You are on page 1of 4

Mga Banyagang Literatura

May kaugnayan ang mga nabasang literatura sa pag-aaral na isinagawa ng

mananalisik. Naglalaman ito ng mga konseptong maaaring magbigay linaw sa

kasalukuyang pag-aaral.

Ayon sa artikulong nasulat sa Grape Seed U.S. Website (2018), ang mga batang

nabubuhay sa kahirapan ay nalalantad sa higit na pagkapagod, mas matinding stress

na may negatibong epekto sa kanilang pokus, pag-unawa, IQ at pakikisalamuha. Ang

mga batang nasa kahirapan ay may posibilidad na makisalamuha sa mga taong may

hindi gaanong kumplikadong bokabularyo at hindi gaanong istraktura ng pangungusap,

at pagbabasa nang hindi gaanong madalas kaysa sa kaniyang mga kaedad na hindi

nabubuhay sa kahirapan.

Masasabi na isa sa mga salik na malaki ang impluwensya sa kahit anong istilo o

pamamaraan ng pagtuturo sa asignaturang Filipino ay ang estado ng pamumuhay ng

mag-aaral sapagkat ang salik na ito ay malaki ang epekto sa mental at emosyonal na

aspeto ng isang mag-aaral na magsisilbing dahilan ng mabagal na pagkakatuto at

walang pokus na isip sa pag-aaral dahil nakatuon ang kanilang isipan sa mga

problemang dulot ng kahirapang kanilang kinahaharap.

Ayon sa artikulong nailathala sa Your Article Library (2016), ang isa sa mga

kadahilanan na nakakaapekto sa pagkatuto ng isang mag-aaral ay ang kondisyon kung

saan nagaganap ang pag-aaral. Kasama rito ang mga silid-aralan, aklat-aralin,

kagamitan, kagamitan sa paaralan, at iba pang mga materyales sa pagtuturo. Sa

paaralan at sa bahay, ang mga kundisyon para sa pag-aaral ay dapat na kanais-

naisupang makabuo ng magandang resulta. Hindi maikakaila na ang uri at kalidad ng


mga materyales sa kagamitan at kagamitan ay may mahalagang bahagi sa kahusayan

ng pagtuturo.

Mahalaga na isaalang-alang ang konteksto ng mag-aaral kabilang dito ang iba't

bagay na ginagamit sa pag-aaral at mga lugar hindi lamang sa loob ng eskwelahan pati

na rin sa labas ng paaralan na may kaugnayan sa pagaaral ang, salik na ito ay

magbibigay tulong upang mas matamo ang mabilis na pagkatuto kung itong mga salik

na ito ay kanais-nais at may kalidad.

Ayon sa artikulong nailathala nila Kemp, Smith at Segal (2019) sa Help Guide

Website, sinasabi na ang mga bata at matatandang may problema sa pagkatuto ay

nakikita, naririnig at naiintindihan ang mga bagay sa magkaibang paraan hindi gaya sa

normal na tao. Isa sa karaniwang uri ng problema sa pagkatuto ay; pagbasa, pagsulat,

argumentasyon, matematika, pakikinig at pagsasalita.

Sinasabi na bawat indibidwal ay may kanya-kanyang identidad; mayroong

mabilis matuto at merong mabagal, ang mga taong mabagal matuto ay may sariling

paraan kung paano sila makaunawa. Maaaring mayroon lamang silang problema ayon

nga kina Kemph et. al ay may problema sa pagbasa, pagsulat, argumentasyon,

matematika, pakikinig at pagsasalita na ang mga problemang ito ay nararapat lamang

na makilala ng mga tagapagturo para maiwasto at hindi maging sagabal sa mga

estratehiya na kanilang ginagamit sa pagtuturo.

Sa artikulong naisulat sa Human Rights Watch Website (2017), nailahad na ang

mga mag-aaral na humaharap sa diskriminasyong pangkasarian sa loob ng paaralan ay

nagiging mabigat na kapaligiran para kanila. Dagdag sa pisikal at sikolohikal na pinsala,

mailalarawan ng mga mag-aaral kung paanong ang pambubulas, diskriminasyon, at


paghihiwalay ay nagiging sanhi upang mawala sa konsentrasyon sa pag-aaral, pagliban

sa klase at pabagsak na grado.

Isa sa mga mabigat na salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mag-aaral at

pagtuturo ng mga guro ay ang prolemang naidudulot ng diskriminasyon lalo't higit sa

mga estudyanteng nabibilang sa LBGT community dahil sa diskriminasyon na ito

maapektuhan ang pisikal at lalo't higit ang mental at intelektwal ng isang mag-aaral

maaaring hindi na nakatuon ang isipan sa pag-aaral at pakikinig dahil lungkot at takot

ang bumabagabag sa isipan kaya naman kahit na ano pang kawiliwili at aktibong

pamamaraan ang gamitin ng guro ay mahihirapan ang mag-aaral na makasabay sa

klase

Sa palagay ni Cruickshank (2016) sa kanyang librong Act of Teaching, may

tatlong konklusyong pinaniniwalaan nag mga guro kaugnay sa pamaraan pagtuturo.

Una, pinaniniwalaan ng mga guro may iba't ibang pamamaraan ng pagtuturo para sa

bawat mag-aaral. Pangalawa, pinakaepektibong paraan sa pagkatuto ay ang

paglelektyur o diskusyon na maaaring gamitin sa mga mag-aaral. Panghuli, may iba't

ibang pananaw ang mga guro tungkol sa diskusyon. Sinasabi sa libro na malaki ang

ginagampanan ng guro tungo sa pagtuturo at pakatuto ng mag-aaral, kung

naisasaalang-alang ang mga salik, makatutulong ito sa agarang pag-unlad at pagkatuto

ng mag-aaral.

Mas mailalahad ng maayos ng mananaliksik sa pamamagitan ng mungkahing ito

ang mga salik na dapat isaalang-alang sa mga pamaraan ng pagtuturo ng mga guro at

ang gagamiting pagtaya ay magiging makabuluhan sa pag-unlad ng antas ng

pagkatuto.
Malaki ang tulong ng mga nabanggit na literatura sapagkat ito ang magiging

sanggalan ng mananaliksik upang maging matibay ang pananaliksik na kanyang

isinasagawa. Ang paghahanap ng literatura mula sa mga eksperto patungkol sa mga

salik sa pamaraan ng pagtuturo ay mahalaga upang may mapagkunan ng mga

kaalaman at konseptong may kaugnayan sa pananaliksik.

You might also like