You are on page 1of 2

Epekto ng Code Switching sa Kakayahan ng mga Mag-aaral sa

Pakikipagkomunikasyon

(Konseptong Papel)

Rasyonale

Mas magkakaroon ng mataas na pagganap at pagkatuto ang mga mag-aaral kung


gagamitin nila ang kanilang unang wika ayon kay Walter at Dekker noong 2008. Ang
kahalagahan ng wikang katutubo sa matagumpay na pagtatamong kaalaman ng mga mag-
aaral. Dahil lubos na nauunawaan ang wikang ginagamit bilang midyum ng pagtuturo, maiisip
na magiging madali sa kanila ang paggamit ng mataas na lebel ng kasanayang pangkaisipan sa
mga gawaing pasalita at pasulat.

Sinasabing mas medaling matuto ang mga batang mag-aaral kung ang kanilang mother
tongue o unang wika ang wikang panturo ng mga guro.

Ayon sa ulat ng UNESCO noong 2003 tinukoy nilang ang mga batang natutong bumasa
at sumulat sa unang wika bago matuto ng ikalawang wika ay mas matagumpay sa pag-aaral
kumpara sa mga kamag-aaral na hindi natutunan nang lubos ang wika. Sinusugan naman ito ni
Lundberg sa pagbanggit ni Scott, na maraming mga pananaliksik ang nagpapatunay ng
positibong ugnayan ng unang wika sa pagkatuto ng pangalawang wika.

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga


mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa bawat bansa. Ang
sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa
pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan ng bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi
lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan.

Ang wika ay ang pangunahing instrumento sa pakikipagkomunikasyon at napakahalaga


nito sa pakikipagtalastasan. Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito, ayon
kay Whitehead. Ibig ipahiwatig nito na ang wika ay salamin ng lahi. Ang wika ay mga simbolong
salita ng mga kaisipan at saloobin. Ito ay isang behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya o
palagay sa tulong ng mga salita na maaaring pasalita o pasulat.

Ayon naman kay Gleason, ang wika ay isang masisitemang balangkas na sinasalitang
tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitrary upang magamit ng mga tao sa
pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang kultura. Ito rin ay kaluluwa ng bansa, pag-iisip ng
isang bayan, kumakatawan sa isang malayang pagsasama-sama at sa pagkakaisa ng layunin
at damdamin. Ito ay paghahatid ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga salitang
binibigkas. Ang wika ay maaaring humubog ng ating pananaw pandaigdig (world view).

Mahalagang maunawaan ng lubusan ang wikang kinagisnan, ngunit upang mas


mapaunlaad ang kakayahan sa pakikipagkomunikasyon ang isang ginagawang paraan ay ang
pag-aaral ng iba pang lenggwahe na tinatawag na pangalawang wika. Sa pagpapayabong ng
pagkatuto madalas gamitin ang dalawang wika sa pakikipagkomunikasyon.

Ayon sa isa sa mga labing-isang komisyoner sa Komisyon sa Wikang Filipino, walang


masama sa paggamit ng dalawang wika upang magkaroon ng mas epektibong komunikasyon.

You might also like