You are on page 1of 26

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 10 Araling Panlipunan


Kontemporaryong Isyu
Ikatlong Markahan
Gawain Blg. 3.1
Paksa : Kasarian at Sex
Pamantayan sa Pagkatuto: Naipahahayag ang sariling pakahulugan sa kasarian at sex,
AP10KIL-IIIa-1
Layunin: Nakapagbibigay sa kahulugan ng kasarian at sex
Sanggunian: Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan Modyul para sa
Mag-aaral, p.262
Paunang Gawain:
Ano ang kahulugan at ipinahihiwatig ng kasunod na mga simbolo? Isulat ang iyong sagot
sa kasunod na maga patlang.

Pamprosesong Tanong:
1. Madali mo bang natukoy ang kahulugan ng unang dalawang simbolo? Ng pangatlo?
2. Sa palagay mo ang kinakatawan ng mga simbolong ito?

Ang sex ay tumutukoy sa kasarian – kung lalaki o babae.

 Ito rin ay maaaring tumutukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay


reproduksiyon ng tao.
 Sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki.

Ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos at gawain ng lipunan para
sa mga babae at lalaki.
Katangian ng Sex (Characteristics of Sex)
1. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang mga lalaki ay hindi.
2. Ang mga lalaki ay may testicle (bayag) samantalang ang babae ay hindi nagtataglay nito.
 Katangian ng Gender
1. Nakatali sa paniniwalang panlipunan
2. Maaaring mabago bunsod ng mga pagsusulong at pagbabagong panlipunan

Hal.: Ang bansang Saudi Arabia lamang sa mga bansa sa mundo ang hindi nagpapahintulot
sa kababaihan na magmaneho ng sasakyan.

Pagsasanay:
Sa pamamagitan ng tsart, paghambingin ano ang pagkakaiba ng sex at gender.
Sex Gender

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 10 Araling Panlipunan


Kontemporaryong Isyu
Ikatlong Markahan
Gawain Blg. 3.2
Paksa : Oryentasyong Seksuwal at Pagkakakilanlang pangkasarian
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga uri ng kasarian at sex, AP10KIL-IIIa-2
Layunin: Naihahambing ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
Sanggunian: Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan Modyul para sa Mag-
aaral, p. 263-264

 Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay

tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong

apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang

kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.

 tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho.

 maaaring maiuri bilang heterosekswal, homosekswal, at bisekswal.

 ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang malalim na

damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring

nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang

personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang

pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng

pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama

na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.

Pagsasanay:

1. Tukuyin kung ano ang pagkakaiba ng oryentasyong seksuwal (sexual orientation) at


pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity). Ilista sa mga kahon sa ibaba.
2. Magbigay ng limang pagkakaiba.

oryentasyong seksuwal pagkakakilanlang pangkasarian


(sexual orientation) (gender identity)

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 10 Araling Panlipunan


Kontemporaryong Isyu
Ikatlong Markahan
Gawain Blg. 3.3
Paksa : Uri ng Oryentasyong Seksuwal (sexual orientation)
Pamantayan sa Pagkatuto:Nasusuri ang mga uri ng kasarian at sex, AP10KIL-IIIa-2
Layunin: 1. Nasusuri ang mga uri ng Oryentasyong seksuwal (sexual orientation)
Sanggunian: Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan Modyul para sa
Mag-aaral, p. 264
Oryentasyong Seksuwal (sexual orientation)
1. Heterosexual – mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga
lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki
2. Homosexual – mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa

katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas

gusto ang babae bilang sekswal na kapareha

3. Bisexual – tumutukoy sa mga taong nakararanas ng atraksiyon sa kapwa babae o lalaki

 Sa Pilipinas, ang terminong “paglaladlad” ay tumutukoy sa pagpapahayag ng isang

indibidwal ng kanyang oryentasyong seksuwal.

Tatlong Yugto sa Paglaladlad


Unang Yugto Pagtanggap at pagiging bukas sa atraksyon at relasyon sa

Pag-alam sa Sarili katulad na kasarian

Ikalawang Yugto Pagsabi sa kapamilya, kaibigan, o katrabaho ng pagiging

Pag-amin sa Ibang Tao isang homoseksuwal

Ikatlong Yugto Pamumuhay ng bukas bilang isang LGBT

Pag-amin sa Lipunan
Pagsasanay:
1. Magbigay ng tigdadalawang katangian na naglalarawan sa bawat uri ng Oryentasyong
Seksuwal (sexual orientation)

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 10 Araling Panlipunan


Kontemporaryong Isyu
Ikatlong Markahan
Gawain Blg. 3.4
Paksa : LGBT
Pamantayan sa Pagkatuto:Nasusuri ang mga uri ng kasarian at sex, AP10KIL-IIIa-2
Layunin: Nasusuri ang mga katangian ng mga LGBT
Sanggunian: Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan Modyul para sa
Mag-aaral, p. 264

 Bukod sa lalaki at babae, may tinatawag tayo sa kasalukuyan na “Ikatlong Kasarian” na


lesbian, gay, bisexual, at transgender o mas kilala bilang LGBT.
 Ang komunidad ng homoseksuwal ay gumagamit ng sagisag na watawat na may iba’t
ibang kulay.
 Ito ay simbolo ng dibersidad o pagkakaiba-iba ng mga miyembro ng homoseksuwal na
komunidad

LGBT

 Lesbian (tomboy) - sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga

babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng

Pilipinas na tibo at tomboy)

 Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa

lalaki(tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot); may iilang bakla

ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (crossdresser), baklang nagpapanggap na

lalaki (paminta, mula sa pa-men)

 Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian


 Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang

kasarian

 Transgender -kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling

katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay

maaaring may transgender na katauhan

Pagsasanay

1. Magtala ng limang kakilala na sa palagay mo ay bagahi ng LGBT


2. Ibgigay ang dahilang kung bakit mo sila itinuring na bahagi ng LGBT?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 10 Araling Panlipunan
Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Ikatlong Markahan
Gawain Bilang 3.5
Pamagat: Konsepto ng Kasarian at Sex: Gender Roles Sa Pilipinas Sa Iba’t Ibang Panahon
Pammantayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang gender roles sa Pilipinas sa iba’t-ibang panahon.
AP10KIL-lllb-3
Layunin: 1. Natatalakay ang gender roles sa Pilipinas sa iba’t-ibang panahon;
3. Naiuugnay-ugnay ang transisyon nga katayuan ng baabae at lalaki sa Pilipinas simula
sa panahong pre-kolonyal hanggang sa kasalukuyan.
Sanggunian: 1. Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan, Pahina – 270-272
2. UNDP, USAID (2014). Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report. Bangkok
PANAHON KATANGIAN
Pre- Nagsimula ang LGBT sa mga babaylan noong ika-16-17 siglo
Kolonyal Babaylan - tumutukoy sa babae at lalaking babaylan – halimbawa ay ang mga
asog sa Visayas noong ika-17 siglo, nagbibihis-babae at nagbabalat-kayong
babae upang ang pakinggan ng mga espiritu ang kanilang panalangin
mga lider-ispiritwal na maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman.
 Ang lalaki ay nagsusuot ng kasuotan ng babae, kilos ng babae at kilalang
“tila-babae”. Ilan ay kasal sa lalaki at may relasyong seksuwal, tinatanggap
at iginagalang sa lipunan
Panahon ng  ang babaylan ay nakalilito at kinatatakutan dahil sa makapangyarihang
mga posisyon at nag-iba ng gampanin dahil sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Espanyol  sa lipunang Pilipino sila ay tahimik sa mga Pilipinong hindi tumatalima sa
kombensiyunal na oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
Dekada 60  umusbong ang Philippine Gay Culture.
 Maraming akda ang nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad.
Dekada  umiiral ang konsepto ng LGBT mula sa impluwensiya ng international media
80-90 at ng lokal na interpretasyon ng mga LGBT na nakaranas mangibang-bansa
2000-  Ang Ladlad isang partido political na itinatag ni Danton Remoto, propesor
kasalukuya sa Ateneo de Manila University na hindi pinayagan ng COMELEC na
n tumakbo sa halalan subalit pinayagan ito ng Kataas-taasang Hukuman ng
Pilipinas noong 2010
KASAYSAYAN NG LGBT SA PILIPINAS
PAGSASANAY: Itala sa gilid ng gender symbol ang gampanin ng mga babae at lalaki sa
kasaysayan ng ating bansa.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 10 Araling Panlipunan
Mga Kontemporaryong Isyu
Ikatlong Markahan

Gawain bilang 3.6


Pamagat : Gender Roles sa Pilipinas sa Iba’t ibang Panahon.
Pammantayan sa Pagkatuto: Natataya ang Gender Roles sa Pilipinas sa iba’t ibang panahon
AP10KIL-IIIc-4
Layunin : Nalalaman ang Gender Roles sa Pilipinas sa Iba’t ibang Panahon.
Sanggunian: Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan Modyul para sa mga
Mag- aaral,p.257

*Gender Roles-ay ang mga ginagampanan ng kasarian sa lipunan at ipinapakita nito kung
paano dapat kumilos,magsalita,magdamit,mag-alaga at magsagawa ang isang tao
batay sa nakatalagang kasarian.

Sa Pilipinas ay nagkakaroon ng paghahati sa mga miyembro nito ayon sa kasarian.


Noon ang mga lalaki ang nagtatrabaho sa labas ng bahay at ang mga babae ay inaasahang
manatili sa loob .Sa kasalukuyan nagkaroon na ng malaking pagbabago sa gampanin ng lalaki at
babae.Sa ating bansa,masasabing hindi na mahigpit ang lipunan sa pagtatakda ng gampanin ng
babae at sa lipunan.

Pagsasanay:

1.Sa Pilipinas ang papel ng kasarian o gender roles ay naayon sa panahon,magbigay ng sariling

paghahambing nito.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 10 Araling Panlipunan
Mga Kontemporaryong Isyu
Ikatlong Markahan

Gawain Bilang 3.7


Pamagat : Gender Roles sa Iba’t Ibang Bahagi ng Daigdig
Pammantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang iba’t ibang Gender Roles sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig. AP10KIL-IIIc-5
Layunin : Nailalahad ang Gender Roles sa Iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Sanggunian: Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan Modyul para
sa mga Mag- aaral,p.257

Bawat lipunan sa boung bahagi ng daigdig ay may paghahati sa mga kasapi ayon sa
kasarian nito.Sa kasaysayan,sa anumang lipunan sa daigdig,lalaki ang karaniwang inaasahang
bumubuhay sa kaniyang mag-anak.Sa kasalukuyang panahon,bunsod ng pag-unlad at paglaganap
ng ideya ng Feminismo, nagkaroon na ng malaking pagbabago sa gampanin ng babae.

*Africa at Kanlurang Asya

Sa mga rehiyong ito ng mundo mahigpit ang lipunan sa mga babae lalo na sa mga
LGBT.Matagal ang panahong hinintay ng mga babae upang mabigyan sila ng pagkakataong
makalahok sa proseso ng pagboto at nito lamang ika-20 siglo nang payagan ng ilang
bansa na ang mga babae ay makaboto

*Saudi Arabia

Hanggang ngayon ay pinagbabawalan ang mga kababaihan ng pagboto at pagmamaneho.

Pagsasanay:

1. Pantay ba ang pagtingin sa mga kababaihan at mga miyembro ng LGBT sa Africa at


Kanlurang Asya?Magbigay ng mga patunay.

2. May kalayaan bang magpahayag ng damdamin ang kababaihan at mga miyembro ng LGBT sa
bahaging ito ng mundo

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 10 Araling Panlipunan
Mga Kontemporaryong Isyu
Ikatlong Markahan
Gawain bilang 3.8
Paksa : Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan :Diskriminasyon at Karahasan sa Kababaihan
Pammantayan sa Pagkatuto: Natutukoy ang diskriminasyon sa kababaihan AP10KIL-IIId-6
Layunin : Nakikilala ang ilang mga kababaihan sa iba’t ibang larangan sa bansa at maging
sa mundo.
Sanggunian:Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan Modyul para sa mga
Mag- aaral,p.285

*Diskriminasyon-ito ay ang pagmamaliit sa kung ano man ang katangian,katayuan o itsura ng


ibang tao sa paligid,ito din ay anumang pag-uuri,eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilalala,paggalang at pagtatamasa ng lahat na kasarian
ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
*Karahasan-ayon sa Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan,ay ang sinasadyang paggamit ng
lakas o pwersang pisikal o kapangyarihan na maaaring isang pagbabanta o tinotoo at maaaring
laban sa sarili,kapwa o pangkat na maaaring kalabasan ay kapinsalaan at kapahamakang
pangsikolohiya.
Nanatiling malaking isyu at hamon ang pagkakapantay-pantay ayon sa kasarian.Sa
Pilipinas,kahit malayo na ang narating ng kababaihan sa larangan ng
pulitika,negosyo,media,akademya at iba pang larangan,nanatiling biktima parin sila ng
diskriminasyon at karahasan.Bagama’t may CEDAW o ang Convention on the Elimination of All
Forms of Discriminations Against Women(1979) na ang mga babae,may ilang mga bansa at
insidente parin ng hindi-pantay na pagtingin at pagtrato sa mga babae.
Mga kilalang kababaihan na nakilala sa iba’t ibang larangan:
CHARO SANTOS-CONCIO
Matagumpay na artista sa pelikula at telebisyon,nakilala siya sa longest-running Philippine TV
drama anthology program Maalala Mo Kaya,simula pa noong 1991.Siya ay naging Presidente at
CEO ng ABS-CBN Corporation noong 2008-2015.
MARILLYN A.HEWSON
Chair,Presidente at CEO ng Lockhead Martin Corporation,na kilala sa paggawa ng mga armas
pandigma at panseguridad at iba pang mga makabagong teknolohiya.Sa mahigit 30 taon niyang
pananatili sa kompanya naitalaga siya sa iba’t ibang matataas na posisyon.Taong 2017 siya ay
napabilang sa Manufacturing Jobs Initiative sa Amerika.
Pagsasanay:

1. Ano ang sariling kahulugan tungkol sa diskriminasyon at karahasan?


2. May kakilala ka bang babae na matagumpay sa larangang itinuturing na para sa lalaki?
Hal.piloto,engineer,boksingero,astronaut?Ipakilala sa klase sa pamamagitan ng
pagbabahagi sa klase.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 10 Araling Panlipunan
Mga Kontemporaryong Isyu
Ikatlong Markahan
Gawain bilang 3.9
Paksa : Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan: Diskriminasyon sa Kalalakihan
Pammantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang diskriminasyon at karahasan sa mga kalalakihan.
AP10KIL-IIId-6
Layunin : 1. Nakikilala ang ilang mga kalalakihan sa iba’t ibang larangan sa bansa at maging sa
mundo.
Sanggunian: Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan Modyul para sa mga
Mag- aaral,pp.285-286

Hindi lamang mga kababaihan ang nahaharap sa diskriminasyon at karahasan,maging


ang mga kalalakihan din ay biktima nito.

Mga kilalang personalidad na mga kalalakihan na nakilala sa iba’t ibang larangan.

PARKER GUNDERSEN
Siya ang Chief Executive Officer ng ZALORA,isang kilalang online fashion retailer na
may sangay sa Singapore,Indonesia,Malaysia,Brunie,Philippines,Hongkong at Taiwan.
MANNY PACQUIAO
Isang Filipino propesyunal na boksingero at politico,kauna-unahang kampeon ng walong
dibisyon at nanalo ng sampung titulo,unang nakakamit ng panalo sa Lineal Championship
sa apat na iba’t ibang klase ng timbang.

Pagsasanay:
1. May kakilala ka bang lalaki na matagumpay sa larangang itinuturing na para sa babae?
Ipakilala sa klase sa pamamagitan ng pagbabahagi sa klase nito.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 10 Araling Panlipunan
Mga Kontemporaryong Isyu
Ikatlong Markahan
Gawain bilang 3.10
Paksa : Malala Yousafzai at ang Laban sa Edukasyon ng Kababaihan sa Pakistan
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang diskriminasyon at karahasan sa kababaihan.
AP10KIL- IIId-6
Layunin : 1. Nakikilala at nasusuri ang mga mahalagang nagagawa ni Malala Yousafzai para sa
mga kababaihan sa Pakistan.
Sanggunian: Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan Modyul para sa mga
Mag- aaral,pp.289-291

Malala Yousafzai-ipinanganak noong ika-2 ng Hulyo 1997 sa Mingora, Swat Valley,sa


Hilagang bahagi ng Pakistan.Pinaglaban at adbokasiya niya ang karapatan ng mga batang babae
sa edukasyon sa Pakistan.Iginawad sa kanya ang Nobel Peace Prize kasama ang aktibistang si
Kailash Satyarthai noong 2014.

*Malala Fund ay itinatag noong 2013,isang organisasyong naglalayon na magkapagbigay ng


libre,ligtas at de-kalidad na edukasyon sa loob ng 12 na taon.

*Makikinig sa pagbibigay-kwento ng guro tungkol sa buhay ni Malala Yousafzai at pagkatapos


ay may mga pagtatanong na ibibigay sa pagsasanay.

Pagsasanay:

1. Sino Malala Yousafzai?


2. Ano ang mga mahahalagang nagawa ni Malala Yousafzai para sa mga kababaihan ng
Pakistan?
3. Bilang mga mag-aaral ano ang aral na maari mong makuha sa buhay ni Malala
Yousafzai?Ibahagi sa klase.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 10 Araling Panlipunan


Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Ikatlong Markahan
Gawain Bilang 3.11
Paksa : Diskriminasyon sa LGBT (Lesbian, Gay, Bi-sexual, Transgender)
Pamantayan ng Pagkatuto:
Natutukoy ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan, at LGBT (Lesbian, Gay, Bi-
sexual, at Transgender)AP10 IKL-IIId-6
Layunin: 1. Natutukoy ang iba’t ibang diskriminasyon na nararanasan ng mga LGBT (Lesbian,
Gay, Bi-sexual, at Transgender)
2. Nakapagbibigay ng halimbawa ng diskriminasyon sa LGBT sa sariling pamayanan.
Sanggunian Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral,p. 284-286

Tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority” ang mga LGBT o Lesbian, Gay,
Bi-sexual, atTransgender. Ang kanilang mga kwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang
nanahimik dahil sa takot. Marami sa kanila ang nahaharap sa malaking hamon ng pagtanggap at
pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan, negosyo, lipunan at maging sa kasaysayan.
Ayon sa pag-aaral na ginawa ng United Nations Office of the High Commissioner for
Human Rights o UN-OHCHR noong 2011 may mga LGBT(bata at matanda) na nakaranas ng di-
pantay na pagtingin at pagtrato ng kanilang kapwa, pamilya, komunidad at pamahalaan.

Pagsasanay:
1. Ano ang ibig sabihin ng LGBT?
2. Ano ang kadalasang nararanasan ng mga LGBT sa iba’t ibang panig ng mundo?
3. Nakararanas ba ang mga LGBT sa inyong lugar ng diskriminasyon? Paano?
4. Dapat bang respetuhin ang mga LGBT? Bakit?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 10 Araling Panlipunan


Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Ikatlong Markahan
Gawain Bilang 3.12
Paksa: Karahasan sa mga Kababaihan
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang Karahasan sa Kababaihan, Kalalakihan, at
LGBT AP10IKL-IIIe-f-7
Layunin: 1.Nasusuri ang karahasan na nararanasan ng mga Kababaihan
2.Nakapagbabahagi ng isang pangyayari na nagpapakita na karahasan ng
kababaihan sa sariling pamayanan.
Sanggunian Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral, p. 300-303
Ayon sa United Nations, ang karahasan sa kababaihan (violence against women) ay
anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, sekswal o mental na
pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang
kalayaan. Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas kundi pati na rin
sa buong daigdig. Itinakda ang Nobyembre 25 bilang International Day for the Elimination of
Violence Against Women.
Kabilang sa mga karahasan na dinaranas ng mga kababaihan ay ang:
 Foot Binding – Isinasagawa sa mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga
babae ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong
bakal o bubog sa talampakan.
 Breast Ironing o Breast Flattening – Isang kaugalian sa Cameroon kung saan
binabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato,
martilyo o spatula na pinainit sa apoy.
Ayon sa GABRIELA na isang samahan sa Pilipinas laban sa iba’t ibang porma ng
karahasan ng kababaihan, mayroong Seven Deadly Sins Against Women. Ito ay ang
pambubugbog/pananakit, panggagahasa, incest at iba pang sekswal na pang-aabuso, sexual
harassment, sexual discrimination at exploitation, limitadong access sa reproductive health,
at sex trafficking at prostitusyon.

Pagsasanay:
1. Anong petsa ang itinakda bilang International Day for the Elimination of Violence
Against Women?
2. Sa telebisyon at radyo, ano ang mga halimbawa ng karahasan sa mga kababaihan ang
iyong nabalitaan?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 10 Araling Panlipunan


Mga kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Ikatlong Markahan
Gawain Bilang 3.13
Paksa : Karahasan sa mga Kalalakihan
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang Karahasan sa Kababaihan, Kalalakihan, at LGBT AP10IKL-IIIe-f-7
Layunin: 1. Nasusuri ang karahasan na nararanasan ng mga Kalalakihan
2. Nakababanggit ng isang halimbawa ng karahasan sa kalalakihan na nasaksihan sa
komunidad na ginagalawan.

Sanggunian: Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan


Modyul para sa Mag-aaral, p. 306-307

Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasan na
nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay
biktima rin. Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri ng karahasan sa mga lalaki ay hindi madaling
makita o kilalanin. Ang ganitong uri ng karahasan ay may iba’t ibang uri; emosyonal, seksuwal,
pisikal, at banta ng pag-aabuso.

Pagsasanay:
1. Maliban sa mga kababaihan at LGBT, sino pa ang maaaring dumaranas ng karahasan?
2. Anong uri ng karahasan ang maaaring danasin ng isang lalaki?
3. Mayroon bang pangyayari na iyong nakita na itinuturing mo na karahasan sa kalalakihan?
Ipaliwanag ang iyong punto gamit ang hindi bababa sa limang (5) pangungusap.
4. Dapat bang wakasan ang karahasan?Bakit?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 10 Araling Panlipunan


Mga kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Ikatlong Markahan
Gawain Bilang 3.14
Paksa : Karahasan sa mga LGBT (Lesbian, Gay, Bi-sexual, at Transgender)
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang Karahasan sa kababaihan, kalalakihan, at LGBT (Lesbian, Gay, Bi-sexual,
at Transgender) AP10IKL-IIIe-f-7
Layunin: 1.Nasusuri ang karahasan na nararanasan ng mga LGBT (Lesbian, Gay, Bi-
sexual, at Transgender)
2.Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga nagaganap na karahasan sa mga LGBT
sa kanilang pamayanan.
Sanggunian: Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral, p. 294

Ayon sa pag-aaral ng United Nations Development Programme (UNDP) at ng United


States Agency for International Development (USAID) na may titulong “Being LGBT in Asia:
The Philippines Country Report”, ang mga LGBT ay may kakaunting oportunidad sa trabaho,
bias sa serbisyong medikal, pabahay at maging sa edukasyon. Sa ibang pagkakataon din, may
mga panggagahasa laban sa nga lesbian. At ang patuloy na pagpatay sa mga LGBT kahit na
patuloy ang panawagan sa pagkakapantay-pantay at kalayaan sa lahat ng uri ng diskriminasyon
at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong 2012 may 1,083 LGBT ang biktima
ng pagpatay mula 2008-2012.
Noong 2011, ang United Nations Human Rights Council ay nagkaroon ng ulat tungkol sa
mga ebidensya at kaso ng mga diskriminasyon at karahasan laban sa mga LGBT. Ang bansang
Uganda ay nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same-
sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.
PAGSASANAY:
1. Anong bansa ang nagpasa ng batas na tinatawag na Anti-Homosexuality Act?
2. Magtala ng tatlong (3) karahasan na nararanasan ng mga LGBT sa iba’t ibang panig ng
daigdig.
3. Mayroon bang pangyayari sa inyong komunidad na nagpapakita ng karahasan sa mga
LGBT? Isalaysay ito gamit ang tatlo (3) hanggang sa limang (5) pangungusap. Iwasan
ang magbanggit ng totoong pangalan.
4. Paano ka makatutulong para ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 10 Araling Panlipunan


Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Ikatlong Markahan
Gawain bilang 15
Paksa : Karahasan sa mga LGBT (Lesbian, Gay, Bi-sexual, at Transgender)
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang Karahasan sa Kababaihan, kalalakihan, at LGBT (Lesbian, Gay, Bi-
sexual, at Transgender) sa Pilipinas. AP10IKL-IIIe-f-7
Layunin: Nasusuri ang karahasan na nararanasan ng mga LGBT sa Pilipinas (Lesbian, Gay,
Bi-sexual, at Transgender)
Sanggunian: Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral, p. 294
GMA News. Retrieved on November 30,
2015 https://m.youtube.com/watch?v=NzUK8TToBo

Noong 2014, nagulantang ang Pilipinas nang naging laman ng balita ang malagim na
pagkamatay ng isang Filipina trans woman na si Jennifer Laude sa kamay ng isang dayuhang
Amerikanong sundalo na si Joseph Scott Pemberton.
Panoorin ang video.
Pagsasanay:
1. Ano ang tunay na pangalan ni Jennifer Laude?
2. Ano ang dahilan ng kanyang pagkamatay?
3. Ibigay ang iyong pananaw sa pagkamatay ni Jennifer Laude. Isulat ang iyong sagot
gamit ang tatlo (3) hanggang sa limang (5) pangungusap.
4. Kung ikaw ay magmumungkahi sa pamahalaan ukol sa isyu ng karahasan laban sa mga
LGBT, ano ito? Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot gamit ang tatlo (3) hanggang sa
limang (5) pangungusap.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 10 Araling Panlipunan


Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Ikatlong Markahan
Gawain bilang 15
Paksa : Karahasan sa mga LGBT (Lesbian, Gay, Bi-sexual, at Transgender)
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang Karahasan sa Kababaihan, kalalakihan, at LGBT (Lesbian, Gay, Bi-
sexual, at Transgender) sa Pilipinas. AP10IKL-IIIe-f-7
Layunin: Nasusuri ang karahasan na nararanasan ng mga LGBT sa Pilipinas (Lesbian, Gay,
Bi- sexual, at Transgender)
Sanggunian: Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral, p. 294
GMA News. Retrieved on November 30,
2015https://m.youtube.com/watch?v=NzUK8TToBo

Noong 2014, nagulantang ang Pilipinas nang naging laman ng balita ang malagim na
pagkamatay ng isang Filipina trans woman na si Jennifer Laude sa kamay ng isang dayuhang
Amerikanong sundalo na si Joseph Scott Pemberton.

Panoorin ang video.

Pagsasanay:
1. Ano ang tunay na pangalan ni Jennifer Laude?
2. Ano ang dahilan ng kanyang pagkamatay?
3. Ibigay ang iyong pananaw sa pagkamatay ni Jennifer Laude. Isulat ang iyong sagot
gamit ang tatlo (3) hanggang sa limang (5) pangungusap.
4. Kung ikaw ay magmumungkahi sa pamahalaan ukol sa isyu ng karahasan laban sa mga
LGBT, ano ito? Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot gamit ang tatlo (3) hanggang sa
limang (5) pangungusap.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 10 Araling Panlipunan


Mga kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Ikatlong Markahan
Gawain Bilang 16
Paksa : Magna Carta for Women
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga isyu ng karahsan at
diskriminasyon. AP10IKL-IIIG-8
Layunin: 1.Nasusuri ang Magna Carta for Women bilang isang tugon ng Pamahalaang
Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon
2.Nakababanggit ng isang proyekto sa komunidad para sa kabutihan at
kahusayan ng mga kababaihan.
Sanggunian: Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral, p. 320

Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat
uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng
mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang
instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination
Against Women o CEDAW.

Ito ay upang itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensyal nila bilang
alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan
na ang mga karapatan ng kababaihan ay karaptang pantao.

PAGSASANAY:
1. Kailan naisabatas ang Magna Carta for Women?
2. Tugon ba ang Magna Carta for Women sa isyu ng karahasan at diskriminasyon sa
kababaihan? Bakit?
3. Tumukoy ng isang proyekto o programa sa inyong lugar na naglalayon para sa kahusayan
at kabutihan ng mga kababaihan. Ipaliwanag ito gamit ang tatlo (3) hanggang sa limang
(5) pangungusap.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 10 Araling Panlipunan
Mga kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Ikatlong Markahan
Gawain Bilang 17
Paksa : Magna Carta for Women: Responsibilidad ng Pamahalaan
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang tugon sa mga isyu ng karahsan at diskriminasyon. AP10IKL-IIIG-8
Layunin: 1.Natutukoy ang responsibilidad ng pamahalaan sa pagpapatupad Magna
Carta for Women bilang isang tugon sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon.
2. Nakapagtatala ng mga paraan ng lokal na pamahalaan para sa pagtugon
sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon.
Sanggunian: Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral, p. 321

Itinalaga ng Magna Carta for Women ang Pamahalaan bilang pangunahing


tagapagpatupad (“primary duty bearer”) ng komprehensibong batas na ito. Ginawa na tuwirang
responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng
diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
Maglalatag ang pamahalaan ng mga nararapat at mabisang paraan kabilang ang paglikha
at pagpapatupad ng mga batas, patakaran at programa na nagsasaalang-alang sa mga
pangangailangan ng mga babae. Gagawa rin ito ng mga hakbang upang marepaso ang mga batas,
programa, at polisiya na nagpapalala sa diskriminasyon laban sa kababaihan. Nahaharap din ito
sa hamon na basagin ang mga stereotype at tanggalin ang mga istrukturang panlipunan tulad
ng kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita at gawi na nagpapahiwatig nang hindi oantay ang
mga babae at lalaki.

Pagsasanay:
1. Ayon sa Magna Carta for Women, anong institusyon ang pangunahing tagappagtaguyod
nito?
2. Anu-ano ang mga responsibilidad ng pamahalaan para sa pagpapatupad ng Magna Carta
for Women?
3. May mga paraan ba sa inyong lokal na pamahalaan para sa pagtataguyod ng mga
kabutihan at kahusayan ng mga kababaihan? Ano ang mga ito?
4. Paano ka makakatulong sa inyong pamahalaan para sa pagtataguyod ng kabutihan at
kahusayan ng mga kababaihan sa inyong lugar?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 10 Araling Panlipunan
Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Ikatlong Markahan
Gawain Bilang 18
Paksa : Saklaw ng Magna Carta for Women
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang tugon ng pandaigdigang samahan sa karahasan at
diskriminasyon. AP10IKL-IIIG-8
Layunin: 1.Naiisa-isa ang mga saklaw ng Magna Carta for Women bilang isang
tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon.
2.Natutukoy ang mga kababaihang nakikinabang sa mga proyekto at programa ng
lokal na pamahalaan.
Sanggunian: Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan-Modyul
para sa Mag-aaral, p. 321
Isa sa mga batas na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan ay ang Magna Carta for
Women. Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay,
propesyon, relihiyon, uri o pinagmulang ethnicity ay saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng
batas na ito nang nabubukod na pansin ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may
kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan, Marginalized Women at Women in Especially
Difficult Circumstances.
Marginalized Women Women in Especially Difficult Circumstances
→ tumutukoy sa mga babaeng mahirap o nasa →mga babaeng nasa mapanganib na
di panatag na kalagayan. kalagayan o masikip na katayuan tulad ng
→mga wala o limitadong kakayahan na biktima ng pang-aabuso at karahasan at
matamo ang mga batayang pangangailangan armadong sigalot, mga biktima ng
serbisyo prostitusyon, “illegal recruitment”, “human
→kabilang ang mga manggagawang bukid, trafficking” at mga babaeng nakakulong.
mangingisda, migrante, at kababaihang Moro
at katutubo
Pagsasanay:
1. Sinu-sino ang mga saklaw ng Magna Carta for Women?
2. Paano nagkakaiba ang Marginalized Women at Women in Especially Difficult
Circumstances?
3. Sino ang mga nakikinabang sa mga proyektong pangkababaihan sa inyong lugar?
4. Ano ang iyong gagawin para mas marami pang kababaihan ang makakaalam sa Magna
Carta for Women?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 10 Araling Panlipunan


Kontemporaryong Isyu
Ikatlong Markahan

Gawain Bilang 19
Paksa: Tugon ng Pandaigdigang Samahan sa Karahasan at Diskriminasyon: Prinsipyo ng
Yogyakarta
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang tugon ng pandaigdigang samahan sa karahasan at
diskriminasyon. AP10IKL-IIIg-8
Layunin: Natatalakay ang mga artikulo sa Prinsipyo ng Yogyakarta.
Sanggunian: Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral, p. 311-313

Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng mga LGBT ( Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender)


sa lipunan, patuloy ring lumalakas ang kanilang boses upang tugunan ang kanilang mga hinaing
tungkol sa di-pantay na pagtingin at karapatan.
Noong ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre 2006 ay nagtipon sa Yogyakarta, Indonesia
ang nasa 27 eksperto sa oryentastyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula
sa ibat ibang bahagi ng daigdig. Pinagtibay nila ang mga prinsipyong makatutulong sa
pagkakapantay-pantay ng mga LGBT. Ito ay binubuo ng 29 na prinsipyong nakaayon sa
Pandaigdigang Bataas ng mga Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights).
Narito ang ilan sa mga nilalaman ng Prinsipyo ng Yogyakarta:
Prinsipyo 1- Ang Karapatan sa Unibersal na Pagtatamasa ng mga Karapatang Pantao
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay-pantay sa dignidad at mga karapatan.
Bawat isa, anuman ang oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na
ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
Prinsipyo 2- Ang mga Karapatan sa Pagkakapantay-pantay at Kalayaan sa Diskriminasyon
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang
diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat
kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang anumang
diskriminasyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao.
Prinsipyo 4- Ang Karapatan sa Buhay
Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang
pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong sekswal
o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil
sa consensual sexual activity ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong
sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Pagsasanay:
1. Sa iyong palagay, ano ang pangkalahatang layunin ng pagbuo ng Prinsipyo ng Yogyakarta?
2. Ibigay ang iyong opinyon sa sumusunod na pahayag:
a. Karapatan ng lahat ang mabuhay.
b. Lahat ng tao ay isinilang na Malaya at pantay-pantay.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 10 Araling Panlipunan


Kontemporaryong Isyu
Ikatlong Markahan

Gawain Bilang 20
Paksa: Tugon ng Pandaigdigang Samahan sa Karahasan at Diskriminasyon : Prinsipyo ng
Yogyakarta
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang tugon ng pandaigdigang samahan sa karahasan at
diskriminasyon. AP10IKL-IIIg-8
Layunin: Natatalakay ang mga artikulo sa Prinsipyo ng Yogyakarta.
Sanggunian: Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral, p. 313

Ang sumusunod ay mga artikulo sa Prinsipyo ng Yogyakarta ay tumatalakay sa mga


karapatang nagbibigay ng proteksiyon sa isang tao:

Prinsipyo 12- Ang Karapatan sa Trabaho


Ang lahat ay may karapatang sa disente at produktibong trabaho, sa makatarungan at
paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo at
diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian.

Prinsipyo 16- Ang Karapatan sa Edukasyon


Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasyong nag-uugat at
sanhi ng oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian.

Prinsipyo 25- Ang Karapatang Lumahok sa Buhay-Pampubliko


Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping pampubliko, kabilang ang
karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga batas.

Pagsasanay:

1. Paano binibigyan ng proteksiyon ng Prinsipyo ng Yogyakarta ang karapatan ng mga LGBT


sa larangan ng paghahanap-buhay?
2. Dito sa ating paaralan, may napansin ba kayo na lumalabag sa Prinsipyo 16?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 10 Araling Panlipunan


Kontemporaryong Isyu
Ikatlong Markahan

Gawain Bilang 21
Paksa: Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang tugon ng pandaigdigang samahan sa karahasan at
diskriminasyon. AP10IKL-IIIg-8
Layunin: Natutukoy ang kahulugan at kasaysayan ng CEDAW (Convention on the Elimination
of all Forms of Discrimination Against Women).
Sanggunian: Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral, p 315

Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination


Against Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women. Kilala din ito
bilang The Womens Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women.

Ang CEDAW ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na


komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na
larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.

Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre 18,
1979. Pumirma naman ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980 at niratipika ito noong
Agosto 5, 1981.

Pagsasanay:
1. Ano ang CEDAW?
2. Sa iyong sariling pananaw, ano ang layunin ng CEDAW?
3. Sang-ayon ka ba sa paglagda ng Pilipinas sa mga probisyon ng CEDAW?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 10 Araling Panlipunan
Kontemporaryong Isyu
Ikatlong Markahan

Gawain Bilang 22
Paksa: Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang tugon ng pandaigdigang samahan sa karahasan at
diskriminasyon. AP10IKL-IIIg-8
Layunin: Nasusuri ang tugon ng pandaigdigang samahan sa karahasan at diskriminasyon.
Sanggunian: Grade 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral, p 316
Ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women ay
inilarawan bilang International Bill for Women at kinilala na kauna-unahang internasyunal na
kasunduan na tumalakay sa karapatan ng kababaihan sa lahat ng aspeto ng buhay.
Nilalayon nito na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan sa pamamagitan ng
sumusunod:
1. Itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan nito ang mga
estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan.
2. Responsibilidad ng estado ang mga kababaihan na kailanmay hindi maaaring bawiin.
3. Ipinagbabawal ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan,
anumang layunin ng mga ito.
4. Inaatasan ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng
kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng
mga pribadong indibidwal o grupo.
5. Pagkilala sa kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at
hinamon ang mga state parties na baguhin ang mga stereotype, kostumbre at mga gawi
na nagdidiskrimina sa babae.
Ang Pilipinas, bilang isa sa mga state parties ng CEDAW, ay binigyan ng tungkulin na
igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan. Ang mga state parties ay
inaasahang:
1. Ipagwalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;
2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng mga
epektibong mekanismo at sistema kung saan maaaring humingi ng hustisya ang babae sa
paglabag ng kanilang karapatan;
3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng ibat ibang hakbang kondisyon
at karampatang aksiyon
4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinasagawang
hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.
Pagsasanay:
1. Ano ang maitutulong ng CEDAW sa kalagayan ng kababaihan sa mundo?
2. Sa inyong pamayanan, paano pinangangalagaan ng mga opisyal ng barangay ang karapatan
ng mga kababaihan?
3. Natugunan kaya ng pamahalaan ang mga layunin ng CEDAW? Ipaliwanag ang iyong sagot.
4.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 10 Araling Panlipunan
Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Ikatlong Markahan
Gawain Bilang 23
Pamagat : Tugon ng Pandaigdigang Samahan sa Karahasan at Diskriminasyon:
Prinsipyo ng Yogyakarta
Pammantayan sa Pagkatuto: Napahahalagahan ang tugon ng pandaigdigang samahan sa
karahasan at diskriminasyon. AP10IKL-lllh-9
Layunin : 1. Natutukoy ang mga samahang pandaigdig na tumutugon sa karahasan at
diskriminasyon;
2.Napahahalagahan ang tugon ng mga samahang pandaigdig sa karahasan at
diskriminasyon.
Sanggunian: Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan, Pahina – 311-314
MGA SAMAHANG PANDAIGDIG NA TUMUTUGON SA KARAHASAN AT
DISKRIMINASYON

1. Prinsipyo Ng Yogyakarta - Naglalayon itong pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong


sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT.
2. Convention On The Elimination Of All Forms Of Discrimination Against Women
(CEDAW) - Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong
tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi
gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
3. HeForShe.Org - Ito ay isang pinag-isang kampanya ng UN Women para sa
pagkakapantay-pantay ng kasarian. Naglalayon itong isama ang mga kalalakihan laban sa di-
pantay na pagtrato ng kababaihan at para sa karapatan ng mga kababaihan.
4. Anti-Violence Against Women And Their Children Act (RA 9262) - Isang batas na
nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at
proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag
dito.
5. Magna Carta For Women - Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae
at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at
pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.

Pagsasanay:
Punan ang talahanayan ayon sa impormasyong hinihingi.
TANONG Prinsipyo ng CEDAW HeforShe A- Magna
Yogyakarta .Org VAWC Carta For
Women
1. Sino ang saklaw ng batas na
ito?
2.Sino ang tagapagpatupad ng
batas na ito?
3. Ano ang kahalagahang dulot
ng batas na ito?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 10 Araling Panlipunan
Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Ikatlong Markahan
Gawain Bilang 24
Pamagat : Tugon ng Pandaigdigang Samahan sa Karahasan at Diskriminasyon:
Anti-Violence Against Women Act at Magna Carta for Women
Pammantayan sa Pagkatuto: Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaang Pilipinas sa mga isyu
sa karahasan
at diskriminasyon. AP10IKL-llli-10
Layunin : 1. Nabibigyan ng angkop na batas bilang tugon ng pamahalaang Pilipinas sa mga isyu
sa
karahasan at diskriminasyon;
2. Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaang Pilipinas sa mga isyu sa karahasan
at diskriminasyon
Sanggunian: 1. Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan, Pahina – 319-322
2. http://www.bcs.gov.ph/files/sp/Pinay_Komiks.pdf
3. RA 9262
4. Primer ng Magna Carta
5. Prinsipyo ng Yogyakarta

Sa nakalipas na aralin, nasuri ninyo ang mga isyu at hamong may kaugnayan sa Kasarian
at Lipunan na nararanasan hindi lamang sa Pilipinas maging sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Sa
araling ito, pagtutuunan ng pansin ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang
matugunan ang mga isyu at hamon sa Kasarian at Lipunan.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay may maraming mga isyu ang kinakaharap hindi lamang sa
kababaihan pati na rin sa kalalakihan at LGBT. Mayroon ding kaukulang mga batas na
nagbibigay proteksiyon at may iba’t-ibang samahang tumutugon sa nasabing mga isyu ng
karahasan at diskriminasyon.

Pagsasanay:

A. Ibigay ang kaukulang batas na tumutugon sa sumusunod na isyu. Upang masagutan ang
bawat isyu balikan ang mga Internasyunal at local na mga batas at samahang tumatalakay
dito.

1. Pagbabawal sa mga LGBT na lumahok sa halalan


2. Pagpatay ng isang lalaki dahil sa kanyang panggagahasa at pagpatay ng isang babae
3. Sapilitang pagtatrabaho ng menor de edad
4. Pag-aabanduna ng mga magulang sa mga kabataan
5. Hindi pagtanggap ng batang “transferee” na makapag-aral mula sa Marawi
B. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong na maipabatid at mapairal ang batas na ito?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 10 Araling Panlipunan
Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Ikatlong Markahan
Gawain Bilang 25
Pamagat : Tugon ng Pandaigdigang Samahan sa Karahasan at Diskriminasyon
Pammantayan sa Pagkatuto: Nakakagawa ng malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap
at paggalang sa kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan. AP10IKL-lllj-11
Layunin: 1. Naipapahayag ang tamang kaasalan sa pagtanggap at paggalang sa iba’t-ibang
kasarian;
2. Nakakagawa ng malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang
sa kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.
Sanggunian: 1. Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan, Pahina – 310-340
2. Ilagan, B.P. (2011). Retrieved December 03,2014
.http://ypinaction.org/files/03/49/GALANGYogyakarta_Filipino.pdf

3. RA 9262
4. Primer ng Magna Carta
5. Prinsipyo ng Yogyakarta

Batay sa mga nakaraang aralin na may kinalaman sa Prinsipyo ng Yogyakarta, CEDAW,


Anti-Violence Against Women, HeforShe.Org at Magna Carta for Women. Ang klase ay
papangkatin sa lima, ang bawat pangkat ay bubunot kung alin sa mga pandaigdigang samahan
ang kanilang isasagawa at kung anong malikhaing paraan ang kanilang itatanghal gaya ng dula-
dulaan, awit, tula, news reporting o advertisement at poster making. Maaring pagtuunan ng
pansin sa pagsusuring gagawin kung sumasang-ayon kayo o hindi sa mga batas at ipaliwanag ang
dahilan kung bakit. Bibigyan kayo ng dalawampung minuto upang ito ay isagawa at ilahad klase
ang naging resulta.

Pamantayan o iskala sa pagsagot sa bahagi ng pagpapaliwanag:

9-10 – napakahusay ng paglulunsad, pagpapaliwanag at paglalantad ng paksa, at naibibigay ang


lahat ng sagot nahinihingi
7-8 – mahusay ang paglulunsad, pagpapaliwanag at paglalantad ng paksa at at naibibigay ang
lahat ng sagot na hinihingi
5-6 – hindi gaanong mahusay ang paglulunsad, pagpapaliwanag at paglalantad ng paksa at at
naibibigay ang lahat ng sagot na hinihingi
3-4 – hindi mahusay ang paglulunsad, pagpapaliwanag at paglalantad ng paksa at at naibibigay
ang lahat ng sagot na hinihingi
1-2 – hindi nakapaglunsad, nakapagpaliwanag at nakapaglantad at walang naibigay na sagot

You might also like