You are on page 1of 4

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naintindihan ang kahulugan ng Pangatnig


b. Naipapaliwanag ang Pangatnig at mga Uri ng Pangatnig
c. Nagagamit sa pagbuo ng pangungusap

II. PAKSANG ARALIN

PAKSA: Pangatnig
KAGAMITAN: Video Presentation
SANGGUNIAN: Filipino 3

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG ESTUDYANTE


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin

Magandang hapon sa ating lahat. Magandang hapon din po sa inyo.

Bago natin simulan ang ating aralin, tayo’y


magdasal muna

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo….


Panginoon, gabayan niyo po kami sana raw na ito, Amen
sana maging masaya at marami pong matutunan
ang aking mga estudyante sa aking pagtuturo.
Maraming salamat po Aming Panginoon. AMEN

2. Pagbati
3. Pagtatala ng mga Lumiban

Bago natin umpisahan ang lahat, magtatala muna


ako kung sino ang wala sa ating klase ngayon. Sino
ba ang wala sa araw na ito?

Wala, Magaling. Kompleto kayong lahat. Wala po.

4. Balik-Aral

Bago natin kilalanin ang bagong paksa na ating


tatalakayin, ating balikan ang naunang paksa na
ating itinalakay kahapon.
Kaya mayroon akong isang katanungan. Ano nga
ba ang ating tinalakay kahapon?Sino ang
makaakapagsabi ng tamang sagot?Ashley!
Magaling Ashley!

Pandiwa ang ating huling itinalakay, Ako po Ma’am!


Ang itinalakay kahapon po natin
kahapon ay Pandiwa
B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak

Bago natin umpisahan ang lahat, mayroon akong


inihanda na Gawain na makakatulong sa inyo na
magjkaroon ng ideya sa ating paksang tatalakayin.
Humanao ng katulong sa pagsagot sa mga
pangungusap at kumpletuhin ninyo ang mga
pangungusap na aking isusulat o ididikta.

A. Ako ay bibili ng prutas ____ pagkain na


ihahanda sa darating na Pasko. At
B. Si Anna ay nagmamadali na ______ hindi siya
mahuki sa klase. Upang
C. ______ mag-aaral ng mabuti, makakakuha ng
mataas na marka. Kapag
D. Nag-aaral pa rin si Ben ____ walang kuryente. Kahit
E. Mataas sana ang mga marka ni Alyssa _____
nag-aaral ng mabuti. Kung
C. PAGLALAHAD NG MGA HALIMBAWA
Ano ang inyong ginawa? Pinunan ang mga may kulang na
salita sa pangungusap.
Ano ang inyong napansin sa mga pangungusap na
inyong sinagutan? Base po sa aking palagay, ito po ay
mga pangatnig. Ito po ay bahagi ng
pananalita na nag-uugnay ng mga
salita.
D. PAGTATALAKAY
Ang mga pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag
uugnay ng mga salita, parirala, sugnay o pangungusap
upang makabuo ng malinaw na diwa.
Ginagamit ito kapag ang tanong ay nagsisimula sa
bakit, dahil, sapagkat, mangyari at iba pa.
Halimbawa ng pangatnig: At, maging, anupa’t ngunit,
bilang, o, dahil, upang, datapwa’t, samanatala, habang,
sakali, kapag, subali’t, kaya, bagkus, kung. Ano nga Ito ang mga salitang pangatnig.
ang mga salitang ito?
May iba’t ibang uri ng pangatnig
1. Panlinaw
2. Panubali
3. Paninsay
4. Pamukod
5. Pananhi
6. Panapos
7. Panimbang
8. Pamanggit
9. Panulad
10. Pantulong
Ano ang unang uri ng pangatnig? Panlinaw
PANLINAW. Ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o
kabuuan ng isang banggit. maaari itong gamitan ng mga
salitang kung, kaya, kung gayon, o kaya.
Halimbawa: Nag-usap na kami sa barangay kung kaya ang
kasong ito ay tapos na.

Ano naman ang ikalawang uri ng pangatnig? Panubali


PANUBALI. Ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan, maaaring
gamitan ng mga salitang kung, kasali,disin, sana ,kapag, o pag
Halimbawa: Gawin mo na agad ang sinabi ni itay kung ayaw
mong mapalo.

Ano naman ang ikatlong uri ng pangatnig? Paninsay


PANINSAY.  Ginagamit kapag sinaslungat ng unang bahagi ng
pangungusap ang pangalawang bahagi nito maaring gamitan
ng mga salitag ngunit, , datapwa’t, subalit, bagaman,
samantala, kahuman, o kahit.
Halimbawa: nakasama ako sa kanila ngunit pag-uwi ko ay
pinagalitan ako ni nanay.

Ano naman ang Ika-apat na uri ng pangatnig? Pamukod


PAMUKOD. Ginagamit ito upang ihiwalay, itangi, o itakwil
ang isa o ilang bagay o kaisipan. maaaring gamitan ng mga
salitang o ,ni, maging, at man
Halimbawa: Ako man ay ayaw sa pamumuno niya.

Ano naman ang ika-limang uri ng pangatnig? Pananhi


PANANHI.  Ginagamit upang magbigay ng dahilan o katwiran
para sa pagkaganap ng kilos. Maaaring gamitan ng mga
salitang dahil sa, sanhi, sapagkat o mangyari.
Halimbawa: Nagkasira-sira ang bahay ni ka pilo dahil sa
malakas na bagyo.

 Ano naman ang ika anim? Panapos


PANAPOS.  Ito ay nag sasaad ng nalalapit na katapusan ng
pagsasalita. Maaaring gamitan ng salita sa lahat ng ito, sa di-
kawasa, saw akas, o sa bagay na ito.
Halimbawa: Sa wakas ay makakauwi na rin tayo.

Ano naman ang ika pitong uri ng pangatnig? Panimbang


PANIMBANG. Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng
karagdagang impormasyon o kaisipan. Maaaring gamitan ng
salitang at, saka, pati, kaya, o anupa’t.
Halimbawa: Ikaw at ako ay mahilig kumain.

Ano naman ang ika-walo? Pamanggit


PAMANGGIT. ito ay nagsasabi o gumagaya lamang sa
pananaw ng iba, Maaaring gamitan ng mga salitang daw,raw,
sa ganang , o di umano.
Halimbawa:  Sumama kana raw sabi ni ma’am perez.
Ano naman ang ika-siyam? Panulad
PANULAD. Ito ay tumutulad ng mga pangyayari, kilos o gawa.
Maaaring gamitan ng salitang kung sino…siyang kung ano…
siya rin… o kung gaano.. siya rin.
Halimbawa: Kung ano ang puno’t siya rin ang bunga.

At ang panghuling uri ng pangatnig ay? Pantulong


PANTULONG. Nag-uugnay ito ng nakapag-iisa at hindi
nakapag-iiang mga salita, parirala o sugnay. Maaaring
gamitan ng mga salitang, kung, kapag, upang, para, nang,
sapagkat, o dahil sa,
Halimbawa: Nag-aaral siya nang mabuti upang matuwa ang
kanyang magulang.

E. PAGLALAPAT
 Hahatiin ng guro sa dalawang grupo ang buong klase,
a bibigyan ngawain kada grupo.
 Unang grupo. Gumawa ng limang pangungusap na may
panapos.
 Ikalawang grupo. Gumawa ng limang pangungusap na
may panimula.

F. PAGLALAHAT
Sagutin ninyo isa isa-isa ang mga tanong na aking ididikta

 Mahalaga ba ang pangatnig sa pagbuo ng Opo.


pangungusap?
 Bakit ito mahalaga? Dahil ang pangatnig ay mahalaga sa
pagbuo ng pangungusap na ating
ginagamit sa araw-araw bilang
panimula, at panapos.

IV. PAGSUBOK

Panuto: Sa isang buong papel sumulat nang sampung 1-10 pangungusap gamit ang mga salitang pangatnig at
salangguhitan ang mga ito.

V. TAKDANG – ARALIN

Gumawa ng maikling tula na makikitaan ng pangatnig at nang uri nito.

You might also like