You are on page 1of 9

KABANATA V

PANITIKAN HINGGIL SA ISYUNG PANGKASARIAN

Introduksyon

Isa sa mga isyung pangkasarian sa lipunang Pilipino ay ang karahasang batay


sa kasarian o gender-based violence o GBV, tinatawag ding gender violence o
gendered violence. Ito ay terminong ginagamit upang tukuyin ang harm inflicted upon
individuals and groups that is connected to normative understanding of their gender
(https://en.wikipedia.org). Ayon sa https://unhcr.org, ang ganitong karahasan ay
mauuring 1) sekswal, 2) pisikal, 3) emosyonal at sikolohikal, at 4) sosyo-ekonomik.

Pangkalahatang Layunin
1. Matalakay at masuri ang mga paksa at akdang pampanitikan na sumasalamin sa
isyung pangkasarian.

Aralin I - Isyung Pangkasarian

Inroduksyon

Ang kasarian o gender ay terminong ginagamit nang mas malawakan upang


tukuyin ang lawak ng identidad na hindi limitado sa mga establisyadong ideya ng lalaki
at babae. Kaiba ito sa terminong sex na bagamat ang salin sa Filipino ay kasarian din
na limitado lamang sa biolohikal na dikotomya ng lalaki at babae. Sa kabanatang ito,
ang kasarian ay tumutukoy sa gender.

Mga Tiyak na Layunin


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa


pamamagitan ng mga makabuluhang akdang pampanitikang tuon sa isyung
pangkasarian;
2. Natutukoy at nasusuri ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-
pakinabang na akda para sa panunuring pampanitikan tungkol sa isyung
pangkasarian;
3. Nakasusulat ng akademikong papel na nagsusuri sa kabuluhang panlipunan ng
isang akdang pampanitikang hinggill sa isyung pangkasarian; at
4. Naisasaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa isyung pangkasarian

Aralin 1. Isyung Pangkasarian

Pagtalakay

Ang mga karaniwang sanhi ng mga karahasang batay sa kasarian at ang mga
karaniwang sagabal sa prebensyon ng ganitong karahasan ay ang sumusunod:

Sanhi Sagabal sa Prebensyon


Mga Pisikal na Salik Kakulangan ng pisikal na seguridad
Mga Sosyo-kultural at Mga panlipunan, pangkultura at panrelihiyong
Politikal na Salik batas, gawi at praktikang diskriminatori
Pagkasira ng mga estrukturang pampamilya,
panlipunan at komyunal
Kakulangan ng tiwala sa mga panlipunan at
publikong institusyon
Mga Salik na Panghudikatura Kakulangan ng akses sa mga pangkatarungang
institusyon at mekanismo
Kakulangan ng sapat at abot-kayang legal na
payo at representasyon
Kakulangan ng sapat na proteksyon sa mga
biktima
Kakulangan ng mga batayang legal
Mga Indibidwal na Biktimang Pagbabanta o takot sa istigma, isolasyon at
Salik ekslusyon sa lipunan
Eksposyur sa higit pang karahasan
Kakulangan ng impormasyon sa karapatang
pantao
Mga Salik ng Programang Pagkabigong matugunan at mabigyang-prayoriti
Humanitaryan ang GBV
Kakulangan ng mga disenyo at programa sa
sensitibong pangkasarian
Pang-aabusong sekswal ng mga mismong
tagapagpatupad ng batas
Iba pang hamon tulad ng mahinang ugnayan ng
mga tanggapan at institusyon, kakulangan ng
kompidensyaliti, kakulangan ng suporta sa
komunidad at iba pa

Ang kasarian pagkakilanlan ng mga tao ay maaaring naiiba mula sa kanilang


kasarian na itinakda nang sila’y ipinanganak, at maaaring kabilang dito ang:
Trans: Ang mga tao na ang karanasan sa buhay ay nabubuhay ng mahigit sa isang
kasarian. Maaaring kabilang dito ang mga tao na nakilanlan na transsexual, at
mga tao na naglalarawan sa kanilang mga sarili na nasa isang “kasarian
isprekto” o nakatira sa labas ng mga kategorya ng “lalaki” o “babae.”
Transsexual: Ang mga tao na kinilala bilang isang kasarian nang sila’y
ipinanganak, pero nang lumaki ay kumikilala sa kanilang sarili nang naiiba.
Maaaring naghahanap sila o nagpapasailalim sila ng isa o higit pang mga
medikal na pagpapagamot upang iakma ang kanilang mga katawan sa
nararamdaman nilang pagkakilanlan sa loob nila, tulad ng hormone therapy,
sex-reassignment surgery, o iba pang mga pamamaraan.
Intersex: Ang mga tao na hindi madaling uri-uriin bilang “lalaki” o “babae”, batay sa
kanilang pangkatawang katangian sa kapanganakan o pagkatapos ng
pagkababae o pagkalalake. Ang salitang ito ay pumapalit sa hindi magandang
salitang “bakla.”
Crossdresser: Isang tao na, dahil sa damdamin at sikolohiyang kagalingan ay
nagbibihis ng mga kasuotang karaniwang kaugnay ng “kabilang” kasarian.

ISYU
1. Diskriminasyon laban sa LGBT Community - Kahit unti-unting nagkakaroon ng
kamalayan ang mga lipunan sa sexual orientation, gender identity at gender
expression ng mga tao ngayon, kailangan pa ring palawakin ang isipan at mga
karapatang sibil ng lahat ng tao upang maiwasan ang mga diskriminasyon laban sa
kahit na anong kasarian.....(tingnan ang buong detalye sa
brainly.ph/question/758153)
Dapat maisulong at maipatupad na ang Anti-Discrimination Bill na hindi
lamang pang LGBT ang mga layunin at programa kundi para sa lahat ng kasarian.
2. Limitadong Representasyon - Kahit ang LGBT community ay isang realidad, hindi
pa rin ito kasing ganap at katotoo sa mga pang-masang media.
3. Maling Mentalidad ng Patriyarkal na Sistema - Noon pa man, hindi pa nasasakop
ng patriyarkal na sistema ang buong mundo, ang mga sinaunang tao ay payapa't
walang isyu sa kasarian. Ang mga ninuno natin ay may mga babaylan at mga
babaeng pinuno, ang mga Native American o mga Indian na siyang totoong mga
tribo ng America ay may karapatan na pumili kung anong espirito (lalaki, babae o
parehong lalaki at babaeng espirito) ang nananalaytay sa kanila.
Mahalaga ang kaalaman sa Sexual Orientation, Gender Identity at Gender
Expression upang maiwasan ang diskriminasyon at nang magkaroon ng pantay na
karapatan sa pagganap ng mga papel sa lipunan.

“Isyung pangkasarian, ano nga ba ang kaugnayan nito sa Katoliko”

Ang kasangkapang pangkasarian o pangunahing katangiang


pangkasarian o organong sekswal (Ingles: sex organ), sa isang makitid na katuturan, ay
kahit na ano sa mga bahaging pang-anatomiya ng katawan na may kaugnayan
sa reproduksiyong sekswal at kinabibilangan ng sistemang reproduktibo sa isang
masalimuot na organismo, na siyang sumusunod sa ibaba:

KASARIAN AT SEKSUWALIDAD
Isang mahalagang katangian ng bawat tao ay ang kasarian at seksuwalidad. Ngunit
ang dalawang konseptong ito ay madalas mapagpalit bagaman ito ay magkaugnay.

SEX O SEKSUWALIDAD - tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian bilang lalaki


o babae. Ang ating seksuwalidad ay natatalaga sa pamamagitan ng atingGenetic
inheritance o ang pinagmulan ng lahi. Ang ating genes naman ay nagtataglay ng
ating mga biyolohikal nakatangian ay ating mamamana at naipapasa sa mga
salinlahi sa pamamagitan ng pagsusupil.

GENDER O KASARIAN - tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan hinggil


sa seksuwalidad. Ang mga ideya natin tungkol sa kasarian ay ating natututuhan
mula sa lipunang ating kinabibilangan at ginagalawan. Ang seksuwalidad ang
tukuyin pinapangkat ang mga tao bilang “babae” at “lalaki”. Kung kasarian ang
ginagamit na termino ay “pambabae” o “panlalaki”.

ORYENTASYONG SEKSUWALIDAD/SEXUAL ORIENTATION - tumutukoy sa pisikal


at emosyonal na atraksiyon na nararamdaman ng isang indibidwal para pa sa isa pang-
indibidwal.

PAGKAKAKILANLANG PANGKASARIAN/GENDER IDENTITY- nararamdaman o


pinaniniwalaang kasarian ng isang tao, maging akma o hindi sa kanyang seksuwalidad.
MGA PAPEL NA GINAGAMPANAN AYON SA KASARIAN (GENDER ROLES)
Ang kilos, mga gawain, at pananalita ng bawat indibidwal ay hinuhubog ng
lipunan. Ang mga bahaging ito ay nagmumula sa ating kinagisnang kultura hanggang
sa mga taong ating nakakasalamuha.

ANG SINASABING “IKATLONG KASARIAN”


Sila ang mga homoseksuwal kung tawagin. Inilalarawan sila bilang mga
indibidwal na nakakaranas ng ekslusibong atraksyon sa katulad nilang kasarian. “Gay,
bakla, beki” at “lesbian,tibo,tomboy” ang ibang tawag sa homoseksuwal.

ANG PAGIGING ISANG HOMOSEKSUWAL


Sa Pilipinas, ang terminong “paglaladlad” ay tumutukoy sa pagpapahayag ng
isang indibidwal ng kanyang oryentasyong seksuwal.

TATLONG YUGTO SA PAGLALADLAD


Unang yugto
1. Pag-alam sa sarili.
2. Pagtanggap at pagiging bukas sa atraksiyon sa katulad na kasarian.

Ikalawang yugto
1. Pag-amin sa ibang tao
2. Pagsabi sa kapamilya, kaibigan, o katrabaho ng pagiging isang homoseksuwal.

Ikatlong yugto
1. Pag-amin sa lipunan
2. Pamumuhay nang bukas bilang isang LGBT

LGBT- Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender. Homoseksuwal (bakla at tomboy) at


ang Hemisphere ng utak nila ay higit na malaki kaysa sa kaliwa.
KARAPATAN SA PAGPILI NG KASARIAN AT SEKSUWALIDAD
Ang ilang mga karapatang ipinaglabanan ng mga homoseksuwal sa buong
mundo ay ang mga sumusunod:
1. Karapatang malayang ipahayag ang kanilang kalooban;
2. Karapatang maikasal nang sibil at mapagkalooban ng mga benipisyong ibinibigay ng
pamahalaan sa mga kasal na heteroseksuwal at sa kanilang mga anak; at
3. Karapatang mabuhay nang malaya at walang diskriminasyon

PANANAW SA HOMOSEKSUWALIDAD NG MGA PILIPINO


Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo na pinaka-tumatanggap sa mga
LGBT (gay-friendly nation). Sa isang pandaigdigang pag-aaral na kinabibilangan ng 39
na bansa, pangsampu ang Pilipinas sa 17 bansang tumatanggap sa
homoseksuwalidad. Sa kabilang dako, masasabi na malaki ang impluwensiya ng
Simbahang Romano Katoliko sa pananaw ng mga Pilipino laban sa homoseksuwalidad.
Sa pamumuno ng Catholic Bishop’s Conferences of the Philippies (CBCP), ang
Simbahang Katoliko ay aktibo sa pagkontra sa pagbibigay ng mga karapatan sa mga
pangkat-LGBT. Ang mga konserbatibong Pilipino, pati narin ang mga Muslim, ay
naniniwala na ang homoseksuwal ay immoral. Ganito rin ang ibang sektang Romano
tulad ng Jesus is Lord Church ni Bro. Eddie Villanueva.

RELIHIYON AT PANANAW NG IBA TUNGKOL SA HOMOSEKSUWALIDAD


May mga pangunahing relihiyon sa mundo ang naninindigang salungat sa
kanilang paniniwalaang pagiging homoseksuwal. Dahil sa ganitong paniniwala,
tinutuligsa nila ang mga homoseksuwal. Hinuhusgahan nila ang homoseksuwal at
naniniwalang ito ay makasalanan. Sa kabilang dako, mayroong na ring mga lipunang
may liberal na pag-iisip at tinatanggap na rin ang kultura ng homoseksuwal.

DISKRIMINASYON BATAY SA KASARIAN


1. Ang mga pagkakaiba at hindi pantay-pantay sa pagtrato ng mga kasarian ay makikita
sa ating lipunan tulad ng aspektong politikal, pang hanapbuhay at maging sa
tahanan.
2. Sa politika, may pagkakaiba ang mga kasarian sa kapangyarihang political sa
pamahalaan, kumunidad at institusyon.
3. Sa tahanan, may pagkakaiba rin ang mga gawaing nakaatang sa kanila gaya
ngpaggawa ng desisyon at paghanap ng mapagkukunan ng pangangailangan sa
tahanan.
4. Sa panghanapbuhay, ang pang-aabuso ay mas madalas maranasan ng kababaihan
at homoseksuwal kaysa sa mga kalalakihan.

MGA ANYO NG DISKRIMINASYON AYON SA KASARIAN


1. Hindi pagtanggap sa trabaho
2. Mga pang-iinsulto at pangungutya
3. Hindi pagpapatuloy sa mga establisyemento dahil sa kanilang kasuotan o pagkilos
4. Bullying sa paaralan

MGA SALIK NA MAIMPLUWENSIYA SA DISKRIMINASYON


1. Mga paaralan, may mga nababalitang nakakaranas ng diskriminasyon at pang-aapi
ang mga mag-aaral na homoseksuwal
2. Pamilya at tahanan, ang bawat miyembro ng pamilya ay may kanya kanyang papel
na ginagampanan. Sa ngayon, nagbago na ang papel na ginagampanan ng mga
kasarian.
3. Media, dumarami ang mga LGBT na nagiging kilala sa mga industriya ng pelikula,
telebisyon at fashion. Na kikilala ang kanilang talento sa iba’t ibang larangan.

MGA EPEKTO NG SAME-SEX MARRIAGE


Ayon sa ilang mga kritiko ng same sex marriage, layunin ng kasal ay ang
pagbibigay ng suporta ng pamahalaan para sa panganganak, bagay na hindi naman
nagagawa ng magkaparehong homoseksuwal. Maraming naniniwala na ang relasyon
sa pagitan ng mga homoseksuwal ay imoral at makasalanan. Ipinahayag ni Rev. Fr.
Melvin Castro, executive secretary.
BUOD NG KABANATA V
Isa sa mga isyung pangkasarian sa lipunang Pilipino ay ang karahasang
batay sa kasarian o gender-based violence o GBV, tinatawag ding gender
violence o gendered violence. Ito ay terminong ginagamit upang tukuyin ang
harm inflicted upon individuals and groups that is connected to normative
understanding of their gender (https://en.wikipedia.org). Ayon sa
https://unhcr.org, ang ganitong karahasan ay mauuring 1) sekswal, 2) pisikal, 3)
emosyonal at sikolohikal, at 4) sosyo-ekonomik.
Ang kasariang pagkakakilanlan: Trans, Transsexual, Intersex, Crossdresser,
Ang mga isyung pangkasarian ay ang mga sumusunod: Discriminasyon laban
sa LGBT, Limitadong Representasyon, at Maling Mentalidad ng Patriyarkal na
Sistema.
Kasarian at seksuwalidad - isang mahalagang katangian ng bawat tao ay ang
kasarian at seksuwalidad. Ngunit ang dalawang konseptong ito ay madalas
mapagpalit bagaman ito ay mag kaugnay.
Sex o seksuwalidad - tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian bilang
lalaki obabae.
Gender o Kasarian - tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan
hinggil saseksuwalidad.
Sexual orientation - tumutukoy sa pisikal at emosyonal na atraksiyon na
nararamdaman ng isang indibidwal para pa sa isa pangindibidwal para sa isa
pang indibidwal.
Gender Identity- nararamdaman o pinaniniwalaang kasarian ng isang tao,
maging akma o hindi sa kanyang seksuwalidad.

You might also like