You are on page 1of 5

II.

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

A. Lokal

Ayon kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) at Gleason (sa Tumangan, et al., 2000),

Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaring tumangging magbago.

Ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon.

Paano nagbabago ang wika? Ang isang wika ay maaaring nadadagdagan ng mga

bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng tao, maaaring sila ay nakakalikha

ng mga bagong salita. Ang pinakamuhasay na halimbawa nito ay ang mga salitang

balbal at pangkabataan. Samantala, kailangan ding lapatan ng mga katawagan ang

mga produkto ng pag-unlad ng teknolohiya at sensya. Bunga nito, an gating wika ay

nadaragdagan ng mga bagong salita na hindi umiiral noon. May mga salita ring

maaaring nawawala sapagkat hindi na ginagamit.

(Sanggunian: Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon, P:7)

Samantala, Ayon kay Fishman (1974), Ang pagpaplanong pangwika ay nakadepende

nang Malaki sa elaborasyong lesikal. Ito ay tumutukoy sa proseso ng intelekwalisasyon

ng mga terminolohiya. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga

dating di-kilalang salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng depenisyon, sinonim,

antonym, at hayperonim ng mga bagong terminolohiya.

(Sanggunian: Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon, P:81)


Ayon kay Rosa Visa Ann B. Arocha, Ang wika ang maituturing na pinakamabisang

kasangkapan sa ating pakikipag-komunikasyon sa ating kapwa. Ang wika, pasalita man

o pasulat ay magiging sandata natin sa ating pakikihamok sa mga hamon ng buhay.

Ang wika ay binubuo ng mga titik at simbulo na kapag pinagsama-sama ay

maipapahayag natin ang mga nararamdaman natin sa ating pamilya, kaibigan, o kung

sino pa man na kakilala natin.

Ang Pilipinas, bagamat isang archipelago, na binubuo ng 7,107 na mga pulo na

mayroong iba’t-ibang diyalekto ay nagkakaroon ng pagkakaunawaan sa pamamagitan

ng paggamit ng iisang wika, ang wikang Filipino! Kaya naman kahit may iba’t-ibang

kultura, relihiyon at paniniwala sa bawat panig ng Pilipinas, nagkakaisa parin ang bawat

mamamayan ng ating bansa sa paggamit ng wikang Filipino.

Ayon kay, G. Joey Arrogante, Ang mga salitang lalabas o dapat mamutawi sa iyong

bibig ay mabubuti. Hindi dapat makakasakit sa kapwa. Kaya nga lamang sa panahon

ngayon. Iba iba na ang maririning sa mga kabataan nakagugulat dahil kahit may pinag

aralan ay nalilihis ang pagsasalita. Tama kayang sabihin na ang pagsasalita ay inaayon

mo sa uri ng iyong kausap? Kung ang iyong kaharap o kausap ay mahilig mag salita ng

mga salitang kanto ay gayon din ba sa iyong sasalitain?

Ayon kay Mendoza (2004), Ang makasining na paraan ng wastong pagpili at akmang

paggamit ng mga salita sa loob ng pangungusap sa kawili-wili at kasiyang-siyang

pagpapahayag ng diwa.
(Sanggunian: Mendoza-Decal, Eleonita, Pagbigkas at pagsulat na pakikipagtalastasan,

National Book store, 2009)

Ayon kay Gette, ang balbal o islang na salita ay ang di pamantayang paggamit ng mga

salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong

salitang kanto o salitang kalye. Halimbawa nito ay parak, lespo (pulis), iskapo (takas),

atik (pera), erpats (tatay), jokla (bakla), tiboli (tomboy), at marami pang iba.

B. Foreign

Sabi ni J. Lee (2015) Good grammar is essential to speaking language, the correct

deliberation of grammar enables one to write meaningful sentences and makes

speaking possible for one to communicate clearly and effectively.

(Sanggunian: Lee, J. Conquer grammar, Singapore Asia Publishers Ptc. Ltd, 2015)

Ayon kay Cafford (1965), Sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang pinakadinamiko.

Maaari kasing ang usong salitang balbal ngayon ay laos na bukas. Nakatutuwa ring

pag-aralan kung paano nabubuo ang mga salitang ito. Minsan nga, dahil sa

napakasalimuot na prosesong pinagdadaanan ng isang salitang balbal, nagiging


lubhang mahirap nang ugatin ang pinanggalingan nito. Kayrami ngang kabataang gamit

nang gamit ng mga salitang balbal na hindi nila alam kung paano ito nabuo.

(Sanggunian: Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon, P:32)

Ayon naman kay J, Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na

ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao.

Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit din

niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang iba’t-ibang

opinion at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at

pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran

at higit lalo na sa kanyang bansa.

Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang

sasakyan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinion, mga personal na

obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian bagkus ay isang sisidlan na siyang

nagpapahay ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan

din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling

salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at

pagkabansa ng isang bayan.

Ayon naman kay J.K Chambers (2008), Sosyalek naman ang tawag sa barayting

nabubuo batay sa dimensyong sosyal o panlipunan. Nababatay ito sa mga pangkat

panlipunan. Halimbawa nito ang wikang gamit ng mga estudyante, wika ng matatanda,
wika ng kababaihan, wika ng preso sa kulungan, wika ng mga bakla, ng kabataan at iba

pang mga pangkat. Makikilala ang iba’t-ibang barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang

rehistro na natatangi lamang sa pangkat o grupo na gumagamit ng wika.

(Sanggunian: Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon, P: 38)

Ayon kay Kazuhiro et. Al. (2009), Ang balbal na salita ay ang di pamantayang

paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Ang

antas ng lipunan na lalong nanghihikayat sa mga kabataan na makasanayang

bigkasing madalas ang mga salitang ito. Kalunos-lunos ang magiging bunga nito kung

hindi natin pagbibigyan na sapat na lunas o solusyon ang suliraning ito.

Ayon kay Wikipedia, Ang salitang balbal ay ang mga salitang nabubuo sa mga

pinagsasama o pinagdugtong na salita, maaari itong mahaba o maikling salita lamang.

Ang salitang balbal naman ay maiuugnay sa salitang “bakla”.

You might also like