You are on page 1of 4

Isinulit ni: Myralyn B.

Caringal

Kurso: MaEd Filipino

Isinulit kay: G. Sonny Cabael

Asignatura: Sitwasyong Pangwika Sa Pilipinas (Filipino 204)

Sitwasyon Ng Wika Sa Pilipinas Sa Panahon Ng Republika

 Hunyo 7, 1940 (Batas Ng Komonwelt Blg. 570)- Nagtatadhana na bukod sa iba pa na


ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.

 Hulyo 4, 1946- Ang Araw ng Republika o Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Amerikano


ay isang araw sa Pilipinas na itinalaga ni Pangulong Diosdado Macapagal para alalahanin
ang opisyal na pagkilala ng Estados Unidos ng Amerika sa ganap na kalayaan ng
Pilipinas.
 Ang pokus ng pamahalaan sa panahong ito ay ang pagpapaangat ng ekonomiya ng bansa
kaya naman dumagsa ang mga Amerikanong mamumuhunan sa bansa upang
magmalasakit sa atin.
 Naudlot ang pag-unlad at pagsulong ng Wikang Pambansa dahil sa pagiging laganap ng
Wikang Ingles sa komersyo at ekonomiya.
 Muling tinuligsa ang Pilipino bilang batayan ng wikang pambansa:
-purista
-nakatuon sa mga aralin at usaping gramatikal

 Marso 26, 1954- Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg.186 na
nagsusog sa Proklama blg. 12, serye ng 1954 sa pamamagitan nito’y inililipat ang
panahon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa taon-taon simula sa ika-13
hanggang ika-19 ng Agosto.

 Agosto 13, 1959 (Kautusang Pangkagawaran Blg. 7)- Nagsasaad na kalian ma’y
tutukuyin ang Wikang Pambansa , ang Saligang Pilipino ay siyang gagamitin.
 Nobyembre 4, 1962 (Kautusang Pangkagawaran Blg. 24)- Nilagdaan ni Kalihim Jose
Romero at nag-utos na simula ng taong-aralan 1963-1964 ang mga sertipiko at diploma
ng pagtatapos ay ipalilimbag sa Wikang Filipino.

 Oktubre 24, 1967 (Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96)- Nagtatadhanang ang lahat
ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay papangalan na sa Pilipino.

 Marso 27, 1968 (Memorandum Sirkular Blg. 172)- Nagbibigay-diin sa pagpapairal ng


Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 at bilang karagdagan ay iniaatas din na ang mga
letterhead ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat na
nasusulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Iniatas din na ang
pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay
sa Pilipino gagawin.

 Setyembre 21, 1972- Karamihan sa mga panitikan sa panahon na ito ay tungkol sa


ikauunlad ng bayan at inaasam nilang mawala ang malalaswang babasahin pati na rin ang
mga akdang nagbibigay ng masamang moral sa tao.

 Konstitusyon ng 1973 (Saligang Batas ng 1973, Artikulo XIV, Seksyon 3) - “Ang


Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
pagpapatibay ng panlahat na wikang pambansa na tatawaging “Filipino”

 Hulyo 19, 1974 (Kautusang Pangawaran Blg. 25)- Naglagda ng mga panuntunan sa
pagpapaunlad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal.

 Agosto 12, 1986 (Proklamasyon Blg. 19)- Ipinahayag na taon taon ang panahong
Agosto 13 hanggang 19, araw ng pagsilang ng naging Pangulong Manuel L. Quezon,
itinuturing na “Ama ng Wikang Pambansa.”

 Konstitusyon ng 1987- Sa panunungkulan ng dating Pangulong Corazon Aquino ay


hindi lamang ipinakilala ang wikang Filipino bilang wikang pambansa kundi ito ay ganap
ng pinagtibay.
 Ang wikang Filipino ay batay sa lahat ng umiiral na wika sa bansa kasama na rin ang
Ingles at Kastila.

 Agosto 14, 1991 (Batas Republika Blg. 7104)- Lumikha ng komunikasyon sa wikang
Filipino, nagtatakda ng mga kapangyarihan nito, mga tungkulin at mga gawain,
naglalaman ng mga dapat gugulin ukol dito at para sa ibang mga layunin.
 Hulyo 15, 1997 (Proklamasyon Blg. 1041)- Sa bias ng lagda ni Pangulong Ramos,
inilipat ang pagdiriwang ng linggo ng wika. Sa halip na linggo ginawang buwan ng
Agosto ang pagdiriwang ng Wikang Pambansa.

 Kautusang Tapapagpaganap Blg. 335- Ang kautusang ito ay nag-aatas sa lahat ng


kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya at instrumentaliti pamahalaan na magsagawa ng
mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na
transaksyon, komunikasyon at korespondeya.
 Unti-unti nang nakikita ang esensya ng Filipino bilang lingua franca.

 Komisyon Sa Wikang Filipino- punong ahensyang pangwika sa bansa ay patuloy na


pinalalakas at pinagtitibay ang Filipino sa pamamagitan ng iba’t ibang gawaing pangwika
na patuloy nagpapalaganap at nagpapaunlad sa wikang Filipino sa buong bansa.

 2009 (Kagawaran ng Edukasyon Kautusan Bg. 74)- Inisa-institusyon ang gamit ng


Inang Wika sa elementarya o Multilingual Language Education (MLE)

Sanggunian:

https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-republika.html

https://issuu.com/vheaval20/docs/panahon-ng-republika-1.pptx

https://prezi.com/m/cnjrvx-phcvq/ang-sitwasyong-pangwika-sa-panahon-ng-bagong-republika-hangg/

You might also like