You are on page 1of 5

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon VI – Kanlurang Visayas


Sangay ng Aklan
Purok ng Malinao
PAARALANG ELEMENTARYA NG MALINAO

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan V

Ikaapat na Markahan Ikalimang Baitang - Mabini


Ikatlong Linggo – Ikatatlong Araw Ika-27 ng Pebrero, 2020

I. LAYUNIN
A. Pamantayang nilalaman
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa bahaging ginampanan ng Kolonyalismong
Espanyol at pandaigdigang konteksto ng reporma sa pagusbong ng kamalayang pambansa at tungo
Sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon
B. Pamantayan sa pagganap
Naipamamalas ang pagmamalaki sa pagpupunyagi ng mga makabayang Pilipino sa gitna ng
Kolonyalismong Espanyol at sa mahalagang papel na ginagampanan nito sa pag usbong ng kamalayang
pambansa tungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Naipaliliwanag ang ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato sa pagpapanatilinng
kanilangkalayaan

II. NILALAMAN
Pananaw ng mga Muslim sa Pagpapanatili ng Kanilang Kalayaan
III. KAGAMITANG PANTURO
Kto12 – AP5PKB IVe-3
A.
P 215-216
B. Iba pang Kagamitang Panturo: laptop, batayang aklat, larawan ng mga Muslim

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula sa bagong aralin
Mga Sanhi at bunga ng mga rebelyo
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
1. Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan ng mga
sinaunang Muslim
2. Iproseso ang Gawain sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga sumusunod:
a. Anu-ano ang mga katangian ng mga Muslim?
b. Saang lugar sila sa Pilipinas matatagpuan?
C. Pag-uugnay ng mga bagong halimbawa sa bagong aralin
1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong sa Alamin Mo sa LM,
Itanong: Ano ang pamahalaang sultanato?
D. Pagtatalakay ng bagong konseptp at paglalahad ng bagong kasanayan
Ano ang pamahalaang sultanato?
Bakit nahirapan ang mga Espanyol sa pagsupil sa mga Pilipinong Muslim?
Pakinggan ang mga sagot ng mag-aaral. Tanggapin ang lahat ng kanilang sagot.
E. Pagtatalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
Ipabasa ang tekstong naglalahad ng pagtatalakay sa mga katangian ng sultanato at
Mga pananaw ng mga katutubong Muslim.
F. Paglinang sa kabihasan
Ipasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto sa LM
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Gawain A
 Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa LM
 Ipasulat ang kanilang mga sagot sa notbuk
H. Paglalahat ng aralin
Ang sultanato ay ang pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao. Labis na pinahahalagahan
mga Muslim ang kanilang teritoryo at kalayaan. Ito ang dahilan kung bakit hindi sila nagpasakop
sa mga Espanyol.

I. Pagtataya ng aralin

J. Karagdagang Gawain para sa takdang- aralin at remediation

Inihanda ni:

LIGAYA Y. INSON
Guro
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI – Kanlurang Visayas
Sangay ng Aklan
Purok ng Malinao
PAARALANG ELEMENTARYA NG MALINAO

Banghay Aralin sa Filipino V

Unang Markahan Ikalimang Baitang - Mabini


Ikaapat na Linggo – Ikatlong Araw Hunyo 28, 2018, 10:200-11:10 ng
umaga

I. LAYUNIN
A. Pamantayang nilalaman
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa pagganap
Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isang paksa
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pagtalakay tungkol sa sarili
Sa mga tao, hayo, lugar, bagay at pangyayari sa paligid

II. NILALAMAN
Kailanan ng Pangngalan

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
Alab Fil. Manwal ng Guro, pp. 18
Batayang Aklat pp. 20-21
B. Iba pang Kagamitang Panturo: larawan, metacards
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula sa bagong aralin
Ano ang nagiging bunga sa pagiging masipag ng isang bata?
Paano nakamit ni Michael ang pangarap na makasali sa Sochi Olympi
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Magsagawa ng laro na “The boat is sinking”
Ipakita o ipangkat ang sarili ayon sa sasabihing bilang.
C. Pag-uugnay ng mga bagong halimbawa sa bagong aralin
Talakayin ang tatlong kailanan ng pangngalan sa “PAG-ARALAN NATIN” pahina 20
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
Magbigay ng mga halimbawa ng bawat isa at hayaang magbigay din ng halimbawa
ang mga mag-aaral.

E. Pagtatalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Ano ang panghalip panaklaw?
Talakayin ito at magbigay ng halimbawa ng pangungusap gamit ang mga panghalip
Panaklaw at ipatukoy ang ginamit sa mga mag-aaral.
Hal. Nagdiwang ang madla dahil sa nakamit na tagumpay ni Kyrie Verzosa sa ginanap na
Miss International sa Japan.
F. Paglinang sa kabihasan
Pasagutan ang PAGSIKAPAN A sa pahina 21.
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Ano ang kahalagahan ng wastong paggamit ng mga kailanan ng pangngalan at
Panghalip panaklaw sa pagbuo ng isang pangungusap?
H. Paglalahat ng aralin
Anu-ano ang tatlong uri ng kailanan ng pangngalan?
Magbigay ng halimbawa ng mga ito.
I. Pagtataya ng aralin
Piliin ang kailanan ng pangngalang may salungguhit. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Matapat na naglilingkod ang dama sa palasyo .
2. Mahal na mahal sya ng magkapatid na prinsesa.
3. Maging ang hukbo ng mga kawal ay labis ang paggalang sa damang ito.
4. May isa pang kapatid ang daman a kasingbait din niya.
5. Naglilingkod naman ito sa kabataan bilang guro.
6. Ang mga mag-aaral na tinuturuan niya ay masigasig na mag-aaral.
7. Ang kambal na anak ng kapatid ng dama ay maliit pa.
8. Inaalagaan ito ng kanilang mga magulang.
9. May magandang samahan at pagsusunuran ang sambayanan.
10. Labis itong ikinatuwa ng hari at reyna.

Inihandi ni:

RUTH T. TEJADA
Guro

You might also like