You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
DIBISYON NG LIPA

Paaralan Bugtongnapulo Baitang Siyam (9)


INHS
TALA SA
Guro Mary Rose B. Antas
PAGTUTURO Dela Cruz
Petsa at Oras Markahan Una

Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. masuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa


I. LAYUNIN
itinakdang pamantayan
b. maipamalas ang kawilihan sa panonood ng teleseryeng
Asyano

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at


A. Pamantayang
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang
Pangnilalaman
Asya.

Nakagagawa ang mga mag-aaral ng isang malikhaing


B. Pamantayan
panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga akdang
sa Pagganap
pampanitikan sa Timog-Silangang Asya.

C. Pinakamahalagang
Kasanayan sa Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang
Pagkatuto (MELC) pamantayan
(Kung mayroon, isulat ang
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan Naipamamalas ang kawilihan sa panonood ng teleseryeng Asyano
(Kung mayroon, isulat ang sa pamamagitan ng pagtatala o pagpupuno sa tugunang papel
pagpapaganang kasanayan)

Pagsusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang


II. NILALAMAN pamantayan
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa
MELC FILIPINO G9Q2, PIVOT BOW R4QUBE, CURRICULUM GUIDE
Gabay ng
Guro
b. Mga Pahina sa

This study source was downloaded by 100000788119801 from CourseHero.com on 08-21-2022 02:56:56 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/69630843/Mary-Rose-Dela-Cruz-Lesson-Exemplar-Filipino-9-MELC-11doc/
Kagamitang
Pangmag-aaral
Pinagyamang Pluma 9 pahina 31-45
c. Mga Pahina sa Baisa,Ailene-Julian. Alma Dayag. Mary Grace Del Rosario. Nestor
Teksbuk Lontoc. Pinagyamang Pluma 9.927 Quezon Ave., Quezon City.
Phoenix Publishing House, Inc.
d. Karagdagang
Kagamitan mula Learning Resource Portal sa
sa https://lrmds.deped.gov.ph/k_to_12
Portal ng Learning https://www.youtube.com/watch?v=-xQvNieCANY
Resource
B. Listahan ng mga Powerpoint, kagamitang pampagkatuto at google meet access
Kagamitang Panturo
para sa mga Gawain
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
Sisimulan ang gawain sa pagsagot sa Mahalagang Tanong. Ang
kasagutan ng mag-aaral ay hinihikayat na isulat sa kanyang
journal.

Gawain 1
Mahalagang Tanong: Bakit mahalagang magkabuklod-buklod
ang pamilya sa hirap man o ginhawa?

Gawain 2
Ano-anong bagay ang maibabahagi mo tungkol sa iyong pamilya?
Punan ang web organizer sa kabilang pahina upang maipabatid
ang ilang impormasyon tungkol sa pamilyang iyong
kinabibilangan.
NIMULA
A. PA
Gaa
Ilan kayo sa no kayo kadalas
inyong pamilya? lumabas nang
sama-sama?

Anong
bagay o kaugalian Ano ang gusto
ang pinakagusto mong mabago pa
mo sa iyong o mapaganda pa
pamilya? tungkol sa
inyong pamilya?

Trivia Time Na! Alam Mo Ba?


Ang Pilipinas ay tinatawag ding “Perlas ng SIlangan.” Ang bansang
B. PAGPAPAUNLAD
ito ay nahahati sa tatlong pangkat ng mga pulo – ang Luzon,
Visayas, at Mindanao. Binubuo ito ng higit-kumulang na pitong

This study source was downloaded by 100000788119801 from CourseHero.com on 08-21-2022 02:56:56 GMT -05:00
https://www.coursehero.com/file/69630843/Mary-Rose-Dela-Cruz-Lesson-Exemplar-Filipino-9-MELC-11doc/
libong mga pulo.

Pilipino ang tawag sa mga mamayan dito. Ang pambasang wika


ay tinatawag na wikang Filipino na nabuo sa pamamagitan ng
mayamang diyalekto at wikang panrehiyon o panlalawigan mula
sa iba’t ibang panig ng bansa. Ito ay isa sa mga bansa sa Timog-
Silangang Asyang nagtataglay ng maipagkakapuring kagandahan
at kayamanan. Maraming magagandang tanawing kilala sa mundo
ang mapupuntahan dito gaya ng Hagdan-hagdang Palayan sa
Banaue at ang Puerto Princesa Subterranean River o
Underground River sa Palawan na itinanghal bilang isa sa New 7
Wonders of the World, ang magagandang dalampasigan sa iba’t
ibang panig ng bansa at marami pang iba.

Ang kaugalian at kultura ng bansang ito ay mayaman din dahil


sa paghahalo-halo ng mga kultura at paniniwala ng mga
bansang sumakop dito. Sa loob ng mahigit tatlong daang taon
ay nasakop ang bansa ng mga Espanyol, kasunod ng pananakop
ng mga Amerikano at ng bansang Hapon.

Sa lahat ng magagandang bagay na nabanggit tungkol sa


Pilipinas marahil isa pa sa kahanga-hanga sa bansang ito ay ang
kaugalian ng mga Pilipinong mahigpit na samahan o
pagkakabuklod-buklod ng magkakapamilya. Ang ugaling ito ang
lalo pang nagpaningning sa kagandahan kagandahan ng bansa
dahil nakikilala ang mga Pilipino bilang mababait at
mapagmahal sa pamilya.

Ang natatanging ugaling ito ng mga Pilipino ang siyang makikita sa


nobelang mapapanood.

Gawain 3
Sa bahaging ito, ipanonood ng guro sa mga mag-aaral ang
madulang pagkukuwento na pinamagatang “Bata,bata paano
ka ginawa?”

https://www.youtube.com/watch?v=-xQvNieCANY

Matapos maipanood, pasasagutan ang sumusunod na mga


katanungan hinggil sa pinanood.

Mga Katanungan:
1. Ano ang masasabi mo sa pananaw ni Lea tungkol sa hindi
niya paglalagay ng make-up o lipstick sa kanyang anak? Sang-
ayon ka ba sa kanyang pananaw? Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Tama bang gumastos ng malaking halaga para lamang sa isang
contest na katulad ng nasa akda? Pangatwiranan ang iyong
sagot.
3. Ano ang masasabi mo sa tula ni Maya at sa reaksiyon ng
mga tao lalo ng kanyang ama?
4. Kung ikaw si Lea, tuturuan mo rin ba ang iyong anak ng mga
ganoong bagay kahit bata pa siya?

This study source was downloaded by 100000788119801 from CourseHero.com on 08-21-2022 02:56:56 GMT -

https://www.coursehero.com/file/69630843/Mary-Rose-Dela-Cruz-Lesson-Exemplar-Filipino-9-MELC-
5. Paano ipinakita ang pagtutulungan ng pamilya sa akda?
6. Ikaw, masasabi mo bang ganoon din sumuporta ang
iyong pamilya sa iyo at sa iba pang miyembro ng inyong
pamilya?
Ang akdang pinanood/pinakinggan ay kakikitaan ng kumpletong
banghay ng isang akdang tuluyan. Batay sa pagbabanghay na
natutunan sa mga nakaraang aralin, gagawa ang mag-aaral ng
maayos na banghay sa nobelang “Bata, bata Paano Ka Ginawa?”.
Ibigay rin ang mga pangyayari o kaisipang nakatala sa talahanayan
sa ibaba.

Gawain 4
Simulang Pangyayari:

Papataas na Pangyayari:

Kasukdulan:
C. PAKIKIPAGPALIHAN

Pababang Pangyayari:

Wakas:

Mga bahagi ng akda na nagpapakita ng


pinakamataas na katotohanan, kabutihan, at
kagandahan:
1.
2.

Trivia Time! Alam Mo Ba?


Ang akdang tinalakay ay isang kabanata lamang ng nobelang
“Bata,bata Paano Ka Ginawa?” ni Lualhati Bautista. Sa buod pa
lamang ay makikita na sa akda ang pagkamakulay,
pagkamayaman, at pagkamakabuluhannito bilang isang akdang
D. PAGLALAPAT tuluyan. Ang mga pangyayari dito ay parang buhay na nakikita
dahil ito ay karaniwang namamalas sa pang-araw-araw na
buhay ng tao.

Ang isang nobela ay nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo. Ito


ay may mahabang kawing ng panahon at ginagalawan ng
maraming mga tauhan. Kung hindi pagtutuunang-pansin, ‘di gaya
ng maikling kuwento ay hindi ito mabilis na mababasa sa isang

This study source was downloaded by 100000788119801 from CourseHero.com on 08-21-2022 02:56:56 GMT -

https://www.coursehero.com/file/69630843/Mary-Rose-Dela-Cruz-Lesson-Exemplar-Filipino-9-MELC-
upuan lamang.

Ang nobela gayundin ang maikling kuwento ay kakikitaan ng


tunggaliang pumupukaw sa damdamin ng mambabasa. Ang nobela
ay hindi magkakaroon ng buhay kung walang tunggalian. Ito ay
isang elementong nakapaloob sa banghay. Ito ay labanan sa
pagitan ng magkakasalungat na puwersa.

1. Pisikal (tao laban sa kalikasan) – Ang tunggaliang ito ay


tumutukoy sa tao laban sa mga element at puwersa ng
kalikasan. Ito ay maaaring ulan, init, lamig, bagyo, lindol,
pagsabog ng bulkan, at iba pa.

2. Panlipunan(tao laban sa kapwa tao) – Dito naman ang tao


ay laban sa kapwa tao o ang tao laban sa kanyang lipunang
ginagalawan. Ibig sabihin ang kanyang problema o kasawian
ay dulot ng iba o ng bagay na may kaugnayan sa lipunan gaya
ng diskriminasyon o iba pang bagay na tila di-makatarungang
nagaganap sa lipunan.

3. Panloob o sikolohikal (tao laban sa sarili) – Ito ay uri ng


tunggalian ng tao laban sa kanyang sarili. Masasalamin dito
ang dalawang magkasalungat na hangad o pananaw ng iisang
tao.

Gawain 5 (Magsuri Ka)


Bigyang-pansin ang akdang tinalakay, susuriin ng mag-aaral ang
mga tunggaliang taglay ng nito. Magbigay ng suportang detalye o
paliwanag sa pagsusuring gagawin. Gawing gabay ang
pamantayan sa ibaba.

This study source was downloaded by 100000788119801 from CourseHero.com on 08-21-2022 02:56:56 GMT -

https://www.coursehero.com/file/69630843/Mary-Rose-Dela-Cruz-Lesson-Exemplar-Filipino-9-MELC-
Pamagat ng Nobela
Taglay ng nobelang ito ang tunggaliang….
Pisikal (Tao Panlipunan Sikolohikal (Tao
laban sa Kalikasan) (Tao laban sa laban sa Sarili)
Kapwa)
Patunay Patunay Patunay

Magbigay ng isang pangayayari sa nobela ang nakapukaw sa


iyong kawilihan. Ilahad ang dahilan kung bakit ito ang iyong
napili.

Rubrik sa ginawang Pagsusuri ng mag-aaral:

Mga Pamantayan Puntos Marka


Natukoy ang tunggalian ng tao sa kabuoan ng 5
pagsusuri
Nakapagbigay ng suportang detalye sa 5
pagsusuri
Naipahayag ang pangyayaring nakapukaw sa 5
kawilihan
Kabuong Puntos
5 – Napakahusay
4 – Mahusay
3 – Katamtaman
2 – Di-gaanong
Mahusay 1 – Sadyang
Di-Mahusay

This study source was downloaded by 100000788119801 from CourseHero.com on 08-21-2022 02:56:56 GMT -

https://www.coursehero.com/file/69630843/Mary-Rose-Dela-Cruz-Lesson-Exemplar-Filipino-9-MELC-
Gawain 6 (Manood, Mag-isip, Magsuri)
Gamit ang internet, panoorin ang mga movie trailer ng mga
teleserye sa telebisyon mula sa alinmang bansa sa Timog
Silangang Asya. Pumili lamang ng isa.

Sagutin ang mga gabay na tanong:


1. Tungkol saan ang napanood mong movie trailer?
2. Ilahad ang kulturang masasalamin sa movie trailer na pinanood.
3. Alin sa bahagi ng movie trailer na pinanood mo ang nakapukaw
sa iyong kawilihan? Bakit?

Mabuhay ka! Matagumpay mong naisagawa ang lahat ng gawain


sa araw na ito. Subalit sandali lang hindi pa tayo tapos. Batay sa
iyong pag-aaral, ibigay mo ang mga kaalamang iyong natuklasan,
maaaring magamit mo sa iyong buhay, at nais mong magkaroon
ng malawak pang kabatiran. Dugtungan ang pahayag na nasa
V. PAGNINILAY
ladder para mabuo ang konsepto nito. Isulat sa iyong journal ang
(Pagninilay sa mga Uri ng Formative
Assessment na Ginamit sa Araling Ito) kasagutan.

Ang mga kaalaman na …

Natuklasan ko …
Magagamit koi to sa aking buhay …

Nais kong magkaroon ng malawak na kabatiran pa …

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:


MARY ROSE B. DELA CRUZ AILYN R.
COSTALES
Guro I OIC

This study source was downloaded by 100000788119801 from CourseHero.com on 08-21-2022 02:56:56 GMT -

https://www.coursehero.com/file/69630843/Mary-Rose-Dela-Cruz-Lesson-Exemplar-Filipino-9-MELC-

You might also like