You are on page 1of 36

Balik Aral

Ilarawan ang Gender Role

● Pangkulturang Pangkat ng Papua New


Guinea
Diskriminasyon sa mga Lalaki,
Babae at LGBT
MELC:

Nasusuri ang diskriminasyon at diskriminasyon sa kababaihan,


kalalakihan at LGBT (Lesbian, Gay, Bi – sexual, Transgender)
Mga Layunin:

1. Naibibigay ang kahulugan ng diskriminasyon;

2. Naiisa-isa ang mga uri ng diskriminasyon;

3. Nasusuri ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at


LGBT; at

4. Nakapagbibigay saloobin o reaksyon tungkol sa diskriminasyon sa


Kababaihan, kalalakihan at LGBT.
Diskriminasyon

Ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon


batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng
kanilang karapatan o kalayaan.
Mga Uri ng Diskriminasyon

Diskriminasyon sa Lahi o Rasismo – ito ay ang pagbibigay


ng hindi patas na trato o pagtingin sa mga tao batay sa
kanilang lahi o etnisidad

Diskriminasyon sa katayuan sa Buhay – ito ay ang


pagbibigay ng hindi patas na trato sa mga tao batay sa
kanilang katayuan sa buhay tulad ng estado sa Lipunan,
estado ng trabaho o estado ng edukasyon
Mga Uri ng Diskriminasyon

Diskriminasyon sa Lahi o Rasismo – ito ay ang pagbibigay


ng hindi patas na trato o pagtingin sa mga tao batay sa
kanilang lahi o etnisidad

Diskriminasyon sa katayuan sa Buhay – ito ay ang


pagbibigay ng hindi patas na trato sa mga tao batay sa
kanilang katayuan sa buhay tulad ng estado sa Lipunan,
estado ng trabaho o estado ng edukasyon
Mga Uri ng Diskriminasyon

Diskriminasyon sa trabaho – sa proseso ng pag-aaplay ng trabago


maaaring mangyari ang diskriminasyon. Hal. Ay ang hindi pagbibigay
ng pagkakataon sa mga taong may kapansanan o pag-iiba sa hitsura ng
trabaho

Diskriminasyon sa Edukasyon – ang pagpapabaya sa pagbibigay ng


pantay na edukasyonal na opoprtunidad sa lahat ng mag-aaral

Diskriminasyon sa kasarian o Sexismo – ito ay ang pagturing ng hindi patas


sa mga tao batay sa kanilang kasarian.
Ayon sa United Nations Office of the Special Adviser on
Gender Issues,
ang diskriminasyon ay makikita sa iba’t ibang aspekto ng
lipunan.
● Sa aspektong ekonomiko, ang babae at lalaki sa isang tahanan ay
may pagkakaiba sa mga gawaing
pagdedesisyon at sa paghahanap ng mapagkukunan ng
pangangailangan sa tahanan.

● Madalas naiiwan ang kababaihan sa tahanan, hindi nabibigyan ng


oportunidad sa pag-aaral at pagtatrabaho.
● Ang mga kalalakihan ay nabibigyan ng maraming oportunidad sa
trabaho, mataas na sahod, at mataas na position.

● Sa aspektong politikal, magkaiba ang kapangyarihang itinalaga


sa bawat kasarian.

● Kalalakihan ang ginagawaran ng malaking kapangyarihan sa


pamamahala sa komunidad at mga institusyon.
Sa maraming bahagi ng daigdig, limitado
lamang ang natatanggap ng mga kababaihan at homosekswals
sa
pampublikong serbisyo tulad ng kalusugan, edukasyon, at
trabaho.
Sa Pilipinas, kahit malayo na ang narating ng kababaihan
sa larangan ng pulitika, negosyo, media
akademya, at iba pang larangan; nanatiling biktima pa rin sila ng
diskriminasyon at karahasan.

Ngunit hindi lamang sila ang nahaharap sa


diskriminasyon at karahasan, maging ang lalaki din ay biktima
nito.
Panghuli, ang tinawag ni Hillary Clinton (2011) na
“invisible minority” ay ang mga LGBT, ang kanilang mga
kwento ay itinago, inilihim, at marami sa kanila ang nanahimik
dahil sa takot.

Marami sa kanila ang nahaharap sa malaking hamon ng


pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan,
negosyo, lipunan, at maging sa kasaysayan.
Ayon sa United Nations Office of the High Commissioner
for Human Rights o UN-OHCHR noong 2011 may mga LGBT
(bata at matanda) na nakaranas nang di pantay na pagtingin at
pagtrato ng kanilang kapwa, pamilya, komunidad at pamahalaan.
GENDER DISCRIMINATION MOVIE.mp4
ANO ANG INYONG NARAMDAMAN MATAPOS
MAPANOOD ANG VIDEO?
NAGAGANAP PA RIN BA ITO SA KASALUKUYANG
PANAHON?
SAPALAGAY NINYO, NAGAGANAP BA ANG GANITONG
DISKRIMINASYON SA MGA TAHANAN NG PAMILYANG
PILIPINO NGAYON? BAKIT OO? BAKIT HINDI?
DAPAT NGA BANG WAKASAN ANG DISKRIMINASYON?
THANK YOU!
Balik-aral

Paksa:

Karahasan sa mga Kalalakihan, Kababaihan, at LGBT


MELC:

Nasusuri ang diskriminasyon at diskriminasyon sa kababaihan,


kalalakihan at LGBT (Lesbian, Gay, Bi – sexual, Transgender)

Mga Layunin:

1. Naibibigay ang kahulugan ng karahasan;


2. Naiisa-isa ang mga karahasang nararanasan ng mga kababaihan sa
iba’t ibang lipunan sa mundo; at
3. Natatakay ang mga palatandaan ng domestic violence o karahasan.
KARAHASAN
Ayon sa United Nations, ang karahasan sa kababaihan (violence against
women) ay anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa
pisikal, sekswal o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan,
kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakararanas ng
pang-aalipusta, di makatarungan at hindi pantay na pakikitungo at
karahasan
Domestic Violence

• Domestic Violence o Karahasan sa Tahanan – ay


tumutukoy sa marahas o agresibong gawi sa
loob ng tahanan. Ang halimbawa nito ay paulit-
ulit na pang-aabuso sa isang kasalukuyang
asawa, kinakasama o anak. Anumang anyo ng
pisikal o sekswal na pang-aabuso at emosyonal
na pagmamanipula o pagkokontrol ay maaaring
karahasan sa tahanan
• Datos ng Domestic Violence sa Buong Mundo at Pilipinas
• Marami sa pag-aaral na ang domestic violence ay isang
worldwide na phenomena – ito ay nangyayari sa maraming mga
pamilya at partnership sa buong mundo. Ayon sa World Health
Organization (WHO), isa sa tatlong babae sa buong mundo ang
nakararanas ng karahasan . Karamihan dito ay nasasaktan ng
kanilang asawa o partner.

Batas Laban sa Domestic Violence o Karahasan sa Kababaihan


RA 9262 o “Anti Violence Against Women and their Children” ito
ang batas na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan
Panggagahasa o rape

• Ang panggagahasa ay isang uri ng sekswal na panghahalay o pag-


atake (sexual assault) na karaniwang nasa anyo ng pagtatalik o iba
pang uri ng penetrasyong sekswal na walang pahintulot o labag sa
kalooban ng babae. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng
pisikal na lakas, pamimilit, pang-aabuso sa kapangyarihan o
pananakot (blackmail) may mga biktima rin ng rape sa mga taong
walang malay, baldado, o wala sa tamang pag-iisip.
• RA 8353 o Anti Rape Law of 1997 – Ayon sa batas ng Pilipinas,
itinuturing na isang criminal na pagkakasala ang panggagahasa.
Naglalayon ito na mabigyang proteksyon ang mga kababaihan laban
sa mapang-abusing sekswal.
Prostitusyon

• Ang prostitusyon ay tumutukoy sa mga gawaing


sekswal na may kapalit na kabayarang salapi o mga
material na bagay na may halaga katulad ng mga
alahas at iba pa.

• RA 9208 Anti Trafficking in person Act of 2003 –


naglalayong ipagbawal at ipatigil ang prostitusyon sa
Pilipinas.
2013 National Demographic Health Survey

➢ Tinatayang isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang


nakaranas ng pananakit na pisikal simula edad 15.
➢ Anim na porsyento ang nakaranas ng pananakit na pisikal; 6% ng
mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na sekswal.
➢ Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang
nakaranas ng emosyonal, pisikal o sekswal mula sa kanilang
asawa.
PALATANDAAN NG KARAHASAN O DOMESTIC VIOLENCE-Ikaw ay
nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:

➢ Tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa iyo at sa ibang tao, iniinsulto ka;
➢ Pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
➢ Pinipilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan; sinusubukan kang kontrolin sa
paggastos sa pera, saan ka ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot;
➢ Nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
➢ Nagagalit kung umiinom ng alak;
➢ Pinagbabantaan ka na sasaktan;
➢ Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktang ang iyong mga anak o mga alagang hayop;
➢ Pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban; at
➢ Sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang sa iyo ang ginawa niya
sa iyo
Karahasan sa mga Kababaihan na umiiral sa iba’t ibang
kultura at lipunan sa daigdig

➢ Foot binding (China) - pagpapaliit ng mga paa hanggang sa tatlong


pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa
talampakan. Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o bubog sa
pamamagitan ng pag bali ng mga buto ng paa nang paunti-unti gamit ant
telang mahigpit na ibinalot sa buong paa. Ang ganitong klase ng mga paa
ay tinatawag ding lutos feet o lily feet. Kinikilala ito bilang simbolo ng
yaman, ganda at pagiging karapatdapat sa pagpapakasal. Tinanggal ang
ganitong sistema noong 1911 sa panahon ng panunungkulan ni Sun Yat
Sen.
Karahasan sa mga Kababaihan na umiiral sa iba’t ibang
kultura at lipunan sa daigdig

➢ Breast ironing (Africa-Cameroon, Chad,Benin Ivory Coast, Guinea Bissau, Guinea-


Conarky, Kenya, Togo at Zimbabwe) - Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng
batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pina-init sa apoy.

Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsasagawa nito ay normal lamang at ang mga
dahilan nito ay upang:

● Maiwasan ang maagang pagbubuntis ng anak


● Maiwasan ang Paghinto sa pag-aaral at
● Maiwasan ang pagkagahasa
Karahasan sa Kalalakihan, Kababaihan at LGBTQIA+.mp4

You might also like