Professional Documents
Culture Documents
• A
ng sagot sa tanong na ito ay walang iba kundi ang pagiging pambansang
lingua franca nito. Ito ang nagsisilbing pangalawang wika ng higit na
nakararami sa buong bans ana ating ginagamit sa pakkipagkomunikasyon sa
isa’t isa lalo na sa mga syudad, kahit pa mayroon tayong kani-kaniyang
katutubo at unang wika gaya ng Cebuano, Ilocano, Pampanggo, Tausog,
Kalinga at iba pa. Dahil sa lingua franca at pangalawang wika, nabubuo ang
barayti nito bunga ng impluwensya ng ating kani-kaniyang unang wika sa
paggamit nito. Mga barayti itong bunga ng demensyong heograpiko, kung
kaya maaaring magkaroon ng Iloco barayti ng Filipino, Cebuano barayti,
Mindanaon barayti at iba pa.
B. Tungkulin ng Wikang Filipino
• Ang bahagi ng aralin na ito ay tungkol sa “Filipino bilang Wika ng
Pambansang Kaunlaran: Retorika o Realidad?” Ito ay bahagi ng talumpati ni
Bernales (20150 na kanyang binigkas sa Lyceum University sa pagdiriwang
ng Buwan ng Wikang Pambasa, halaw mula sa aklat (sa Bernales, et al,
2019). Ang kasunod na pagtalakay ay bahagi lamang ng kanyang talumpati.
• Hindi at English ang mga opisyal na wika ng India at gamit ito ng mga
nakapag-aral at naninirahan sa mga syudad. Ingles ang igit na gamit sa
TImog India. Dagdag sa Hindi at Ingles ay takda ring opisyalnna wika ang
dominanteng local na wika ng isang estado:
• ” This means that a majority of educated Indians are at least trilingual, ang
people who move between states may have a working knowledge of
additional languages. So although they might not have fluency in each one,
many Idians are able to communicate and understand four or more
languages.”
d. Luxembourg
• Luxembourgish ang wika ng maliit na bansang ito. Malaki man ang
impluwensiya ng wikang Aleman (German) sa Luxembourgish ay ‘di ito
mauunawaan ng isang taal na mananalita ng wikang Aleman. Bukod kasi sa
Wikang Aleman ay napakarami ring hiram na salita mula sa Pranses ang
Luxembourgish.
e. Malaysia
• Malay ang opisyal na wika ng Malaysia gayong mas maraming wika ang
umiiral ditto kaysa sa Singapore. Bihasa ang mga Maleysian sa Malay at
Ingles na parehong itunuturo sa mga paaralan at malawakang ginagamit sa
lungsod.
f. Mauritius
Ang islang ito ay palaging itinuturing na bahagi ng Africa. Ingles at Pranses
ang mga wika sa paaralan ngunit alinman sa dalawa ay ‘di ginagamit sa
karaniwang usapan. Mauritian Creole, ang wikang umusbong sa Pranses
ngunit ‘di maiintindihan ng nagsasalita ng Pranses.
g. Singapore
Ingles, Mandarin Chinese, Malay at Tamil ang opisyal na wika ng Singapore,
gayunpaman ay hindi kakikitaan ng kahusayan ang mga Singaporean sa
pagsasalita ng mga banggit na wika maliban sa Ingles na lingua franca rin at
itinuturo sa mga paaralan.
h. South Africa
• May labing isang (11) opisyal na mga wika ang South Africa. Ingles ang lingua
franca at ito rin ang wika ng midya at ng pamahalaan kahit pa kulang sa sampung
porsiyento (10%) ng populasyon ang gumagamit nito. Afrikaan ang wikang
ginagamit sa timog at kanlurang bahagi ng kontinente:
i. Suriname
• Dutch ang wika sa bansang ito na nasa Hilagang Amerika. Ito ang wikang gamit sa
edukasyon, kalakaran at midya. Sranan Tongo (o Sranan) ang wikang may
impluwensiya ng Dutch at Ingles ang wika ng mga lokal at maituturing na lingua
franca.
j. Ang Pagsibol ng Wikang Pambansa
• Kung ang kasaysayan, topograpiya at mga batas ng bansa ay nagtadhang
multilinggwal ang Pilipinas, bakit sumibol ang wikang Pambansa? Ano ang
tungkulin ng Wikang Pambansa sa umiiral na napakaraming wika? Mapatatatag at
magtaguyod ba ang Wikang Pambansa ng talino at kalinangang Pilipino?
Magsusulong ba ito sa pambansang kaunlaran?
Ang Hamon ng Mother-Tongue-Based Multilingual Education
• H
abang nililinang pinauunlad ang Filipino, nang naluklok na
Pansamantalang Punong Komisyoner ng KWF si Dr. Ricardo Ma. Duran
Nolasco ay nagging direksyon ng ahensiya ang pagtangkilik sa
multilinggwalismo, katuwang ang Kongresista o Representatibo na si
Kgg. At Abogado Magtanggol Gunigundo ng Valenzuela. Ang original na
House Bill Blg. 3719 na humihikayat na ipagamit ang unang wika ng
mga mag-aaral bilang midyum ng pagtuturo ay unang isinumite sa
Senado noong 2008 na ang paksa ay ang pagpapagamit sa unang wika
bilang midyum ng pagtuturo sa mga basikong edukasyon.
• Ingles ang Lehitimong Wika sa Pilipinas. Itinuturing na ikalawang wika ng
nakararaming Pilipino ang ingles sa ating lipunan. Ayon sa Social Weather Station
(SWS) noong 2008 (sa Nolasco, 2008), halos 76 % ng mga Pilipinong nasa sapat na
gulang ang nagsabing nakauunawa at nakapagsasalita sila ng ingles, habang 75% ang
nagsabing nakapagbabasa sila ng wikang ito. Bukod ditto, 61% ang nagsasabing
nakapagsusulat sila sa wikang ingles habang 38% ang nagsabing nag-iisip sila gamit
ang wikang ingles.
• Wikang Global ang Wikang Filipino. Ang kalagayang pang-ekonomiya sa bansa ang
nagtutulak sa mga kababayan nating magtrabaho sa ibang bansa at maging overseas
Filipino Worker (OFW). Sa ganitong kalagayan, hindi maiwasan ang paglaganap mg
wika at kulturang Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ayon sa index of Survey
on Overseas Filipino noong 2014, tinatayang nasa 2.3 milyong Overseas Filipino
Workers ang nasa iba’t ibang panig ng mundo.
• Ang Filipino ay Wika sa Social Media. Binago ng social media ang buhay ng
milyon-milyong mga Pilipino. Bukod sa naging porma ng komunikasyon,
hindi rin maitatwa na simbolo ng panlipunang istatus ang access sa internet.
Dahil sa aktibong paggamit ng mga Pilipino ng iba’t ibang aplikasyon sa
social media, tinaguriang social media capital of the world ang Pilipinas ayon
sa mga eksperto sa larangan ng media at teknolohiya.
Panimula
Ang wika ay sumasalamin sa ating pagka Pilipino, ito ang nakatali sa ating
kultura at nagsasabi kung sino tayo.
ANG TUNGKULIN NG WIKANG PAMBANSA
Ang patuloy na pagkilos ng panahon tungo sa tinatawag na Globalisasyon
at Asean Integration ang lalong naglalagay sa bawat wika ng mga kabilang
sa Third World Country sa mga suliranin at mabagal na intelektuwalisasyon
(baka masabing sa kalagayan lamang ng Pilipinas).
Ayon kay G. Eugene Y. Evasco, may akda ng tekstong Ang Wikang Filipino
sa Bagong Milenyum, ang anumang wika sa daigdig tulad ng wikang
Filipino, ay nalilikha, nililinang, pinagyayaman at hindi lamang basta
isinilang, kaya naman masasabi ring ang wika ay may kakayahang
makiangkop sa pagbabagong nagaganap sa lipunang kanyang
pinagsisilbihan.
ANG PAGSILANG NG TANGGOL WIKA
Naligalig ng CMO #20, Serye ng 2013 ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas. Dahil sa
implementasyon ng memorandum na ito, tahasang tinatanggal ang mga asignatura sa wika,
agham panlipunan at kasaysayan sa antas tersyaryo.
Bunsod nito ay walang nagawa ang mga guro na humahawak ng mga asignaturang
panlahat (general education subjects) sa kolehiyo na bumaba sa hayskul upang kahit paano
ay mapangalagaan ang ekonomikong kalagayan. Nagpamalas ng pagtutol ang mga guro sa
iba’t ibang panig ng bansa sa pamamagitan ng pagmamartsa sa lansangan at pagbuo ng
mga petisyong papel ay paghahabla sa CHED. Ang mga pagkilos at protesta, at mga
petisyong papel ay lahat inilahad sa Wikang Pambansa na gumising at nagpalambot sa
desisyon ng CHED upang ikonsidera ang pagrerebyu sa mga polisiyang pangwika, na sa
huli ay nagbigay-daan sa muling pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino sa antas
tersyaryo o kolehiyo.
ANG ILAN SA MGA ARGUMENTO NG TANGGOL
WIKA:
Dapat may Filipino at Panitikan sa kolehiyo dahil ang ibang asignatura na nasa Junio
at/o Senior High School ay may katumbas pa rin sa kolehiyo;
Ang Filipino ay disiplina, asignatura, bukod na larangan ng pag-aaral, at hindi
simpleng wikang panturo lamang;
Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino, kailangang ituro at linangin din
ito bilang asignatura;
Bahagi ng college readiness standards ang Filipino at Panitikan;
Sa ibang bansa, may espasyo rin sa kurikulom ang sariling wika bilang asignatura,
bukod pa sa pagiging wikang panturo nito;
Binigyan ng DepEd at CHED ng espasyo ang mga wikang dayuhan sa kurikulom, kaya
lalong dapat na may espasyo para sa Wikan Pambansa;
Pinag-aaralan din sa ibang bansa ang Filipino – at may potensyal itong maging isang
nangungunang wikang global – kaya lalong dapat itong pag-aralan sa Pilipinas;
Malapit ang Filipino sa Bahasa Melayu, Bahasa Indonesia, at Brunei Malay, mga
wikang ginagamit sa Malaysia, Singapore, Indonesia, at Brunei, namga bansang
kasapi ng Asean, kaya’t mahalagang wika ito sa kontekso mismo ng Asean
Integration;
Mababa pa rin ang average score ng mga estudyante sa Filipino sa National
Achievement Test (NAT);
Filipino ang wika ng mayorya, ng midya, at ng mga kilusang panlipunan: ang wika
sa demokratiko at mapagpalayang domeyn na mahalaga sa pagbabagong
panlipunan
Multilinggwalismo ang kasanayang akma sa siglo 21
Filipino:
Wika ng Saliksik” ay tungkol sa pagkilala sa Wikang Filipino bilang
midyum sa pagbuo at pagpapalawak ng karunungan at kaunlaran ng buong bansa.
Ang nais ng Komisyon ng Wikang Filipino ay palaganapin ang paggamit ng
Wikang Filipino sa iba’t ibang mga larangan ng karunungan, kagaya ng larangan
ng agham at matematika.
Ang Filipino, bilang isang wikang pananaliksik, ito ay magsisilbing gabay upang
ang bawat Pilipino ay mapahalagahan ang sariling bansa, kultura, kasaysayan at
mismong wikang Filipino. Kaya naman, malaki ang kontribusyon ng wikang
Filipino sa bansa. Kung wala ito, baka hindi magkaintindihan ang bawat Pilipino.
Kung wala ito at walang iisang wika, hindi matututo ang bawat isa. Hindi rin
malalaman ang mga importanteng bagay na dapat matutunan at mapahalagahan.
Sa pagtalakay sa Filipino bilang wika ng saliksik, hindi maisasantabi ang
pagtalakay sa intelektwalisasyon ng Filipino. Sa proseso kasi ng
intelektwalisasyon, iniaangat ng bayan ang antas ng wika sa estadong nagagamit
ito sa intelektwal na usapin at intelektwal na materyales o babasahin. Sa ibang
pagpapakahulugan, sinasabi namanng iba na ito ang kalagayan kung saan
naipakikita na ang wika ay salamin ng karunungan kayat midyum sa mga
iskolarling talakayan. Ang ganitong lagay ay naipakikita ng isang bansa sa
dalawang estado: Una, kung ang wika ay gamit nang nakararami sa mga aktwal
na akademiko at iskolarlingtalakayan sa antas na pasalita lamang; at ikalawa,
kung ang wika ay nagagamit sa antas na pasulat o palimbag. Marami kasing
pagkakataon na ang gamit na wika ay tanggap nang pasalita ngunit,
pinangingilagan na sa antas na pasulat.
Ayon kay Nicanor G. Tiongson sa kanyang papel na may paksang. Ang Wikang Filipino
sa Media, maituturing na de facto ang lingua franca at pangunahing wika ng halos lahat
ng midya ang wikang Filipino ngayon. Sa kalagayan n gating mga print media bagaman
ang mga broadsheets ay nasa Ingles, halos lahat naman ng mga tabloid ay nasa Filipino.
Ang tabloid ay bahagi na nang pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao.
Pangunahing nilalaman nito ay mga pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng bansa,
ang mga kontrobersiya, balitang artista, karumal-dumal na krimen, tsismis at balitang
pampalakasan na siyang nais basahin ng madla.
Sa pamamagitan ng mga tabloid na ang gamit na wika sa pagpapalimbag ay Filipino
natukoy ay higit na nauunawaan at ginagamit ng karaniwang tao sa kalye at korporasyon,
mula estudyante hanggang sa propesyunal maging drayber at tinder sa palengke.
Liban sa tiyak na gamit ng pananaliksik sa buhay, kultura at wika ng tao, mahalaga rin
ang pananaliksik sa iba pang sangay pangkarunungan gaya ng agham at teknolohiya,
negosyo at industriya, edukasyon, at maging sa politika.
Sa pamamagitan ng mga tabloid na ang gamit na wika sa pagpapalimbag ay
Filipino natukoy ay higit na nauunawaan at ginagamit ng karaniwang tao sa
kalye at korporasyon, mula estudyante hanggang sa propesyunal maging
drayber at tinder sa palengke.
Liban sa tiyak na gamit ng pananaliksik sa buhay, kultura at wika ng tao,
mahalaga rin ang pananaliksik sa iba pang sangay pangkarunungan gaya ng
agham at teknolohiya, negosyo at industriya, edukasyon, at maging sa
politika.
SA AGHAM AT TEKNOLOHIYA
SA EDUKASYON
Higit sa lahat mahalaga ang pananaliksik sa larangan ng edukasyon.
Mahalagang makapagtatag ng matibay na pundasyon ng karunungan sa isip
ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga pamamaraang lalong
makapagpapaunawa sa mga mag-aaaral ng kanilang lektura. Ang inobasyon sa
pasilidad at kagamitang panturo ay nakasalalay din sa gagawing pagtuklas sa
pananaliksik ng mga implikasyon nito sa larangang akademiko.
SA POLITIKA