You are on page 1of 3

Department of Education Schools

Division Office of Quezon City


Novaliches High School
ARALING PANLIPUNAN 10
Pangalan: ______________________________________ Petsa ng Pagtanggap: __________
Pangkat: _______________________________________ Petsa ng Pagsagot: __________
Guro: _______________________________________ Marka: __________
LEARNING ACTIVITY SHEETS
WEEK 4 |QUARTER 3| SCHOOL YEAR 2020-2021
MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN

ESTADO NG DISKRIMINASYON

KASARIAN Ang usapin ng Diskriminasyon sa kasarian ay naging mas komplikado sa panahon ngayon. Ito ay
marahil na rin sa hindi lamang nakukulong ang usaping pang kasarian sa babae at lalaki lamang. Mas marami ng
Gender identities na tinatawag na bumubuo na bumubuo sa isang LGBT Community. At ang usaping LGBT ngayon
ay isang napakalawak na usapin sa buong mundo. Sa loob ng sampung taon , napanatili ng Pilipinas ang pwesto
nito sa sampung pinaka “ Gender-Equal” na bansa sa mundo. Ito ay ayon sa Global Gender Gap Report 2016 ng
World Economic Forum na inilabas noong Oktubre 26, 2016. Ito ay batay sa apat na salik:
Partisipasyon at Oportunidad sa Ekonomiya, Edukasyon, Kalusugan at Political Empowerment
(Geronimo 2016). Nanguna ang bansa sa larangan ng edukasyon at kalusugan sa mga kababaihan. Malaking
pagbabago ang posisyon ng bansa sa edukasyon mula sa 34 noong 2015, samantala nanguna rin tayo sa kalusugan
noong 2016. Ngunit magandang tiningnan na hindi nagbago ang posisyon natin sa political empowerment at bumaba
ng limang pwesto sa partisipasyon at oportunidad sa ekonomiya. Mababa ang puntos natin pagdating sa dalawang
larangan.
Kung titingnan ang naging pagtrato sa mga kababaihan napakalaking butas sa pagiging Gender Equal ng bansa
. May pag iisip pa rin na umiiral na ang babae ay ginawa para sa lalaki, at tila umiiral yung rape culture. Ayon sa
Center for Women Resources , kada 53 minuto , isang babae o bata ang pinagsasamantalahan at kada 16 minuto
naman , may babaeng binagbubuhatan ng kamay (Villanueva 2016) Pangatlo sa pinakamaraming kaso ng pang
aabuso sa kababaihan ang kaso ng panggagahasa mula 1999 to 2009. (Phil. Commission on Women.)

KARAHASAN LABAN SA KABABAIHAN


Ayon sa Philippine Cpmmission on Women o PCW ang mga babae ay kadalasang nasisisi kung sila ay
nabubugbog o nasasaktan ng kanilang mga asawa. Ayon pa din sa PCW marami sa mga babae ay nagger madaldal
o di kaya pabaya sa kanilang mga obligasyon bilang mga asawa . at ang pinakamalungkot na balita , ayon sa PCW
ang panggagahasa ay sa babae pa nasisisi , dahil sila ay “Flirtatious”.
Ayon sa datos ng Center for Women ‘s Resources (CWR) kada 53 minuto isang babae o bata ang nagagahasa.
Pito sa sampung biktima ng panggagahasa ay mga bata. Ayon pa sa CWR , tumaas nang 92 % ang mga naitalang
rape cases mula 5, 132 noong 2010 tungo sa 9,875 nitong 2014.
Ayon sa datos ng National Demographic and Health Survey (NDHS), isa sa limang babaeng may edad na 15-49
ay nakakaranas na ng pisikal na karahasan simula sa edad na 15. At 14,4% naman ng mga babaeng may asawa ay
nakakaranas ng pananakit mula sa kanilang mga asawa.

ISTADISTIKA NG KARAHASAN SA MGA KABABAIHAN


• Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakakaranas ng pananakit na pisikal simula edad 15,
anim na porsiyento ang nakararanas ng pananakit na pisikal.
• 6% ng mga babaeng 15-49 ang nakakaranas na pananakit na sekswal
• Isa sa apat na babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakararanas ng emosyonal, pisikal at pananakit na
sekswal mula sa kanilang mga asawa.

Ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership and
Action) ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa ibat ibang porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan na
tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women, Ang mga ito ay ang 1. Pambubugbog 2. Panggagahasa 3.
Incest at iba pang sekswal na pang aabuso 4. Sexual harassment 5. Sexual discrimination and exploitation 6.
Limitadong access sa productive health 7. Sex trafficking at Prostitusyon.

DOMESTIC VIOLENCE: Palatandaan ng Domestic Violence


- Tinatawag ka sa ibang pangalan na hindi maganda
- Pinipigal ka na pumasok sa trabaho
- Pinipigilan ka na makipag kita sa iyong pamilya o kaibigan nag seselos lagi o nag dududa

AP10 PAGE 1
- Nagagalit kung umiinom ng alak
- Nagbabanta na mananakit
- Sinisipa, sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop
- Pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban
PARA SA MGA BAKLA, BISEXUAL, AT TRANSGENDER
- Pinagbabantaan ka na sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang iyong oryentasyong
sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian
- Sinasabi na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga LGBT.

IBA PANG MGA PANG-AABUSO AT KARAHASAN LALO NA SA KABABAIHAN


May mga pang-aabuso at mga karahasang ginagawa lalo na sa mga kababaihan. Ang ilang halimbawa ng mga
karahasang ito na labag sa batas ay ang mga sumusunod:

1. Pisikal na karahasan – tumutukoy sa pisikal na pananakit o mga pananakit sa katawan.


2. Sekswal na karahasan - ito ay aktong likas na sekswal, kabilang na ang panggagahasa, sexual harrasmment,
kalaswaan o acts of lasciviousness, pagtrato sa babae o kanyang anak bilang sekswal na bagay o object, paggamit
ng salitang nakapanglilit o malaswa , pisikal na pananakit sa katawan , pamimilit manood ng mga malaswang palabas
o magbasa ng mga malaswang babasahin , gumawa ng mga malalaswang Gawain o isadlak sa prostitusyon.
3. Sikolohikal na karahasan – ito ay tumutukoy sa paghihirap ng isip o damdamin ng biktima, halimbawa ay
panggugulo, pagmamanman o stalking, pamamahiya, paninira ng ari-arian, pang aabuso sa salita, pangangalunya,
pananakit sa mga alagang hayop, ayaw ipakita ang mga anak.
4. Pinansyal na pang-aabuso - nagiging pala asa ang babae ukol sa pananalapi, at pagbawi ng sustento,
pagbabawal sa biktima na magtrabaho, mag negosyo, o magkaroon ng ari-arian.

MGA PANANAW SA BISEXUALISM NG PAMILYA, KOMUNIDAD NA KINABIBILANGAN AT ANG SIMBAHAN


SA BISEXUAL.

1. Pamilya at Tahanan – may mga pamilyang Pilipino na tanggap kung ano ang kanilang anak, subalit may ilan na
ikinahihiya sila bilang mga kaanak. So may pamilyang supportive at non supportive. Maliit na porsiyento lamang ang
umaamin sa kani kanilang pamilya kung ano sila. Ang iba ay inililihim at naghihintay ng tamang panahon sa pagamin
at ang iba ay naghihintay na mapansin na lang ng mga miyembro ng pamilya na sila ay kaiba.
2. Komunidad na kinabibilangan - ang komunidad na kinabibilangan ang pumupuna , humuhusga at
nababansagan ng ibat ibang maling interpretasyon. Karamihan sa kanila ay hindi tinangtanggap bilang bisexual.
Ang kakulangan ng tamang kaalaman na may kaugnayan sa tunay na personalidad, ugali at katauhan ng isang
bisexual ay ang maituturing na dahilan . Dahil sa maling bansag o tawag na ibinibigay sa bisexual lalo nitong pinalala
ang pananaw ng marami. Tahasan silang nahuhusgahan ng nakakarami ng walang basehan.
3. Simbahan - Ayon sa simbahan dalawang kasarian lamang ang nilikha ng Dios ang babae at lalaki. Ang bakla,
tomboy o kahit bisexual man ay hindi nila tanggap bilang tunay na paglalarawan ng isang pagkatao. Samakatuwid,
hindi kinikilala ng simbahan ang mga homosexual at bisexual. Ang sakramento ng kasal ay hindi maaring ipagkaloob
ng simbahang katoliko sa may parehong kasarian. Kaya tanging babae at lalaki lamang ang binabasbasan ng pari.
Bagaman may ilang mga bansa na rin ang lubusang tinatanggap ang pagpapakasal ng bisexual.

ANG PAGTANGGAP SA IBAT -IBANG BANSA NG LGBT

Ayon sa Pew Research Center, may 39 na bansa sa North America, European Union at Latin America ang may
malawak na pagtanggap sa homosexuality samantalang ito naman ay mahigpit na tinututulan sa mga bansa sa
Africa, mga bansang Muslim at iba pang lugar sa Asya at Russia. Ang South Africa ay may liberal na pakikitungo sa
mga gay at lesbian. Ginagarantiyahan ng Konstitusyon nito ang pagbibigay ng karapatan sa kanila at sa same sex
marriage. May mga estado sa United States, kasama ang Washington DC, ang nagpapahintulot sa same sex couple.
Sa Austria, Germany, Ireland, Switzerland, ay kinokon- sidera ang pagpasa ng batas ukol sa same sex marriage.
Ang same sex marriage sa Finland ay nagging legal noong 2017. Ang France naman ay kilalang
pinakapalakaibigang bansa sa mga LGBT sa buong mundo. Ang France ang pang 13 na bansa na nagsa legal ng
same sex marriage noong 2013 at may batas na rin na nagbabawal sa din sa Diskriminasyon batay sa sexual na
oryentasyon at gender identity, sa bansang Japan, Thailand , Vietnam legal ang homosexuality samantalang
mahigpit naman itong ipinagbabawal sa Singapore at Malaysia. Sa mga bansa sa Africa, ang Mauritania, Sudan at
North Nigeria ang homosexuality ay may kaparusahang kamatayan , sa Uganda, Tanzania, at Sierra Leone ang
masumpungan na homosexual ay habambuhay na ikukulong at sa Nigeria nagdagdag sila na kapag sinoportahan
ang mga LGBT sila ay makukulong ng 10 taon. Sa Pilipinas ang bansa naman natin ay pang sampu sa mga pinaka
gay friendly sa mundo at ang nangunguna sa Asya. 2010 pinayagan na ang paglahok sa pulitiko , 2009 pinayagan
na sumali sa Armed Forces of the Philippines, gayunpaman hindi pa rin sila lubusang tanggap ng ibang komunidad,
nakakaanas pa rin sila ng Diskriminasyon sa kanilang kapwa.

AP10 PAGE 2
NAUNAWAAN BA NATIN ANG TEKSTO? SIGE SUBUKAN NATIN NA SAGUTIN ANG MGA GAWAIN:

Gawain I: Panuto: Uriin natin ang pangungusap, Isulat natin kung anong uri ng Karahasan ang bawat
pangungusap. (Pisikal na Karahasan , Sexual na Karahasan , Sikolohikal na Karahasan
at Pinansyal na Pangaabuso.)

1. Hindi pagbibigay ng sahod o sweldo.


2. Tinatawag ang asawa sa ibang pangalan o bansag. Hal. kung ito ay malusog tinatawag itong taba.
3. Sinasaktan ang katawan o binubugbog.
4. Hindi pinapapunta sa mga kamag anak o kaibigan.
5. Pinupuna ang kasuotan ng asawa.
6. Pinipilit makipagtalik kahit ayaw ng asawa.
7. Kinukulong sa bahay at hindi pinalalabas.
8. Sinasaktan ang mga anak o alagang hayop.
9. Nagkakaroon ng kaselasyong iba.
10. Nagiging pala asa ang babae pagdating sa pinansyal.

Gawain II: Panuto: Isulat sa patlang ang tamang kasagutan.

1. Ang Pilipinas ay nananatili sa _____________ pwesto sa pagiging Gay Friendly o Gay Equal.
2. Isang samahan ng mga kababaihan sa Pilipinas na laban sa karahasan at kumatha ng Seven Deadly
sins against women ay ang tinatawag na _______________
3. ____ porsiyento ng kababaihan na nakakaranas ng pangaabusong sexual at pisikal sa edad na 15-49.
4. Ayon sa Global Gender Report ang Pilipinas ay nanguna sa 2 salik na nagpapahayg ng Gender Equal
ang bansa. Ano ang dalawang salik na nabanggit. _______________at no. 5.______________________.
6. Ang mga bansang ito sa ay Asya ay tinatanggap na legal ang same sex relation. Ito ay
___________, 7. ______________8.____________samantalang ang dalawang bansang ito sa Asya sa
kanila ay may kaparusahan . Ito ay ang bansang 9. __________________ 10. _____________________

Gawain III: Panuto; Ipaliwanag ang kasagutan sa mga sumusunod na tanong : Ipaliwanag ito gamit ang
mga 3 o higit pang nangungusap.

1. Ano ang pagkakaunawa mo sa salitang Domestic Violence mula sa mga halimbawang nabanggit?

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, Bakit ba nagkakaroon ng Diskriminasyon? Ipaliwanag mo nga ang iyong kasagutan?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
3. Paano mo bibigyang halaga ang iyong kapwa tao? Magbigay ng halimbawa
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
4. Papaano ka makikipamuhay sa ibat -ibang personalidad?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
5. Mula sa ating tinalakay, ano ang itinuturing mong mahalaga?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Sanggunian: Learning Module Kontemporaryong Isyu at Supplementary Module

Inihanda ni

Bb. Amelita D. Udtuhan


Writer

AP10 PAGE 3

You might also like