You are on page 1of 31

Iba’t Ibang

anyo ng
Karahasan
Karahasan
sa mga
Kababaihan
violence against women
•anumang karahasang nauugat sa kasarian
na humahantong sa pisikal, seksuwal o
mental na pananakit o pagpapahirap sa
kababaihan, kasama na ang mga
pagbabanta at pagsikil sa kanilang
Kalayaan
•Maaari rin itong sa paraang berbal,
seksuwal, sikolohikal, at ekonomikal.
General Assembly Binding Women for Reforms,
Integrity, Equality, Leadership, and Action
(GABRIELA)
• iba’t ibang anyo ng karahasang nararanasan ng kababaihan na
tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang mga ito
ay ang:
• 1. pambubugbog/pananakit,
• 2. panggagahasa,
• 3. incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
• 4. sexual harassment,
• 5. sexual discrimination at exploitation,
• 6. limitadong access sa reproductive health, at
• 7. sex trafficking at prostitusyon.
Foot Binding (China)
• Lotus feet o lily feet
• sinasagawa ng mga
sinaunang babae sa China
• Ang mga paa ng mga babaeng
ito ay pinapaliit hanggang sa
tatlong pulgada gamit ang
pagbalot ng isang pirasong
bakal o bubog sa talampakan.
Foot Binding (China)
• Ang korte ng paa ay
pasusunurin sa bakal o bubog
sa pamamagitan ng pagbali sa
mga buto ng paa nang paunti-
unti gamit ang telang mahigpit
na ibinalot sa buong paa.
• simbolo ng yaman, ganda, at
pagiging karapat-dapat sa
pagpapakasal
breast ironing o breast flattening (Africa)
• isang kaugalian sa bansang
Cameroon sa kontinente ng
Africa
• pagbabayo o pagmamasahe
ng dibdib ng batang
nagdadalaga sa
pamamagitan ng bato,
martilyo o spatula na pinainit
sa apoy
breast ironing o breast flattening (Africa)
• Ipinapaliwanag ng ina sa
anak na ang pagsagsagawa
nito ay normal lamang upang
maiwasan ang:
• (1) maagang pagbubuntis ng
anak;
• (2) paghinto sa pag-aaral; at
• (3) pagkagahasa.
breast ironing o breast flattening (Africa)
•isinasagawa rin ang
breast ironing o breast
flattening sa mga
bansang Benin, Chad,
Ivory Coast, Guinea-
Bissau, Guinea-Conakry,
Kenya, Togo, at
Zimbabwe
International Day for the Elimination of
Violence Against Women
•Nobyembre 25 hanggang December 12 na
tinaguriang 18 Day Campaign to End
VAW na ayon sa mandato ng
proclamation 1172 s. 2006
•layuning ipaalam ang iba’t ibang uri ng
karahasan sa mga kababaihan at kung
paano ito mapipigilan
ISTATISKA NG
KARAHASAN SA
KABABAIHAN
2017 National Demographic
and Health Survey (NDHS)
A. Isa sa bawat apat (26%) na babaeng may edad 15-49 ang
nakaranas ng pananakit na pisikal, seksuwal, at
emosyonal. Karamihan sa mga nananakit ay ang mga
kasalukuyang asawang lalaki o partner.
B. Limang porsyento (5%) na babae ang nakaranas ng
seksuwal na pananakit.
C. Labing-apat na porsyento (14%) na mga babae ang
nakaranas ng pisikal na pananakit.
D. Isa sa bawat lima (20%) na babaeng may-asawa ang
nakaranas ng emosyonal na pananakit mula sa kanilang
mga asawa o partner.
GABRIELA
•General Assembly Binding Women for
Reforms, Integrity, Equality, Leadership,
and Action
•isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t
ibang porma ng karahasang nararanasan ng
kababaihan na tinagurian nilang “Seven
Deadly Sins Against Women”
Seven Deadly Sins Against Women
1. pambubugbog/pananakit,
2. panggagahasa,
3. incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
4. sexual harassment,
5. sexual discrimination at exploitation,
6. limitadong access sa reproductive health,
7. sex trafficking at prostitusyon.
Domestic
Violence
1. tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda
(name calling) para sa iyo at sa ibang tao, iniinsulto
ka;
2. pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
3. pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o
mga kaibigan, sinusubukan kang kontrolin sa
paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang
iyong mga isusuot;
4. nagseselos at palagi kang pinagdududahan na
nanloloko;
5. nagagalit kung umiinom ng alak, o gumagamit ng
droga;
6. pinagbabantaan ka na sasaktan;
7. sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang
iyong mga anak o mga alagang hayop;
8. pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong
kalooban; at
9. sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi na
nararapat lamang ang ginawa sa iyo.
Karahasan
sa mga
Kalalakihan
•Pisikal, emosyonal at seksuwal
•pisikal na pananakit mula sa
kanilang asawa o partner
•Marami pa ring mga lalaking
biktima ng karahasan ang
nahihiyang lumantad
Karahasan
sa mga
LGBTQ
•Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong
2015 mahigit 1,700 LGBTQIA+ ang biktima
ng pagpatay mula 2008-2015.
•Ang United Nations Human Rights Council
ay nagkaroon ng ulat noong 2011 tungkol
sa mga ebidensya at kaso ng mga
diskriminasiyon at karahasan laban sa
mga LGBTQIA+.
•ang bansang Uganda ay nagpasa
ng batas na Anti-Homosexuality
Act of 2014 na nagsasaad na ang
same-sex relations at marriages
ay maaaring parusahan ng
panghabambuhay na
pagkabilanggo.
Karahasan
sa mga
LGBTQ
1. pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong
pamilya, mga kaibigan, at mga kakilala ang
iyong oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian;
2. sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng
pamahalaan ang mga gay, bisexual at
transgender; at
3. sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay
natural na bayolente.
Maari mong
malamang inaabuso
ka na kung
napapansin mo ang
ganitong
pangyayari:
1. pinagbabantaan ka ng karahasan;
2. sinasaktan ka na (emosyonal o pisikal);
3. humihingi ng tawad, nangangakong
magbabago, at nagbibigay ng suhol;
4. paulit-ulit ang ganitong pangyayari; at
5. mas dumadalas ang pananakit at
karahasan at mas tumitindi sa paglipas
ng panahon.
Gawain 1
Gawin ang Word Puzzle sa iyong
kwaderno. Matapos ito hanapin
at bilugan sa loob ng kahon ang
limang anyo ng karahasan sa
kababaihan.
Gawain 2
Suriin ang mga pangungusap.
Isulat sa sagutang papel ang K
kung ang sitwasyon ay
naglalarawan ng karahasan at D
kung diskriminasyon.
_____ 1. Ang sapilitang pagtatalik o pamimilit sa isang tao na
gumawa ng mga sexual na kilos.
_____ 2. Sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera at
kung saan ka
pupunta.
_____ 3. Laganap pa rin ang pagbibigay ng trabaho ayon sa
kasarian o pananaw na trabaho ng babae at lalaki.
_____ 4. Ang hindi pagbibigay ng paid maternity leave para sa
mga nagdadalang-tao at paternal leave para sa mga ama.
_____ 5. Ang pagsusubaybay sa bawat kilos ng isang tao sa
pamamagitan ng social media.

You might also like