You are on page 1of 4

Learning Area FILIPINO

Learning Delivery Modality FACE TO FACE

Lesson Exemplar Paaralan Pedro Guevara MNHS Baitang 9


Guro Rica Mae S. Flores Asignatura Filipino
WEEK 5 Petsa Marso 23, 2023 Markahan 3
Oras 12:30 – 1:20 Bilang ng Araw 1

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Nasusuri ang mga pang-ugnay na hudyat sa pagkakasunod-


sunod ng mga pangyayari.
 Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento gamit
ang mga pang-ugnay na hudyat.
 Naisasalaysay muli ang piling kuwento.

A. Pamantayan Pangnilalaman Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga


akdang pampanitikan ng Kanlurang Asya.

B. Pamantayang Pagganap Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng Kulturang


Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Nagagamit ang angkop na pang-ugnay na hudyat ng pagkakasunod-
Pagkatuto sunod ng mga pangyayari sa lilikhaing kuwento.
(MELC) F9WG-IIId-e-54
D. Pampaganang Kasanayan
II.NILALAMAN Pang-ugnay na Hudyat sa Pagkakasunod-sunod ng mga
Pangyayari
III.KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro LEAP
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag- LEAP
aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal
ng Learning Resource
B. Listahan ng Kagamitang Panturo para sa
mga Gawain sa Pagpapaunlad at TV, PPTX, Pisara
pakikipagpalihan
IV.PAMAMARAAN
A. AKTIBITI Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagsisiyasat ng Kapaligiran
 Pagtala ng Liban

Panuto: Iayos ang mga larawan ayon sa tamang pagkakasunod-sunod


nito.
Gabay na Tanong:
1. Ano ang napansin ninyo sa mga larawan?
2. Ano ang nauuna?
3. Ano ang sunod?
4. Ano ang nangyari bago ito naging paruparo?

B. ANALISIS Paglalahad ng Aralin

Pang-ugnay na Hudyat sa Pagkakasunod-sunod ng mga


Pangyayari

A. Sa pagsisimula
-una, sa umpisa, noong una, unang-una
B. Sa gitna
-ikalawa, ikatlo, ikaapat…
C. Sa pagwawakas
-sa dakong huli, sa huli, sa wakas
D. Sa pagbabagong-lahad
-sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling salita
E. Sa pagdaragdag
-muli, kasunod, din/rin
F. Sa paglalahad
Bilang paglalahat, sakabuoan, samakatuwid
G. Sa pagtitiyak ng pagpapasidhi
-siyang tunay, walang duda

Panuto: Ibuod ang mga naganap sa “Anim na Sabado ng Beyblade”


ni Ferdinand Pisigan Jarin gamit ang mga pang-ugnay na hudyat sa
pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Gamiting gabay ang grapikong
presentasyon sa ibaba.

C. ABSTRAKSYON Pangkatang Gawain

Pangkat 1
Panuto: Gumawa ng pangyayari o kuwento na may pagkakasunod-
sunod gamit ang mga sumusunod na mga salita.
Grace masunurin magulang nahulog
Isang araw palengke pitaka hinabol
isinauli tapat
matandang babae di-nagdalawang isip

Pangkat 2
Panuto: Isulat ang paraan at tamang pagkakasunod sunod sa
pagluluto ng bigas gamit ang rice cooker.

Pangkat 3
Panuto: Isulat at ipakita ang tamang paraan at tamang
pagkakasunod sunod sa paghuhugas ng kamay.

Pangkat 4
Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na pangungusap ayon sa
angkop nitong ayos. Iguhit ang maaaring maging wakas o resulta
ng naging pag-uugali ng pangunahing tauhan sa kuwento.

 Di siya nagdalawang isip na hinabol at isauli ito


 Si Grace ay isang batang masunurin at tapat sa kanyang
mga magulang.
 Isang araw sa palengke ay Nakita niya ang pitaka ng isang
matandang babae na nahulog

Pamantayan

D. APLIKASYON Panuto: Pumili ng isang maikling kuwento na nabasa mo na. Muli


itong isalaysay. Gumamit ng di kukulangin sa limang salita o
pariralang maghuhudyat ng pagsasaayos ng mga pangyayari. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.

Pamantayan

Mga Batayan Puntos


Nilalaman 8
Paggamit ng hudyat na
8
pang-ugnay
Kaayusan ng mga salita 4
Kabuuan 20

V. EBALWASYON Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga pahayag.


_____ 1. Gumagamit ang manunulat ng mga hudyat upang
magabayan ang mambabasa sa tinatakbo ng mga pangyayari sa
kuwento.
_____ 2. Kung pangkalahatang hahatiin natin ang kuwento sa simula,
gitna at wakas, may mga pariralang angkop lamang sa tiyak na
bahagi.
_____ 3. Madalas kronolohikal o batay sa kung alin ang unang
naganap ang ginagawang paraan sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
_____ 4. May mga panandang ginagamit na naghuhudyat ng pag-
uugnayan sa iba’t ibang bahagi ng pahayag.
_____ 5. Ang mga pananda ay may ginagampanang tungkulin gaya
ng pagbibigay-pokus at pagbibigay hudyat sa pagkakasunod-sunod
ng mga kilos/pangyayari.

Inihanda ni: Namasid ni:

RICA MAE S. FLORES DELIA C. DEL MUNDO


Guro I Dalubguro I

You might also like