You are on page 1of 10

LEARNING ACTIVITY SHEET

Ikatlong Markahan-Week 3

Pangalan: _______________ Iskor: ___________Baitang/Seksyon:__________


Asignatura: Araling Panlipunan 10 Guro: _________________ Petsa: _________

I. Pamagat ng Gawain: Konsepto ng Diskriminasyon

II. Uri ng Gawain: / Pagpapaunawa ng konsepto

Pangkalahatang Pagsusulit ( / Gawaing Pasulat Gawaing Pagganap)

III. MELC: Nasusuri ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT


(Lesbian, Gay, Bi – sexual, Transgender)

IV. Layunin ng Pag-aaral:


1. Natutukoy ang kahulugan at mga uri ng diskriminansyon.
2. Nasusuri ang mga epekto ng diskriminasyon.
3. Nakapagmumungkahi ng tamang hakbang para mabawasan o mapipigilan ang
karahasan at diskriminsayon.

V. Sanggunian:

1. Department of Education, “Kontemporaryong Isyu”, Modyul ng mga Mag-aaral, 2017


pahina 290-294
2. Kontemporaryong Isyu, Eleonor D. et al pahina 190 - 195
3.Mga isyu at hamong pangkasariang final (slideshare.net) discrimination-161215013200.pdf

VI. Pagpapaunawa ng konsepto:

Ang diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa


kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat
ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan. Ito ay hindi makatarungang pagtrato sa mga
tao dahil sa pagkakaiba ng kanilang katangian. Ang karahasan ay isang uri ng diskriminasyon
dahil sa di-pantay na relasyon, kapangyarihan at batayang inaasahan base sa kasarian; mga
gawaing nagdudulot ng pisikal, mental, o sekswal na sakit kasama ang pagbabanta, pamimilit,
at pagsikil sa kalayaan. May mga anyo ng diskriminasyon at ito ay maaaring maganap sa iba’t
ibang kadahilanan, pangkat, lugar at larangan

Ang VAWC (Violence Against Women and Children) ay isang diskriminasyon na


nagpapahiwatig na ang babae ay isang mababang uri ng tao. Ito ay tumutugon sa pang-aabuso
sa mga kababaihan at mga anak ng kanilang dati o kasalukuyang asawa o karelasyon (live-in
partner). Ito ay isang pampublikong krimen kung kaya’t bukod sa babaeng nakakaranas ng
pang-aabuso, ang VAWC ay maari ding isampa ng kanyang kapamilya, kabarangay, social
worker o concerned citizens.
1
ANYO NG KARAHASAN
Ang mga sumusunod na iba’t ibang anyo ng karahasan o pang-aabuso ay kabilang sa
mga aktong VAWC sa ilalalim ng batas:

a. Pisikal- panggugulpi, paninipa, pambubogbog, pananampal at pag-untog


b. Sekswal - panggagahasa, pamimilit na manood ng x-rated na pelikula, pambubugaw ng
asawa o anak, pamboboso, panghahalay
c. Sikolohikal- pamamahiya, paninira ng gamit pagkakait ng anak, pang-iinsulto, pagmumura,
stalking, panunutok ng baril, pagkulong sa bahay, pananakot
d. Ekonomikal o pinansyal- hindi pagbibigay ng suporta, pamimigil sa pagtratrabaho ng
babae ng walang sapat na dahilan, pagkuha o pagkontrol ng kita ng babae, panggigipit upang
di matugunan ang pangunahing pangangailangan ng babae at anak.

MGA EPEKTO NG DISKRIMINASYON


Iba’t iba ang maaaring maging epekto ng diskriminasyon sa mga tao. Ang epektong ito
ay hindi lamang makikita sa sa mga taong tuwirang nakaranas dito. Nadararama din ng
kaniyang kinabibilangang pamilya, pangkat, o pamayanan. Ang mga epekto ng dikriminasyon
ay maaaring pangkatin ayon sa sumusnod na mga kategorya:

a. Pisikal na epekto
• laging pagod o stress
• hirap makatulog
• hindi makakain
• walang oras na ayusin ang sarili
• pamamayat o pananaba
• kawalan ng enerhiya o gana

b. Emosyonal na epekto
• maaring magkaroon ng depression
• bumababa ang kanilang self-esteem
• takot
• galit
• iba’t ibang suliranin sa pag-uugali

c. Panlipunan na epekto
• takot na makihalubilo sa kapwa tao
• pagiging mapag-isa
• paggamit ng ipinagbabawal na gamot upang makaiwas sa problema
• labis na pag-inom ng alak
• pag-asa sa ibang tao
• paglayo sa mga kaanak, kaibigan o lipunan

d. Intelektuwal na epekto
• kakulangan ng motibasyon upang mag-aral o magtrabaho
• kakulangan ng pagkakataong makapag-aral o makapagtrabaho
• kakulangan sa mga kasayanan at kaalaman
• pagbuo ng maling paniniwala
• maling pagpapasya

2
Basahin ang kaso ni Malala Yousafzai at ang Laban sa Edukasyon sa Pakistan:

-Si Malala Yousafzai, o mas kilala bilang Malala sa nakararami, ay isang batang babae na
pinaglalaban ang mga karapatan ng mga kababaihan lalong-lalo na ang pagkakaroon ng
pagkakapantay-pantay na pagtatamo ng edukasyon.
Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan ng bus patungong paaralan, nang siya ay barilin sa
ulo ng isang miyembro ng Taliban noong ika-9 ng Oktubre 2012 dahil sa kanyang paglaban at
adbokasiya para sa karapatan ng mga batang babae sa edukasyon sa Pakistan.
Sa taong 2007 nang masakop ng mga Taliban ang Swat Valley sa
Pakistan at mula noon ipinatupad nila ang mga patakarang nakabatay
sa batas Sharia ng mga Muslim. Kabilang sa mga ito ay ang
pagpapasara ng mga dormitoryo at paaralan para sa mga babae. Nasa
mahigit 100 paaralan ang kanilang sinunog sa Pakistan upang hindi
na muli pang makabalik ang mga babae sa pag-aaral. Sa mga taong
ito, isang batang babae pa lamang si Malala na nangangarap na
(https://commons.wikimedia.org
/wiki/File:Malala_Yousafzai- makapag-aral. Nagsimula ang mga pagpapahayag ni Malala ng
_Education_for_girls_(22419395 kanyang mga adbokasiya noong 2009. Lumawak ang impluwensiya
331).jpg)
ni Malala dahil sa kanyang pagsusulat at mga panayam sa mga
pahayagan at telebisyon. Dahil dito, nakatanggap ng mga banta sa
kanilang buhay ang pamilya ni Malala, ngunit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya
ang paglaban para sa edukasyon ng mga babae sa Pakistan.
Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa mundo ng tunay na kalagayan ng
edukasyon ng mga babae sa Pakistan. Matapos niyang maoperahan, iba’t ibang pagkilala at
pangaral ang kanyang natanggap ngunit hindi niya kinalimutan ang mga kapwa niya babae
hindi lamang sa Pakistan, maging sa iba pang bahagi ng daigdig. Sa kasalukuyan, patuloy ang
pagpapakilala ni Malala sa tunay na kalagayan edukasyon ng mga batang babae sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig sa pakikipagkita at pakikipag-usap sa mga pinuno ng iba’t ibang bansa at
pinuno ng mga organisasyong sibil at Non-Government Organizations (NGO’s) gaya ng
United Nations atbp.

A. Kaya Mo Ito

Gawain 1: Isulat ang mga pagkakaiba ng dalawang konsepto na nasa talahanayan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Diskriminasyon Karahasan

Gawain 2: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at tukuyin kung anong uri ng
karahasan ang ipinapahiwatig nito. Isulat ang sa sagutang papel kung ito ay: Pang-aabusong
Pisikal, Pang-aabusong Emosyonal, Pang-aabusong Sekswal o Pang-aabusong
Ekonomikal

__________________1. Si Leng ay nangibang-bansa upang magtrabaho. Hindi niya inaasahan


na ang kanyang amo ay may masamang ugali, bawat pagkakamali
niya sinasampal siya nito.

3
__________________2. Pinagbawalan si Nene na magtrabaho kahit walang maibigay na sapat
na dahilan ang kanyang asawa.
__________________3. Pinipilit ni Ric ang kanyang asawa na makipagtalik sa ibang lalaki
kapalit ng ibibigay nitong bayad para magkapera lamang ito.
__________________4. Sa tuwing umuuwing pagod si Matthew ay palagi niyang
pinagsasalitaan ng masama ang kanyang asawa
__________________5. Pinagbantaan ni Christian ang buhay ni Glydel dahil sa hindi nito
pagtanggap sa iniaalok nitong pag-ibig.

Gawain 3: Kopyahin ang graphic organizer sa sagutang papel at isulat sa bilog ang mga
epekto ng diskriminasyon sa tao.

Epekto ng
Diskriminasyon

Marami Ka Pang Magagawa


Gawain 4: Suriing mabuti ang mga pahayag na nasa kolumn A. Hanapin sa kolum B ang
mga nararapat na gawin batay sa mga sitwasyon. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang
papel.

Kolum A Kolum B
1. Lumayo ang mga barkada ni Ryzen A. Pumunta sa punong barangay upang
simula nang umamin siya na kabilang i-ulat ang nasaksihang pang-aabuso.
sa LGBT. B. Huwag pansinin ang pangungutya sa
2. Tuwing dumadaan ka sa tapat ng iyo at magsilbing hamon ito upang
tindahan ni Aling Nene na may abutin ang iyong pangarap at maging
nakatambay na kasing edad mo ay isang mabuting tao.
sinisigawan ka ng “ahhh! tomboy! C. Huwag mag-isip ng anumang
tomboy! Salot sa lipunan” makasisira sa kanyang pagkatao.
3. Ikaw ay pumasok bilang isang welder at D. Ang tunay na kaibigan ay mapang-
kinukutya ka sa iyong kasarian bilang unawa at di nang-iiwan sa kaibigan.
isang babae. E. Huwag pansinin ang pangungutya
4. Si Jayson ay pumunta sa isang seminar dahil ikaw lang din naman ang
na ang paksa ay para sa mga LGBT, nakakaalam ang iyong tunay na
siya na daw ay isang bakla. kakayahan.
5. Nasaksihan mo ang malupit na F. Dumulog sa DSWD upang ipagbigay
pagmamaltrato ng kapitbahay sa alam ang pang-aabuso.
kinakasama niyang babae at balitang
kinakadena nito upang di
makapagsubong.

4
Gawain 5: Isulat sa sagutang papel ang tsek ( / ) kung ang pahayag na naglalarawan ng isang
anyo ng diskriminaston ekis ( x ) naman kung hindi ito diskriminasyon.

1. Panunukso ng mga bata sa kaklase na kabilang sa grupong LGBTQ.


2. Pagpapagawa ng nakatataas sa isang kawani ng mga gawain na hindi sakop ng kanyang
tungkulin.
3. Pagpabor sa mga aplikante na may mataas na natapos kaysa sa bokasyonal.
4. Pagbibigay ng sahod ng kompanya sa mga kabilang sa LGBTQ na mas mababa sa
itinatakda ng batas
5. Pagsigaw sa mga matatanda.
6. Pinakinggan ng guro ang panig nina Chris at Juna na parehas na nagrereklamo
7. Pag-imbita ni Karla sa mga kamag-anak niya sa kanyang party maliban kay Judy na may
kapansanan.
8. Unang tinanggal sa mga kontraktuwal na kawani at naiwan muna ang mga permanente
dahil sa pagbaba ng kita ng kompanya.
9. Pagbibigay ng isang ama sa pangangailangan ng kanyang mga anak ng pantay sa kabila ng
pagkakaroon ng iba-ibang ugali at katangian.
10. Pag-iwas sa mga kapuwa kawani na mas mababa ang posisyon kaysa sa iyo.

Gawain 6: Kopyahin ang talahanayan sa sagutang papel at isulat sa tamang hanay ang
kinabibilangan ng mga konsepto sa kahon sa ibaba.

Pang-aabusong Pang-aabusong Pang-aabusong Pang-aabusong


Pisikal Emosyol Sekswal Ekonomikal

Di pinapayagang magtrabaho Pamboboso Panununtok


Pamimilit manood ng x-rated Panghihipo Pananadyak
Pagtetext ng malalaswa Madalas na pagmumura Pagpapahiya sa maraming tao
Panghahalay Sobrang pag-iinsulto Pagbabanta
Di pagsuporta sa asawa at anak Panunutok ng baril Pagsipa

5
Subukin ang Iyong Sarili

Gawain 7: Ibigay ang iyong saloobin/opinyon/pakahulugan/interpretasyon sa pahayag sa


loob ng kahon. Isulat ang kasagutan sa sagutang papel

“Diskriminasyon ay mawawakasan,
Kung Pantay ang trato sa bawat mamamayan!”

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________
Gawain 8: Piliin sa kahon ang wastong sagot batay sa hinihinging epekto ng diskriminasyon.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________
Pakikipaglaro sa
Kawalan ng interes sa pag- Paglayo sa mga kaanak,
kapwa.
aayos at paglilinis sa sarili. kaibigan o lipunan.
____________________________________________________________________________

Kakulangan sa motibasyon Maling pagpapasya.


________________________________________________________
upang mag-aral o Depresyon
magtrabaho.

1. Pisikal na epekto : _________________________________.


2. Emosyonal na epekto : _________________________________.
3. Panlipunan na epekto : _________________________________.
4. Intelektwal na epekto : _________________________________.
:__________________________________.

6
Gawain 9: Basahing mabuti ang pahayag. Isulat sa sagutang papel ang Sang-ayon kung ang
pahayag ay tama at Di- Sang-ayon naman kung ang pahayag ay mali.

1. Ang diskriminasyon ay isang restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi


ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan
o kalayaan.
2. Si Malala ay isang batang babae na ipinaglaban ang karapatan ng mga kababaihan lalong-
lalo na ang pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay na pagtatamo ng edukasyon.
3. Malayo na ang narating ng kababaihan tungo sa pagkamit ng gender equality subalit mas
marami pa rin ang biktima ng karahasan at pang-aabuso sa kababaihan kaysa kalalakihan.
4. Ang isang uri ng karahasan ay ekonomikal na pang- aabuso.
5. Ang diskriminasyon ay hindi pantay na relasyong kapangyarihan at batayang inaasahan
batay sa kasarian.

Dagdagan mo Pa

Gawain 10: Batay sa nabasang kwento ni Malala Yousafzai, sagutin ang sumusunod na
katanungan sa iyong sagutang papel.

1. Sino si Malala Yousafzai?


2. Ano ang kanyang ipinaglalaban na nagresulta sa pagbaril sa kanya ng mga Taliban?
3. Ano ang naging reaksyon ng mga tao sa pagbaril kay Malala?
4. Paano nakaapekto kay Malala at sa mga kababaihan sa Pakistan ang pagtatangka sa
kanyang buhay?
5. Ikaw, bilang mamamayan, ano ang aral na maaari mong makuha sa kwento ng buhay ni
Malala?

Gawain 11: Kopyahin ang diyagram sa sagutang papel at paghambingin ang kalagayang
pang-edukasyon ng mga batang babae sa Pilipinas at Pakistan batay sa kwento ng buhay at
pakikipaglaban ni Malala Yousafzai sa mga Taliban sa Pakistan

PILIPINAS PAKISTAN

Gawain 12: Gumawa ng isang islogan na nagpapakita ng paraan kung paano mawakasan o
mapipigilan ang karahasan sa lipunan.

7
VII. Tala para sa guro:

Rubrik sa paggawa ng sanaysay/islogan sa Gawain 7 at Gawain 12

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pang Puntos


Magsanay
(4) (3) (2) (1)
Nilalaman Tumbok na tumbok Natumbok ang paksa. Bahagyang natumbok Hindi natumbok ang
ang paksa. ang paksa. paksa.
Realismo ng Lubhang Makabuluhan ang Hindi gaanong Hindi makabuluhan
Mensahe makabuluhan ang mensahe. makabuluhan ang ang mensahe.
mensahe. mensahe.
Epektibo ng Lubhang epektibo Epektibo ang Hindi gaanong Hindi epektibo ang
Paglalahad ang paglalahad. paglalahad. epektibo ang paglalahad.
paglalahad.
Paghihikayat Lubhang May ilang bahagi ang Hindi gaanong Hindi nakahikayat
nakahihikayat ang nakahihikayat sa mga nakahikayat ang mga ang mga ipinahayag
mga ipinahayag na ipinahayag na paraan. ipinahayag na paraan. na paraan.
paraan.
Malikhain Malikhain at May pagkamalikhain May kakulangan sa Malaki ang
masining ang awtput. at masining ang pagiging malikhain at kakulangan sa
awtput. masining ang awtput pagiging malikhain at
masining ang awtput
KABUOAN
Puntos Kahulugan
16-20 Napakahusay
11-15 Mahusay
6-10 Katamtaman
1-5 Kailangan pang magsanay

8
LEARNING ACTIVITY SHEET
Ikatlong Markahan – Week 3

Pangalan: __________________ Iskor:_____________Baitang/Seksyon: ______


Asignatura: Araling Panlipuna 10 Guro: ____________Petsa: _________________

VI. Pamagat ng Gawain: Konsepto ng Diskriminasyon

VII. Uri ng Gawain: Pagpapaunawa ng konsepto


/
/ Pangkalahatang Pagsusulit ( Gawaing Pasulat Gawaing
Pagganap)

MELC: Nasusuri ang diskriminasyon at diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan


at LGBT (Lesbian , Gay , Bi – sexual , Transgender)

VIII. Layunin ng Pag-aaral:


• Natataya ang natutuhang konspeto sa linggong ito.
• Nakagagawa ng poster na nagpapakita kung paano mawakasan oi maiwasan
ang diskriminasyon sa iba’t ibang kasarian sa lipunan.
• Napahahalagahan ang konseptong natutuhan sa linggong ito.

V. Sanggunian:
Department of Education, “Kontemporaryong Isyu”, Modyul ng mga mag-aaral, 2017 pahina
290-294
mga-isyu-at-hamong-pangkasarian final (slideshare.net) diskriminasyon-161215013200.pdf

VI. Pangkalahatang Pagsusulit:


A. Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng katotohanan at MALI naman kung walang katotohanan.
__________1. Ang epekto ng diskriminasyon ay hindi lamang makikita sa mga taong
tuwirang nakaranas nito kundi nadararama rin ng kaniyang
kinabibilangang pamilya, pangkat, o pamayanan.

9
__________ 2. Ang hindi pagbibigay ng suporta, pagbabawal sa mga kababaihan na
magtrabaho na walang sapat na dahilan, pagkuha o pagkontrol ng kita
ng babae ay isang anyo ng pinansyal o ekonomikal na karahasan.
__________3. Ang VAWC ay tumutugon sa pang-aabuso sa mga kababaihan at mga
anak ng kanilang dati o kasalukuyang asawa o ka-live-in partner o
karelasyon.
_________ 4. Ang di-pantay na pagtrato sa isang indibidwal o grupo dahil sa edad,
paniniwala, etnisidad at kasarian na nagiging dahilan ng limitasyon sa
pagtamasa ng serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, pabahay,
trabaho, karapatan o partisipasyon sa pulitika ay tinatawag na
karahasan.
_________5. Ang pamimilit at pagsikil sa kalayaan ng isang tao ay isang uri ng
karahasan.

B. Tukuyin kung anong epekto ng diskriminasyon ang sumusunod na pahayag. Isulat sa


patlang kung: Pisikal na epekto, Emosyonal na epekto, Panlipunan na epekto, o
Intelektuwal na epekto.

____________1. Kakulangan ng motibasyon upang mag-aral o magtrabaho.


____________2. Pagbaba ng self-esteem.
____________3. Nagiging matatakutin sa kapwa.
____________4. Hindi maisaayos ang sarili
____________5. Ayaw makihalubilo sa ibang tao, nagiging mapag-isa

Sa isang short sized bond paper (8.5 x 11), gumawa ng poster na nagpapakita kung paano
maiwasan ang diskriminasyon sa iba’t ibang kasarian. Gawing gabay sa paggawa ang
inihandang rubrik. (5 Puntos)

VII. Tala para sa guro:


Gawin nang buong husay ang performance task. Gawing gabay ang mga naibigay na
kraytirya sa paggawa ng awtput.
anay

10

You might also like