap ang mga pag-aaral na kasama sa review, sumailalim ito sa apat na
yugto: (1) mayroong isang search estrategy na ginamit upang makita ang mga pagaaral (2) aplikasyon ng inclusion at exclusion criteria (3) aplikasyon ng quality
assessment criteria at (4) integrasyon/sintesis ng mga natuklasan sa mga pag-aaral.
Natuklasan sa pag-aaral na ito na may 7 erya na pinagtuunan ng pansin ng mga
pananaliksik sa usapin ng multilinggwalismo sa edukasyon. Ito ang mga: hamon sa
pagtuturo/pagkatuto sa

multilinggwal na klase; estratehiya sa

pagtuturo sa

multilinggwal na klase; inobasyong pangwika; pananaw at language behaviour ng guro


sa

multilinggwal

na

klase;

polisiyang

pangwika;

kurikulum;

at

impak

ng

multilinggwalismo sa pag-aaral ng Ingles. Lumabas din sa pananaliksik na ito na ang


eryang

higit

na

pinagtuunan

ng

pansin

ay

ang

eryang

mga

hamon

sa

pagtuturo/pagkatuto sa multilinggwal na klase at ang mga erya naman na hindi


gaanong pinagtuunan ng pansin ay ang polisiyang pangwika, kurikulum, at impak ng
multilinggwalismo sa pag-aaral ng Ingles.
Pinatutunayan ng pag-aaral na ito na kahit marami ng pag-aaral ang isinagawa ukol
sa multilinggwalismo ay marami pang kailangang asikasuhin sa usapin ng
multilinggwalismo sa edukasyon.

Mga susing salita: multilinggwalismo, bilinggwalismo, systematic review, inobasyong


pangwika, estratehiya, hamon sa pagtuturo, impak ng multilinggwalismo,polisiyang
pangwika, pananaw at language behavior, kurikulum

You might also like