You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

ASIGNATURA Filipino 10
Paraan ng paghahatid ng pag-aaral Blended Learning

MASUSING Paaralan: Caditaan National High School Baitang: 10


BANGHAY Guro: Erika Ann A. Homo Asignatura: Filipino
ARALIN Petsa at Oras: Nobyembre 13,2023 (7:00-8:00) Markahan: Ika una

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman A. - Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa
at pagpapahalaga sa parabula gayon din ang
kahalagahan ng pang-ugnay sa
pagsasalaysay.
B. Pamantayan sa Pagganap B. – Naisasalaysay nang kasing ng mag-aaral ang
katangian ng parabula gamit ang grapikong
presentasyon.

C. Pinaakamahalagang kasanayan sa pagkatuto C. - Nagagamit ang angkop na mga piling pang-


(MELC) ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula,
pagpapadaloy ng mga pangyayari sa pang
wakas. F10WG-1b-c-58

D. Tiyak na layunin Sa pagtatapos nitong pag-aaral ay inaasahan na


ang mga mag-aaral:
a. Nauunawaan ang kahulugan ng pang-
ugnay sa pagsasalaysay
b. Naiisa-isa ang mga uri ng pang-ugnay
c. Nakasusulat ng salaysay gamit ang pang-
angkop na mga piling pang-ugnay.

II. PAKSA (Mga Piling Pang-ugnay sa pagsasalaysay,


Pagsisimula, Pagpapadaloy ng pangyayari.) at ang
mga uri ng pang-ugnay
III. MGA KAGAMITAN Laptop, projector
Sanggunian Modyul 10 Panitikan
Scrib.com.ph
(Unang Markahan)

Materyales  Biswal , Larawan, Powerpoint

IV. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
 Panalangin

“Tumayo muna ang lahat para sa panalangin,


Ginoong Patrick maari mo po bang pangunahan
ng panalangin ang ating klase” Tatayo ang mga mag-aaral.

“Ang mag-aaral na tinawag ay siyang magsisimula


ng panalangin”

Panginoong diyos, maraming salamat po sa


panibagong araw na inyong pinagkaloob sa amin.
Sana po ay gabayan ninyo po kami sa aming aralin
B. Pagbati ngayong araw. Amen!
Magandang araw sa inyong lahat. Ako, si Bb.
Erika Ann A. Homo. At sa araw na ito, ako ang Magandang araw rin po bb.
inyong guro sa filipino.

“Bago maupo ang lahat paki-ayos ng iyong mga


upuan, tingnan ang palibot at kung may dumi na
nakita ay pakipulot at itapon sa basurahan”

“Binibining Ella pakitala po ng attendance ng


iyong mga kamag-aral, bilang ikaw ang
sekretarya sa klaseng ito.
“Opo Bb”

“Mainam kung ganoon”


(Si Binibining Ella ang nagtala para sa attendance
ng klase)

“Ma'am wala pong liban sa klase”

C. Balik-Aral

Magkakaroon ng pahapyaw na talakayan


tungkol sa " Ang Tusong Katiwala " Tatanungin
ang mga mag-aaral kung anong aral ang
makukuha sa parabulang ito"? Magtataas ng kamay ang mag-aaral
At magbibigay ng ideya tungkol sa parabulang
Mahusay! "ang tusong katiwala".

PAGGANYAK:

“Bago tayo magtungo sa ating talakayan ay


mayroon akong inihandang pampagising.

Magpapanood ng video tungkol sa parabulang


pinamagatang "Ang manok at ang gintong itlog"

Handa naba kayo grade 10?

"Anong masasabi niyo, sa parabulang inyong


pinanuod? Anong mahalagang aral ang napulot
dito?
"Opo, Ma'am"
PAGLALAHAD NG ARALIN:
Ang ating pag-aaralan para sa araw na ito ay
tungkol sa"Mga Piling Pang-ugnay sa
pagsasalaysay,pagsisimula,Pagpapadaloy ng Sasagot ang mag-aaral, base sakanilang alam.
pangyayari at ang mga uri ng pang-ugnay.

“Tara na at tuklasin natin kung ano nga ba ang


Mga piling pang-ugnay sa
pagsasalaysay,pagsisimula,Pagpapadalot ng
pangyayari at ang mga uri ng pang-ugnay, handa
na ba kayo?”

PAGTALAKAY SA ARALIN: "opo, ma'am"


Mga piling pang-ugnay

Ginagamit upang mas maging maayos ang


pagkakasunud-sunod ng mga pangyayaring
isinasalaysay at mas lubos na maunawaan ng
mambabasa o tagapakinig ang bawat pangyayari
sa akda.

Mga Halimbawa:

una, nagsimula, unang-una, pangalawa,


sumunod, nang malaunan, pagkatapos, sa
wakas, ang pinakahuli, pinakamahalaga

Nagsimula ang lahat nang mapansin ko siya sa


sulok ng aming silid-aklatan. Nang sumunod na
araw naging palaisipan sa akin ang hiwagang
nararamdaman sa tuwing nakasasalubong ko
siya sa daan. Nang malaunan, tila nais ko nang
aminin ang katotohan. At sa wakas tadhana ang
naging daan upang tuluyan ko makilala ang aking
pinakamamahal.

 Pang-ugnay- ito ay mga salita o


pariralang ginagamit upang magsilbing
tulay sa pagitan ng dalawang ideya,
kaisipan, o pangungusap. Tinatawag sa
Ingles na cohesive devices ang ganitong
salita.Sa komunikatibong gramatika ng
wikang Filipino, tinatawag na pang-
ugnay ang mga ito.
“Naiintindihan po ba kung ano ang Pang-ugnay?
”Upang lubos na maunawaan simplehan natin
mayroong dalawang mahalagang gamit ng pang-
ugnay.
Gamit ng Pang-ugnay
1. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga
impormasyon - Ginagamit ang pang-ugnay sa
bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga
“Opo, Ma'am"
impormasyon.
2. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal-
Ginagamit ang pang-ugnay - sa bahaging ito ng
paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at
layunin, paraan at resulta maging sa
pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan.
Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil
sa, sapagkat at kasi. Samantalang sa paglalahad
ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na
kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga. (Katahimikan)
“Dumako naman tayo sa uri ng Pang-ugnay

URI NG PANG-UGNAY:

1. Pangatnig (Conjunction) ito ang mga kataga o


salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala,
o sugnay na pinagsusunod-sunod sa
pangungusap o ng isang kaisipan sa kapwa
kaisipan
Narito ang mga katagang ginagamit sa Pang-ukol
Halimbawa:
Mga kataga:

 At , Na, O, Ni,

May mga salita:

 Kahit, Bagkus, Ngunit, Subalit,


Datapwat, Sakali, Samantala, Liban,
Habang, Kung, Sana, Palibhasa, Kasi,
Tuloy, Bunga, Pati, Saka, Bago, Upang,
Nang,

Mga Lipon ng mga salita

 Sa halip, Kung bagaman, Kung hindi, Sa


katagang sabi, Sa bagay na ito, Dahil
sa, Kung kaya, Kaya naman o Gayon
din.

“Naiintindihan ba ang unang uri ng pang-ugnay?


“Ang pangalawang uri ay ang pang-angkop
2. Pang-angkop (Ligature)- ito ay tagapag-ugnay
ng dalawang salita na karaniwan ay panuring at
salitang tinuturingan Ito'y ginagamit upang
maging madulas ang pagbigkas ng mga
magkakasamang salita. Tatlo ang pang-angkop:
na, ng, g.
Paggamit ng "na"ginagamit kapag ang sinundang
salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa "n"
Mga Halimbawa: masarap na pagkain, maliit na
bata, matunog na balita
Paggamit ng "Ng" ginagamit ito bilang dugtong
sa mga salitang nagtatapos sa mga patinig tulad
ng a, e, I, o, at u.
Halimbawa: Binili ni Maria ang malaking
bahay sa Probinsya.
Nagtapos siya sa Kursong medisina. "Opo, ma'am"
Paggamit ng "G" ginagamit sa mga salitang
nagtatapos sa katinig na n, na kung saan ang "n"
ay dinudugtungan ng "g".
Halimbawa: Ang pagkaing ito ay masarap.
Ang dayuhang Tsino ay maraming negosyo.
“Naiintindihan ba ang ikalawang uri ng pang-
ugnay? ”

“Dumako naman tayo sa pangatlong uri ng pang-


ugnay ito ang pang-ukol
3. Pang-ukol (Preposition)- ito ay mga kataga, o
salitang nag-uugnay sa pangalan o panghalip sa
iba pang salita sa pangungusap.
•Mga ginagamit bilang pang-ukol: Ng, Sa, Nasa,
Kay/kina Para sa/kay/kina, Ayon sa/Kay/Kina,
Tungkol sa/Kay/Kina, Laban sa/Kay/Kina, Hinggil
sa/Kay/Kina, Ukol sa/Kay/Kina, Para sa/Kay/Kina
Alinsunod kay/ Kina.
“Nakakasunod ba ang lahat?”
“Naintindihan ba ang ating tinalakay"?

PAGLALAHAT:
“Kung gayon, ano nga ulit ang pang-ugnay?”

“Magaling”

“Ano ang tatlong uri ng pang-ugnay?”

“Mahusay”

Sa tingin ninyo, mahalaga bang malaman natin


ang pang-ugnay at ang mga uri nito? " Opo, Ma'am"

Mahusay! Mahalagang matutunan natin ang


ibat- ibang uri ng pang-ugnay at ang mga
halimbawa nito upang mas maging malinaw at
maintindihan natin ang pagkakabuo ng mga
salita, parirala, sugnay pangungusap sa isang
akda ganuon narin ang nais ipakahulugan nito
sa atin
.
Batid ko na nauunawaan ninyo talaga ang ating
tinalakay. Ngayon ay magkakaroon tayo ng
gawain.

PAGLALAPAT:
"OPINYON KO, MAHALAGA"

Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat, at ang


bawat pangkat ay pipili ng paksang kanilang
na tipuhan. At tukuyin ang mga pang-ugnay na
ginamit. Pagkatapos ay ibabahagi ito sa buong
klase.
"Opo, Ma'am"
Panuto: Sa sagutang papel, pumili ng isa sa
mga paksang nasa kahon at sumulat ng isang
salaysay gamit ang mga pang-ugnay na may
kaugnayan sa mga binasang parabulang "Opo, naiintindihan po namin"
kapupulutan ng aral. Isulat mo ito sa iyong
sagutang papel.

Insidente ng Bullying sa Teenage


paaralan Pregnancy Ang pang-ugnay po, ito ay mga salita o pariralang
Paggamit ng Social Media ginagamit upang magsilbing tulay sa pagitan ng
sa paaralan dalawang ideya, kaisipan, o pangungusap.

Pamantayan: Pang-ugnay na pangatnig, Pang-ugnay na pang-


angkop, Pang-ugnay na pang-ukol
Kalinawan ng Pagsasalaysay 30%
Nagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay o
mga uri ng pang-ugnay 35%
Akma sa larawan ang ginawang Mahalaga po ito bb, upang mas maiintindihan ang
pagsasalaysay-----------------35 ang ideya, pangungusap na binabasa.

Kabuuan----------------------100%

“Dito ko malalaman kung talagang, nauunawaan


ninyo ang ating tinalakay.
“Magaling, palakpakan natin ang bawat isa”
“Muli maraming salamat sa pakikinig”
“Kaya naman kumuha na isang kapat na papel at
ssagutan ang mga sumusunod”

Ang mga mag-aral ay abalang sasagutan ang


gawaing aking binigay".

(Palakpakan ang lahat)

V. PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin ang mga pang-ugnay na ginamit sa mga pangungusap at tukuyin kung ito ay
pangatnig, pang- angkop o pang-ukol.
1. Pinagalitan siya ng kanyang ina.
2. Hindi lang siya magaling sa klase, maging sa isports din.
3. Nagluto siya ng adobo para kay Jane.
4. Bumaha ang ilog gawa ng walang tigil na pag-ulan.
5. Tumakbo siya nang makita ang aking anyo.
6.Namatay ang kanyang anak dahil sa sobrang kahirapan.
VI. KARAGDAGANG GAWAIN:
Bilang karagdagang gawain ay basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa napanood parabula at pilin
sa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay
May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke. 1. (Noong ito'y, At nang ito'y) kanyang
inuwi sa bahay upang alagaan, laking gulat niya nang mangitlog ito. 2.(Sapagkat, Dahil) ang itlog ng
manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa kanyang natuklasan! Tiyak na ito ang magbibigay
sa kanya ng kayamanan! 3(Gayon pa man, Ngunit) ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung
mangitlog. Hindi naglaon, 4. (hindi na, kaya't) naging sapat sa karangyaang pamumuhay ng babae
ang minsan sa isang buwang pangingitlog ng manok 5. (Upang, Nang) makarami, naisip ng babae
na baka kapag pinakain niya nang pinakain ang manok ay mas dumalas ang pangingitlog nito 6.
(Dahil sa, Ganoon) nga ang kanyang ginawa. Pinakain niya nang pinakain ang manok hanggang sa
ito'y mabundat. 7.(At dahil dito dahil sa), namatay ang kanyang kawawang manok Sising-sisi ang
babae sa kanyang ginawa. Nang 8 (dahil sa, kaya't) kanyang kasuwapangan, ang manok ay namatay
9 (Kaya, Upang) mas lalo pa siyang nawalan.

VII. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na nagtamo ng 80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng mga gawaing pagpapahusay (Remedial).

C. Nakatulong ba ang pagpapahusay (Remedial)? Bilang ng mag-aaral na nauunawaan ang aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na patuloy na nangangailangan ng pagpapahusay (Remedial)?

E. Alin sa aking pagtuturo ang nagging epektibo? Bakit?

F. Ano – ano ang aking nagging suliranin na maaaring malutas sa tulong ng aking punong guro at
superbisor?

G. Anong inobasyon o lokalisasyon sa mga kagamitan ang ginamit/natuklasan ko nan ais kong
ibahagi sa ibang guro?

Nagpakitang Turo:
Erika Ann A. Homo
BSE Filipino 401

You might also like