Professional Documents
Culture Documents
DENGUE FEVER
Ang Dengue ay isang sakit na galing sa mikrobyo na napupunta sa tao
sa pamamagitan ng kagat ng Aedes Aegypti, isang babaeng lamok. Isa ito sa
mga lumalaganap na sakit at umabot na sa 456 katao ang namatay sa
Pilipinas noong nakaraang taon kaya doble ingat na ang Department Of
Health (DOH) laban sa dengue at nagpapatupad na ng mga bakuna at mga
kaalaman tungkol sa mabagsik na lamok.
Maraming paraan upang masugpo ang pagdami ng lamok sa
pamamagitan ng pag-alis, pagtapon o pag-ayos ng anumang bagay na pinag-
iipunan ng tubig gaya ng lata, bote, timba, lumang gulong, paso, tangkay ng
pinya, baradong alulod, mga halaman na tinitirhan ng mga lamok at mga iba
pang bagay na maaaring taguan ng mga lamok.
TIGDAS
Ang tigdas ay isang nakahahawang sakit dulot ng virus na sumisira sa
respiratory tract o daanan ng paghinga bago kumalat sa buong katawan. Mas
madaling mahawa rito ang mga sanggol at batang wala pa sa hustong gulang
dahil hindi pa masyadong na-develop ang kanilang immune system. Ang sakit
din na ito ay lubhang mapanganib para sa mga nagbubuntis dahil maaaring
magkaroon ng matinding epekto sa sanggol na nasa loob ng kanilang
sinapupunan. Ang tigdas ay maaaring kumalat sa hangin at karaniwang
naipapasa sa pamamagitan ng pagdikit sa mga taong may impeksiyon.
POLIO