You are on page 1of 5

PAGADIAN DIOCESAN SCHOOLS

HOLY CHILD’S ACADEMY


Pagadian City

S T U D E N T ‘ S A C T I V I T Y I N
ARALING PANLIPUNAN 10

Teacher’s Name: Christine Joy D. Tubal Lesson #: 3.4 Topic: Diskriminasyon sa Iba’t Ibang Kasarian
Content Standards: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa: sa kahalagahan ng karapatang pantao sa pagsusulong
ng pagkapantay-pantay at respeto sa tao bilang kasapi ng pamayanan, bansa, at daidig.
Performance Standards: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng dokyumentaryo na nagsusulong ng paggalang sa
karapatan ng mga mamamayan sa pagpili ng kasarian at sekswalidad
Learning Competencies: Ang mga mag aaral ay:
1. Nasusuri ang iba’t ibang salik na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng
diskriminasyon sa kasarian. AP10IKPIIId-7
a. Matukoy ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT ( Lesbian, Gay ,
Bi –sexual , Transgender); at
b. Masuri ang karahasan sa kababaihan, kalalakihan at LGBT.
Reference/s: Soriano, Celia D., Antonio, Eleanor D., Dallo, Evangeline M., Imperial, Consuelo M., Samson, Maria
Carmelita., (2016) Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig (Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan),
REX Book Store,Inc.
Values: Pagpapahalaga sa Sarili

INTRODUCTION

Gawain 1. Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tinutukoy sa tamang
kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o retriksyon batay sa kasarian na naglalayon o


nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga karapatan o kalayaan ng lahat ng
kasarian.
A. Diskriminasyon B. Isyung pangkasarian C. Karahasan D. Pagkakakilanlang
pangkasarian
2. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap
sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang
sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng karahasan maliban sa isa.
A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo.
C. Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang ang ginagawa niya sa iyo.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop.
3. Siya ay nakilala dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng mga batang babae sa
edukasyon sa Pakistan.
A. Ellen Degeneres B. Malala Yousafzai C. Imran Khan D. Molano Jamil
4. Ang mga sumusunod ay resulta ng pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme
(UNDP) at ng United States Agency for International Development (USAID) maliban sa isa.
A. May mga panggagahasa sa mga lesbian B. Ang LGBT ay may bias sa serbisyong medikal C. Ang
LGBT ay may malaking oportunidad sa trabaho D. Patuloy ang pagtaas ng kaso ng pagpatay sa mga LGBT
5. Ang foot binding ay sinaunang tradisyon ng bansang ___________.
A. Uganda B. China C. India D. Pakistan

INTERACTION

TALA NG KONSEPTO
Sa bahaging ito ng aralin matutunghayan mo ang ilang mga halimbawa ng mga karahasang kinakaharap ng
babae, lalaki, at LGBT. Inaasahan din na matapos ang mga gawaing nakapaloob dito, matataya at
masusuri mo ang mga nasabing isyu, at magkakaroon ka ng mas matibay malinaw na pag-unawa sa
lahat ng kasarian. Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP)
at ng United States Agency for International Development (USAID) na may titulong “Being LGBT
in Asia: The Philippines Country Report”, ang mga LGBT ay may kakaunting oportunidad sa trabaho,
bias sa serbisyong medikal, pabahay at maging sa edukasyon. Sa ibang pagkakataon din, may mga
panggagahasa laban sa mga lesbian. At ang patuloy na pagpatay sa mga LGBT kahit na patuloy ang
panawagan sa pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso.
Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong 2012 may 1,083 LGBT ang biktima ng pagpatay mula
2008- 2012. Noong 2011, ang United Nations Human Rights Council ay nagkaroon ulat tungkol sa
mga ebidensya at kaso ng mga diskriminasiyon at karahasan laban sa mga LGBT.

Karahasan/Diskriminasyon sa Kababaihan
Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakararanas ng pang-aalipusta, hindi
makatarungan at di pantay na pakikitungo at karahasan. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay
umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at lipunan sa daigdig. Mababanggit ang kaugaliang foot
binding noon sa China na naging dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan. Ang foot binding ay
isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit
hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang
korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa.

Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa.
Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o
spatula na pinainit sa apoy. May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaeng
may edad siyam ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsagsagawa nito ay normal
lamang at ang mga dahilan nito ay upang: maiwasan ang (1) maagang pagbubuntis ng anak; (2)
paghinto sa pag-aaral; at (3) pagkagahasa.nti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot sa buong paa.

Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:


❖ tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa iyo at sa ibang tao, iniinsulto ka;
❖ pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
❖ pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan; sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa
pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot;
❖ nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
❖ nagagalit kung umiinom ng alak o gumagamit ng droga;
❖ pinagbabantaan ka na sasaktan;
❖ sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang hayop;
❖ pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban at
❖ sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang sa iyo ang ginagawa niya sa iyo.
Ito naman ay para sa mga bakla, bisexual at transgender:
❖ Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang iyong oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
❖ Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bisexual at transgender
❖ Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente
Maari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo ang ganitong pangyayari:
❖ pinagbabantaan ka ng karahasan.
❖ sinasaktan ka na(emosyonal o pisikal)
❖ humihingi ng tawad, nangangakong magbabago, at nagbibigay ng suhol.
❖ Paulit-ulit ang ganitong pangyayari.
❖ Kadalasang mas dumadalas ang pananakit at karahasan at mas tumitindi sa paglipas ng panahon.
Gawain 2: I-Tsek Mo!
Panuto: Alin sa mga sumusunod ang kinakaharap ng LGBT batay sa pag-aaral na inilabas ng UNDP at USAID?
Lagyan ang tsek ang patlang bago ang pahayag.

_______ 1. maraming oportunidad sa trabaho


_______ 2. hindi patas sa serbisyong medikal
_______ 3. may bias sa sistema ng edukasyon
_______ 4. walang kaso ng panggagahasa sa mga lesbian
_______ 5. patuloy na pagtaas ng kaso ng pagpatay sa mga LGBT

Gawain 3: Iba’t Ibang Kasarian, Igalang!

Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagtataguyod ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang
kasarian? Magbigay ng dalawang kongkretong halimbawa o sitwasyon.

Gawain 4: Diskriminasyon o Karahasan?


Panuto: Isulat ang titik D kung ang sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng diskriminasyon at K kung
karahasan.
_____1. Hindi pagtanggap sa trabaho dahil sa kasarian
_____2. Pinipilit makipagtalik
_____3. Pagkontrol sa paggastos ng pera
_____4. May bias sa serbisyong medical
_____5. Pisikal na pananakit
_____6. Pagdududa
_____7. Pagbabawal sa male’s rest room ang isang transman
_____8. Pagbabanta
_____9. Pagbabawal na tumakbo sa halalan ang isang transgender
_____10. Pagtawag sa ibang pangalan

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang foot binding? Paano ito isinasagawa? Sang-ayon ka ba dito? Bakit?

2. Paano isinasagawa ang breast ironing o breast flattening? Ano ang mga dahilan ng pagsasagawa nito? Makatuwiran
ba ang mga ito?

INTEGRATION

Closure/ Synthesis:
Gawain 4: Ang Sa Akin Lang Naman…

Mula sa mga paksang tinalakay hinggil sa diskriminasyon at karahasan sa iba’t ibang kasarian, ano ang iyong
naging repleksiyon?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________

Reflection Guide

Bilang isang mag-aaral, paano mo isusulong ang pagkawala ng diskriminasyon na ating tinatamasa ngayon?
Ano ano ang nararapat mong gawin upang maibsan ang mga problema na dulot ng diskriminasyon at
karahasan? Paano mo papahalagahan ang mga taong malapit sayo na nakakaranas ng ganyang Sistema?
Ipaliwang ang iyong sagot sa loob ng limang pangungusap.

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

INTERVENTION

Post- Assessment

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang letra ng wastong sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng domestic violence?


A. Paninipa at pananampal B. Pilit na pakikipagtalik
C. Hindi pagkontrol sa paggastos ng pera D. pagseselos
2. Ang pagkakaroon ng lotus feet ay simbolo ng mga sumusunod maliban sa isa.
A. yaman B. ganda C. karapat-dapat sa pagpapakasal D. busilak na kalooban
3. Paano nakaapekto ang foot binding sa mga sinaunang kababaihan sa China?
A. Hindi sila nakapag-asawa B. Nalimitahan ang pagkilos at pakikisalamuha
C. Nahirapan silang makakuha ng trabaho D. Nahirapan silang magkaroon ng anak
4. Ang pagsasagawa ng breast ironing o flattening ay nag-ugat sa maling paniniwala. Ang mga sumusunod
ay mga dahilan nito maliban sa isa.
A. Para makaiwas sa pagkagahasa B. Para makaiwas sa maagang pagbubuntis
C. Para hindi makapag-asawa D. Para hindi mahinto sa pag-aaral
5. Ito ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan.
A. Tandang Sora B. Gabriela
C. Lakas ng Kababaihan D. Women Empowerment Council
6. Ito ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga karapatan o kalayaan ng lahat ng
kasarian.
A. Diskriminasyon B. Isyung pangkasarian C. Karahasan D. Pagkakakilanlang pangkasarian
7. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap
sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang
sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng karahasan maliban sa isa.
A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo.
C. Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang ang ginagawa niya sa iyo.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop.
8. Siya ay nakilala dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng mga batang babae sa
edukasyon sa Pakistan.
A. Ellen Degeneres B. Malala Yousafzai C. Imran Khan D. Molano Jamil
9. Ang mga sumusunod ay resulta ng pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme
(UNDP) at ng United States Agency for International Development (USAID) maliban sa isa.
A. May mga panggagahasa sa mga lesbian
B. Ang LGBT ay may bias sa serbisyong medikal
C. Ang LGBT ay may malaking oportunidad sa trabaho
D. Patuloy ang pagtaas ng kaso ng pagpatay sa mga LGBT
10. Ito ang konsehong naglabas ng ulat tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga diskriminasyon at karahasan
laban sa mga LGBT.
A. United Nations Development Programme
B. United States Agency for International Development
C. United States Homosexuality Council
D. United Nations Human Rights Council

You might also like