You are on page 1of 58

UNION COLLEGE OF LAGUNA

Santa Cruz, Laguna

MODYUL
SA
MASINING NA
PAGPAPAHAYAG

Pangalan: ______________________
Kurso: _________________
Guro: Rica Mae C. San Jose, LPT
Proseso ng Mabisang Pagpapahayag

Makapangyarihan ang salita, kaya nitong baguhin


ang pilosopiya, paniniwala at pananaw ng isang
indibidwal. Aeious Garcia“Ang salita ay ang Diyos at ang Diyos ay ang
salita”

Ayon kay Aristotle, ang retorika ay ang pakulti ng pagtuklas ng lahat


ng abeylabol na paraan ng panghihikayat sa anumang partikular na kaso.

Binigyang depinisyon naman ni CICERO, ito ay pagpapahayag


na dinesenyo upang makapanghikayat.

Halimbawa: 
            Ang mga kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas maging sa iba’t
ibang bansa. Masasalamin sa kanilang mga kasaysayan ang mga
pagrerebelde ng taong-bayan sa pamahalaan. Nagkakaroon ng mga
pagdiriwang at isang lupon ng mga tao na tumutuligsa sa uri ng
pamamahala ng isang tao. Hinihiling nila na gumising ang diwang
makabayan ng mga tao, partikular sa Pilipinas. Ang ginagawang
panghihikayat na sumama sa pagtuligsa ay isang uri ng retorika, sining na
kung saan sat alas ng dila ng mga tagapagsalita ay kaya niyang baguhin
ang paniniwala at pilosopiya ng isang tao.
            Bilang pagpapatunay sa ganitong pagpapakahulugan ni Aristotle,
maraming mga Pilipino ang naloloko sa mabulaklak na dila ng mga politico
ng bansa. Sa husay ng kanilang pagsasalita ay napapaniwala nila na sila
ang karapatdapat na iluklok sa posisyon na kanilang ninanais. 

Masasalamin ang mga halimbawang ito sa tinuran ni FRANCIS


BACON ,Ang tungkulin ng retorika ay maiaplay ang katwiran sa
imahinasyonpara sa higit na mabuting pagkilos ng disposisyon.

            Bilang pagpapalinaw kung ang mga tao ay nahikayat at nabago


ang kanilang paniniwala, pilosopiya at pananaw ay nagkakaroon ng
implikasyon ito sa kanilang tatlong aspeto ng kanilang pagkatao. Subalit
ang implikasyon na ito ay nakabatay sa positibo at negatibo sapagkat ang
posibilidad na mga mangyayari ay nakaayon pa rin sa kung paano
haharapain at tatanggapin ng mga tao ang pagbabagong naganap
pagkatapos mabago ang kanilang ipinaglaban. Subalit maraming
kinakailangan ang isang mahusay na tagapagsalita isa na rito ang
kahusayan niya sa pagsasalita upang paniwalaan siya ng kaniyang
tagapakinig. Ayon nga kay QUINTILLIAN, ang retorika ay Sining
ng mahusay na pagsasalita.

Narito ang ilan sa mga pangangailangan upang maging mahusay na


tagapagsalita:

1.      Ang pagkakaroon ng masining na pagbigkas.

a.       Lakas ng Pagbigkas
b.      Bilis ng Pagbigkas
c.       Linaw ng Pagbigkas
d.      Hinto
e.       Kilos at Kumpas
2.      Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga kasangkapan ng
isang tagapagsalita.

a.Kaalaman sa paksa
b.Tiwala sa sarili
c.Tindig
d. Kasanayan sa pagsasalita
e. Lugar
f.  Papel na ginagampanan
g. Paksang tatalakayin
3.      Ayon kina Mangahis (2005), ang katangian ng mahusay na
tagapagsalita ay ang sumusunod:

a.Kahandaan

b Kaalaman sa paksa

c. Kahusayan sa pagsasalita

Sa pagkakaroon ng kahusayan sa pagsasalita malaki ang


posibilidad na makapanghikayat ang tagapagsalita ng mga tao upang siya
ay paniwalaan. Sinabi ni Kennethv Burk. Pinakakarakteristik na konsern
ang manipulasyon ng paniniwala ng mga tao para sa isang tunguhing
pampulitika; ang salalayang tungkulin nito ay ang paggamit ng mga salita
upang hubugin ang atityud at pakilusin ang ibang tao. Pinagtibay ito
niGerarda Hauser na ang layunin ng retorika ay impluwensiyahan ang
pagpapasya ng tao hinggil sa mga ispesipik na bagay na nangangailangan
ng agarang atensyon.

Relasyon ng Balirala at Retorika


Dalawa ang masasabing sangay ng mabisang pag-aaral ng karunungang
pangwika: Ang balarila at retorika. Nagbibigay-linaw, bias at kagandahan
sa pagpapahayag ang retorika, samantalang nagdudulot ng kawastuhan
sa pahayag ang balarila. Ang pag-uugnayan ng mga salita sa mga
parirala, sugnay at pangungusap ng pahayag; ang tamang mga panuring,
mga pang-ugnay, mga pokus ng pandiwa at iba pa para sa kaisahan at
kakipilan ng mga pangungusap ay naibibigay rin ng balarila.

            Nababawasan ang kalinawan at pagiging kaakit-akit ng isang


pahayag kung hindi wasto ang tungkulin at ugnayan ng mga salita.
Samakatuwid, ang relasyon ng balarila at retorika ay napakahalaga upang
makamit ang mabisang pagpapahayag.Sa larangan ng pagpapahayag,
pasulat man o pasalita, lubhang mahalaga ang tamang pagpili ng mga
salita. Maaaring maganda ang ibig ipahatid, maaari rin naming may
mabuting layon sa pagpapahayag subalit hindi nagbubunga nang mabuti
kung mali ang pagkakapili ng mga salita.

Pagpili ng wastong salita

·   Ang pagiging malinaw ang pahayagay nakasalalay sa mga salitang


gagamitin.
·  Kinakailangang angkopang salita sa kaisipan at sitwasyong ipapahayag.
·  May mga pagkakataon na ang salita na tama naman ang kahulugan
ay lihis o hindi angkop gamitin.

MALING HALIMBAWA:
a. Tanaw na tanaw na namin ang maluwang na bibigng bulkan.
WASTONG HALIMBAWA:
a. Tanaw na tanaw na namin ang maluwang na bungangang bulkan.
Tamang Salita at Kahulugan
Watong gamit ng Salita
Nang at Ng
Ang wastong paggamit ng ng at nang ay ang isa sa mga hindi
masyadong napagtutuunan ng pansin ng marami sa atin, sa ating
pagsusulat. Mababatid na naiiba ang kahulugan ng pangungusap kung
nabaliktad ang ating paggamit sa ngat nang, kaya mahalagang malaman
ang wastong paggamit ng mga ito.
Sa lesson na ito, ang ituturo ng may-akda ay ang shortcut para
malaman kung ano ang dapat gamitin sa ng o nang sa isang
pangungusap. Ang mga sumusunod ay ang mga pagkakataon kung
kailan kailangang gamitin ang nangang sa isang pangungusap:

 Kung ang sumusunod na salita ay pandiwa (verb).

1. Pag-uulit ng pandiwa
Halimbawa:
Talon nang talon ang mga bata.
Lipad nang lipad ang mga kalapati.
Ibang halimbawa:
Nasaktan si Gorrio nang iwanan siya ng kanyang kasintahan.
Biglang nagkagulo ang mga tao nang lumabas sa pinto si Lovi Poe.

 Kung ang sumusunod na salita ay pang-uri (adjective).


Halimbawa:
Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim.
Sumuko nang mahinahon ang mga pugante.
 Kung gagamitin sa unahan ng pangungusap.
Halimbawa:
Nang lumalim ang gabi ay nagsimulang mag-uwian ang mga bisita.
Nang umapaw ang tubig sa ilog ay nagsimulang lumikas ang mga
residente. 
 Ang nang ay ginagamit bilang pinagsamang na at na.
a. Aalis ka nang hindi nagpapaalam? (Aalis ka na na hindi
nagpapaalam?) 
b. Gawin mo nang hindi nagrereklamo. (Gawin mo na na hindi
nagrereklamo.) 
c. Ang uniporme ay itiniklop nang hindi pa pinaplantsa. (Ang uniporme ay
itiniklop na na hindi pa pinaplantsa.)
Sa ibang mga hindi nabanggit sa itaas na pagkakataon
ay automatic na ng ang dapat gamitin.
Mga Halimbawa:
Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ng mga Hernandez.
Si Benedict ang kumuha ng halabas kanina.
Binilisan ng bata ang paglalakad sapagkat siya ay natatakot.
Si Marlon pinag-uusapan ng kaniyang mga kaibigan dahil sa kabahuan
niya.
Kung at Kong
Bilang pangatnig na panubali sa hugnayang pangungusap
Halimbawa:
Mayaman na sana si Tiyo Juan kung naging matalino lamang sana
siya sa paghawak ng pera.
KONG 
Galing sa panghalip na panaong ko at inaangkupan ng ng.
Halimbawa:
Nais kong pasalamatan ang lahat ng dumalo sa pagdiriwang ng aking
kaarawan.
May at Mayroon
Wastong gamit ng MAY
  Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan.
·         May pera ka ba?
·         Lahat sila ay may regalong matatatanggap.
 Kapag sinusundan ng pandiwa
·         May sasabihin ko sa’yo.
·         May pupuntahan ako sa Sabado.
Kapag sinusundan ng pang-uri
·         May mahalagang bagay kang dapat matuklasan.
·         Maymagandang anak si Mang Jose.
  Kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari
·         Bawat miyembro ay may kani-kanilang hinaing.
·         Bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa buhay.
·         Masayang ipinagdiriwang ang pista roon sa may amin.
Wastong gamit ng Mayroon
ü  Kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito.
·         Mayroon pa bang magsasalita ukol sa paksang ito?
·         Mayroon po kaming isusumbong sa inyo.
·         Si Marvin ay mayroon ding magagandang katangian tulad ni
Joseph.
 Ginagamit na panagot sa tanong.
·         May bagyo ba?–Mayroon.
·         May takdang aralin ka ba ? –Mayroon po.
·         May maasahan ba akong tulong sa kanya? –Mayroon naman.
Ginagamit kung nangangahulugang ng pagka-may kaya sa buhay
·         Hindi magandang magpanggap na mayroon sapagkat matutuklasan
din sa bandang huli ang totoong kinatatayuan sa buhay.
·         Ang mga Morales ay mayroonsa bayan ng Dolores.
Wastong paggamit ng Subukin at Subukan
SUBUKIN
Ang subukinay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisi-yasat sa
uri,lakas o kakayahan ng isang tao o bagay.
·         Subukinmong gamitin ang sabong ito at baka hiyang sa iyo.
·         Subukinmong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka.
·         Susubukinng mga mga tagalalawigan ang galing ng mga
tagalunsod.
SUBUKAN
ü  Ang subukanay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang
ginawa ng isang tao o mga tao.
·         Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.
·         Ani Erap noon, “Wag n'yo akongsubukan!”.
·         Subukan mo ang iyong kasintahan hanggang sa makarating sya sa
kanyang paroroonan.
Wastong paggamit ng Pahiran at Pahirin
PAHIRIN
Ang pahirinay nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi sa isang
bagay,alisin ang bagay.
·         Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.
·         Pahirin mo ang iyong uling sa mukha.
PAHIRAN
Dalawaang maaaring ibigay na kahulugan ng pahiran
1.Ang lunan o bahagi ng lunan o bagay na pinanggagalingan ng bagay na
pinahid. Sa ganitong gamit ang pahiran ay may layon.
2. Nagagamitdin angpahiransakahulugangpaglalagayngkauntingbagayat
karaniwanay sabahagingkatawan.
·         Pahiran mo ng vicks ang aking likod.
·         Pinapahiran ng langis ng dalaga ang kanyang buhok.
·         Bakit mo pinapahiran ng alkohol ang iyong mga kamay.
Wastong gamit ng Operahin at Operahan
OPERAHIN
 Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.
·         Ang mga mata ng matanda ay ooperahin bukas.
·         Kailan nakatakdangoperahin ang iyong bukol sa dibdib?
·         Ooperahin na ang bukol sa tuhod ni Ernani.
OPERAHAN
Tinutukoy nito ang tao at hindi ang bahagi ng katawan.
·         Ooperahanna ng doktor ang naghihirap na may sakit.
·         Inoperahan na si Emil kahapon.
·         Si Vic ay kasalukuyang inooperahan sa pagamutan ng St.Luke.
Wastong gamit ng Rin, Raw, Daw at Din
RIN at RAW
 Ang mga katagang rinat raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita
ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig naw at y.
·         Tayo ay kasamarinsa mga inanyayahan.
·         Ikaw raw ang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating
pamantasan.
·         Sasakay rawsiya sa unang bus na daraan
DIN at DAW
 Ang dinatdaway ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos
sa katinig maliban sa wat y.
·         Takot din siyang magsinungaling kagaya mo.
·         Masakit daw ang ulo ni Marlon kaya hindi siya nakapasok sa klase.
·         Malakas din ang patahian nila katulad ng patahian ninyo.
Wastong paggamit ng kung ‘di, kung di at kundi
·         Ang kung'di ( if not) ay pinaikling kung hindi.
·         Ang kungdi ay di dapat gamitin. Walang salitang ganito.
·         Ang kundi ay kolokyalismo ng kung'di.
·         Kung'di ka sana mapagmataas ay kaibigan mo pa rin si Louela.
·         Walang makakapasok sa gusali kundi ang mga empleyado lamang. 
Wastong gamit ng KINA at KILA
 Angkinaay panandang pangkayarian sa pangngalan katulad ng sina.
Walang salitang kilasa Balarilang Filipino.
 Ang paggamit ng kila ay karaniwang pagkakamali.
·         Papunta na kami kina Ms. Katipunan.
·         Kina Malou gaganapin ang pagdiriwang.
·         Malayo ba rito ang kina Riza at Ronie?
Wastong paggamit ng Pinto at Pintuan
Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas.
Ginagawa ito upang ilagay sa pintuan.
·         Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok angt
lamok.  Ang pintuan (doorway) ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang
bahaging daraanan kapag bumukas na ang pinto.
·         Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya't hindi niya
maisara ang pinto.
Wastong paggamit ng Hagdan at Hagdanan
 Ang hagdan (stairs)ay mga baytang at inaakyatanat binababaan sa
bahay/gusali.
·         Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika.
 Ang hagdanan( stairway) ay bahaging bahay na kinalalagyan ng hagdan.
·         Matitibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi gumuho ang
hagdan niyon matapos ang lindol.
Wastong gamit ng Iwan at Iwanan
Ang iwan (to leave something) ay nangangahulugang huwag isama/dalhin.
·         Iwan nalang niya ang bag niya sa kotse ko.
 Ang iwanan (to leave something to somebody) ay nangangahulugang
bibigyan ng kung ano ang isang tao.
·         Iwanan mo 'kong perang pambili ng pananghalian.
Wastong paggamit ng Tunton, Tungtong at Tungtong.
  Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali.
·         Hindi Makita niMang Efren ang tungtong ng palayok sa kusina.
  Ang tuntong ay pagyapak sa anumang bagay.
·         Tumuntong siya sa mesa upang maabot ang bumbilya.
Ang tunton ay pagbakas o paghanap sa bakas ng anumang bagay.
Hindi komatuntong kung saan na nagsuot ang aming tuta

Talinghaga
Ang talinghaga o parabula ay isang maikling kuwentong may aral
na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na
maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o
nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan
ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay
walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa
kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang
katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita
ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan
sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na
nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
Pagsasanay

1.Ano ang ibig sabihin ng talinghaga?


2.Bakit mahalaga ang proseso ng pagpapahayag?
3.Bakit kailangan pag-aralan ang wastong paggamit ng mga salita?
4.Ano ang balarila?
5.Ano ang retorika?
6-7.Ano ang relasyon ng balarila at retorika?
8-10.Magbigay ng mga matatalinghangang salita.
ALUSYON

Pamamaraang panretorika na gumagamit ng pagtukoy sa isang


tao, pook, katotohanan, kaisipan o pangyayarinainiingatan sa
pinakatagong sulok ng alaala ng isang taong may pinag-aralan. (Bisa at
Sayas,1966)
Limang Uri ng Alusyon
Alusyon sa HEOGRAPIYA
Halimbawa:
Ang Mt. Apoang itinuturing na pinakamataas na bundok sa ating bayan
kung kaya ito ang Mt. Everest ng Pilipinas.
Alusyon sa BIBLIYA
Halimbawa:
Nagsilbi siyang isang Moises ng kanyang lipi upang iligtas ang mga ito sa
kamay ng mga mapang –aliping nais na sakupin ang kanilang bayan.

Alusyon sa MITOLOHIYA

Halimbawa:
Unang Saknong ng tulang “Felicitacion” (Maligayg Bati) ni Dr. Jose Rizal:
Kung si Filomena ang dila’y may tamisang sa kay Apolo, sa kanyang
pagsilip,sa may kabukira’t bundok na masungit,ang may dalang awit.

Alusyon sa LITERATURA
Halimbawa:
Walang alinlangang isa siyang Ibarra na puno ng pag –asang kanyang
maililigtas ang kanyang bayan sa isang ideyal na paraan.
Alusyon sa KULTURANG POPULAR
Halimbawa:
Kinikilala si Mang Noe bilang Elvis Prestley ng lungsod ng Davao at ang
anak niyang si Liway bilang Whitney Houston ng buong Mindanao.
Pagsasanay

Panuto:sa pamamagitan ng semantic web ibigay ang limang (5) uri ng


alusyon.
Pagsasaling wika - pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas
na mensahe ng tekstong isinasalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan
(translation).

Mga patnubay sa pagsasaling-wika


Narito ang ilang mga panimulang patnubay sa pagsasaling-wika ng Drupal
sa Filipino. Habang tayo ay nagsasaling-wika, maaari tayong magpasiya
ng mas tiyak na mga patnubay upang mapahusay ang pagsalin ng Drupal
sa Filipino. Ang pahinang ito ay isang wiki, ibig sabihin ay maaari mong
baguhin ang teksto ng pahinang ito.

Ang payo mula sa "Linux for Schools: Localization and Translation" ay


isang puntong magandang isaalang-alang:

Ang iyong gawain ay ... ipahatid ang nilalaman, kaya huwag matakot na
lokalisahin ang orihinal na teksto kahit na ito'y ibang-iba (dapat akma,
siyempre). Basahin ang orihinal na teksto, unawain ang nilalaman nito, at
isaalang-alang kung paano mo nais na ibalangkas ang teksto sa iyong
wika (kung hindi mo pa naririnig ang orihinal na teksto).

Mas madaling maintindihan ang Drupal kung ang mga tagapagsalin ay


makayang maging pare-pareho sa paggamit ng mga salita. Kung iyong
isasalin ang isang salita sa ibat-ibang singkahulugan nito, mahihirapan
ang mga tao na maintindihan na ang tinutukoy sa Drupal ay parehong
tampok o pag-andar.

Mahalaga rin na alamin ang estilo ng pagsasaling-wika ng proyekto.


Tandaang gumamit ng konserbatibo at pormal na Filipino.

Isalin ang mga salita at teknolohiyang pang-internet at pigilin muna ang


sarili sa paggamit ng mga katumbas na salita sa Ingles.
Alamin muna kung may akmang salita o terminoholiya sa Tagalog. Kung
mayroon, gamitin ito.

Kung wala, suriin kung may akmang salita mula sa mga pinaka-malalawak
na wika ng Pilipinas gaya ng Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Waray-Waray,
Kapampangan, Northern Bicolano, Chavacano, Pangasinense, Southern
Bicolano, Maranao , Maguindanao, Kinaray-a, at Tausug.

Kung wala pa rin, suriin pa kung may akmang salita mula sa iba pang wika
ng Pilipinas.

Kung walang akmang salita o terminolohiya mula sa mga wika ng


Pilipinas, maari mong itranslitereyt ang salita mula sa ingles papuntang
Tagalog (halimbawa: account -> akawnt, computer -> kompyuter).
Tandaang ang pagta-translitereyt ay papuntang Tagalog at hindi Filipino,
dahil ang Filipino ay may mga titik na C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z na hindi
ginagamit sa pagtatranslitereyt.

Kung talagang mas magandang hindi isaling-wika ang mga terminolohiya


at salita, gamitin ang Ingles na salita. (halimbawa: internet)

Kung ikaw ay hindi sigurado sa mga katumbas na salita, subukang


makipag-ugnay sa departamento ng iyong wika mula sa mga
pinagpipitaganang pamantasan sa iyong bansa o sa isang kawanihan na
nangangalaga ng iyong wika. Huwag matakot na gamitin o ipakilala ang
mga bagong salita kung ito ay maging saligan. Tandaan, nang ipinakilala
ang salitang "mouse" (pang-kamay na aparato upang makipag-ugnay sa
isang kompyuter), ang salita ay kinutya at pinagtawanan.
Mga paaala o pamantayan sa pagsasaling-wika:1. Alamin ang paksa
ng isasalin. Magbasa o magsaliksik upang mapag-aralan ito at magkaroon
nang mas malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin.

2. Basahin ng ilang beses ang tekstong isasalin. Tiyaking nauunawaan mo


ang nilalaman ng teksto sa lebel na halos kakayanin mo nang ipaliwanag
o muling isalaysay kahit pa wala ang orihinal sa iyong harapan. Hindi
dapat baguhin, palitan, o bawasan ang ideya o mensahe ng iyong
isinasalin.
3. Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mesahe at hindi lang mga
salita. Hindi sapat na bata tumbasan lang ng salita mula sa pinsagmulang
teksto ng isa ring salita sa pagsasalinang wika dahil literal lang ang
kalalabasan ng pagsasalin at maaaring hindi mapapalabas ang tunay na
diwa ng isinasalin.

4. Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng


mambabasa. Mainam kung ang mga salitang gagamitin ay lubos mong
nauunawaan ang kahulugan at tiyak na mauunawaan di ng mga
mambabasa upang higit na maging natural o malapit ang orihinal sa salin.

5. Ipabasa sa isang ekperto sa isang wikang pinagsalinan o sa isang


katutubong nagsasalita ng wika ang iyong isinasalin. Makakatulong nang
malaki ang pagbabasa ng isinalin sa isang taong ekperto o katutubong
nang wikang ito upang mabigyang-puna niya ang paraan ng pagkakasalin
at masabi kung ito ba’y naaangkop na sa konteksto ng isng taong likas na
gumagamit ng wika.

6. Isaalang-alang ang iyong kaaalaman sa genre ng akdang isasalin.


Makakatulong sa epektibong pagsasalin ang kaalaman ng tagapagsalin sa
genre na kinabibilangan ng isasalin. Kung tula ang isasalin, kailangn
lumabas parin itong isang tula at hindi prosa. Kung ito’y may sukat at
tugma, kailangang pagsikapan na tagapagsaling mapanatili rin ito.

7. Isaalang-alang ang kultura at kenteksto ng wikan isasalin at ng


pagsasalinan. May mga pakakataon kasing ang paraan ng pagsasaayo ng
dokumento sa isang wika depende sa kanilag nakasanayan ay naiiba sa
wikang pagsasalinan kaya’t dapat din itog bigyang-pansin ng magsasalin.

8. Ang pagiging mahusay na tagapagsalin ay nalilinangsa pagdaan ng


panahon at napagbubuti ng karanasan. Kung sakaling sa unang
pagtatangka mo ay hindi mo agad magawang makapagsalin nang halos
kahimig ng orihinal ay huwag kang mag-alala dahil habang tumatagal ka
sa gawaing ito at nagkakaroon nang mas malawak na karanasan ay lalo
kang gagaling at magkakaroon ng kahusayan sa gawaing ito.
Pagsasanay

Panuto: Sagutin ang mga katanungan.

1. Ano ang pagsasaling-wika?

2. Ibigay ang ang walong (8) pamatayan sa pagsasaling wika?


TAYUTAY

Ang tayutay ay isang matalinghagang pahayag na nagbibigay ng


mabisang kahulugan upang lalong maging mabisa at makulay ang isang
paglalarawan.

Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga


salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang
pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at
kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat.

Mga Karaniwang Uri at Halimbawa ng Tayutay

Simili o Pagtutulad - Ang pagtutulad ay naghahambing ng dalawang


magkaibang bagay, tao, o pangyayari na ginagamitan ng mga salitang
tulad ng, parang, kagaya, kawangis, kapara, at katulad.

Ang mga mata mo ay tulad ng mga bituin.

Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha.

Ang iyong labi ay tila rosas sa pula.

Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning.

Ang mga kamay mo ay kasing kinis ng tela.

Metapora o Pagwawangis - Naghahambing din ang pagwawangis ngunit


hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kawangis
sapagkatito'ytiyakang paghahambing.

Ang ama ni David ay leon sa bagsik.

Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng kagubatan.

Ang aking mahal ay isang magandang rosas.

Ang aking ina ay tunay na ilaw ng tahanan.

Ang kanilang bahay ay malaking palasyo.

Si Mother Teresa ng Calcuta ay hulog ng langit.


Personifikasyon o Pagtatao - Ang personipikasyon ay pagsasalin ng
talino, gawi, at katangian ng tao sa mga bagay-bagay sa paligid natin.

Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat.

Napangiti ang rosas sa kanyang pagdating.

Tinatawag na ako ng kalikasan.

Matindi ang unos sa paghagulgol ng langit.

Inanyayahan kami ng dagat na maligo.

Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na


tila ito ay isang tao.

O tukso, layuan mo ako!

Pag-ibig, bigyan mo ng kulay ang aking buhay.

Buhos na ulan, aking mundo’y lunuring tuluyan.

Buwan, ika’y saksi sa lahat ng aking paghihirap.

Pagmamalabis o Hayperboli - Ang pagmamalabis ay lubhang


nagpapakita ng kalabisan na imposibleng mangyari sa kalagayan ng tao,
bagay, o pangyayari.

Bumaha ng salapi sa kanyang mga kamag-anak nang dumating si Rico


mula sa Saudi Arabia.

Aabutin ka ng bilyun-bilyong taon bago makatapos ng medisina.

Nalulunod na siya sa kanyang luha.

Hanggang tainga ang aking ngiti nang siya’y aking nakilala.

Nadinig sa buong mundo ang lakas ng kanyang sigaw.

Paghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung


ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.

Ngumingiyaw ang pusa sa ibabaw ng bubong.


Ang tik-tak ng relo ay nangibabaw.

Ang bang-bang ng baril ay gumising sa aming pamilya kagabi.

Pagpapalit-tawag o Metonymy - Ito'y pagpapalit ng katawagan ng mga


bagay na magkakaugnay, hindi sa kahambingan kundi sa mga
kaugnayan. Ang kahulugan ng meto ay "pagpapalit o paghalili."

Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang tagumpay.

Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-pangulo.

Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa espada.

Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang


bahagi ng kabuuan ang binabanggit.

Itinakwil siya ng buong mundo.

Ang klase ay kanyang kinopyahan ng takda.

Ang kongregasyon ay aking kinamayan.

Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng


pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang
kabaligtaran ng ibig sabihin.

Siya ay hindi isang kriminal.

Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan.

Ang aking kapatid ay hindi isang taong walang dangal.

Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho. Pag-uulit ng


naunang tunog na katinig.

Ang kailangan ng bayan ay kapayapaan, kaayusan, katarungan, at


kalayan.

Singsing, sapatos, susi, at sinturon lamang ang kanyang dala.

Ang laman ng kanyang bag ay papel, panulat, at pambura lamang.


Pagsasanay

Panuto:Ibigay ang mga uri ng tayutay at magbigay ng mga halimbawa.


PAGBUBUO NG SALITA

Ang pagbubuo ng mga salita ay isang mahalagang salik na

makatutulong sa pagpapanayam

ng bokabularyo.

MGA PARAAN:

PAGLALAPI

PAG-UULIT

PAGTATAMBAL

PINAGSANIB

PAGLALAPI - ito ay paraan ng pagkakabit ng panlapi sa salitang-ugat.

MGA PARAAN NG PAGLALAPI:

PAG-UUNLAPI

PAGGIGITLAPI

PAGHUHULAPI

PAG-UUNLAPI at PAGGIGITLAPI

PAG-UUNLAPI at PAGHUHULAPI

PAGGIGITLAPI at PAGHUHULAPI

sa pag-uunlapi makikita na ang panlapi ay inilalagay sa unahan ng


salitang-ugat.

Halimbawa:

nag + dalamhati = nagdadalmhati

mag + isip = mag-isip

sa paggigitlapi makikita na ang panlapi ay nakalagay sa gitna ng salitang-


ugat
Halimbawa:

b + um + asa = bumasa

h + in + asa = hinasa

PAG-UUNLAPI ; PAGGIGITLAPI at PAGHUHULAPI

makikita na sa hulihan inilalagay ang panlapi.

Halimbawa:

aklat + an = aklatan

hamak + in = hamakin

dito makikita na inilalagay ang panlapi sa unahan at hulihan ng salitang-


ugat.

Halimbawa:

nag + amin + an

= nagaminan

na+ gusto + han

= nagustuhan

makikita dito na ang panlapi ay inilalagay sa unahan at gitna ng salitang-


ugat

Halimbawa:

mag + ma + mahal = magmamahal

mag + pa + paraya = magpaparaya

inilalagay ang panlapi sa gitna at hulihan ng salitang-ugat

Halimbawa:

in- + titig + an = tinitigan

in- + tabi + han = tinabihan


dito ikinakabit ang panlapi as unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat.

Halimbawa:

mag + d + in + uguan = magdinuguan

nag + ka + gusto + an = nagkagustuhan

tinatawag din na LAGUHAN

sa pag-uulit ng salitang-ugat ay nakabubuo ng bagong salita na may


bagong kahulugan.

MGA PARAAN:

PAG-UULIT NA PARSYAL

PAG-UULIT NA GANAP

dito makikita na inuulit ang buong salita na maaaring gamitan ng pang-


angkop o hindi.

Halimbawa:

araw = araw – araw

guni = guni - guni

KOMBINASYON NG PARSYAL AT GANAP

Halimbawa:

Mag+la+lakad+lakad

= maglalakad-lakad

A+alis+alis = aalis-alis

pagsasama ng dalawang payak na salitang-ugat upang makabuo ng


bagong salita.
MGA URI
PAGTATAMBAL NA DI-GANAP

Nanatili ang kanyang kahulugan sa dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa:

Anak+pawis = anakpawis

Balik+bayan = balikbayan

PAGTATAMBAL NA GANAP

Magkaroon ng kahulugang iba sa dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa:

basag+ulo = basagulo

bahag+hari = bahaghari

- ang dalawa o higit pa kay sa nauna

Halimbawa:

nag+ha+hanap+buhay = naghahanapbuhay

araw+araw+in = araw-arawin

- bahagi lamang ng salitang ugat ang inuulit

- may mga salitang maylapi na ang inuulit ay ang unang katinig o patinig
nga salitang-ugat

- may mga salitang ang likas na kayarian ay may pag-uulit

Halimbawa:

bali-balita

sali-salita

dala-dalawa

Halimbawa:
a+alis = aalis

ba+basa = babasa

ga+ganda = gaganda

Halimbawa:

bulaklak

paruparo

alaala

APAT NA KAYARIAN NG SALITA

1. PAYAK

– salitang-ugat lamang

Halimbawa: araw

2. INUULIT

– inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito.

Dalawang uri ng pag-uulit:

a. pag-uulit na ganap – inuulit ang salitang-ugat

halimbawa: araw-araw

b. pag-uulit na di-ganap – inuulit lamang ang bahagi ng salita

Halimbawa: kakanta

3. MAYLAPI

– binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi

Halimbawa:

unlapi – umayaw

gitlapi- sinulat
hulapi – patayin

kabilaan (sa unahan at hulihan) – nagpatayan

4. TAMBALAN

– dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita

Halimbawa:

asal-hayop

bahaghari

silid-aralan

Pagsasanay

Panuto:Ibigay ang apat na kayarian ng mga saliata at ibigay ang mga


kahulugan nito.
Punto at Paraan ng Artikulasyon

Tumutukoy sa kung anong bahagi ng bibig naisasagawaang pagbigkas sa


ponemalimang punto ng artikulasyon.
Panlabi -ang ibabang labi ay dumidikit sa labing itaasparaan ng
artikulasyon.
Inilalarawan at ipinakikita kung papaano ang mga sangkap sa pagsasalita
ay gumagana at kung papaanong ang ating hininga ay lumalabas sa bibig
o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig. 
Veral (Pangngalangala) -ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa velum
o malambot na bahagi ng ngalangalam.
Pasutsot -ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng
dila at ng ngalangala o kaya’y mga babagtingang pantiniganim na paraan
ng artikulasyon.
Pasara -ang daanan ng hangin ay harang na harang
Halimbawa: / p , b , m /
Pangngipin - ang dulong dila ay dumidikit sa loob ng mga ngipin sa itaas.
Halimbawa: / t , d , n /
Pangilagid -ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong
gilagid.
Halimbawa: / l , r /
Halimbawa: / k , g /
Glottal - ang babagtingang tinig ay nagdidiit o naglalapit at hinaharang o
inaabala ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit
o pasutsot na tunog. 
Halimbawa: / h /
Halimbawa: / p , t , k , b , d , g /
Pailong -ang hangin na nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi,
pagtukod ng dulo ng dila sa itaas ng mga ngipin o kaya’y dahil sa pagbaba
ng velum ay hindi sa bibig kundi sa ilong lumalabas. 
Halimbawa: / m , n /
Halimbawa: / s , h /
Pagilid - ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang
dulong dila ay nakadiit sa punong gilagid. 
Halimbawa: / l /
Pakatal -ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang
lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulo ng
nakaarkong dila. 
Halimbawa:/ r /
Malapatinig -dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang pusisyon ng labi
o dila patungo sa ibang pusisyon.
Halimbawa: / w , y /

Pagsasanay

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. Tukuyin kung


anong paraan ng artikulasyon ang ginamit.

1. Dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang pusisyon ng labi o dila


patungo sa ibang pusisyon.
2. Ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas
sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulo ng
nakaarkong dila. 
3. Ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong
dila ay nakadiit sa punong gilagid. 
4. Ang hangin na nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi,
pagtukod ng dulo ng dila sa itaas ng mga ngipin o kaya’y dahil sa
pagbaba ng velum ay hindi sa bibig kundi sa ilong lumalabas. 
5. Ang babagtingang tinig ay nagdidiit o naglalapit at hinaharang o
inaabala ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng
paimpit opasutsot na tunog. 
6. Ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong
gilagid.
7. Ang dulong dila ay dumidikit sa loob ng mga ngipin sa itaas.
8. Ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng
dila at ng ngalangala o kaya’y mga babagtingang pantiniganim na
paraan ng artikulasyon.
9. Ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa velum o malambot na
bahagi ng ngalangalam.
10. Ang ibabang labi ay dumidikit sa labing itaasparaan ng
artikulasyon.
Inilalarawan at ipinakikita kung papaano ang mga sangkap sa
pagsasalita ay gumagana at kung papaanong ang ating hininga ay
lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga
ponemang katinig. 
KOMPOSISYON

Ang komposisyon ay itinuturing na pinakapayak na paraan ng


pagsulat. Ito rin ang itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat ng
mga natatanging karanasan, pagbibigay interpretasyon sa mga
pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga nabasang akda o napanood na
pagtatanghal ay nagagawa sa pamamagitan ng pagsulat ng komposisyon.

Halimbawa

a. Natatanging karanasan

b. Pagbibigay-interpretasyon

c. Puna sa nabasang akda

d. Puna sa napanood

Uri ng Komposisyon

1. Informativ- Naglalahad ng mga makatotohanang impormasyon.

Hal.mga kasaysayan, mga balita

2. Argumentativ- Naglalahad ng mga proposisyon na nangangailangan ng


pagtalunan o pagpapaliwanagan.

Hal.mga editoryal

3. Persweysiv- Textong nangungumbinse o nanghihikayat.

Hal.mga nakasulat na ptopaganda sa eleksyon, mga advertisment

4. Narativ- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o


simpleng nagsasalayasay

Hal.mga akdang pampanitikan

5. Deskriptiv- Naglalahad ng mga katangian ng ng isang tao , bagay,


lugar, pangyayari atbp.

Hal.mga lathalain, mga akdang pangpanitikan


6. Prosijural- Naglalahad ng wastong pagkakasuno-sunod ng hakbang sa
paggawa ng isang bagay.

Halimbawa: Ang pagluluto ng kahit anong uri ng pagkain.

PAGSULAT NG KOMPOSISYON

Talata
 Ito ay binubuo ng isang pangungusap o lupon ng mga pangungusap na
naglalahad ng isang bahagi ng buong kurokuro, palagay o paksang diwa.
a.     Panimulang talata
         Ito ang una at kung minsan ay hanggang sa ikalawang talata ng
komposisyon.

b.     Talatang ganap
         Matatagpuan ito sa kalakhang gitnang bahagi ng komposisyon.
Tungkulin nitong idebelop ang pangunahing paksa ng komposisyon.
Sinasabi rito kung ano ang paliwanag, ang isasalaysay, ang inilalarawan o
bibigyang katwiran.
c.      Talata ng paglilipat-diwa
                      Importante ito upang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ng
mga pahayag sa mga talataan ng komposisyon. Ginagamit ang talatang
ito upang pag-ugnayin ang diwa ng dalawang magkasunod na talata.
Sinasalungat ba ng talatang sinundan o dinaragdagan nito ang isipan
niyon? Ipinahihiwatig din nito ang debelopment ng paksang tinatalakay.
d.     Talatang pabuod
       
                Kadalasan ito ang pangwakas na talata o mga talata ng
komposisyon. Inilalagay rito ang mahalagang kaisipan o pahayag na
tinatalakay sa gitna ng komposisyon. Maaarin ring gamitin ang talatang ito
upang bigyan ng higit na linaw ang layunin ng awtor ng isang
komposisyon.
Katangian ng Mabuting Talata

     May isang Paksang-diwa


          Masasabing may isang paksang-diwa ang isang talata kapag ito ay
nagtataglay ng isa lamang paksang pangungusap.
       May kaisahan ng diwa
          Masasabing may kaisahan ng diwa ang isang talata kapag ang
bawat pangungusap ay nauugnay sa paksang pangungusap.
        May Wastong Paglilipat-Diwa
3.1.         Pagdaragdag
     Hal: At, saka, gayundin
3.2.         Pagsalungat
     Hal: Ngunit,subalit, datapwat, bagaman, sa      kabilang dako.
3.3.         Paghahambing
     Hal: Katilad ng, kawangis ng, animo’y,   anaki’y
3.4.         Pagkokonklud
     Hal: samakatwid, kung gayon
4. May kaayusan     
     Bagama’t walang tiyak na panuntunang sinusunod ukol sa pag-aayos
ng talataan, mabuting ayusin ang mga pangungusap sa talata.
PAGSASANAY

A. Tukuyin kung ano ang tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat ang


sagot sa patlang.

_____________1.Naglalahad ng mga proposisyon na nangangailangan


ng pagtalunan o pagpapaliwanagan.

_____________2.Naglalahad ng mga katangian ng ng isang tao , bagay,


lugar, pangyayari.

_____________3.Naglalahad ng wastong pagkakasuno-sunod ng


hakbang sa paggawa ng isang bagay.

_____________4.Naglalahad ng mga makatotohanang impormasyon.

_____________5. Itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat.

_____________6.Ito ay binubuo ng isang pangungusap o lupon ng mga


pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng buong kurokuro, palagay
o paksang diwa.

_____________7.Matatagpuan ito sa kalakhang gitnang bahagi ng


komposisyon. Tungkulin nitong idebelop ang pangunahing paksa ng
komposisyon. Sinasabi rito kung ano ang paliwanag, ang isasalaysay, ang
inilalarawan o bibigyang katwiran.

_____________8.  Ito ang una at kung minsan ay hanggang sa ikalawang


talata ng komposisyon.

_____________9. Kadalasan ito ang pangwakas na talata o mga talata ng


komposisyon.

_____________10.Ito ang itinuturing na pinakapayak na paraan ng


pagsulat ng mga natatanging karanasan, pagbibigay interpretasyon sa
mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga nabasang akda o
napanood na pagtatanghal ay nagagawa sa pamamagitan ng pagsulat ng
komposisyon.
BAHAGI NG PANALITA
MGA SALITANG PANGNILALAMAN (MGA CONTENT WORD)

1. Mga nominal

a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao,


hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, atbp.

Halimbawa: Nakaligtas ang inhinyero.

b. Panghalip (pronoun) - mga salitáng pánghalilí sa pangngalan.

Halimbawa: Ang dalaga anng pinsan ko.

2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay


sa isang lipon ng mga salita.

Halimbawa: Umaawit ng kundiman si Kuh Ledesma.

3. Mga panuring (mga modifier)

a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan


sa pangngalan at panghalip.

Halimbawa: Ang babae ay nakasuot ng pulang damit.

b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan


sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay.

Halimbawa: Si Rosa ay pupunta sa Maynila para mag-aral.

MGA SALITANG PANGKAYARIAN (Function words)


Pangatnig
Tinatawag na pangatnig ang mga kataga o lipon ng mga salitang
nag-uugnay sa dalawang salita, parirala sa kapwa parirala at sugnay sa
kapwa sugnay upang maipakita ang dalawa o higit pang kaisipan sa loob
ng pangungusap. Ang pangatnig ay ginagamit din sa mga pangungusap
na tambalan, hugnayan at langkapan.
Mga Uri ng Pangatnig
1. Panapos - pangatnig na nagsasaad na malapit nang matapos ang
pagsasalita o ang nais ipahiwatig ng pangungusap.
Halimbawa:
a. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon sa
trabaho.
b. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.
c. Sa di-kawasa, ang pagtalakay sa pagpapatalsik kay Ombudsman
Gutierrez ay tinapos na ng Kamara.
d. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang paghuhusga.
2. Pananhi - nagsasaad ng kadahilanan o katuwiran para sa natapos na
kilos.
Halimbawa:
a. Sumakit ang kanyang lalamunan dahil sa kasisigaw.
b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.
c. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.
d. Nahilo si Anna mangyari ay ikot siya nang ikot.
3. Pamukod - pangatnig na ginagamit sa pagbukod o pagtatangi.
Halimbawa:
a. Kung ikaw o si Liza ang bibigyan ng parangal ay wala akong
tutol.
b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger man ang
piliing lider natin.
c. Walang diprensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa
paligsahan.
d. Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.
4. Paninsay - pangatnig na sinasalungat ng naunang parte ng
pangungusap ang ikalawang bahagi nito.
Halimbawa:
a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit na) maraming
naninira sa kanya.
b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang sa
palengke ang kanyang ina.
c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang
bomoto sa kalaban niya.
d. Mayaman nga si Donya Rustica ngunit matapobre naman.
5. Panubali - nagsasaad ito ng pag-aatubili o pag-aalinlangan.
Halimbawa:
a. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang
tatay.
b. Sasayaw ako kung aawit ka.
c. Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.
d. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling lumitaw ang
buwan.
6. Panimbang - pangatnig na gamit kung naghahayag ng karagdagang
impormasyon at kaisipan.
Halimbawa:
a. Nagpiknik sa bukid sina Jose at Maria.
b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.
c. Anu pa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para makaahon
sa kahirapan.
d. Nagtanim siya ng upo at saka patol
7. Pamanggit - pangatnig na gumagaya o nagsasabi lamang ng iba.
Halimbawa:
a. Siya raw ang hari ng sablay.
b. Sa ganang akin, mali ang paniniwala mo.
c. Di umano, mahusay umawit si Blanca.
d. Masisipag daw ang mga taga-Ilokos.
8. Panulad - gumagaya o tumutulad ng mga pangyayari, kilos o gawa.
Halimbawa:
a. Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.
b. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.
c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa iyo.
9.Panlinaw - gamit ang pangatnig na panlinaw upang ipaliwanag ang
bahagi o kabuuan ng isang banggit.
Halimbawa:
a. Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si Berto.
b. Nagkasundo na ang mga trabahador at may-ari, kung gayon ay
magbubukas na ang planta.
Pang-ukol
Ang Pang-ukol (Preposition) ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay
sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng
kilos, gawa, ari, balak o layon.
Dalawang Pangkat ng Pang-ukol
A. Ginagamit bilang pangngalang pambalana (common noun) - mga
pantukoy na ang layon, gawa, kilos o ari ay para sa lahat o balana.
Mga Halimbawa:
1. Ang tema ng talakayan ay ukol sa kahalagahan ng edukasyon.
2. Ang mga donasyong ibinigay ng mga pulitiko ay para sa mga
nasunugan.
3. Ang mga piling guro ay binigyan ng parangal.
4. Laban sa pamahalaan ang kanilang isinusulat.
5. Ang mga aklat na ito ay para sa batang-lansangan.
B. Ginagamit na pantukoy sa ngalan ng tanging tao - mga pantuloy na ang
layon, gawa, kilos o ari ay para sa tanging ngalan ng tao.
Mga Halimbawa:
1. Ang librong kanyang binabasa ay ukol kay Imelda Marcos.
2.Para kay Nilo ang asong ito.
3. Ayon kay Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
4. Ang kanilang tinatalakay ay tungkol kay Juan.
5. Hinggil kay Willie ang kanilang pinag-uusapan.
Iba Pang Uri ng Pang-ukol
1. sa , sa mga
2. ng, ng mga
3. ni, nina
4. kay, kina
5. sa, kay
5. nang may
6. alinsunod
7. para sa, para kay
8. hinggil sa, hinggil kay
9. ayon sa, ayon kay
10. nang wala
Pantukoy
Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa
pangngalan o panghalip
Uri ng Pantukoy
1. Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa mga pangngalang
pambalana
ang, ang mga, mga
ang (isahan)
Halimbawa:
Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga
nasasakupan.
ang mga (maramihan)
Halimbawa:
Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage.
mga (maramihan)
Halimbawa:
Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.
2. Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak
na tao)
si, sina, ni, nina, kay, kina
si (isahan)
Halimbawa:
Si Gng. Arroyo ay nagsisikap upang mapabuti ang kalagayan
nating mga Pilipino.
sina (maramihan)
Halimbawa:
Nanguna sa paglilinis ng baranggay sina G. at Gng. dela Cruz.
ni (isahan)
Halimbawa:
Napagalitan ni Coach Dimagiba ang mga manlalaro dahil hindi sila
dumating sa oras.
nina (maramihan)
Halimbawa:
Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-aaway nina Anton at Luis.
kay (isahan)
Halimbawa:
Ibinahagi ni Sofia ang kanyang keyk kay Sam.
kina (maramihan)
Halimbawa:
Nakipagkasundo na si Lukas kina Juan at Pedro.
Pang-angkop
Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod
na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang
pagbigkasng mga ito. Sa makabagong pag-aaral ng wika, ang pang-
angkop ay nahahati lamang sa dalawa.
Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod
na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang
pagbigkas ng mga ito. Ginagamit din ang pang angkop upang pag-ugnayin
ang mga panuring at ang mga salitang binibigyang turing nito.
May tatlong pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga
salita
1. Pang-angkop na na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na
kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa
titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.
Halimbawa:
Ang malinis na hangin ay ating kailangan.
Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s na isang
katinig.
2. Pang-angkop ng ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga
salitang nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o u).
Halimbawa:
Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha.
Ang pang-angkop na ng ay idinugtong sa salitang malalaki na
nagtatapos
sa titik i na isang patinig.
3. Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang
magkakasunod na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa
katinig na n. Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titik na n
sa hulihan ng salita ay kinakaltas na lamang. Kaya ang pang-angkop
na -ng at hindi g ang ginamit.
Halimbawa:
luntian ng halaman - luntiang halaman
Maraming banging matatarik sa ating bansa.
Pangawing – na AY
Palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ibinabadya nito ang
karaniwang ayos pangungusap. Ang una ang panag-uri sa paksa ay
nilalagyan ng pagbabago. Palataandaan ito na inilipat ng posisyon ang
bahaging paksa ng pangungusap. Ito ay pang-dugtong sa mga
pangungusap na di-karaniwang ayos.

Halimbawa:
Ako ay galing sa banyo.

Prinsipal na Sangkap ng Pananalita


Ang enerhiya ay ang nalikhang presyon o presyur ng papalabas na
hiningang galing sa mga babagtingang pantig na siyang gumaganap na
artikulador. Lumilikha ito ng tuno na minomodipika ng bibig na siya
namang nagiging patunugan o resonador. Ang itinituring na mga
resonador ay ang bibig at guwang ng ilong.
PAGSASANAY
A. Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali ang pahayag.
1. Pamukod ang pangatnig na ginagamit sa pagbukod o pagtatangi.
2. Panlinaw ito ay gamit ang pangatnig na panlinaw upang ipaliwanag
ang bahagi o kabuuan ng isang banggit.
3. Pantukoy ito ay ang mga salitang laging nangunguna sa
pangngalan o panghalip.
4. Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod
na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang
pagbigkasng mga ito.
5. Pamanggit ang pangatnig na gumagaya o nagsasabi lamang ng
iba.
B. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod.
1. sa , sa mga
2. ng, ng mga
3. ni, nina
4. kay, kina
5. sa, kay
5. nang may
6. alinsunod
7. para sa, para kay
8. hinggil sa, hinggil kay
9. ayon sa, ayon kay
10. nang wala
MGA DISKURSO o PAGPAPAHAYAG

I. PASALAYSAY
May layuning magkwento ng magkakaugnay na pangyayari;
makukulay na karanasan sa buhay.

URI NG PASALAYSAY
a. Pagsasalaysay na totoo- base sa tumpak, tiyak at tunay
na mga pangyayari.
b. Pagsasalaysay na likhang-isip- kinabibilangan ng mga
mito, parabola, pabula, anekdota, palaisipan, maikling
kwento at nobela.
c. Pananaw sa pagsasalaysay- nagsasaad ng personal na
kaugnayan ng tagapagsalaysay sa paksang kanyang
tinatalakay o sa mga pangyayaring kanyang ikinukwento.

SANGKAP SA PAGSASALAYSAY
a. Tema
b. Tauhan
c. Aksyon o pangyayari
d. Tagpuan
e. Himig
II. PAGLALARAWAN
Naglalayong makabuo ng imahe o larawan sa isip ng mga
mambabasa o tagapakinig.

URI NG PAGLALARAWAN

a. Pangkaraniwang paglalarawan- nagbibigay lamang ng


kabatiran sa inilalarawan, hindi ito naglalaman ng
damdamin at kuro-kuro.
b. Konkretong paglalarawan- ito ay naglalarawan ng literal
at ginagamit dito ang mga pangkaraniwang paglalarawan
gaya ng maganda, maayos, malinis atbp.
c. Masining na paglalarawan- ang guni guni ng bumabasa
ay pinagagalaw upang makita ang isang buhay na buhay
na larawan.
d. Abstrak na paglalarawan- paglalarawan na gumagamit ng
mga di-literal na paglalarawan. Inaaniban ito ng mga
idyomatikong paglalarawan.
III. PAGLALAHAD
Tungkulin nito na humanap ng kalinawan at humawi sa ulap ng
alinlangan.
ANYO NG PAGLALAHAD
a. Paglalahad sa anyong panuto
b. Paglalahad sa anyong pagbibigay-katuturan
c. Paglalahad sa anyong interpretasyon
d. Paglalahad sa anyong pagkilala
e. Paglalahad sa anyong editorial

IV. PANGANGATWIRAN
May layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan
ng makatwirang mga pananalita.
DALAWANG URI NG PANGANGATWIRAN
a. Pabuod o inductive method- sinisimulan ito sa particular
na pangyayari at tinatapos sa isang katotohanang
pangkalahatan sapagkat dinaraan muna sa iba’t-ibang
obserbasyon at paulit ulit na eksperimentasyon at
pagsusuri bago ang paglalahat kapag narating na ang
katotohanan.
b. Silohismo o deductive method- pangangatwiran na lohikal
kung maghayag ng katotohanan; panghahawakan muna
ang isang pangunahing batayan, saka susundan ng
pangalawang batayan at dito ngayon ibabase ang
konklusyon.
PAGSASANAY
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag.

1. May layuning magkwento ng magkakaugnay na


pangyayari; makukulay na karanasan sa buhay.
2. Kinabibilangan ng mga mito, parabola, pabula, anekdota,
palaisipan, maikling kwento at nobela.
3. Nagsasaad ng personal na kaugnayan ng
tagapagsalaysay sa paksang kanyang tinatalakay o sa
mga pangyayaring kanyang ikinukwento.
4. Naglalayong makabuo ng imahe o larawan sa isip ng
mga mambabasa o tagapakinig.
5. Nagbibigay lamang ng kabatiran sa inilalarawan, hindi ito
naglalaman ng damdamin at kuro-kuro.
6. Ito ay naglalarawan ng literal at ginagamit dito ang mga
pangkaraniwang paglalarawan gaya ng maganda,
maayos, malinis atbp.
7. Ang guni guni ng bumabasa ay pinagagalaw upang
makita ang isang buhay na buhay na larawan.
8. May layuning manghikayat at magpapaniwala sa
pamamagitan ng makatwirang mga pananalita.
9. Tungkulin nito na humanap ng kalinawan at humawi sa
ulap ng alinlangan.
10. Pangangatwiran na lohikal kung maghayag ng
katotohanan; panghahawakan muna ang isang
pangunahing batayan, saka susundan ng pangalawang
batayan at dito ngayon ibabase ang konklusyon.
MGA PATALINGHAGANG PAGPAPAHAYAG O MGA
TAYUTAY
Ang Tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit
ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang
pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at
kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat.
MGA IBA’T-IBANG URI NG TAYUTAY:
PAGTUTULAD
Nagpapakita ng pagkakatulad ng dalawang magkaibang bagay sa
pamamagitan ng paggamit ng mga katagang kagaya, katulad, para,
parang, anaki’y, animo, kawangi ng, gaya ng, rila, kasing, sing at iba pang
mga kataga.
MGA HALIMBAWA:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos ng mang-aawit.
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.
5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng
mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.
7. Tila porselana ang kutis ni Celia.  
8. Ang tao ay kawangis ng Diyos.
PAGWAWANGIS
Tiyak na paghahambing ngunit hindi ginagamitan ng pangatnig.
Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan,
Gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Hindi na rin ito
ginagamitan ng mga katagang kagaya, katulad at kauri.
MGA HALIMBAWA:
1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.
6. Ikaw ang apoy na sumusunog sa aking puso.
7. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
PAGTATAO
Ginagamit upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao -
talino, gawi o kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng
mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari at
pangngalang-diwa.
MGA HALIMBAWA:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
6. Tik-tak ng orasan ay naghahabulan
7. Masayang umihip ang hanging amihan
8. Nagalit ang buwan sa haba ng gabi.
PAGMAMALABIS
Ito ay lagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao,
bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian. Kalagayan
o katayuan.Ito rin ay gumagamit ng eksaherasyon.
MGA HALIMBAWA:
1. Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang
makamtan.
2. Bumaha ng dugo sa kapaligiran ako ang nagwagi sa aming labanan
3. Yumuko sa akin ang sangkatauhan nang masaliksik ko ang
katotohanan.                 
4. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
5. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan.
6. Bumabaha ng dugo sa lansangan.
7. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman.
8. Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.
PAGPAPALIT TAWAG
Ang pagpapahayag ay nagpapalit ng katawagan o ngalan ng bagay na
tinutukoy. Ang pagpapalit ay maaaring
paggamit ng sagisag para sa sinasagisag.
paggamit sa lalagyan para sa bagay na ilalagay.
Pagbanggit ng simula para saw akas o wakas para sa simula.
1.Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardinas sa piitan.
5. Si Maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng
mayamang dayuh
PAGSASANAY:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang tayutay?

2. Ibigay ang apat na uri ng tayutay. Magbigay ng dalawang halimbawa sa


bawat uri.
Alam mo ba na...

mayroong (60) uri ng mga patalinghagamg


pagpapahayag at ang mga ito ay dumarami pa?
Dahil ang wika ay buhay,,ginagamit at
lumalago.(Monleon 1983).

Ang ilan sa mga tayutay ay ang sumusunod:

 Pagpapalit tawag (metonymy)


Ang pahayag na ito ay ang pagpapalit ng katawagan o ngalan sa bagay
natinutukoy.
 Pagpapalit-Saklaw (Synecdoche)
Ang pahayag na ito ay naisasagawa sa pamamagitan ng pagbanggit
sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan.Maaari din namang ang nag-iisang
tao ang kumakatawan sa isang pangkat.
 Pagtanggi(Litotes)
Ang pagpapahayag na ito ay karamiwang ginagamitan ng panangging
"hindi" upang bigyang-diin ang makahulugang pagsang-ayon sa sinasabi.
 Pag-uyam (Irony or Sarcasm)
Ang pagpapahayag na ito ay ginagamitan ng pananalitang
nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salita na kung

pakikinggan ay tila kapuri-puring mga pangungusap. Ang tunay na


kahulugan ng pahayag ay nauunawaan ayon sa paraan ng pagsasalita ng
taong nagsasalita.
Sanayin mo!
Basahin ang sumusunod na paglalarawan . Isulat sa sagutang papel ang
tayutay na ginamit.

* Pagpapalit-Saklaw (Synecdoche)

*Pagpapalit-Saklaw (Synecdoche)

* Pagtanggi (Litotes)

* Pag-uyam (Irony or Sarcasm)

1.Mapait na luha ang naging bunga ng kanyang kapangahasan.


2.Isang Moises ang nagtanggol sa mga dukha.
3.Hindi ko sinasabing tamad ka, ngunit napakarumi ng bahay gayong wala
ka namang ginagawa.
4. Ang bango ng hininga mo, amoy bawang.
5. Isang kayumanggi ang pinarangalan sa larangan ng boksing.
6. Maganda at kahali-halina ang kanyang katawan na hubog bariles.
7. Hindi ko sinabing matakaw ka, ngunit ang isang galong ice cream ay
naubos mo.
8. Malalim na pilat ang naiwan sa kanyang puso.
9. Talagang matalino ka, lamang bumagsak ka sa pagsusulit na iyong
kinuha.
10. Hindi ka nga gahaman, inangkin mong lahat ang dapat ay sa iyong
kapatid.

Ang patalinghagang pagpapahayag ay sinasadyang paglayo sa


paggamit ng mgapangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit,
maharaya at mabisa angpagpapahayag. Itoy nakapagdaragdag ng
kagandahan sa isang katha, pasalita man o maging pasulat. Ang mga
sumusunod ay mga uri ng patalinghagang pagpapahayag o tayutay:
1.) Pagtutulad (Simile)-Naghahambing sa dalawang magkaibang tao,
bagay at pangyayari. Angpagpapahayag na ito’y ginagamitan ng mga
pariralangkatulad ng, tulad ng,kapara ng, para ng,kagaya ng,at gaya ng.

 Mga halimbawa:
a. Ang pangaral ng kanyang inay katulad ng isang sulongtumanglaw sa
kanyangnadirimlang kaisipan.
b. Ang kawangis niyay isang ibongnabalian ng pakpak.
c. Si Lolitay katulad ng isang kandilang unti-unting nauupos.
d. Si Rodel ay kagaya ng isang maiming tupanang humingi ng tawad sa
ina.
2.) Pagwawangis (Metaphor)-Naghahambing din ito tulad ng pagtutulad
ngunit tiyakang naghahambing at hindi na gumagamit ng mga pariralang
katulad ng, tulad ng,kapara ng, para ng,kagayangatgaya ng.
Mga halimbawa:
a. Ikaw ay tinik sa lalamunan ni Mercy.b. Ang papuri ni Mario ay musika sa
pandinig ni Leni.
c.Isang bukas na aklat sa kaibigan ang buhay ni Delia.
d. Ang buhay ng maysakit ay aandap-andap na tinghoy na maaaring
mamatay ano mangoras.
 3.) Pagmamalabis (Hyperbole or Exaggeration)-Lubhang pinalalabis o
pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay atpangyayari.
Mga halimbawa:
a.Pumutok angkanyang ulosa dami ng mga problema.
b.Nabali ang balak angni Liezel sa baku-bakong daan.
c.Nagliliyab ang mga matang galit na galit na lalaki.
d.Nadurog ang pusoni Celia sa makabagbag damdaming tagpong
kanyang nasaksihan.
4.) Pagbibigay-katauhan (Personification)-Itoy pagsasalin ng talino at
katangian ng tao sa mga karaniwang bagay.
Mga halimbawa:
a.Ngumiti ang bulaklak sa liwanag ng buwan.
b.Humahalak hak ang musika kayat sandaling nalimot niya ang
kalungkutan.
c.Sumasayawang mga alonsa karagatan.
d.Lumuluha ang liham na tinanggap ni Rosalie, hindi niya napigilan ang
mapaiyak.
5.) Pagbibigay-aral (Parable, Fable, Allegory)-Sumasaklaw ito sa
tatlong uri ng salaysay gaya ng mga sumusunod : parabula,pabula at
alegorya.Ang parabula ay buhat sa banal na kasulatan, nagpapahayag ito
ng katotohanano kayay may layuning magbigay ng aral.
Halimbawa:
ANG ALIBUGHANG ANAK
May mag-aamang naninirahan sa isang nayon. Silay nakaririwasa
sa buhay. Angamay isang amang uliran at pinagpapasunuran niyang
mabuti ang dalawangpinakamahal ng anak.Isang araw ay nilapitan ng
bunsong anak ang ama at hiniling na ibigay na angama ang kanyang
mamanahing ari-arian at ibig na niyang magsarili. Hindi namantumutol ang
ama sa kahilingan ng bunsong anak. Nang makuha na ang ari-
ariangnauukol sa kanya, ang bunsong anak ay nagtango sa isang
malayong bayan atnagpakalayaw sa buhay. Nilustay niya ang ari-ariang
ipinagkaloob ng ama.Namulubi siya at sumala sa oras kayat naisipan
niyang bumalik sa nilisangtahanan upang makain man lamang ang
kinakain ng utusan ng kanyang ama. Nagalaknang gayon na lamang ang
ama nang muling Makita ang bunsong anak. Niyakap athinagkan niya ito
at inutusan ang isa sa mga utusan na bigyan ng pinakamagarang
damitang anak, isuot sa daliri nito ang isang mamahaling singsing at
maghanda ng masasarapna pagkain sapagkay silay maghahandog ng
isang piging.
Namangha ang panganay na kapatid nang dumating siya mula sa
bukid. Nagalitsiya nang gayon na lamang nang malaman niyang ang
kasayahan ay para sa kanyangmasamang kapatid na bumalik. Buong
pagdaramdam niyang hinarap ang ama atsinabing Naglilingkod ako sa
inyo, sinusunod ko ang lahat ng inyong utos at pangaral athindi ko kayo
sinuway kahit kalian. Ni isang guya ay hindi ninyo ako ipinagpatay
ngunitang aking masamang kapatid ay hinandugan pa ninyo
ng piging.Sumagot ang ama sa panganay niyang anak. Anak, ikaw ay
laging nasa akingpiling at ang lahat ng akin ay sayo. Nagsasaya tayo
ngayon sapagkat ang iyong namatay nak apatid ay muling nabuhay , ang
nawala ay muling nakita.Ang pabula ay katulad ng layunin ng parabula na
magbigay ng aral. Ang kaibahannito sa parabula ay mga hayop ang
gumaganap na binigayan ng mga katangian ng tao.
6.) Pagpapalit-Saklaw (Synecdoche)-Naisasagawa ang pagpapahayag
dito sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahaging pagtukoy sa kabuuan at
maaari namang isang tao ang kumatawan sa isang pangkat.
Mga halimbawa:
a. Sampung bibig ang umaasa kay Anthony.
b. Apat na maliliit na paa ang tumatakbong sumalubong sa ama.
c. Isang kayumanggi ang nabuwal sa Bagumbayan nang dahil sa
pagmamahal sa Inang Bayan.
d. Isang katipunero ang nagdulot ng tabak upang ipagtanggol ang aping
bayan.
7.) Pagpapalit-tawag (Metonymy)-Nagpapalit ng katawagan o pangalan
sa bagay na tinutukoy ng uring ito ngpagpapahayag
Mga halimbawa:
a. Dapat nating igalang ang puting buhok 
.b. Natanggap ni Ben ang hampas ng langit sa mabibigat niyang
kasalanan.
c.Tatlong basi ang nainom ni Rico dahil sa matinding uhaw.
d. Binato niya ng tinapay ang nagkasala sa kanya.
8.) Paglilipat-lipat (Transferred Epithets)-Sa uring itoy inililipat sa mga
bagay ang mga pang-uring ginagamit lamang sa tao.
Mga halimbawa:
a. Nagtago sa ulap angmapanibughuing buwan.
b. Hinaganap ng magkakahoy angmapaglingkod niyang gulok.
c. Ang kahabag-habagna pamaypay ay nahulog sa malalim na ilog.
d. Ang inulilang silid ay nalinis nang dumating si Jenny mula sa Maynila.
9.) Paglumanay (Euphemism)-Tinutukoy dito sa lalong malumanay,
magaganda at mabuting pananalita ang tao, bagay at pangyayaring
karaniwan ay hindi naman pinag-uukulan ng gayon.
Mga halimbawa:
a. Ang pusakal na manggagantso at nakatagpo ng isang malungkot at
nakahahambal na kamatayan sa kamay ng kilabot na criminal.
b. Ang lalaking mapagwasak ng tahanan ay nagdanas ng kalunus-lunos at
nakahahabagna parusa sa kamay ng taong may malasakit sa kanyang
kapatid na babae.
c. Ang babaeng naglalaro ng apoy ay humantong sa isang makabagbag-
damdaming tagpo sa harap ng mga kapitbahay.
d. Ang kaawa-awang dispalkador ay tumanggap ng mabigat na kamao ng
kanyang niloko.
 10.) Pag-uyam (Irony or Sarcasm)-Ginagamitan ito ng mga salitang
nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ngmga salitang tila kapuri-
puri ngunit ang tunay na kahulugan ay mauunawaan ayon sa paraan ng
pagsasalita ng isang tao.
Mga halimbawa:
a. Tunay na magagalang ang ibang kabataan, umaalis ng bahay nang
hindi nagpapaalam sa mga magulang.
b. Kay sipag mong mag-aral, palagi kang bagsak sa mga pagsusulit.
c. Talagang mapagkakatiwalaan si Dennis, siya lamang ang pumasok sa
kwarto ni Robertat nawala na ang relo nito.
d. Kahanga-hanga ang kahusayan mong sumayaw, panay ang tapak mo
sa paa ng iyongkapareha.
11.) Pagtanggi (Litotes)-Gumagamit ang pagpapahayag ng salitang hindi
upang maipahiwatig ang lalong makahulugang pagsang-ayon sa sinasabi
ng salitang sumusunod.
Mga halimbawa:
a. Hindi ko sinasabing tsismosa si Sandra ngunit ipinamalita niya ang
ipinagtapat sakanyang lihim ng matalik niyang kaibigan.
b. Su Ruel ay hindi salawahan, tatlo lamang ang kanyang kasintahan.
c. Ang binatang iyon ay hindi duwag, lagi lamang siyang tumatakbo kapag
sinisita ng katalo.
d. Hindi ka nga makulit, ilang beses mo lang sinabing isama ka.
12.) Pagtatambis o Tambisan (Antithesis)-Inilalahad dito ang isang
bagay laban sa iba namang bagay, binabanggit ang mga bagay na
nagkakasalungatan upang higit na maging mabisa ang pangingibabaw ng
isang kaisipang natatangi.
Mga halimbawa:
a. Naranasan na ni Lito ang ibat ibang mukha ng buhay. Narating na niya
maraming pook, malapit at malayo, naranasan niyang maging panginoon
at alipin, maging maluho sa buhay at magdildil ng asin, dumugin ang mga
kaibigan dahil sa kanyang salapi at layuan ng mga ito nang siyay
mamulubi. Anupat siyay taong hinog na sa karanasan kayat lubos na
niyang nababatid ang liwanag at dilim ng buhay.
b. Ang batang si Rowenay napakahirap unawain, hinahanap ang ina
ngunit itinataboy kapag dumadating, inaantok daw siya ngunit ayaw
matulog, nagugutom daw ngunit ayaw kumain, ayaw ng maingay ngunit
ayaw rin ng tahimik dahil malulungkot daw siya
13.) Pagsalungat (Epigram)-Kahawig ito ng pagtatambis ngunit higit itong
maikli kaysa pagtatambis.Magkasalungat ang kahulugan ng mga salitang
pinag-uugnay sa uring ito.
Mga halimbawa:
a. Ang ama ang nakasaya sa kanilang pamilya
b. Nasa kapangitan ni Belen ang kanyang kagandahan.
c. Nasa katamaran ng tao ang pag-unlad ng daigdig.
d. Namatay ang bayani upang mabuhay.
14.) Pagtawag (Apostrophe)-Kahawig ito ng pagbibigay-katauhan. Ditoy
ginagawa ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na tila ba nakikipag-
usap sa isang buhay na tao.
.Mga halimbawa:
a.Hangin, pumarito ka at pawiin ang matinding init.
b.Panibugho,layuan mo kaming magsing-irog at nang kamiy magkaroon
ng kapayapaan
.c.Buwan,sumikat ka na at pawiin ang kadilimang lumulukob sa kapaligiran
.d.Pag-asa,halika at tugunin ang mga tanong kong magbibigay-buhay sa
akin.
15.) Tanong Retorikal-Isang uri nito ng pagtatanong na hindi naghihintay
ng sagot at ang malimit nitong bigyang diin ay ang kabaligtaran ng
itinatanong.
Mga halimbawa:
a. Ang isa kayang matalinong propesyonal ay agad maniniwala sa mga
sabi-sabi?
b. May ina kayang makatitiis na makitang nagugutom ang mga anak
samantalang siyay nagpapakasawa sa masasarap na pagkain?
c. May babae kayang tatagal makisama sa isang lalaking tamad, sugarol,
lasenggo at nambubugbog?
d. Ang mga hayop bay may talinong katulad ng tao?
16.) Pag-uulit(Alliteration)-Ang uring ito ay gumagamit ng magkatulad na
titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigit pang salitang ginagamit sa
isang pangungusap.
.Mga halimbawa:
a. Napalayo siya at naligalig sa nagawa niyang napakabilis na
pagpapasyang nakalikhang pagkabalisa sa kanyang puso umiibig.
b. Lumingap si Rosy sa kapaligiran, lumakad ng ilang hakbang,lumingon
sa pinanggalingan at nagdudumaling lumabas sa lu-
mang gusaling mahabang panahon ding naging bilangguan ng kanyang
yayat na katawan.
 c. Hinahanap at hinihintay ng iyong ina ang maituturing na himalang
pagbabago sa iyong katauhan sapagkat ikaw ay hinog na sa panahon at
ni sa hinagap ay hindi aakalaing malilihis ng landas.
17.) Paghihimig (Onomaopoeia)-Naipahihiwatig dito ang kahulugan sa
pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita.

Mga halimbawa:
a.Dumagundong ang malakas na kulog na sinundan pa pagguhit
ng matatalim na kidlat.
b.Kumalabogsa matigas na lupa ang bumagsak na kargamento mula
sa trak.
19.) Pagsusukdol (Climax)-Ang uring ito ng pagpapahayag ay baiting-
baitang na pataas na nagsasaad ngmga bagay at pangyayari hanggang
sa umabot sa pinakamahalaga o karurukan.
Mga halimbawa:
a. Sa simulay naramdaman ni Sally na siyay nahihilo. Ginitian siya ng
butil-butil napawis.Nadama siya ng panginginig ng katawan at paninikip ng
dibdib. Pamayamaya ay nagdilim ang kanyang paningin at bigla
na lamang siyang nahandusay.
Pagsasanay

Pangalan: _______________________ Marka: __________

Seksyon: ________________________ Petsa: __________

I. Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod.

________________1.Sumasaklaw ito sa tatlong uri ng salaysay gaya ng


mga sumusunod :parabula,pabula at alegorya

________________2. Ito ay sinasadyang paglayo sa paggamit ng


mgapangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit, maharaya at mabisa
angpagpapahayag.

________________3.Ang uring ito ng pagpapahayag ay baiting-baitang


na pataas na nagsasaad ngmga bagay at pangyayari hanggang sa
umabot sa pinakamahalaga o karurukan

________________4.Naipahihiwatig dito ang kahulugan sa pamamagitan


ng tunog o himig ng mga salita

________________5.Ang uring ito ay gumagamit ng magkatulad na titik o


pantig sa simula ng dalawa o mahigit pang salitang ginagamit sa
isang pangungusap

________________6.Kahawig ito ng pagbibigay-katauhan.Ditoy


ginagawa ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na tila ba nakikipag-
usap sa isang buhay na tao.

________________7.Kahawig ito ng pagtatambis ngunit higit itong maikli


kaysa pagtatambis.Magkasalungat ang kahulugan ng mga salitang pinag-
uugnay sa uring ito.

________________8.Inilalahad dito ang isang bagay laban sa iba namang


bagay, binabanggit ang mga bagay na nagkakasalungatan upang higit na
maging mabisa ang pangingibabaw ng isang kaisipang natatangi.
________________9.Naghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay
at pangyayari. Angpagpapahayag na ito’y ginagamitan ng mga
pariralangkatulad ng, tulad ng,kapara ng, para ng,kagaya ng,at gaya ng.

________________10.Itoy pagsasalin ng talino at katangian ng tao sa


mga karaniwang bagay.

II.Panuto:Gumawa ng isang maikling sanaynay na kinapapalooban ng


mga mga patalinghagang pagpapahayag o tayutay.

You might also like