You are on page 1of 5

TANGUB CITY GLOBAL COLLEGE

Maloro, Tangub City

INSTITUTE OF TEACHER EDUCATION

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

I. IMPORMASYON
Paksa: Pang-ugnay na Hudyat ng Pagsusunodsunod ng mga Pangyayari
Baitang: 9 Nakalaang Oras: 45 minuto
Guro: Jelly Ann R. Montealto
Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
Pangnilalaman pampanitikang ng Kanlurang Asya
:
Pamantayan Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling
sa Pagganap: mga akdang pampanitikang Asyano
Kasanayang Nagagamit ang angkop na pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
Pampagkatuto: sa lilikhaing kwento (F9WG-IIId-e-54)
Layunin: a. natutukoy ang mga angkop na pang-ugnay na hudyat na pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari
b. nagagamit ang angkop na pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari sa lilikhaing kwento
c. nabibigyang kahalagahan ang wastonmg paggamit ng pang-ugnay na hudyat ng
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=mR-qfXt_cOs
Kagamitan: Powerpoint presentation, Laptop
Kasanayan: Pagbasa
Kakayahan: Pagtukoy
Pamamaraan: Pasaklaw

II. KARANASANG PAMPAGKATUTO


Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Paghahanda

Magandang umaga klas, tumayo ang lahat para sa (Tumayo ang lahat at nanalangin)
ating pambungad na panalangin. Pangunahan mo…

Muli, magandang umaga klas! Magandang umaga din po ma’am!

Bago kayo umupo sa inyong, nais kung ihanay Ginagawa ng mga mag-aaral
nyo muna ang mga silya at pulutin ang mga basurang
nasa ilalim ng inyong mga upuan.

Maari na kayong umupo. Maraming salamat po ma’am!

Kumusta kayo klas? Okay lang po ma’am!

Mabuti kung gayon.

a. Balik-aral

Sino pa ang nakakaalala sa tinalakay natin noong


nakaraang tagpo? Ako po ma’am, tinalakay po natin ang pagsusuri
ng mga tunggaliang tao laban sa tao at tao laban sa
sarili.
Eksakto! Bigyan natin sya ng slow clap!
(Pumapalakpak ang mga mag-aaral)
Ang tinalakay natin noong nakaraang tagpo ay ang
pagsusuri sa mga tunggaliang tao laban sa tao at tao
laban sa sarili, at kung saan sinuri natin ang kwentong
mula sa Pakistan na pinamagatang Sino ang Nagkaloob?

b. Pagganyak

Panuto: Isalaysay kung paano gawin ang mga nasa


larawan

1.

(Isinasalaysay ng mga mag-aaral ang mga hakbang


sa pagluluto ng scrambled egg)

Scrambled Egg

Magaling! Bigyan natin siya ng limang bagsak!


(Pumapalakpak ang mga mag-aaral)

2.

(Isinasalaysay ng mga mag-aaral ang mga hakbang


sa pagtatanim)

Pagtatanim

Mahusay! Bigyan natin sya ng let’s go clap


(Pumapalakpak ang mga mag-aaral)

B. Paglalahad

Ngayon klas ay ibaling niyo ang inyong atensyon


sa sa ating talakayan ngayon dahil ang tatalakayin natin
sa araw na ito ay…Basahin sa lahat.
Pang-ugnay na Hudyat ng Pagsusunodsunod ng
mga Pangyayari
Salamat klas.

Ang tatalakayin natin sa araw na ito ay ang mga Pang-


ugnay na Hudyat ng Pagsusunodsunod ng mga
Pangyayari
a. Paglalahad ng Nilalayon

Nais kung malaman nyo klas na mayroon akong


inihandang mga layunin na kailangang makamit ninyo
sa katapusan ng ating talakayan. Basahin sa lahat.
a. natutukoy ang mga angkop na pang-ugnay
na hudyat na pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari
b. nagagamit ang angkop na pang-ugnay na
hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari sa lilikhaing kwento
c. nabibigyang kahalagahan ang wastong
paggamit ng pang-ugnay na hudyat ng
Maraming salamat klas. Sa katapusan ng ating pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
talakayan sa araw na ito klas, aasahan ko na kayo ay
makatutukoy sa mga angkop na pang-ugnay na hudyat
na pagsusunod-dunod ng mga pangyayari, mabigyan
niyo ng halaga ang wastong paggamit ng pang-ugnay na
hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari at
magamit ang angkop na pang-ugnay na hudyat ng
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa lilikhaing
kwento

C. Pagbibigay Tuntunin

Ngayon klas ay nais kung malaman niyo ang aking


mga alituntunin sa loob ng klase.

1. Makinig nang mabuti sa lahat ng aking sasabihin


2. Iwasan ang pakikipag-usap sa katabi
3. Itaas ang kamay kapag nais mong sumagot.

Maliwanag ba klas?
Opo ma’am
D. Pagtatalakay

Bago tayo dumako sa ating talakayan, alamin muna


natin kung ano ang pang-ugnay o conjunction. Basahin
mo
Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng
relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap,
maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang
Maraming salamat! sugnay

Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng


relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring
salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay ito. Ilan
sa mga halimbawa nito ay sapagkat, subalit, ngunit,
upang, saka at iba pa.
Opo ma’am.
Naintindihan ba klas?

Ngayon ay umanda kayo klas kasi ang magiging ating


diskusyon ngayon ay magmumula sa isang bidyo, kaya (Nanonood at nakikinig ang mga mag-aaral)
manahimik at makinig ang lahat. Maliwanag ba?
(Ipiniplay ang bidyo at habang naka-play ang bidyo ay
ititigil ko ito sa bawat punto upang ipaliwanag ng mas
malinaw at magbibgay ang guro ng mga katanungan sa
mga mag-aaral tungkol sa paksa upang mas maunawaan
ito ng mga mag-aaral.)

Naintidihan niyo ba kung ano ang mga watong


paggamit ng mga pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod- Opo ma’am, naiintindihan po.
sunod ng mga pangyayari?

a. Pagpapahalaga

Bakit ba mahalaga klas ang wastong paggamit ng pang-


ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod o paglalahad ng
mga pangyayari

Tumpak! Bigyan natin sya ng barangay clap.


Mahalaga po ito ma’am, upang malaman ng ating
Dapat malaman nyo klas na iba ang gagamiting mga kausap na may susunod pa pala ang ating
pang-ugnay sa tuwing tayo ay maglalahad ng mga sasabihin.
pangyayari na magkakasunod-sunod upang malaman ng
iyong mambabasa o tagapakinig ng mayroon pang mga
pangyayari na susunod sa nauna mo nang nabanggit. (Pumapalakpak ang mga mag-aaral)
Maliwanag ba klas?Naiintindihan nyo baa ko klas?

Mahusay.

A. Paglalapat

Pangkatang Gawain Opo ma’am.

Panuto: gamitin ang mga angkop na pang-ugnay sa


pamamagitan ng pagsulat ng isang maikling kwento.
Isulat ito sa isang buong papel. Gawin ito sa loob ng
pitong minute.

III. EBALWASYON

Panuto: Tukuyin kung aling pang-ugnay ang angkop na gamitin sa mga ibinigay na teksto.
IV. TAKDANG-ARALIN

Panuto: Pumili kayo ng iyong partner, pagkatapos gagawa kayo ng sarili kwento na may wastong paggamit
ng mga pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. Isulat ito sa isang buong paoel.
Ipasa ito sa sususnod na tagpo. (March 25, 2024)

Inihanda ni:

JELLY ANN R. MONTEALTO


Practice Teacher

Approved for class utilization:

FRUCTOUSA M. SARNO
Cooperating Teacher

You might also like