You are on page 1of 21

lOMoARcPSD|38019480

AP10 Q3 M2 - n/a

Accounting Cost and Control (Araullo University)

Scan to open on Studocu

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)
lOMoARcPSD|38019480

10
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 2:
Diskriminasyon at Karahasan sa Iba’t
Ibang Kasarian

AIRs - LM
Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)
lOMoARcPSD|38019480

Araling Panlipunan 10
Ikatlong Markahan - Modyul 2: Diskriminasyon at Karahasan sa Iba’t
Ibang Kasarian
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jennifer L. Santos


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph.D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS
Mario B. Paneda, Ed.D, EPS in Charge of Araling Panlipunan
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)


lOMoARcPSD|38019480

Sapulin

Nananatiling malaking isyu at hamon ang pagkakapantay-pantay ayon sa


kasarian. Sa Pilipinas, kahit malayo na ang narating ng kababaihan sa
napakaraming larangan tulad ng pulitika, negosyo, akademya, at iba pa,
nananatiling biktima pa rin sila ng diskriminasyon at karahasan. Ngunit hindi
lamang sila ang nahaharap sa mga ganitong sitwasyon. Ang mga kalalakihan din
ay biktima ng diskriminasyon at karahasan. Maging ang LGBT na tinawag ni
Hillary Clinton (2011) na invisible minority ay nahaharap din sa malaking hamon
ng pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan, negosyo, lipunan at
maging sa kasaysayan.
Sa araling ito, ilalatag ang impormasyong nagpapakita ng diskriminasyon at
karahasan sa mga babae, lalaki at LGBT. Nakapaloob din sa araling ito ang ilan sa
mga halimbawa ng mga nasabing diskriminasyon at karahasan sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang diskriminasyon at karahasan sa kababaihan, kalalakihan at LGBT

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

• Natutukoy ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT (


Lesbian , Gay , Bi –sexual , Transgender)

• Nasusuri ang karahasan sa kababaihan, kalalakihan at LGBT

Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)


lOMoARcPSD|38019480

Simulan

Gawain 1: Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na
tinutukoy sa tamang kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o retriksyon batay sa


kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at
pagtamasa ng mga karapatan o kalayaan ng lahat ng kasarian.
A. Diskriminasyon
B. Isyung pangkasarian
C. Karahasan
D. Pagkakakilanlang pangkasarian

2. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng
karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence,
maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang sumusunod ay palatandaan ng
ganitong uri ng karahasan maliban sa isa.
A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo.
C. Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang ang
ginagawa niya sa iyo.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang
hayop.

3. Siya ay nakilala dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng


mga batang babae sa edukasyon sa Pakistan.
A. Ellen Degeneres
B. Malala Yousafzai
C. Imran Khan
D. Molano Jamil

4. Ang mga sumusunod ay resulta ng pag-aaral na inilabas ng United Nations


Development Programme (UNDP) at ng United States Agency for International
Development (USAID) maliban sa isa.
A. May mga panggagahasa sa mga lesbian
B. Ang LGBT ay may bias sa serbisyong medikal
C. Ang LGBT ay may malaking oportunidad sa trabaho
D. Patuloy ang pagtaas ng kaso ng pagpatay sa mga LGBT

Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)


lOMoARcPSD|38019480

5. Ito ang konsehong naglabas ng ulat tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga
diskriminasyon at karahasan laban sa mga LGBT.
A. United Nations Development Programme
B. United States Agency for International Development
C. United States Homosexuality Council
D. United Nations Human Rights Council

6. Ito ang bansang nagpasa ng batas na Anti-Homosexuality Act of 2014 na


nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng
panghabambuhay na pagkabilanggo.
A. Uganda
B. Pakistan
C. India
D. China

7. Ang foot binding ay sinaunang tradisyon ng bansang ___________.


A. Uganda
B. China
C. India
D. Pakistan

8. Tumutukoy ito sa anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong


sa pisikal, seksuwal, o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan,
kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
A. Sexual exploitation
B. Sexual discrimation
C. Violence against women
D. Domestic violenve

9. Ito ang bansang nagsasagawa ng sinaunang kaugalian na breast ironing o


breast flattening.
A. Uganda
B. Pakistan
C. China
D. Cameroon

10. Ito ay isinasagawa sa mga sinaunang babae sa China kung saan pinapaliit ang
kanilang mga paa hanggang sa tatlong pulgada.
A. Foot ironing
B. Foot binding
C. Foot shortening
D. Foot flattening

Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)


lOMoARcPSD|38019480

11. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng domestic violence?


A. Paninipa at pananampal
B. Pilit na pakikipagtalik
C. Hindi pagkontrol sa paggastos ng pera
D. pagseselos

12. Ang pagkakaroon ng lotus feet ay simbolo ng mga sumusunod maliban sa isa.
A. yaman
B. ganda
C. karapat-dapat sa pagpapakasal
D. busilak na kalooban

13. Paano nakaapekto ang foot binding sa mga sinaunang kababaihan sa China?
A. Hindi sila nakapag-asawa
B. Nalimitahan ang pagkilos at pakikisalamuha
C. Nahirapan silang makakuha ng trabaho
D. Nahirapan silang magkaroon ng anak

14. Ang pagsasagawa ng breast ironing o flattening ay nag-ugat sa maling


paniniwala. Ang mga sumusunod ay mga dahilan nito maliban sa isa.
A. Para makaiwas sa pagkagahasa
B. Para makaiwas sa maagang pagbubuntis
C. Para hindi makapag-asawa
D. Para hindi mahinto sa pag-aaral

15. Ito ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasang
nararanasan ng kababaihan.
A. Tandang Sora
B. Gabriela
C. Lakas ng Kababaihan
D.Women Empowerment Council

Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)


lOMoARcPSD|38019480

\
Lakbayin

Sa bahaging ito ng aralin matutunghayan mo ang ilang halimbawa ng


diskriminasyong kinakaharap ng babae, lalaki, at LGBT. Inaasahan din na
matapos ang mga gawaing nakapaloob dito, matataya at masusuri mo ang mga
isyu at magkakaroon ka ng mas malinaw na pag-unawa sa mga usapin tungkol sa
kasarian.

Basahin at unawain ang mga sumusunod na teksto.

Ang diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o


restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang
mga karapatan o kalayaan.

Si Malala Yousafzai at ang Laban sa Edukasyon ng Kababaihan sa


Pakistan
Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan ng bus patungong
paaralan, nang siya ay barilin sa ulo ng isang miyembro ng Taliban noong
ika-9 ng Oktubre 2012 dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya para sa
karapatan ng mga batang babae sa edukasyon sa Pakistan. Kinondena
hindi lamang ng mga Muslim ang pagtatangka sa buhay ni Malala.
Bumuhos ang tulong pinansyal upang agarang mabigyang lunas
ang pagbaril sa kanyang ulo. Sino nga ba si Malala? Ipinanganak siya noong ika-2
ng Hulyo 1997 sa Mingora, Swat Valley, sa hilagang bahagi ng Pakistan,
malapit sa Afghanistan. Taong 2007 nang masakop ng mga Taliban ang
Swat Valley sa Pakistan at mula noon ipinatupad nila ang mga
patakarang nakabatay sa batas Sharia ng mga Muslim. Kabilang sa mga
ito ay ang pagpapasara ng mga dormitoryo at paaralan para sa mga
babae, nasa mahigit 100 paaralan ang kanilang sinunog sa Pakistan
upang hindi na muli pang makabalik ang mga babae sa pag-aaral. Sa
mga taong ito, isang batang babae pa lamang si Malala na nangangarap
na makapag-aral. Nagsimula ang mga pagpapahayag ni Malala ng
kanyang mga adbokasiya noong 2009. Lumawak ang impluwensiya ni
Malala dahil sa kanyang pagsusulat at mga panayam sa mga pahayagan
at telebisyon. Dahil dito, nakatanggap ng mga banta sa kanilang buhay
ang pamilya ni Malala, ngunit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy
niya ang paglaban para sa edukasyon ng mga babae sa Pakistan.
Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa mundo ng tunay na
kalagayan ng edukasyon ng mga babae sa Pakistan. Matapos niyang
maoperahan, iba’t ibang mga pagkilala at pangaral ang kanyang
natanggap ngunit hindi niya kinalimutan ang mga kapwa niya babae hindi

Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)


lOMoARcPSD|38019480

lamang sa Pakistan, maging sa iba pang bahagi ng daigdig. Itinatag niya


noong 2013 ang Malala Fund, isang organisasyong naglalayon na
magkapagbigay ng libre, ligtas, at de-kalidad na edukasyon sa loob ng
12 taon. Naglaan din ang pamahalaan ng Pakistan ng malaking pondo
para sa edukasyon ng mga babae. Iginawad din sa kanya ang Nobel
Peace Prize kasama ang aktibistang si Kailash Satyarthai noong 2014.
Nakapagpatayo na rin siya ng paaralan sa Lebanon para sa mga batang babae na
biktima ng digmaang sibil sa Syria. Sa kasalukuyan, patuloy
ang pagpapakilala ni Malala sa tunay na kalagayan edukasyon ng mga
batang babae sa iba’t ibang bahagi ng daigdig sa pakikipagkita at
pakikipag-usap sa mga pinuno ng iba’t ibang bansa at pinuno ng mga
organisasyong sibil at non-government organizations o NGOs gaya ng
United Nations at iba pa.

Pamprosesong mga Tanong


1. Sino si Malala Yousafzai?
2. Ano ang kanyang ipinaglaban na nagresulta sa pagbaril sa kanyan ng mga
Taliban?
3. Ano ang naging reaksiyon ng mga tao sa pag-atake kay Malala?
4. Paano nakaapekto kay Malala ang pagtatangka sa kaniyang buhay?
5. Ikaw, bilang mamamayan, ano ang aral na maari mong makuha sa
buhay ni Malala?

Paksa: Karahasan sa mga Lalaki, Kababaihan, at LGBT

Sa bahaging ito ng aralin matutunghayan mo ang ilang mga halimbawa ng


mga karahasang kinakaharap ng babae, lalaki, at LGBT. Inaasahan din na
matapos ang mga gawaing nakapaloob dito, matataya at masusuri mo ang mga
nasabing isyu, at magkakaroon ka ng mas matibay malinaw na pag-unawa sa
lahat ng kasarian.

Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development


Programme (UNDP) at ng United States Agency for International
Development (USAID) na may titulong “Being LGBT in Asia: The
Philippines Country Report”, ang mga LGBT ay may kakaunting
oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medikal, pabahay at maging
sa edukasyon. Sa ibang pagkakataon din, may mga panggagahasa laban
sa mga lesbian. At ang patuloy na pagpatay sa mga LGBT kahit na
patuloy ang panawagan sa pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat
ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng Transgender
Europe noong 2012 may 1,083 LGBT ang biktima ng pagpatay mula
2008- 2012. Noong 2011, ang United Nations Human Rights Council ay
nagkaroon ulat tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga
diskriminasiyon at karahasan laban sa mga LGBT. Ang bansang Uganda
ay nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad

Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)


lOMoARcPSD|38019480

na ang same- sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng


panghabambuhay na pagkabilanggo.

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang nararanasan ng mga LGBT ayon sa pag-aaral na inilabas ng United
Nations Development Programme (UNDP) at ng United Agency for
International Development (USAID)?
2. Ano ang Anti-Homosexuality Act of 2014? Sa iyong palagay, makatuwiran ba
ito?

Karahasan/Diskriminasyon sa Kababaihan

Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay


nakararanas ng pang-aalipusta, hindi makatarungan at di pantay na
pakikitungo at karahasan. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay
umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at lipunan sa daigdig.
Mababanggit ang kaugaliang foot binding noon sa China na naging
dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.
Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China.
Ang mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada
gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang korte
ng paa ay pasusunurin sa bakal o bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga
buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot sa buong
paa.
Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos
isang milenyong umiral ang tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng ganitong klase
ng paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging
karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay
may bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at
ang kanilang pakikisalamuha.
Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong 1911 sa panahon ng
panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa di-mabuting dulot ng tradisyong ito.

Ano ba ang karahasan sa kababaihan? Ayon sa United Nations, ang


karahasan sa kababaihan (violence against women) ay anumang karahasang
nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit

Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)


lOMoARcPSD|38019480

o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa


kanilang kalayaan. May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng
paglabag sa karapatan ng kababaihan. Subalit ang nakakalungkot dito, ang
pagsasagawa nito ay nag-uugat sa maling paniniwala. Mababanggit na halimbawa
ang breast ironing o breast flattening sa Africa.

Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang Cameroon sa


kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga
sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. May pananaliksik noong
2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaeng may edad siyam ay apektado nito.
Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsagsagawa nito ay normal lamang at ang mga
dahilan nito ay upang: maiwasan ang (1) maagang pagbubuntis ng anak; (2) paghinto sa
pag-aaral; at (3) pagkagahasa.

Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas kundi


pati narin sa buong daigdig. Sa katunayan, itinakda ang Nobyembre 25 bilang
International Day for the Elimination of Violence Against Women. Tunghayan mo ang
istadistika sa susunod na pahina.

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang foot binding? Paano ito isinasagawa? Sang-ayon ka ba dito? Bakit?
2. Ano ang isinisimbolo ng lotus feet?
3. Paano isinasagawa ang breast ironing o breast flattening? Ano ang mga
dahilan ng pagsasagawa nito? Makatuwiran ba ang mga ito?

Ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity,


Equality, Leadership, and Action) ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t
ibang porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang
Seven Deadly Sins Against Women. Ang mga ito ay ang (1)
pambubugbog/pananakit, (2) panggagahasa, (3) incest at iba pang seksuwal na
pang-aabuso, (4) sexual harassment, (5)sexual discrimination at exploitation, (6)
limitadong access sa reproductive health, (7) sex trafficking at prostitusyon.
Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan ang
biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na
domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin. Ayon pa sa ulat, ang
ganitong uri ng karahasan sa mga lalaki ay hindi madaling makita o kilalanin. Ang
ganitong uri ng karahasan ay may iba’t ibang uri; emosyonal, seksuwal, pisikal, at

Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)


lOMoARcPSD|38019480

banta ng pang-aabuso. Tandaan din na ito ay maaaring maganap sa heterosexual


at homosexual na relasyon. Ngayon, iyong tunghayan ang mga palatandaan ng
ganitong uri ng karahasan.

Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:


❖ tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa iyo at sa ibang tao,
iniinsulto ka;
❖ pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
❖ pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan; sinusubukan
kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga
isusuot;
❖ nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
❖ nagagalit kung umiinom ng alak o gumagamit ng droga;
❖ pinagbabantaan ka na sasaktan;
❖ sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang
hayop;
❖ pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban at
❖ sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang sa iyo
ang ginagawa niya sa iyo.

Ito naman ay para sa mga bakla, bisexual at transgender:


❖ Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga kakilala
ang iyong oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
❖ Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bisexual at
transgender
❖ Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente

Maari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo ang ganitong


pangyayari:
❖ pinagbabantaan ka ng karahasan.
❖ sinasaktan ka na(emosyonal o pisikal)
❖ humihingi ng tawad, nangangakong magbabago, at nagbibigay ng suhol.
❖ Paulit-ulit ang ganitong pangyayari.
❖ Kadalasang mas dumadalas ang pananakit at karahasan at mas tumitindi sa
paglipas ng panahon.

Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)


lOMoARcPSD|38019480

Galugarin

Gawain 2: Paghahambing sa Edukasyon ng Pakistan at Pilipinas

Batay sa kwento ng buhay at pakikipaglaban ni Malala Yousafzai


sa mga Taliban sa Pakistan, paghambingin ang kalagayan edukasyon
ng mga batang babae sa Pilipinas at Pakistan. Maari pang magsaliksik
upang mas mapalalim ang pag-unawa sa paksa.

EDUKASYON NG KABABAIHAN
PILIPINAS PAKISTAN

Gawain 3: I-Tsek Mo!

Alin sa mga sumusunod ang kinakaharap ng LGBT batay sa pag-aaral na inilabas


ng UNDP at USAID? Lagyan ang tsek ang patlang bago ang pahayag.

_______ 1. maraming oportunidad sa trabaho


_______ 2. hindi patas sa serbisyong medikal
_______ 3. may bias sa sistema ng edukasyon
_______ 4. walang kaso ng panggagahasa sa mga lesbian
_______ 5. patuloy na pagtaas ng kaso ng pagpatay sa mga LGBT

10

Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)


lOMoARcPSD|38019480

Gawain 4: Pagtukoy sa Tiyak na Kaalaman

Tukuyin ang isinasaad ng mga sumusunod na pahayag.

1. Ito ay simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal


2. Tumutukoy ito sa anumang karahasang nauugat sa kasarian na
humahantong pananakit o pagpapahirap
3. Ito ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China
4. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa
pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy
5. Sa kanyang panunungkulan tinanggal ang sistema ng foot binding

Gawain 5: Girl Power

Sa kanang bahagi, magtala ng tatlong paraan kung paano mapipigilan ang


karahasan sa kababaihan. Sa kaliwa naman ay magtala ng tatlong paraan kung
paano mapagtitibay ang karapatan ng mga kababaihan.

PAANO MAPAGTITIBAY? PAANO MAPIPIGILAN?

11

Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)


lOMoARcPSD|38019480

Palalimin

Ang layunin mo sa bahaging ito ay magkaroon ka ng kritikal at malalim na


pagsusuri sa mga mahahalagang impormasyon ukol sa diskriminasyon at
karahasan sa mga kababaihan, kalalakihan at LGBT na magtutulak sa iyo upang
tumugon at makipagtulungan upang maisulong ang pagtanggap at paggalang sa
iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang
kasapi ng pamayanan.

Gawain 6: Ang Sa Akin Lang Naman…

Mula sa mga paksang tinalakay hinggil sa diskriminasyon at karahasan sa iba’t


ibang kasarian, ano ang iyong naging repleksiyon?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Gawain 7: Diskriminasyon o Karahasan?

Isulat ang titik D kung ang sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng


diskriminasyon at K kung karahasan.

1. Hindi pagtanggap sa trabaho dahil sa kasarian


2. Pinipilit makipagtalik
3. Pagkontrol sa paggastos ng pera
4. May bias sa serbisyong medical
5. Pisikal na pananakit
6. Pagdududa
7. Pagbabawal sa male’s rest room ang isang transman
8. Pagbabanta
9. Pagbabawal na tumakbo sa halalan ang isang transgender
10. Pagtawag sa ibang pangalan

12

Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)


lOMoARcPSD|38019480

Gawain 7: Iba’t Ibang Kasarian, Igalang!

Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagtataguyod ng pagtanggap at


paggalang sa iba’t ibang kasarian? Magbigay ng dalawang kongkretong halimbawa
o sitwasyon.

13

Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)


lOMoARcPSD|38019480

Sukatin

Pinatunayan mo ang iyong kagalingan sa pagsagot sa mga gawain sa modyul


na ito. Dahil dito, kailangan mo nang sagutin ang panghuling pagtataya upang
higit mong mapatunayan ang iyong pag-unawa sa lahat ng paksa na napapaloob
sa modyul na ito.

Gawain 8: Panghuling Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na
tinutukoy sa tamang kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng domestic violence?


A. Paninipa at pananampal
B. Pilit na pakikipagtalik
C. Hindi pagkontrol sa paggastos ng pera
D. pagseselos

2. Ang pagkakaroon ng lotus feet ay simbolo ng mga sumusunod maliban sa isa.


A. yaman
B. ganda
C. karapat-dapat sa pagpapakasal
D. busilak na kalooban

3. Paano nakaapekto ang foot binding sa mga sinaunang kababaihan sa China?


A. Hindi sila nakapag-asawa
B. Nalimitahan ang pagkilos at pakikisalamuha
C. Nahirapan silang makakuha ng trabaho
D. Nahirapan silang magkaroon ng anak

4. Ang pagsasagawa ng breast ironing o flattening ay nag-ugat sa maling


paniniwala. Ang mga sumusunod ay mga dahilan nito maliban sa isa.
A. Para makaiwas sa pagkagahasa
B. Para makaiwas sa maagang pagbubuntis
C. Para hindi makapag-asawa
D. Para hindi mahinto sa pag-aaral

5. Ito ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasang


nararanasan ng kababaihan.
A. Tandang Sora
B. Gabriela
C. Lakas ng Kababaihan
D. Women Empowerment Council

14

Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)


lOMoARcPSD|38019480

6. Ito ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa


kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at
pagtamasa ng mga karapatan o kalayaan ng lahat ng kasarian.
A. Diskriminasyon
B. Isyung pangkasarian
C. Karahasan
D. Pagkakakilanlang pangkasarian

7. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng
karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence,
maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang sumusunod ay palatandaan ng
ganitong uri ng karahasan maliban sa isa.
A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo.
C. Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang ang
ginagawa niya sa iyo.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o
alagang hayop.

8. Siya ay nakilala dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng


mga batang babae sa edukasyon sa Pakistan.
A. Ellen Degeneres
B. Malala Yousafzai
C. Imran Khan
D. Molano Jamil

9. Ang mga sumusunod ay resulta ng pag-aaral na inilabas ng United Nations


Development Programme (UNDP) at ng United States Agency for International
Development (USAID) maliban sa isa.
A. May mga panggagahasa sa mga lesbian
B. Ang LGBT ay may bias sa serbisyong medikal
C. Ang LGBT ay may malaking oportunidad sa trabaho
D. Patuloy ang pagtaas ng kaso ng pagpatay sa mga LGBT

10. Ito ang konsehong naglabas ng ulat tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga
diskriminasyon at karahasan laban sa mga LGBT.
A. United Nations Development Programme
B. United States Agency for International Development
C. United States Homosexuality Council
D. United Nations Human Rights Council

15

Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)


lOMoARcPSD|38019480

11. Ito ang bansang nagpasa ng batas na Anti-Homosexuality Act of 2014 na


nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng
panghabambuhay na pagkabilanggo.
A. Uganda
B. Pakistan
C. India
D. China

12. Ang foot binding ay sinaunang tradisyon ng bansang ___________.


A.Uganda
B.China
C.India
D.Pakistan

13. Tumutukoy ito sa anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong


sa pisikal, seksuwal, o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan,
kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
A.Sexual exploitation
B.Sexual discrimation
C.Violence against women
D.Domestic violenve

14. Ito ang bansang nagsasagawa ng sinaunang kaugalian na breast ironing o


breast flattening.
A.Uganda
B.Pakistan
C.China
D.Cameroon

15. Ito ay isinasagawa sa mga sinaunang babae sa China kung saan pinapaliit ang
kanilang mga paa hanggang sa tatlong pulgada.
A. Foot ironing
B. Foot binding
C. Foot shortening
D. Foot flattening

Binabati kita!

16

Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)


Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)
17
Pangwakas na Gawain Gawain 7
1. C 11. A 1. D
2. D 12. B 2. K
3. B 13. C 3. K
4. C 14. D 4. D
5. B 15. B 5. K
6. A 6. K
7. A 7. D
8. B 8. K
9. C 9. D
10. D 10. K
Gawain 2 Panimulang Gawain
1. 1. A 11. C
Gawain 4
2. A 12. D
1. Lotus feet
2. ∕ 3. B 13. B
1. Violence against
4. C 14. C
women
3. ∕ 5. D 15. B
2. Foot binding
6. A
3. Breast ironing o 4. 7. B
flattening
8. C
4. Sun Yat Sen 5. ∕ 9. D
10. B
Susi sa Pagwawasto
lOMoARcPSD|38019480
lOMoARcPSD|38019480

Sanggunian

A. Mga Aklat

• Department of Education. Araling Panlipunan 10 Learners Module.2017.

B. Iba pang Sanggunian

• https://www.mtholyoke.edu/courses/rschwart/h

• https://i.dailymail.co.uk.i/pix/2014/06/08/article2652228
1E92A95D00000578743964x963

• https://www.orijinculture.com/community/wpcontent/uploads/2012/06/
breastironing3

18

Downloaded by Toledo, Denise Klaire M. (deniseklairetoledo1207@gmail.com)

You might also like