Professional Documents
Culture Documents
Week 1 Day 5
Week 1 Day 5
I. Layunin
A. Pamantayang Naipapamalas ang mapanuring pag-unawa at kasaysayang pangheograpiya, ang
Pangnilalaman mga teorya sa pinagmulan ng lahing Pilipino upang mapahalagahan ang konteksto ng
lipunan/pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at ang kanilang ambag sa pagbuo ng
kasaysayan ng Pilipinas.
B. Pamantayan sa Naipapamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga sinaunang
Pagganap Pilipino gamit ang kaalaman sa kasanayang pangheograpikal at mahahalagang
konteksto ng kasaysayan ng lipunan at bansa kabilang ang mga teorya ng pinagmulan
at pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino.
C. Pamantayan sa Napahahalagahan ang lokasyon ng Pilipinas sa paghubog ng kasaysayan.
Pagkatuto
II.Nilalaman Lokasyon ng Pilipinas
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
1. Mg Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa Araling Panlipunan textbook 5; Aralin , Pahina 3-11
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resources
B. Iba pang Kagamitang Rubriks
Panturo
IV. Pamamaraan
A. Balitaan Maikling balitaan tungkol sa napapanahong pangyayari
B. Balik-aral sa nakaraang Buuin ang Stairway of Knowledge sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na
aralin at/ o pagsisimula may kaugnayan sa paksang tinalakay sa Lokasyon ng Pilipinas.
ng bagong aralin
Pamprosesong Tanong:
C. Paghahabi ng Layunin Ang klase ay hahatiin sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay gagawa ng info
sheet na gagamitin sa gallery viewing. Ang bawat pangkat ay aatasang pumili ng
isang bansa mula sa listahan ng guro. Napapaloob sa info sheet ang mga sumusunod:
a. Lokasyon ng bansa batay sa natutunan sa ating aralin.
b. Isang trivia tungkol sa bansang napili.
Idikit sa blackboard ang nagawang info sheet upang maibahagi ang kaalaman sa
kapwa mag-aaral. Maghanda sa pagbabasa ng pagrereport. Gawing gabay ang rubrik.
RUBRIK SA PAGMAMARKA
Pamantayan Puntos Nakuhang puntos
Wasto at sapat ang naibigay na impormasyon. 7
Malikahain at kawili-wili ang pagrereport ng 4
impormasyon.
Malinis, maayos ang pagkakagawa ng info 4
sheet.
Kabuuang puntos 15
Pamprosesong Tanong
Ano ang iyong mga naging pamantayan upang matukoy ang lokasyon sa napili
ninyong bansa upang gawan ng info sheet?
D. Pag-uugnay ng mga Tukuyin kung ang mga sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng (😊) kung ito ay
halimbawa sa bagong pagpapahalaga sa lokasyon ng Pilipinas patungkol sa paghubog ng kasaysayan (☹)
aralin kung HINDI. Paliwanag ang sagot.
😊/☹ Paliwanag
Sitwasyon
Sa usapin ng agawan sa teritoryo sa West PH
Sea at sa unti unting pagpayag ng Pilipinas na
pumasok sa ekonomiya at mga pag-aaral ang
bansang Tsina.
Matatandaang na ipinaglaban ng Pilipinas ang
kanyang karapatan sa West PH Sea sa The
Hague sa Netherlands sa Kalupunan ng UN
Arbitrary Court at ito naman ay pinaboran ng
nasabing korte nuong 2016.
Pagpayag ng DFA ang Tsina na magconduct ng
research o pag-aaral sa pagitan ng mga
karagatan sa Pilipinas. Bahagi dito ang PH Rise
o mas kilala sa tawag na Benham Rise na siya
rin kini-claim ng Tsina na parte ng kanila
teritoryo.
Nakakabahala pahayag mula sa Pamahalaan na
walang kakayahan ang mga Pilipino na pag
aralan ang sarili nitong karagatan dahil sa
mataas na investment na kinakailangan dito.
Malaki ang naging ambag ng bansang China sa
panahon ng pandemya
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong mga naging pamantayan upang maituring pagpapahalaga o hindi
pagpapahalaga sa lokasyon ng Pilipinas ang mga sitwasyong nabanggit sa itaas?
E. Pagtalakay ng bagong Patuloy na basahin ang mga nalalabing pahina sa Module 1 para sa Aralin 1 upang
konsepto at paglalahad mapahahalagahan ang lokasyon ng Pilipinas sa paghubog ng kasaysayan.
ng bagong kasanayan #1 ● Sumangguni sa Araling Panlipunan textbook 5; Aralin 1: Lokasyon ng
Pilipinas,pahina 3-11, upang mapalalim pa ang iyong kaalaman.
F. Pagtalakay ng bagong Kumuha ng kopya at pag-aralan mo ang mapa. Tukuyin ang relatibong lokasyon
konsepto at paglalahad ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagsulat ng tamang lugar o direksyon sa bawat
ng bagong kasanayan #2 patlang sa ibaba. Pumili ng mga salita nasa loob ng kahon. (From Karagdagang
Gawain Day 4)
G. Paglinang ng kabisahan Patuloy na sagutan ang mga nalalabi pang Gawain na matatagpuan sa mga
(tungo sa formative test sususnod na pahina ng ADM 1 ng Unang Markahan.
#3)
H. Paglalapat ng aralin sa Ano ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa paghubog ng kasaysayan nito,
pang-araw-araw na para sa iyo?
buhay
I. Paglalahat ng Aralin Sa paanong paraan maipapakita ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa
paghubog ng kasaysayan nito,
J. Pagtataya ng Aralin Ipakita ang mga batid o taglay na kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa
paghubog ng kasaysayan nito sa pamamagitan ng pagsusulat nito.
K. Karagdagang Gawain Patuloy na basahin ang mga nalalabing pahina ng ADM 1 at isa-isahin ang mga
para sa Takdang aralin kasanayan na kailangang taglayin bilang paghahanda sa AP Module Week 2
at remidyasyon