You are on page 1of 6

KASARIAN

SEX VS. GENDER


● Sex: Biological
● Gender: Social and cultural
● Gender Identity: response to biological and social cues

ANG PAGBUO NG KASARIAN SA LIPUNAN


Eleanor R. Dionisio - ang pagtatakda ng kasarian ay nagsisimula sa pagsilang ng bata.
Judith Lorber - naituturo sa mga anak ang pagiging lalaki o babae .

SOCIALIZATION ACROSS THE LIFE COURSE


 Gender or the socialization of persons into a given gender begins at the moment a child is
born.

APAT NA MAHAHALAGANG PUNTO SA PROSESO NG GAMPANIN NG KASARIAN SA LIPUNAN


AYON KAY OAKLEY AT RUTH HALEY
1. Manipulation - iba-ibang uri ng manipulasyong pisikal at pasalita.
2. Canalization - ang atensyon ng bata ay itinutuon sa mga bagay ayon sa kanyang kasarian.
3. Verbal Apellation - paggamit ng mga salitang naglalarawan ng kung sino ang babae at lalaki.
4. Activity Exposure - pagtuturo ng mga gawain kung saan tinuturuan ang mga babae ng
gawaing-bahay samantalang ang mga lalaki ay pinaglalaro sa labas.

ANG MGA INSTITUSYON AT ANG IDEOLOHIYA NG KASARIAN AT PAGKAKAPANTAY-PANTAY


1. Pormal na edukasyon - pananaw ng mga magulang tungkol sa edukasyon.
2. Mass Media - pagpapakita ng kahinaan ng mga babae at kalakasan ng mga lalaki.
3. Relihiyon - malaking impluwensya sa pagtrato at pagtingin sa mga babae kumpara sa lalaki.
4. Wika - paggamit nito para madomina ang lalaki ang sangkatauhan, hal. “Man.”

MGA PAPEL NA GINAGAMPANAN (GENDER ROLE)


1. Sa Pamilya - Pamamahay - kakikitaan ng pang-aapi sa kasarian ng mga kababaihan.
2. Sa Trabaho - ang paghahati sa trabaho ay maaaring tingnan bilang pang-aapi sa kakayahan
ng babae.
3. Sa Edukasyon - makikita ang gender role sa inaasahang kurso.
4. Sa Relihiyon - malakas ang impluwensiya ng mga tradisyonal na gender role sa usaping
relihiyon.
5. Sa Polisiya sa Pamahalaan - binibigyang halaga ang katayuan ng kalalakihan sa bawat
programa ng pamahalaan.

GENDER SPECTRUM (p. 236-238)


Metrosexual - isang lalaking labis na nagtutuon ng pansin sa kaniiyang hitsurang pisikal at
kalinisang pangkatawan.
SOGIE issue batay kay Dr. Mojica
 Sex (based on)
o Ari
o Chromosomes (XX, XY, XXY, etc.)
o Hormones (estrogen, progesterone, testosterone)

 3 Sexes - Male, Female, Intersex

 Gender - mga bagay na tinuro sayo na dapat mong gawin (role) usually base sa iyong sex.
o Man – Dapat nakapantalon, maiksi ang buhok, maglaro ng toy gun at toy cars, color
blue, etc.
o Woman - Dapat naka palda, long hair, maglaro ng manika at doll house, color pink,
etc.

 Gender Expression - paano mo ipinapakita ang iyong pagiging man o woman?


o Masculine - brusko, malaking boses, naka barong- tagalog at pantalon
o Feminine - mahinhin, matinis ang boses, naka make- up, blouse at palda

 Sexual Orientation - sino ang nagpapatibok ng puso mo?


o Heterosexual – opposite sex
o Gay – man-to-man
o Lesbian – woman-to-woman
o Bisexual – gusto man at woman
o Pansexual – attracted to all
o Asexual – dedma, walang type

 Ang sex, gender, gender identity, gender expression, at sexual orientation ay independent of
each other. Ibig sabihin hindi porque naka palda ka gusto mo na ay lalaki. Hindi porque
feminine kang lalaki gusto mong maging babae at gusto mo ay lalaki.
 Ang pag-unawa sa SOGIE ay mahalaga dahil lahat tayo ay may SOGIE hindi lang ang LGBTQ+
 Sexuality is an important aspect of a person's life.
 The SOGIE of one person is NEVER better or greater than the SOGIE of another individual.
Pantay pantay tayo, no right or wrong sa SOGIE.

SOGIE = Sexual Orientation, Gender Identity, and Gender Expression


MGA ISYU AT HAMON: ANG KATAYUAN NG MGA NONBINARY
PILIPINAS
 2015 Global Gender Index (GGI) na inulat ng World Economic Forum (WEF) – Pampito ang
Pilipinas sa 145 na bansa at nananatili sa unang sampung bansa sa daigdig na nagbibigay ng
oportunidad sa lahat ng kasarian.

SA IBANG BANSA
 Colombia (2016) ang pinakahuling bansa na kumilala sa legal na pagpapakasal ng mga
nonbinary. Sinundan nito ang 22 bansa kagaya ng
o Netherlands (2000)
o Belgium (2003)
o Canada (2005)
o Spain (2005)
o South Africa (2006)
 Sa South Africa, sa tingin ng lider ng mga Zulu, ang pagiging bakla ay masama.
 Sa US kinikilala ang same sex marriage (Hunyo 26, 2015)

ANG SIMBAHAN AT ANG GENDER


PANANAW NG SIMBAHAN UKOL SA NON BINARY
 May kinalaman sa relihiyon
 Nilalaman ng aklat na Homosexuality and the Catholic Church –bunga ng kakulangan ng
atensiyon ng magulang sa anak batay sa kasarian.
 Ayon sa simbahan ang pagkabakla ay maaaring magbago sa pamamagitan ng pagpapaya.
 Sa kabuuan hindi tinatanggap ng simbahan ang gawaing homosexual at ito ay ayon sa
Genesis 19:4-11 – pagsira sa Sodom at Gomorrah
 Romans 1:18-22 – nagtatakwil sa gawaing homosexual
 Corinthians 6:9-10 – ayon kay San Pablo ang gawaing ito ay hindi makakapasok sa kaharian
ng Diyos
 Tinitignan ng mga Muslim na “marumi at makasalanan” ang gawaing homosexual ayon sa
batas ng Sharia na dapat parusahan

PAG-AASAWA NG PAREHO ANG KASARIAN


 Hindi tinatanggap ng Simbahang Katoliko.
 CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philippines) – tanggap ang mga bakla subalit
hindi tanggap ang pagkakaroon ng relasyong seksuwal at kasal.
 Ang pagsasama ng magkaparehong kasarian ay labag sa natural na batas ng moralidad.
 Tinitingnan ng Congregation for the Doctrine of the Faith (CDF) na ang gawaing homosexual
ay isang intrinsic disorder o isang sakit.
ANG BATAS SA REPRODUCTIVE HEALTH (RH) House Bill No. 8110,
(An Act Establishing an Integrated Population and Development Policy Strengthening its
Implementing Structures and Appropriating Funds)
 Kilala bilang Responsible Parenthood and Reproductive Health Law o Reproductive Health
Law, nilagdaan ni Pang. Noynoy Aquino bilang RA 10354
o (An Act Providing for a Comprehensive Policy on Responsible Parenthood,
Reproductive Health and Population Development and for Other Purposes.)

LAYUNIN NG RH LAW
 Bigyan ng matalinong pagpili ang mga kabataan at kababaihan sa pagpaplano ng pamilya.
 Iniuutos nito ang sex education sa mga sakop na edad sa tulong ng Kagawaran ng
Edukasyon.
 Magbigay ng impormasyon, kagamitan at serbisyo sa mga mahihirap sa pamamagitan ng
programa.

PAGBIBIGAY NG MGA SERBISYO PARA SA REPRODUCTIVE HEALTH (RA 10354)


 Seksiyon 5 - Pagbibigay ng karagdagang pondo para sa karagdagang nars, midwife at doktor
 Seksiyon 6 - Pagbibigay ng karagdagang pondo para sa pagsasaayos ng hospital, pasilidad,
kagamitan at suplay
 Seksiyon 10 - Programa para sa pagbili ay distribusyon ng mga suplay
 Seksiyon 16 - Pagsasanay sa mga Brgy. Health Workers Pagbibigay ng karagdagang, sweldo
o honoraria SA BHW

MGA PROGRAMA NG PAMAHALAAN


 Sa Pag-aaral ng PSA, isa sa sampung babae sa bansa na nasa pagitan ng edad na 15-19 ay ina
na sa kanilang panganay. Ang mataas na fertility rate na ito ay dahil sa kakulangan ng
impormasyon at serbisyo para sa RH.
 Dahil dito, iniutos ng RH Law ang pagtuturo nito sa mga paaralan sa pormal at di- pormal na
klase na isasama sa mga kaugnay na aralin.
 Seksiyon 14, RA 10354 - Pagbubuo ng Kagawaran ng Edukasyon ng bagong kurikulum

PAGPAPATUPAD SA RH LAW
1. Palakasin ang kakayahan ng DOH
2. Padaliin ang pakikisangkot ng mga NGO sa pagsasagawa ng RH
3. Pagkuha ng ekspertong may kasanayan at kakayahan
4. Pamahalaan at tulungan ang LGU
5. Bigyan ang mga opisinang pangkalusugan at LGU ng tamang impormasyon
Seksiyon 20, RA 10354 - Palawakin ang kaalaman ukol sa proteksiyon at pagsulong ng RH sa
pamamagitan ng multimedia campaign

ABUSONG SEKSUWAL AT PROSITITUSYON


 Prostitusyon - katawagan sa trabahong ginagamit ang katawan o sex work.
 Dalawang problema na nangyayari noon pa man
 Dr. Jose Florante J. Leyson sa Encyclopedia of Sexuality - nagsimula ang abusing seksuwal
sa bansa ng dumating ang mga Espanyol noong 1500.
 Sa kabila ng pagpapatigil ni Papa Gregory XIV sa kalakalan ng alipin ay patuloy parin ang
paggamit ng mga Espanyol sa mga aliping Pilipina para sa pakikipagtalik.

A. Sa RA 9262 (An Act Defining Violence Against Women and their Children) - itinuturing na
karahasang seksuwal ang mga sumusunod:
1. Panggagahasa
2. Sexual Harassment
3. Pagtrato sa babae o bata bilang bagay para sa sex
4. Pagsasabi ng mga pananalitang nagpapahiwatig sa sex
5. Paghawak o paghipo sa maseselang bahagi ng katawan ng biktima
6. Pagpilit na manood ng bastos na babasahin o palabas
7. Pagpilit na gumawa ng mga kilos na hindi disente o paggawa ng pelikula o video nito
8. Pagpilit sa asawa at kabit na tumira sa parehong bahay
9. Matulog ng magkasama sa iisang silid kasama ng nang-aabuso

B. Aksiyon na dahilan o magiging dahilan ng biktima upang makipagtalik ng sapilitan dahil sa


banta o puwersa, pisikal at iba pang banta o karahasan
C. Pagbebenta ng babae o bata bilang prostitute

SANHI EPEKTO

SANHI EPEKTO

1. Nalalamangan
2. Naabuso
3. Inaatake
4. Tinatakot
1. Kahirapan
5. Nire-Rape
2. Di-pantay na tingin sa kasarian
6. Pinapatay
7. Posttraumatic stress disorder
8. Sexually transmitted diseases
9. Pagka-ulila ng mga bata

MGA BATAS AT PROGRAMA NG PILIPINAS UKOL SA PROSTITUSYON


 Revised Penal Code – illegal ang prostitusyon, paghiling ng sex, at pagbugaw. Itinuturing
itong bagansiya at may katapat na parusa (pagkakakulong ng 30 hanggang 60 araw)
 Bagama't ilegal may mga lisensiyadong club at iba pang uri nito na binibigyan ng edukasyon
sa Human Immunodeficiency Disease (HIV) at magpaeksamen para sa Sexually Transmitted
Infection (STI)
 Aids Society of the Philippines – layuning maiwasan ang pagkalat ng HIV.

You might also like