Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Paunang Salita
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Subukin
Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang
sagutang papel.
1
4. Kauna-unahang transgender na miyembro ng Kongreso. Siya ang kinatawan ng lalawigan
ng Bataan at pangunahing taga-pagsulong ng Anti-Discrimation sa Kongreso.
A. Charice Pempengco C. Geraldine Roman
B. BB Gandanghari D. Sarah McBride
5. Ito ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga babae ay
pinapaliit hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog
sa talampakan?
A. breast ironing C. foot binding
B. female genital mutilation D. ligation
6. Anong rehiyon ng Asya ang may mataas na datos ng karahasan at dikriminasyon sa mga
kababaihan?
A. Silangang Asya C. Timog Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog Asya
2
10. Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP) at ng
United States Agency for International Development (USAID) na may titulong “Being LGBT
in Asia: The Philippines Country Report”, ang mga LGBT ay nakakaranas ng mga
sumusunod maliban sa isa:
A. Bias sa serbisyong medikal, pabahay at maging sa edukasyon
B. May kakaunting oportunidad sa trabaho
C. May mataas na pagkilala sa iba’t ibang lipunan
D. Panggagahasa laban sa mga lesbian.
12. Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas kundi pati narin
sa buong daigdig. Sa katunayan, itinakda ang ___________bilang International Day for
the Elimination of Violence Against Women.
A. Nobyembre 30 C. Oktubre 25
B. Nobyembre 25 D. Disyembre 30
14. Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa bansang _____.
A. China C. Uganda
B. Cameroon D. India
15. Bakit tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority” ang mga LGBT?
A. Dahil bukas ang kanilang buhay sa lipunang ginagalawan.
B. Hindi sila nabibilang sa pagtamasa ng pantay na karapatan.
C. Ang kanilang mga kwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik
dahil sa takot.
D. Wala sa nabanggit.
3
Balikan
Pagsunud-sunurin Mo
Panuto. Punan ng wastong bilang ang loob ng kahon ayon sa pagkakasunud-sunod ng
mahahalagang pangyayari tungkol sa Gender Roles sa Pilipinas. Isulat ang sagot sa inilaang
sagutang papel.
Sa
Ang mga Ang Sa
kasalukuya Limitado pa
kababaihan pagdating ng Panahon
n, mga rin ang
maraming sa Pilipinas ng mga
Amerikano ay karapatang
pagkilos at maging Pag-aalsa,
nagdala ng taglay ng
batas ang kabilang sa may mga
ideya ng kababaihan
isinusulong pinakama- kalayaan, Pilipina ring sa
para sa taas na uri karapatan, at nagpakita panahon
karapatan o timawa pagkakapant ng kanilang
ng mga
ng mga ay ay-pantay sa kabayaniha
Espanyol.
pagmamay Pilipinas. n gaya ni
lalaki,
babae at -ari ng mga Gabriela
LGBT. lalaki. Silang.
Tuklasin
Suri-Larawan
Panuto: Suriin ang nilalaman ng larawan at sagutin ang mga katanungan sa tabi nito. Isulat
ang sagot sa inilaang sagutang papel.
4
Suriin
Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Lahat ng tao ay isinilang na pantay-pantay anomang kulay, lahi o kasarian. Subalit tila
hanggang sa kasalukuyang panahon ay nananatiling malaking isyu ang hindi pantay na
karapatan at pagtingin ng mga tao sa iba’t ibang kasarian. Matapos isulong ng mga
kababaihan ang kanilang karapatan, ngayon naman ay ang sigaw ng mga LGBT para sa
kanilang pantay na karapatan at pagtingin. Sa araling ito ay bibigyang pansin ang iba’t ibang
isyu na may kinalaman sa kasarian.
5
Bagamat may ilang pag-unlad na sa maraming bansa sa mga pagkilos para wakasan
ang diskriminasyon laban sa kababaihan, tila wala pa ring puwang sa lipunang ito na
matamasa ng mga kababaihan ang pantay na pagtingin sa kalalakihan. Sa pagpasok ng ika-
21siglo, patuloy pa rin ang pakikibaka ng kababaihan sa iba’t ibang bahagi ng mundo laban
sa iba’t ibang uri ng diskriminasyon.
6
2. Female Genital Mutilation (FGM)- isang proseso ng
pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) na
walang anumang benepisyong medikal. Ang gawaing ito
ay pinaniniwalaang makapagpapanatili sa mga babae na
walang bahid dungis hanggang sa maikasal. Ayon sa
World Health Organization (WHO), may 125 milyong
kababaihan bata o matanda ang biktima nito mula sa mga
bansa sa Africa at Kanlurang Asya.
pambubugbog/pananakit
sexual harassment
Hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang
relasyon o domestic violence maging ang mga kalalakihan ay biktima rin nito na nasa uring
emosyonal, sekswal, pisikal at pagbabanta. Maaaring ding maganap sa heterosexual at
homosexual na relasyon ang ganitong uri ng karahasan.
7
Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP) at
ng United States Agency for International Development (USAID) na may titulong “Being
LGBT in Asia: The Philippines Country Report”, mayroong mga natuklasan ukol sa LGBT
sa Pilipinas:
Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang ikalawang paksa – Mga Isyu sa
Kasarian at Lipunan sa ating Modyul 2. Ngayon naman ay dumako tayo sa ilang pagsasanay
upang ating tayahin ang lawak ng iyong pagkaunawa sa aralin. Ihanda mo na ang iyong
sagutang papel at simulan na.
Pagyamanin
Gawain 1: Akrostik
D
I
S
K
R
I
M
I
N
A
S
Y
O
N
8
Gawain 2: HALO- LETRA
Panuto: Buoin ang mga halo-letra upang matukoy ang termino na hinihingi sa bawat pahayag.
Isulat ang sagot sa nakalaang sagutang papel.
IDKSIRANYNSOIM _________________________
AKARAHASN _________________________
8. Tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority” dahil ang kanilang mga
kuwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot.
GLTB
_________________________
9. Batas nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng
panghabambuhay na pagkabilanggo.
AGRBEIAL _________________________
9
Gawain 3: Show Mo, Pananaw Mo
Panuto: Buoin ang graphic organizer na nagpapakita ng sariling perspektibo o pananaw,
sanhi, epekto at saloobin tungkol sa Diskriminasyon sa mga lalaki, kababaihan at LGBT. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
Perspektibo o
Pananaw
Diskriminasyon
sa mga Lalaki,
Sanhi Epekto
Kababaihan at
LGBT
Damdamin at
Saloobin
______1. Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas kundi pati na
rin sa buong daigdig.
______2. Ang pagkakaroon ng lotus feet o lily feet sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng
yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal sa bansang India.
______3. Maging ang mga kalalakihan ay biktima rin ng diskriminasyon.
______4. Marami sa mga LGBT ang nahaharap sa malaking hamon ng pagtanggap at
pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan, negosyo, lipunan at maging sa
kasaysayan.
______5. Makikita sa mga bansa sa kontinente ng Africa at rehiyon ng Kanlurang Asya ang
pagtamasa ng mga kababaihan ng pantay na karapatan sa kalalakihan.
______6. Sa kasalukuyan, nananatiling malaking isyu ang hindi pagkakapantay-pantay ng
mga tao batay sa kanilang kasarian.
______7. Nakilala si Malala Yousafzai sa kanyang paglaban at adbokasiya sa bansang
India.
______8. Ang karahasan sa mga kababaihan ay hindi bago sa lipunang Pilipino.
______9. Ang kasarian ay malaking hadlang sa pagiging matagumpay sa iba’t ibang
larangan.
______10. Ang pananakit na pisikal, mental o emosyonal ay normal lamang sa isang
relasyon.
10
Isaisip
11
Isagawa
12
Rubrik sa Pagmamarka sa Critical Analysis Paper
Tayahin
Panuto. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
1. Ito ay proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang
anumang benepisyong medikal.
A. female genital mutilation C. purdah
B. foot binding D. ligation
2. Anong rehiyon ng Asya ang may mataas na datos ng karahasan at dikriminasyon sa mga
kababaihan?
A. Silangang Asya C. Timog Silangang Asya
B. Timog Asya D. Kanlurang Asya
13
3. Ito ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga babaeng
ito ay pinapaliit hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal
o bubog sa talampakan.
A. breast ironing C. foot binding
B. female genital mutilation D. ligation
5. Paano mo mailalarawan ang breast ironing o breast flattening bilang isang kaugalian sa
bansang Cameroon sa kontinente ng Africa?
A. Ang lipunan ay nagpapakita ng paglabag sa karapatan na nag-uugat sa maling
paniniwala.
B. Ang lipunan ay naglalarawan ng di-pantay na pagtrato sa mga kababaihan.
C. May kaugaliang nagkakaroon ng pagkatakot sa buhay ng mga kababaihan na
tanging makatutulong sa pag-ahon mula sa pagkakalugmok.
D. Marahas at walang pakialam ang kanilang gobyerno sa karapatan ng mga
kababaihan.
7. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa tinatawag na Seven Deadly Sins Against
Women?
A. pambubugbog C. sexual harassment
B. pangangaliwa ng asawang lalaki D. sex trafficking
9. Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas kundi pati narin
sa buong daigdig. Sa katunayan, itinakda ang ___________bilang International Day for
the Elimination of Violence Against Women.
A. Nobyembre 30 C. Oktubre 25
B. Nobyembre 25 D. Disyembre 30
14
10. May kamag-aral ka na nakararanas ng pambubully o pangungutya sa inyong paaralan
dahil sa kanyang oryentasyong sekswal, ano ang iyong nararapat na gawing hakbang
upang matulungan ang iyong kamag-aral?
A. Ipagtatanggol mo ang iyong kamag-aral na nakararanas ng pambubully sa
pisikal man o berbal na pamamaraan.
B. Ipagbibigay-alam mo ito sa iyong guro upang mabigyan ng karampatang
aksyon.
C. Ililihim mo na lamang ito.
D. Di ka na lamang makikialam upang di na madamay pa.
11. Ang foot binding ay isang sinaunang tradisyon sa bansang China, anong paglabag sa
karapatan ng mga kababaihan ang ipinapakita sa pagsasagawa ng tradisyong ito?
A. Hindi nila nabibigyang kasiyahan ang kanilang pakikisalamuha sa mga -
paligsahan at patimpalak.
B. May mga pagkakataong nais nilang sumali sa mga beauty pageant subalit dahil
-sa kanilang sitwasyon ay hindi nila ito naranasan.
C. Nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang
pakikisalamuha.
D. Napoprotektahan nito ang mga kababaihan.
13. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga kadahilanan na ipinapaliwanag ng ina sa
pagsasagawa ng breast ironing sa kanilang anak na babae?
A. maagang pagbubuntis ng anak
B. paghinto sa pag-aaral
C. pagkagahasa
D. pagkalulong sa sugal o bisyo
14. Saang bansa isinagawa ang tradisyong foot binding sa mga sinaunang babae?
A. China C. Uganda
B. Cameroon D. India
15. Ang mga LGBT ay tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority”, ano ang
ipinapakahulugan nito?
A. dahil bukas ang kanilang buhay sa lipunang ginagalawan
B. hindi sila nabibilang sa pagtamasa ng pantay na karapatan
C. ang kanilang mga kwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik
dahil sa takot
D. wala sa nabanggit
15
Karagdagang Gawain
Sulong Ekwalikad
16
17
SUBUKIN BALIKAN TUKLASIN PAGYAMANIN
1. A May kanya-kanyang HALO-LETRA
2. D 1. 5 sagot 1. Diskriminasyon
3. B 2. Foot Binding
4. C 2. 1 3. Malala Yousafsai
5. C
6. B 3. 4 4. Breast Ironing
7. D 5. Domestic Violence
8. A 4. 3 6. Female Genital Mutilation
9. C 7. Karahasan
10. C 5. 2 PAGYAMANIN A 8. LGBT
11. D AKROSTIK 9. Homo- Sexuality Act
12. B May kanya-kanyang
13. A 10. GABRIELA
sagot
14. A
15. C
PAGYAMANIN C. ISAISIP TAYAHIN
May kanya-kanyang sagot May kanya- 1. A 9. B
kanyang sagot 2. D 10. B
3. C 11. C
4. B 12. C
5. A 13. D
6. A 14. A
7. B 15. C
8. D
PAGYAMANIN
TAMA O MALI ISAGAWA
1. TAMA 6. TAMA May kanya-
2. MALI 7. MALI kanyang gawa KARAGDAGANG GAWAIN
3. TAMA 8. TAMA May kanya-kanyang gawa
4. TAMA 9. MALI
5. MALI 10. MALI
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:
19