You are on page 1of 13

Q3:L1 MULTICULTURALISM AT DISKRIMINASYON

ANO ANG MULTICULTURALISM?


• Ang multiculturalism ay tumutukoy sa pilosopiyang nagtuturo ng angkop na
pagtanggap at paggalang sa pagkakaiba-iba ng mga tao.
• Nakapaloob sa konsepto ng multiculturalism ang pagbibigay ng mga karapatan sa mga
indibidwal o sa mga pangkat na kabilang sa minoryang populasyon.
• Halimbawa, maaaring mabigyan ng karapatang bumoto ang mga mamamayang hindi
kabilang sa lahing nakararami sa isang bansa.

Ang multiculturalism ay konseptong ginagamit tuwing tinatalakay ang mga karapatan


ng mga minoryang pangkat tulad ng:

• Indigenous Groups (IP)


• African-American
• Native American
• Muslim at iba pang relihiyon

LAYUNIN NG MULTICULTURALISM
 Ang layunin ng multiculturalism ay magkaroon ng pantay-pantay na karapatan at
opurtunidad na pang-ekonomiya at pampolitika ang mga pangkat minorya at iba pang
mamamayan.
 Bagama’t kinikilala ng multiculturalist ang katotohanang ang iba’t ibang kultura ng
mga bansa sa kasalukuyan ay produkto ng interaksiyon ng sari-saring kultura at
tradisyon, naninindigan sila na kailangan pa ring kilalanin at pangalagaan ang mga
kultura at tradisyon ng mga partikular na minoryang grupo.

AYAW SA MULTICULTURALISM
• Naninindigan ang mga taong ito na kung kikilalanin ang lahat ng mga kultura ng iba’t
ibang mga pangkat ay maisasakripisyo naman ang National Identity o pambansang
pagkakakilanlan.

Pangkat etniko (indigenous group)


 Iba’t ibang pangkat ng mga Pilipino ang bumubuo sa ating bansa.
 Nagkakaiba man tayo, iisa ang ating bansa, at tayong lahat ay Pilipino.
Republic act no. 8371 (the indigenous peoples’ rights act of 1997)

- H

Ang mga sumusunod ay ilan sa naiibang katangian ng mga pangkat etniko:


 Pagpapanatili ng kanilang diyalekto, tradisyonal na sosyo-ekonomikong institusyon, at
nakagawiang kultura at relihiyon;
 Sariling identidad o pagkakakilanlan bilang natatanging lipunan;
 Ekonomiyang subsistence-oriented; at
 natatanging relasyon sa lupaing kanilang pinagmulan.
MGA KARAPATAN NG MINORITY GROUPS (group differentiated
rights):
• Religious exemptions
• Paggamit ng multilingual na balota sa halalan
• Pagkakaloob ng pondo para sa mga asosasyong pang-etniko
• Representasyon sa pamahalaan para sa mga pangkat minorya
• Pagkilala sa mga tradisyunal na legal code
• Pagkaloob ng limitadong karapatan para sa pamahalaan ang sarili (self-government o
political autonomy)

MULTICULTURALISM AT RACISM
- Ang konsepto ng racism ay tumutukoy sa paniniwalang ang lahi ng isang tao ang
pangunahing batayan ng kaniyang mga katangian at kakayahan at may mga lahing
mas mahusay pa sa iba.

RALPH MADDOCKS (2009)


 May panganib ang multiculturalism na maging uri ng racism.
 Ang maaaring mangyari ay magkaroon ng isang bansa ng iba’t ibang pangkat na
nagtutunggalian upang makakuha ng mas malawak na kapangyarihan at mas
maraming karapatan.

MULTICULTURALISM AT FEMINISMO
 Sa maraming kultura sa mundo, nananaig ang lipunang patriarchal o ang pagdomina at
pamumuno ng kalalakihan.
 Ayon sa mga feministang naglalayon ng pagkakapantay-pantay ng kababaihan at
kalalakihan, ang pagkilala sa mga lipunang patriarchal sa diwa ng multiculturalism ay
susuporta sa pagkitil at pagkait ng karapatan ng kababaihan.
 Ang feminismo ay tumutukoy sa paniniwalang dapat maging pantay ang kababaihan
at kalalakihan sa pamumuhay ng malaya.

DISKRIMINASYON
 Iba’t ibang ang mga lahi ng tao sa mundo. Iba’t iba rin ang ating mga pisikal na
katangian, paniniwala at pag-uugali. Gayunpaman, dapat nating tanggapin at igalang
ang bawat isa. Kapag hindi natin ito ginawa, hahantong ito sa diskriminasyon.
 Ang diskriminasyon ay ang negatibo at hindi makatarungang pagtrato sa mga tao sa
pagkakaiba ng kanilang katangian tulad halimbawa ng lahi, edad, kasarian,
kapansanan, o paniniwala. Maraming posibleng anyo ang diskriminasyon ngunit lahat
ng ito ay may elemento ng hindi pagtanggap at pang-aapi.

Ang diskriminasyon ay maaaring ay maaaring maganap sa sumusunod na


kadahilanan, pangkat, lugar, o larangan:

 Relihiyon/Paniniwala  Edad

 Pagkamamamayan  Lugar na pinagmulan

 Kasarian at seksuwal na oryentasyon  Kulay

 Kapansanan  Trabaho
 etc.

Q3:L2 MGA ISYU SA KARAPATANG PANTAO


KARAPATAN
 Ito ang mga bagay na likas sayo na di na sayo mawawala hanggang libingan.

URI NG KARAPATAN
KARAPATANG LIKAS
 Ang bawat tao ay may karapatang mabuhay. Ang karapatang ito ay wagas sa lahat.
KARAPATANG AYON SA BATAS
 Mauuri ito sa dalawa ang ganitong karapatan.
 Constitutional Rights
 Statutory Rights

Constitutional Rights
 Ito ang mga karapatang kaloob at pinangangalagaan o binibigyang proteksiyon ng
Konstitusyon ng bansa.

Statutory Rights
 Ito ang mgakarapatang kaloob ng mga batas na pinagtibay ng Kongreso o
Tagapagbatas.
 Halimbawa: Minimum wage

MGA KATEGORYA NG KARAPATAN AYON SA BATAS

KARAPATANG SIBIL O PANLIPUNAN


- Nakapaloob dito ang karapatang magkaroon ng matiwasay at tahimik na pamumuhay,
kalayaan sa pagsasalita, pag-iisip, pag-oorganisa, pamamahayag, malayang pagtitipon,
pagpili ng lugar na titirahan, at karapatan laban sa diskriminasyon.

KARAPATANG PAMPOLITIKA
 Kinakatawan nito ang karapatan na makilahok sa pagtatakda at pagdedesisyon sa
pamumuno at proseso ng pamamahala sa bansa gaya ng pagboto, pagkandidato sa
eleksiyon, pagwewelga etc.
KARAPATANG PANG-EKONOMIYA
 Nagpapatungkol ito sa mga karapatan sa pagpili, pagpursige, pagsusulong ng
kabuhayan, negosyo. Hanapbuhay, at disenteng pamumuhay ayon sa nais.
KARAPATANG PANGKULTURA
 Nakapaloob dito ang karapatan makibahagi at lumahok sa pagsasabuhay,
pagpapalawak ng sariling tradisyon, gawi at pag-uugali.
MGA KARAPATAN NG AKUSADO
 Pinangangalagaan nito ang mga taong akusado o nasasakdal sa anumang paglabag
sa batas.
Q3:L3 KASARIAN AT SEKSUWALIDAD

SEKSUWALIDAD
 Ang sex o seksuwalidad ay tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian bilang
lalaki o babae.
 Ang ating seksuwalidad ay natatalaga sa pamamagitan ng ating genetic inheritance o
ang pinagmulan ng ating lahi.
 BABAE at LALAKI

KASARIAN
 Ito ay tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan hingil sa seksuwalidad.
 Ang mga ideya natin tungkol sa kasarian ay ating natututuhan mula sa lipunang ating
kiinabibilangan at ginagalawan.
 PAMBABAE at PANLALAKI

Oryentasyong Seksuwal (Sexual Orientation)


 Ay tumutukoy sa pisikal at emosyonal na atraksiyon na nararamdaman ng isang
indibidwal para sa isa pang indibiwal.

Pagkakakilanlang Pangkasarian (gender identity)


 Ay ang nararamdaman o pinaniniwalaang kasarian ng isang tao, maging ito ay akma o
hindi sa kaniyang seksuwalidad.

MGA PAPEL NA GINAGAMPANAN NG KASARIAN (GENDER ROLES)


- Ang pagkilos, mga gawain, at pananalita ng bawat indibidwal ay hinuhubog ng
lipunan. Ang mga bahaging ito ay nagmula sa ating kinagisnang kultura hanggang sa
mga taong ating nakakasalamuha.
- Ang mga bahaging ginagampanan ng kasarian ay maaaring inilarawan bilang mga
kaugalian, mga alituntunin, at pamantayan na utos sa iba’t ibang mga interes,
pananagutan, oportunidad, limitasyon, at pag-uugali ng iba’t ibang kasarian (John
et al., 2007; Mahalik et al., 2003)

ANG SINASABING ‘’IKATLONG KASARIAN’’


 Ang Homoseksuwal (homosexual) – Inilarawan sila bilang mga indibidwal na
nakakaranas ng atraksiyon sa katulad nilang kasarian.

Biseksuwal

 Ang terminong biseksuwal ay tumutukoy sa mga taong nakararanas ng atraksiyon sa


kapwa babae o lalaki.

Tatlong yugto ng paglaladlad


Q3:L4 REPRODUCTIVE HEALTH LAW
REPRODUCTIVE HEALTH LAW
 Responsible Parenthood and Reproductive Act of 2012 (Republic Act No.10354)

 Layunin nitong ipalaganap sa buong bansa ang mga paraan ng kontrasepsiyon,


edukasyong seksuwal, at pangangalaga sa ina.

 Ito ay isang batas na may layuning magbigyang serbisyong pangproduktibo para sa


lahat.

 Ipinapatupad nito ang family planning o pagpaplano ng pamilya, para sa mag-asawa


lalo na ang walang kakayanan sa buhay.

 Layuning nito na ipalaganap sa buong bansa ang mga paraan ng kontrasepsiyon,


edukasyong seksuwal, at pangangalaga sa ina.

ANO ANG REPRODUCTIVE HEALTH?


- Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang kalusugang pisikal, Pangkaisipan at panlipunan
na may kinalaman sa reproductive system, paraan, at proseso.
- Nakapaloob ditto ang karapatan ng mga tao na magkaroon ng kaalaman at kakayahang
mamili ng nais niyang paraang ng pagpaplano ng pamilya na naaayon sa batas, ligtas,
epektibo, at abot-kaya.

SINU-SINO ANG MAKIKINABANG SA RH LAW?


- Ayon sa bagong batas, ang mga Pilipinong kababaihan at mga kabataan ang higit na
makikinabang sa mga benepisyo ng RH Law, lalo na ang mga kabilang sa sektor ng
mahihirap.

BAKIT KAILANGAN ANG RH Law?


- Kailangan ito upang siguraduhin ang sustainable at responsableng pagbibigay ang
serbisyp at impormasyong pang reproduktibo sa mga Pilipino.

LAYUNIN BA NG RH LAW NA KONTROLIN ANG POPULASYON?


- Hindi. Layon ng RH Law na magkaroon ng population development o papapaunlad ng
populasyon. Ang pagkontrol sa populasyon ay nangangahulugan ng paggamit ng
puwersa sa sapilitang paggamit ng mga polisiyang pampupolasyon na labas sa mga
kagustuhan ng mga tao.
- Layunin ng population development na tulungan ang mga mag-asawa na maabot ang
nais nilang laki ng pamilya habang isinaalang-alang ang kalusugan ng ina at anak.
- Pinipigilan din nito ang maagang pagbubuntis ng kabataan at bigyan ng kakayahan
ang pamahalaan na maabot ang isang balanseng distribusyon ng populasyon.

MGA PANGUNAHING PROBISYON NG RH LAW


 Section 1
 section 2
 section 3
 section 14
 section 23

ISYUNG KAUGNAY NG RH LAW


• Ang Pagpigil sa Pagbubuntis

• Ang Isyu ng Abortion

• Ang Impluwensiya ng Simbahang Katoliko sa Abortion

• Ang Papel ng Pamahalaan sa Abortion


Q3:L5 PROSTITUSYON AT PANG-AABUSO

PROSTITUSYON
Ang Prostitusyon ayon sa MerriamWebster Dictionary ay ang simpleng paggamit ng
katawan ng isang tao upang kumita ng pera. Dahil sa ilang mga insidenteng may kaugnayan
sa diskriminasyon at pangaabuso sa mga karapatang pantao ng kababaihan at kabataan,
sinasabing ang prostitusyon ay isa sa mga nagpapatuloy na isyu na nakakaapekto sa
ekonomiya at lipunan ng ating bansa.

Jill Bauer at Ronna Gradus

- Ayon kina Jill Bauer at Ronna Gradus, direktor ng isang dokumentaryo tungkol sa
cyberprostitution sa UNited States, isa marahil sa dahilan kung bakit maraming batang
babae na sumasali sa prostitusyon ay dahil sa pangangailangan sa pera.

Anti-Trafficking in Persons Act of 2003

- Hindi pinayagan ng batas ang pakikilahok sa prostitusyon. Ayon sa probisyon ng


Antitrafficking in Persons Act of 2003, ang sinumang nakikilahok sa prostitusyon ay
maaring maparusahan ng hanggang habang-buhay na pagkakabilanggo.

Senadora Pia Cayetano

- Ayon rin kay Senadora Pia Cayetano sa kanyang Anti-Prostitution Act of 2010,
tinatayang umaabot sa 800,000 Pilipino ng naabuso sa buong bansa noong 2005, dahil
sa kanilang pagsali sa prostitusyon. bagama 't maraming balita ang nagsasabi ng hindi
magandang dulot ng prostitusyon sa Pilipinas, patuloy pa rin itong nagaganap sa iba 't-
ibang sulok ng bansa.

Allan Schwartz
- Ayon kay Allan Schwartz, Ph.D., isang Amerikanong sikolohista, ilan sa mga dahilan ay ang sumusunod:

1. Mabilis kumita ng malaking pera sa prostitusyon.


- Sa kanyang papel na isinulat na may pamagat na "Why Do Women Become Prstitutes and Why Do
Men Go to Them?" nabanggit ni Schwartz na ang prostitusyon ay nagiging isnag lugar kung saan
maring magbenta ang kababaihan ng katawan na maaring bilhin ng kalalakihan sa kaya nilang halaga
sa loob ng aikling oras.

2. Ito ay isang negosyo.


- Dahil mabilis kumita ng pera sa prostitusyon, ang mga negosyanteng may kaugnayan dito ay
nagsisikap na ito ' y alagaa sa pamamagitan ng paghahanap ng magagandang babae at mga lalaking
may kakayahang magbayad ng malaki. Patuloy ni Schwartz, ito ang isa sa simula ng pangaabuso ng
mga negosyante sa kababaihan o kalalakihang kasali sa negosyo.
-
3. ANg ilang kasali sa negosyo ay nasang sa kultura ng pangaabuso.
- Dahil sa kinagisnan na ng ilang kababaihan at kalalakihan ang pangaabuso na dulot ng prostitusyon,
iniisip nila na sanay na sila dito.

4. Ito ay daan palabas sa kahirapan


- Dahil sa mabilis kumita ng pera sa prostitusyon, iniisp ng mga kasali dito na mabilis silang
makaluluwag sa buhat at agkakaroon ng oportunidad na makaalis sa kahirapan.

Prostitusyon sa Pilipinas
- Ayon kay PROF. RENE OFRENO ng UP SOLAIR, sinasabing ang prostitusyon at bahagi na ng kasaysayan
ng ating bansa, ANg negosyong ito ay buhay na noon pa mang panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
Noong taong 1898, sa ilalim ng pamahalaang oambansa na pinamumunuan ni Emilio Aguinaldo, ay
pinagkalooban ng kalayaang Konstitusyonal (Constitutional Freedom) ang mga Pilipinong Prostitute.

Sanhi ng paglaki ng Prostitusyon sa Pilipinas


- Ang mga sumusunod ay ilan sa mga sanhi ng paglaki ng prostitusyon sa Pilipinas ayon sa mga non-
government organization:
-
- Pangunahing dahilan ng mga taong nalugmok sa prostitusyon ay:
 kahirapan
 unemployment
 karanasan sa pang-aabusong pisikal o seksuwal
 pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot
 peer-pressure

Mga naulat na pangaabuso sa kababaihang sangkot sa prostitusyon

- Ayon sa isinulat ni Jean Enriquez sa kanyang "Documenting Cases of Violence


Against Women " nabanggit niya na: "Sa pag-aaral ng Coalition Against Trafficking
in Women-Asia Pacific (CATW-AP), nagsaliksik sila ng mga kaso ng human
trafficking na naiulat sa mga ahensiya ng gobyerno noong taong 2003. Ang mga pag-
aaral ay isinagawa upang makatulong sa nakaambang mga kaso ng mga trafficking sa
iba 't-ibang lugar sa bansa.’’

Pasilidad at mga Programa para sa kababaihan laban sa Karahasan


1. Haven

- ang Crisis Intervention Unit ng DSWD ay pansamantalang nangangalaga at


kumukupkop sa kababaihang biktima ng pang-aabuso.

2. Women and Children Protection Units

- itinalaga ng DH sa 39 na mga ospital sa buong bansa at 24 na oras na tumutugon sa


paghahatid ng komprehensibong pangangalaga sa kalusugan.

3. University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH)

- bumuo ng program,a at pagsasanay para sa mga doktor ng Women and Child


Protection UNits upang tumugon sa pangangailangan ng kababaihan at mga batang
nakalogtas sa karahasan.

4. Philippine Judicial Academy (PHILJA)

- nagsasagawa ng seminar tungkol sa kamalayan sa kasarian para sa mga tagausig


(prosecutors) at mga hukom (judges) pati na rin sa limang haliging sistemang
hudikatura.

5. Bantay Cinema Youth Network

- nag- silbing monitoring team sa iba 't ibang lokalidad.

6. National Commission on the Role of Filipino Women (NCRFW)

- -pambansang komisyong nagsusulong sa pagpapaunlad at mga policy-advisory para sa


kababaihan at mga paalala tungkol sa kasarian na nakatuon upang maibsan ang
karahasan sa kababaihan partikular na sa mga pangunahing Mga Epele lugar ng pang-
aabuso, nagkoordina ng mga kampanya ng "16 days of activism 1. Sa B on violence
against women.

7. Community-based Approach to Violence Against Women (Combat-VAW)

- pina- ngunahan ng Women ' s Legal Bureau at ng Harnessing Self-Reliant Initiatives


and Knowledge (HASIK).
8. The Women ' s Crisis Center (WCC)

- -ang unang crisis center para sa mga biktima o nakaligtas mula sa mga pang-aabuso na
may average na badyet na Php6,083.30 bawat buwan.

9. Sentro ng Alternatibong Lingap Panli- gal (SALIGAN)

- nagbibigay ng tulong legal sa mga naabuso ang karapatan dahil sa prostitusyon.

10. KALAKASAN (Women Against Violence)

- isa pang NGO na nagbibigay ng pag- kalinga at pagpapayo.

11. Women ' s Legal Bureau

- nagpapanatili ng mga serbisyo na nakatuon sa pagtulong sa mga kababaihang


nakaligtas sa mga karahasan o pang-aabuso at nakikiisa sa pagpapatupad ng mga
proyekto at pananaliksik sa pagharap sa karahasan.

12. Coalition Against Trafficking in Women

- nakatuon sila sa isyu ng prostitusyon at human trafficking sa lokal at global;


nagsasagawa ng mga preventive education seminar at pagsasanay sa mga komunidad
kasama na ang mga NGO at piling grupo ng kabataan.

13. Philippine Migrants Rights Network

- partikular na ang Kanlungan, ay tumutulong sa kababaihang biktima ng karahasan sa


konteksto ng paglilipat.

Epekto ng prostitusyonat pang-aabuso


SA BIKTIMA
- Batay sa pananaliksik ng Philippine Human Development noong 2007, ang nakararami sa mga
biktima ng pang-aabuso ay napapahiwalay sa kanilang asawa at napapasok sa mga institusyong
pangrehabilitasyon. Tulad ng bawat isa sa atin, may mga karapatan ang mga prostitute na dapat
matamasa subalit dahil sa uri ng kanilang gawain, sila ay nagiging biktima ng mga karahasan.

Sa Pamayanan

- Sa Pilipinas kung saan malaki ang impluwensiya ng Simbahang Katoliko, mariing kinokondena ang
prostitus- yon. Napakaraming mga dokumento ng Simbahan ang nakatuon sa isyung ito. Noong
Second Vatican Council, tinagurian ang prostitusyon at ang pagbebenta ng kababaihan at kabataan
bilang krimen laban sa buhay ng tao.

Sa Bansa
- Idineklara ng Senado na ilegal ang prostitusyon dahil sa napakarami nitong negatibong epekto sa tao
at sa lipunan. Ayon sa ating mga mambaba- tas, ito ay lantarang paglabag sa karapatan ng tao lalo na
ng kababaihan. Ngunit, sa harap ng pagiging ilegal ng prostitusyon ay lalo pa itong lumala- ganap sa
bansa. Upang malusutan ang batas, idinaan ang mga transaksiyon sa pamamagitan ng black market
trade.

Mungkahing solusyon saisyu ng Prostitusyon


1. Pagpaparusa sa may sala.
2. Pagsasabatas upang maging legal ang prostitusyon.
- -Pagsang-ayon sa Legalisasyon ng Prostitusyon
-Pagtutol sa Legalisasyon ng Prostitusyon

You might also like