You are on page 1of 6

PAG-AARAL NG MGA HALIMBAWANG SALIN

A. Pagsasalin sa Rehiyonal na Wika tungo sa Wikang Filipino


Mula sa nabahaging mga pag-aaral sa katangian ng mga wika sa Pilipinas, ang susunod na hakbang
na nararapat bigyang-pansin ay ang tungkulin ng mga wikang ito sa ganap na pagpapaunlad sa
wikang Filipino bilang tugon sa kautusan ng Konstitusyon ng 1987. Malinaw na may
pangangailangan ang wikangFilipino na bigyang-halaga ang paglahok ng mga wika sa Pilipinas
upang ganap na masaklaw ang karanasan at kaalaman ng sambayanan tungo sa pagiging tunay na
wikang pambansa. Ngunit paano ba ito maisasakatuparan? Magaganap lamang ito kung tiyak na
magagamit ang wikang Filipino sa komunikasyon sa buong kapuluhan. Kaugnay nito, may
dalawang mungkahing inihain si Almario (2007):
• Pagsasalin
• Paglikon ng mga salitang may natatanging kahulugan mula sa wikang pinagmulan.
 Isang masalimuot na proseso ang pagsasalin. Sa kaso ng U.P. Sentro ng Wikang
Filipino, taong 1994, nangmagsimulang maging pansamantalang tuntunin ang paggamit
ng salitang Ingles sa pagbuo ng teksbuk, partikular sa agham at matematika (Almario, 1997).
Gayunpaman, kailangang dumaan sa proseso ang pagsasalin bago ang ganap na panghihiram sa
Ingles.
Ang nabanggit na proseso ay ang sumusunod:
  Pagtutumbas
 (a) mula sa Tagalog/ Filipino,
 (b) mula sa ibang katutubong wika ngPilipinas;
  Panghihiram sa Kastila
  Panghihiram sa Ingles:
 (a) pagbabago sa baybay,
 (b) pananatili ng orihinal na baybay sa Ingles; at
  Paglikha
 Sa ganitong hakbang, nabibigyang pagkakataon, hindi lamang ang paghahanap ng katumbas sa Tagalog osa korpus
ng wikang Filipino, kundi maging ang pagtuklas ng mga panumbas mula sa mga katutubong wika bago
sumangguni sa mga wikang Kastila at Ingles. Pinagtibay ni Almario ang prinsipyo ng nasabing proseso sa
pagsasabing ang pagtutumbas ay:

 “… isang konstitusyonal at makabayang tungkulin sa pagpapayaman ng wikang pambansa. Sa anumang


pagkakataon, kailangang tupdin muna ito bago isaisip ang paghiram at paglikha. Isang paggalang ito at pagtitiwala
sa kakayahan ng wikang pambansa at ng ibang katutubong wika sa Pilipinas.” (1997, 7-98) Mula rito, napapakita
na may mga karanasang katutubong nakaimbak saiba’t ibang wika sa PIlipinas na hindi gagap o wala sa wikang
Tagalog.

 “… ang itlog ng isda ay itlog ng isda sa Tagalog ngunit may tiyak na salita ang bihudsa Bikol, Waray, at Sebwano.
May mga likha o kasangkapang pangkultura ang mga pangkat etniko na wala ang mga Tagalog.Halimbawa, tulad
ng Ingles, ay kailangan ilarawan sa Tagalog na “hagdan-hagdan palayan” ang dakilang payyó ng Ifugaw at payáw
ng mga Apayaw. Hindi maaaring isalin ang katangian ng málongng Maranaw o ang hablón ng Hiligaynon. Walang
katumbas ang maratabát ng Maranao at dung-awng mga Ilokano.” (Almario, 2007,)

 Kaugnay ng nabanggit ang ikalawang mungkahi na panghihiram o ganap na paglahok ng mga katutubongwika sa
wikang Filipino. Sa bahaging ito, muling naglatag si Almario (1997) ng mga mungkahi tungo sa pagpapabilis ng
paglahok ng mga salita mula sa katutubong wika.
B. Pagsasalin ng mga Akdang Ingles tungo sa Wikang Filipino

 • Sa mga wikang itinuturing na dayuhan ng mga Pilipino, ang Inges at ang kastila ang natatangi sa
lahat. Tatlundaan at tatlumpu’t tatlong taon (333) aktwal na nasakop at maimpluwensiyahan ng bansang
España ang Pilipinas kaya’t napakalaking bahagi ng ating kasaysayan ang nasusulat sa Wikang kastila.
Ang totoo, hanggang sa ngayon ay itinuturo pa rin ang wikang Kastila sa mga paaralan kahit bilang
isang kursong elektib na lamang, sapagkat naniniwala ang mga may kinalaman sa edukasyon na ang
wikang ito ay dapat manatiling buhay sa ating bansa upang magsilbing kawing sa atin.
 • Gayunpaman, walang gaanong nagging problema ang pagsaslin sa Filipino mula sa kastila dahil sa
kapwa kinsistent ang palabaybayan ng dalawang wikang ito.
 • Sumunod na nanakop ang bansang Amerika na bagama’t hindi nagging kasingtagal ng España ay
maituturing naming napakalawak at napakalalim ang nagging impluwensiya sa pilipinas hindi lamang
sa larangan ng wika kundi gayundin sap ag-iisip at kultura nating mga Pilipino.
 • Hindi nagiging makatotohanan ang ating pangangatuwiran kung sasabihin nating malilinang ang
diwang Pilipino, ang kulturang Pilipino o ang bansang Pilipinas sa pamamagitan ng dayuhang wika.
Hindi ibig sabihin na tuluyan na nating iwawaksi ang wikang Ingles sapagkat kung magkagayon ay
maituturing itong isang pagpapatiwakal na intelekwal sapgkat ang Ingles ay itinuturing na wikang
pandaigdig at ang yaman ng panitikan ng daigdig sa iba’t ibang disiplina ay dito sa wikang ito higit na
mabisang nadudukal ng mga Pilipino.
Dalawang Wikang kasangkot sa pagsasalin ay kapwa umiiral sa Pilipinas
 Ang Filipino at Ingles dalawang wikang magkaiba ang angkang pinagmulan samakatuwid ay
napakaraming pagkakaiba. Sa ortograpiya o palabaybayan halimbawa ay napakalaki ng
pagkakaiba ng dalawang wikang ito. Ang Filipino ay may Sistema ng pagbabaybay na “Highly
Phonemic” na ang ibig sabihin ay may isa-sa-isang pagtutumbasan ang ponema at ang simbolo o
ang titik. Sa matandang balarila ni Lope K. Santos, ang sabi ay “klung ano ang bigkas ay siyang
sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa”

Ebalwasyon ng Salin
 Ebalwasyon – daan sa pagsuri ng kawastuhan ng isinasagawang salin o paglilipat.
Dalawang pamamaraang inilatag nina Almario, et al. (1996) kaugnay ng ebalwasyon.
1. Pagsubok ng salin
2. Kritisismo sa salin

Kahinaan ng Salin
 Ayon kina Bernales, et al (2009)
a. dagdag-bawas
b. Mali/iba ang diwa ng salin
c. May bahaging Malabo ang kahulugan kung laya’t nagkakaroon ng dalawang
pagpapakahulugan
d. Hindi maunawaan ang salin

You might also like