You are on page 1of 5

AP 10: Kontemporaryong Isyu

KASARIAN AT SEKSUWALIDAD

Sex o Seksuwalidad - tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian bilang natatalaga sa pamamagitan ng


genetic inheritance o pinagmulan ng ating lahi.

Ang ating genes na nagtataglay ng ating mga biyolohikal na katangian ay ating namamana at naipapasa sa
mga salin lahi sa pamamagitan ng pagsusupling. Ayon sa pagsasaliksik, ang tao ay maaaring magkaroon ng
mahigit sa isang sex, depende sa kombinasyon ng kanyang mga chromosomes, isang yunit na biyolohikal na
itinuturing na rare case lamang.

Gender o Kasarian - Tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan hinggil sa seksuwalidad.

Ang mga ideya natin tungkol sa kasarian ay ating natutuhan mula sa lipunang ating kinabibilangan at
ginagalawan. Napapanatili at naipapasa ang mga ideya at paniniwalang ito sa pamamagitan ng
pakikipag-ugnayan at pag-aaral. Halimbawa:paraan ng pananamit,
pagkilos at gawain.

Mga Termino
Sex o Seksuwalidad Gender o kasarian

Lalaki Panlalaki
Babae Pambabae

Ang pagtatalaga ng kung ano ang pambaba at panlalaki ay nagbabago sa paglipas ng panahon.
Halimbawa: my mga uri ng kasuotan at hanap buhay na dati ay panlalaki lamang ngunit sa kasalukuyang
panahon ay maaari na ring pambabae.

Terminong Oryentasyong Seksuwal (Sexual Orientation) - Tumutukoy sa pisikal at emotional na atraksyon na


nararamdaman ng isang idibiduwal para sa isa pang indibiduwal

Pagkakakilanlang Pangkasarian (Gender Identity) - ang nararamdaman o pinaniniwalaang kasarian ng isang tao,
maging ito ay akma o hindi sa kanyang sekswalidad.

Papel na Ginagampanan Ayon sa Kasarian (Gender Roles) - pag kilos, mga gawain at pananalita ng bawat
indibidwal na hinuhubog ng lipunan. Natututuhan ang tungkuling ito mula sa pagkabata sa pamamagitan ng
kamilang mga magulang at pamilya, relihiyon, pati na rin ng telebisyon, magasin at iba oang media.

Ang sinasabing “Ikatlong Kasarian”

Ikatlong Kasarian o “Third Sex” - sila ay mga homosexual kung tawagin. Inilalarawan bilang mga indibidwal
na nakararanas ng eksklusibong atraksiyon sa katulad nilang kasarian

Biseksuwal (bisexual) - tumutukoy sa mga taong nakararanas ng atraksiyon sa kapwa babae o lalaki.

Transeksuwal (transexual) - taong itinuturing ang kanyang sarili na kabaligtad ng kanyang kasarian.
Tatlong (3) Yugto ng Paglaladlad

Unang Yugto -- “Pag-alam sa Sarili” -- Pagtanggap at pagiging bukas sa atraksiyon at


relasyon sa katulad na kasarian.

Ikalawang Yugto -- “Pag-amin sa ibang Tao” -- Pagsabi sa kapamilya, kaibigan o


katrabaho ng pagiging isang homoseksuwal

Ikatlong Yugto -- “Pag-amin sa Lipunan” -- Pamumuhay nang bakas bilang isang


LGBT sa lipunan

Karapatan sa Pagpili ng Ksarian at Seksuwalidad

Mas laganap ang homoseksuwal sa Europa, Australia at Amerika kaysa sa Africa at Asya dahil iba’t-iba ang
pananaw ng mga bansa at lipunanang ito sa homoseksuwalidad. May pagkakaiba rin sa mga karapatang
ipinagkaloob sa kanila:

(1) Karapatang malayang ipahayag ang kanilang kalooban


(2) Karapatang maikasal ng sibilat mapagkalooban ng mga benepisyong ibinibigay ng
pamahalaan sa mga kasal na heterosekwal at sa kanilang mga anak
(3) Karapatang mabuhay ng malaya at walang diskriminasyon.

Ang Pilipina s ay isa sa mga bansa sa mundo na tumatanggap sa mga LGBT (gay friendly nation). Sa
pandaigdigang pag-aaral na kinabibilangan ng 39 na bansa, pangsampu ang Pilipinas sa 17 bansa na
tumatanggap sa homoseksuwalidad. Sa Asya, ang Pilipinas ang lumalabas na pinakatumatanggap sa mga LGBT.

Ang pagsasaliksik na pinamagatang The Global Divide on Homosexuality ay ginawa ng Pew Reaseach
Center mula sa Estados Unidos. Ayon sa resulta nito 73% ng mga Pilipinong nasa tamang gulang ay
sumasang-ayon sa pahayag na dapat tanggapin ng lipunan ang homoseksuwalidad.

Relihiyon at Pananaw ng Iba Tungkol sa Homoseksuwalidad

Ayon sa mga konsebatibong relihiyon, ang homoseksuwalidad ay isang pinipilng pag-aasal kaya dapat
itong itakwil. Ganito ang paniniwalang Islam, Hudaismo at ibang sekta ng Kristiyanismo.

Ang parusa sa mga homoseksuwal sa mga bansang Islam gaya ng Iran, UAE at Saudi Arabia ay
pagkakakulong o mas malala ay parusang kamatayan.

Ang katesismo naman ng mga Kristiyano ay nagtuturo ng pagtanggap sa mga homoseksuwal nang may
“paggalang, habag at pagiging sensitibo” subalit itinuturo ring dapat maging celibate o hindi mag-asawa ang
mga homoseksuwal.

Mayroon rin mga lipunan na may liberal na pag-iisip na tinatanggap na ang kultura ng mga homseksuwal.
Hindi nila tinuturing na makasalanan o imoral ang relasyong homoseksuwal. My mga denominasyon at estado
na pinapayagan na ang kasal ng katulad na kasarian. Ilan sa mga ito ay Canadian Unitarian Council, Unitarian
Universalist Association, Episcopal Church (United States), United Church of Christ, United Church of Canada
Metropolitan Community Church, mga ilang Pretestante, mga liberal na sekta ng Hudaismo, Islam (Al-Fatiha
Foundation, Wic a at iba pa.

Nakikita natin mula sa ating pagsusuri na malaki ang impluwensya ng relihiyon at nakasanayang tradisyon
sa pananaw ng mga tao tungkol sa homoseksuwalidad.

Diskriminasyon Batay sa Kasarian

Sa Politika -- sa malaking bahagi ng daigdig kalalakihan ang may pinakmalaking kapangyarihan sa lipunan.
Limitado ang nakukuhang serbisyo tulad ng kalusugan, edukasyon, trabaho, suweldo at maging pagkain ng mga
babae at homoseksuwal kung ikukumpara sa kalalakihan.

Sa Tahanan -- May pagkakaiba ang gawaing nakaatang sa kanila gaya ng paggawa ng desisyon at paghahanap
ng mapagkukunan ng pangangailangan sa tahanan. Magkaiba ang kakayahahan ng kababaihan at kalalakihan sa
pagtugon sa pang-ekonomiyang pangangailangan.

Sa Paghahanapbuhay -- nakakatanggap ang kababaihan ng mababang sahod at temporaryong tranaho.


Kalalakihan ang humahawak ng mas mataas na posisyon at mas mataas na sahod.

Mga Anyo ng Diskriminasyon Ayon sa Kasarian

Ang ilan sa mga diskriminasyong nararanasan ng mga LGBT ay:


(1)Hindi pagtanggap sa kanila sa trabaho
(2)Mga pang iinsulto at pangutngutya
(3)Hindi pagpapatuloy sa mga establisyemento dahilsa kanilang kasuotan o pagkilos
(4)Karahasan tulad ng pambubugbog o pagpatay
(5)Bullying sa paaralan

Mga bansang bukas sa pananaw ng homoseksuwalidad at isinabatas ang pagpapakasal ng mga


homoseksuwal. Namumuhay sila ng malaya at awalang diskriminasyon. Ang iba ay tumatanggas din ng mga
tinatawag na gay refugee na lumikas mula sa kanilang bansa bunsod ng pag-uusig sa mga homoseksuwal.
(1) Netherlands
(2) Sweden
(3) Denmark
(4) Canada
(5) Argentina
(6) Some states in the US

Itinuturing na pangha-harass sa iba’t-ibang kasarian ang mga sumusunod:


(1) Pambabanta at paninigaw
(2) Paghihipo o paghawak sa bahagi ng katawan nito
(3) Panunukso o pagsasabi ng mga komentong nakakainsulto
(4) Paghihiya at paghahamak ng mga tao dahil sa kanilang kasarian
Inuuri ang ilang anyo ng diskriminasyon ng iba’t-ibang kasarian ng Human Rights Violation on the Basis
of Sexual Orientation, Gender Identity and Homosexuality in the Philippines na ipinasa para sa ginanap nna
“consideration at the 106th Session of the Human Rights Committee for the Fourth Periodic Review of the
Philippines” noong October 2012.

Mga Organisasyong LGBT


Pagkilala sa mga Pangkat LGBT ng Pamahalaan

Ang Pagpapaksal ng may Parehong Kasarian (Same Sex Marriage)

Ang karapatang ipinaglalaban ng mga pangkat-LGBT ay ang same sex marriage o pagpapakasal sa
parehong kasarian. Ito ay legal na sa ibang bansa atbhangad ng mga Pilipinong LGBT na mapayagan din sila sa
Pilipinas.
Nagkaroon ng bagong kahulugan ang kasal sa mga bansang legal na ang same sex marriage kabilang dito
ang Argentina, Belgium, Brazil, Canada, Denmark, France, Iceland, Netherlands, New Zealand, NOrway,
Portugal, Spain, South Africa, Sweden, United Kingdom, Uruguay at ilang bahagi ng Mexico, England at Wales.
Ang same sex marriage ay hindi lamang isyung politikal ngunit panlipunan din. Saklaw nito ang
karapatang pantao at karapatang sibil. Ipinaglalaban ng LGBT ang same sex marriage sapagkat nakatali dito
ang pagbibigay sa kanila ng mga benepisyo at serbisyo ng pamahalaan na ipinagkakaloob sa mga mag-asawang
babae at lalaki at maging sa kanilang anak.

Epekto ng Same Sex Marriage

Ayon sa pananaliksik, ang mga magulang na homoseksuwal ay hindi lalayo sa mga magulang na
heteroseksuwal pagdating sa kanilang mga kasanayan sa pagiging magulang. Gayundin hindi nakikitaan ng
anumang kakulangan o depekto ang kanilang mga anak kumpara sa mga anak ng magulang na heteroseksuwal.

Sa Pilipinas malaki pa rin ang impluwensiya ng Simbahan at pananampalataya sa pananaw ng mga Pilipino
hinggil sa same sex marriage. Marami ang naniniwal na ang relasyon sa pagitan ng mga homoseksuwal ay
imoral at makasalanan.

Ipinahayag ni Rev. Fr. Melvin Castro, Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Family and
Life na hindi papayagan ng Simbahan ang same sex marriage sa paniniwalang magiging sanhi ito ng pagiging
komplikado ng buhay ng mga Pilipino, lalo na sa usaping moralidad.

Hanggangg sa kasalukuyan ay nananatiling sensitibong isyu ang same sex marriage sa politika at sa
lipunan.Maingat ang pamahalaan sa pagsusulong at pagpapatupad ng anumang batas tungkol dito sapagkat
napakaraming konserbatibong Pilipino ang tutol dito. Mahalagang pag-isipan kung makakasira nga ba sa ating
lipunan, kultura at relihiyon kung sa kaling maipatupad ang batas na ito.

You might also like