You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG BATANGAS
Taysan National High School
Brgy.Taysan, San Jose,Batangas

Banghay- Aralin sa Filipino 9

Yugto ng Pagkatuto- Linangin- Gramatika/Retorika


I. LAYUNIN
F9WG-If-44
Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw.

II. PAKSA
1. Panitikan : Kay Estella Zeehandelaar
: Isinalin sa Filipino ni Elynia Ruth S. Mabanglo
: Sanaysay- Indonesia
Gramatika/Retorika : Gamit ng mga Salitang Pang-ugnay sa Pagpapahayag
ng Opinyon
Uri ng Teksto : Naglalahad

2. Sanggunian : Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et. al.


3. Kagamitan : laptop, speaker

III. PROSESO NG PAGKATUTO


Gawaing ng Guro Gawain ng Mag- aaral
A. Panimulang Gawain
Pagdarasal
Pagbati ng Guro
Pagsasaayos ng Silid

U- Upua’y ihanay ng maayos


G- Gamit sa ibabaw ng lamesa ay
itago
N- Ngitian ang katabi at sabihing
“Bes! Sumagot ka ha!”
A- Ang lahat ay tumahimik
Y- Yumuko at limutin ang kalat sa
ilalaim ng upuan

Pagtatala ng liban

B. Aktibiti
1. Pagganyak
Bago tayo tumungo sa ating
paksang aralin, ay may inihanda
akong gawain. Pero bago iyon
ay sino sa inyo ang
makapagbibgay ng mga hugot
tungkol sa “PAG-IBIG”.
( Ang mga mag- aaral ay nagbigay ng
kanilang mga hugot)
Ako din ay may sariling hugot.
Ang gawaing ito ay tatawagin
nating “Hinugot ko, Isasalaysay
ko” may inihanda akong kahon
na naglalaman ng mga hugot
mula sa puso. Sa isang saliw ng
musika, ipapasa ang kahon sa
inyong mga kamag-aaral. Sa
paghinto ng awit ang mag-aaral
na matatapatan ng kahon o
huling makakahawak ang siyang
magbabasa ng malakas,
malinaw at may damdamin sa
hugot na mula sa puso.

Handa na ba ang lahat? Opo!

(pagpapaikot ng kahon)

Tumayo ang mga mag-aaral na


nakakuha ng mga hugot mula
sa puso at ikapit sa pisara. (pagkapit ng mga hugot sa pisara ng
mag-aaral)

Analisis 1
1. Ano ang napansin niyo sa
binasang mga hugot? may mga salita po na may
salungguhit.

2. Suriin ang mga pahayag. Sa


tingin ninyo, ano ang mga
salitang may salungguhit? Pang-ugnay po!

Magaling! Tama ang inyong


kasagutan. Ang mga salitang
may salungguhit ay mga
pang- ugnay.

C. Pagtalakay ng Aralin
Ang pang-ugnay ay salitang
nagpapakita ng relasyon ng
dalawang yunit sa pangungusap,
maaaring salita, dalawang parirala
o dalawang sugnay.

May tatlong uri ng pang-ugnay.

Analisis 2
1. Ano ang pangatnig? Ito po ay nag-uugnay ng salita.

Magaling! Ang pangatnig ay


tawag sa mga katagang nag-
uugnay sa dalawang salita,
parirala o sugnay. Ito ay: tulad
ng, kahit na, dahil sa,palibhasa,
sapagkat at iba pa.
Halimbawa:
Umasenso ang kanyang buhay,
dahil sa kanyang pagsisikap.

Ang dahil sa ang ginamit na


pangatnig sa pangungusap.
Maliwanag? Opo!

Sino sa inyo ang


makapagbibigay ng isang
makabuluhang pangungusap na
ginagamitan ng pangatnig? ( ang mga mag-aaral ay nagbigay ng
kanilang mga halimbawa)

Magaling!

2. Ano ang pang-angkop? ang pang-angkop ay nag-uugnay sa


panuring at tinuturingan.

Magaling! Ang pang-angkop ay


mga katagang nag -uugnay sa
panuring at salitang
tinuturingan. Ito ay: na ,ng ,g.

Halimbawa:
Masama sa may diabetes ang
matatamis na pagkain. ( nagbigay ng halimbawa)

3. Ano ang pang- ukol? salitang nag-uugnay sa isang


pangngalan sa iba pang salita.

Magaling! Ang pang-ukol ay:


ang, si, ng, ni, sa, para sa, para
kay, ayon sa, ayon kay, at iba
pa.

Halimbawa:
Ang kanyang talumpati ay
para sa kababaihan. (ang mag-aaral ay nagbigay pa ng
halimbawa)

D. Abstraksyon
Mula sa nasaliksik ninyong
halimbawa ng sanaysay tungkol sa
kababaihan noong nakaraan ay
bilugan ang mga pang-ugnay na
ginamit sa pangungusap. Suriin
kung anong uri ito.

Maliwanag ba ang gagawin? Opo!

Maari na kayong magsimula.

E. Aplikasyon
Pangkatang Gawain
Sa pamamagitan ng ibat-ibang
estratehiya ay gumamit ng mga
pang-ugnay at ipahayag ang inyong
sariling pananaw tungkol sa “Ang
mga kababaihan ay may
kakayahang higitan ang nagagawa
ng mga kalalakihan”.

Pangkat 1: Awit
Pangkat 2: Dula-dulaan
Pangkat 3: Tula
Pangkat 4: Pagtatalumpati

Maliwanag ba ang gagawin? Opo!

IV. PATATAYA
Panuto: Magbigay ng sariling
pananaw, saloobin o damdamin
sa pahayag gamit ang mga
pang-ugnay.

1. Ang kalayaan ay tanda ng


pagkakaisa.

2. Ang mga kalalakihan lamang


ang may kakayahang
magtaguyod ng kanilang
mga pamilya.

3. Ang bawat isa ay may


pantay-pantay na karapatan.

4. Hanggang ngayon ay hindi


pa lubos nakakamit ng mga
kababaihan ang kanilang
kalayaan at.karapatan.

5. Ang Women Empowerment


ay nangangalaga at
nagtatanggol sa karapatan
ng mga kababaihan upang
naiwasan ang pang-aapi at
pang-aabuso sa mga ito.

V. TAKDANG ARALIN
Sumulat ng limang pangungusap na nagpapakita ng paggamit ng pang-
ugnay.
Inihanda ni:

_____________________
PRINCES JANE C. MIRAL
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni

___________________
JOMIELYN RICAFORT
Gurong Tagapagsanay

You might also like