You are on page 1of 1

Posisyong Papel ukol sa Mother Tongue Based-Multilingual Education

Pink Clouie S. Yabes

Nobyembre 30, 2023

Ang Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE) ay isang sistema ng edukasyon na kung saan
ang unang wika o mother tongue ng isang bata ang ginagamit bilang pangunahing midyum ng pagtuturo.
Ang kahalagahan nito ay hindi maipagkakaila dahil ito ay nagbibigay-daan para sa mas epektibong
pagkatuto ng mga bata. Sa aking palagay, ako ay buong puso at lubos na sumusuporta sa MTB-MLE dahil
sa mga benepisyong ito na maaring idulot sa ating mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mother
tongue, Filipino, at Ingles, nagkakaroon sila ng kakayahan na magkomunikasyon at makipag-ugnayan sa
iba't ibang mga tao at kultura. Ito ay nagbubukas ng mga oportunidad para sa kanila na makipag-
kompetensya sa global na antas at magtagumpay sa mga larangan ng trabaho at edukasyon..

Sa kabila ng aking pagsuporta, mayroon ding mga taong hindi sang-ayon sa MTB-MLE. Ang kanilang
pangunahing argumento ay ang posibilidad na ito ay maaaring magdulot ng paghihiwalay o pagkakahati-
hati sa ating bansa dahil sa iba't ibang wika na ginagamit. Sila rin ay nag-aalala na ang paggamit ng mother
tongue sa mga paaralan ay maaaring magdulot ng kahirapan sa mga mag-aaral na matuto ng Filipino at
Ingles, na siyang itinuturing na pangunahing wika sa ating bansa. Karagdagan pa, ang kakulangan ng mga
materyales at mga guro na may sapat na kaalaman at kasanayan sa pagtuturo gamit ang iba't ibang mother
tongue. Ito rin ay maaaring magdulot ng dagdag na pasanin sa mga guro na kinakailangang mag-adjust sa
iba't ibang wika ng kanilang mga mag-aaral. Higit pa rito, ang iba ay nag-aalala na ang MTB-MLE ay
maaaring mag-limita sa mga oportunidad ng mga mag-aaral na makipag-ugnayan at makipag-
kompetensya sa global na antas dahil sa kanilang limitadong kaalaman sa Ingles. At higit sa lahat, ang
paggamit ng mother tongue bilang pangunahing midyum ng pagtuturo ay maaaring magdulot ng kawalan
ng pagkakaisa sa ating bansa. Sa halip na magkaroon ng isang pambansang wika na magiging simbolo ng
ating pagkakaisa, ang MTB-MLE ay maaaring magdulot ng pagkakabaha-bahagi dahil sa iba't ibang wika na
ginagamit sa bawat rehiyon. Sa ganitong paraan, ang MTB-MLE ay maaaring hindi makatulong sa
pagpapalakas ng ating pambansang identidad at sa halip ay maaaring magdulot ng higit na pagkakabaha-
bahagi.

Sa kabuuan, bagamat may mga argumento at pangamba ang ilan sa hindi pagsang-ayon sa Mother Tongue
Based-Multilingual Education (MTB-MLE), naniniwala ako na ang mga benepisyo nito ay higit na
makabuluhan at makatutulong sa ating mga mag-aaral. Ang paggamit ng mother tongue bilang
pangunahing midyum ng pagtuturo ay nagbibigay-daan sa mas epektibong pagkatuto at pag-unawa ng
mga mag-aaral. Ito rin ay nagpapalakas ng kanilang pagkakakilanlan at kultura, na nagiging pundasyon sa
kanilang pag-aaral. Bagama't may mga hamon tulad ng kakulangan sa mga materyales at guro, ito ay mga
isyung na dapat tugunan at solusyunan upang mas mapalakas ang implementasyon ng MTB-MLE. Sa huli,
ang pagpapalawak ng kaalaman at pag-unawa ng mga mag-aaral sa kanilang sariling wika at kultura ay
nagbibigay-daan sa mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa iba't ibang wika at kultura ng ating
bansa. Sa ganitong paraan, ang MTB-MLE ay maaaring maging daan tungo sa isang mas magkakaisang at
mayaman na lipunan

You might also like