Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
ARALING PANLIPUNAN 10
Name of Learner
Grade level and Section
Date
Sa araling ito ay matutunghayan natin ang mga konseptong may kinalaman sa Kasarian at Lipunan at
ang gender roles sa Pilipinas at sa iba’t ibang lipunan sa mundo. Magkaiba ang kahulugan ng gender at
sex. Bagama’t kung isasalin ang dalawang salitang ito sa wikang Pilipino ay katumbas ito pareho ng
salitang kasarian.Tatalakayin natin sa bahaging ito ng aralin ang kahulugan ng mga konseptong may
kinalaman sa pag-aaral ng kasarian.Upang maunawaan mo ang mga konseptong ito, lalo na ang
kaibahan ng gender at sex.
nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling
katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa
katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng
kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
Sa simpleng pakahulugan, ang salitang oryentasyong sekswal ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong
makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho.
Heterosexual – mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na
ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
Homosexual – mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na
kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang
sekswal na kapareha.
Bukod sa lalaki at babae, may tinatawag tayo sa kasalukuyan na lesbian, gay, bisexual, at transgender o
mas kilala bilang LGBT.
Lesbian (tomboy) - sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may
pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy)
Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang
nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at
bayot).
Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.
Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian
Transgender -kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang
kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may transgender na
katauhan .
*Binawi ng Kuwait ang karapatang bumoto ng mga babae at muling naibalik noong 2005.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
Ang paglalakbay rin ng mga babae ay napipigilan sapagkat may ilang bansa na hindi pinapayagan ang
mga babae na maglakbay nang mag-isa o kung payagan man ay nahaharap sa malaking banta ng pang-
aabuso (seksuwal at pisikal).
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan (bata at matanda)
ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya.
Napatunayan ng WHO na walang benepisyong-medikal ang FGM sa mga babae, ngunit patuloy pa rin
ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan.
Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o
matanda) nang walang anumang benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili
nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehang-panrelihiyon ang
paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan.
Ang ganitong gawain ay maituturing na paglabag sa karapatang pantao ng kababaihan.
Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian (tomboy) sa paniniwalang
magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain. Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat na
inilabas ng United Nations Human Rights Council noong taong 2011, may mga kaso rin ng
karahasang nagmumula sa pamilya mismo ng mga miyembro ng LGBT.
Nang marating nina Mead at Fortune ang Arapesh (na nangangahulugang “tao”), walang mga pangalan
ang mga tao rito. Napansin nila na ang mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa
kanilang mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat. Samantala sa
kanilang namang pamamalagi sa pangkat ng Mundugumur (o kilala rin sa tawag na Biwat), ang mga mga
babae at mga lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o
posisyon sa kanilang pangkat. At sa huling pangkat, ang Tchambuli o tinatawag din na Chambri, ang mga
babae at mga lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga bababe ay inilarawan
nina Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin ang naghahanap ng makakain ng
kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa kanilang
sarili at mahilig sa mga kuwento.
Learning Tasks (Includes directions/ instructions, exercises, and guide questions if necessary)
PANIMULA:
Paunang Pagsusulit
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman
tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at
alamin ang sagot nito sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito.
1. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na
katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. Sex
B. Gender
C. Bi-sexual
D. Transgender
2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga
babae at lalaki.
A. Sex
B. Gender
C. Bi-sexual
D. Transgender
3. Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit
nakararamdam din ng parehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ang isang taong nakararamdam
na siya ay nabubuhay sa maling katawan at ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi
magkatugma. Siya ay tinatawag na:
A. bakla
B. lesbian
C. homosexual
D. transgender
4. Sila ay mga primitibong pangkat ng mga tao sa Papua New Guinea kung saan kapwa ang babae at
lalaki ay maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, sila rin ay matulungin, mapayapa, at
kooperatibo sa kanilang pamilya.
A. Arapesh
B. Tasaday
C. Tchambuli
D. Mundugumur
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
5. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan ( bata at matanda)
ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang
pangunahing layunin ng pagsasagawa nito.
PAGPAPAUNLAD:
SIMBOLO Ano ang sinisimbolo Ano ang katangian ng Ilahad ang mga
ng nasa larawan? bawat isa? gampanin.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
Babae
lalaki LGBT
Gender
Sex________ ___________
________ ___________
________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
____ ____
____ ____ ____ ____
Sex Gender
PAKIKIPAGPALIHAN:
_______ A. Sa panahon ng mga Amerikano maraming kababaihan ang nakapag-aral dahilan upang
mabuksan ang kanilang isipan na hindi lamang bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
_______ B. Ang kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina o paglilingkod ng buhay sa Diyos.
_______ C. Sa panahon ng Hapones, ang mga kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan
sa paglaban sa mga Hapon.
_______ D. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng kababaihan
tulad ng Magna Carta of Women.
_______ E. Ang kababaihan sa Pilipinas, maging ang kabilang sa pinakamataas na uri o timawa ay
pagmamay-ari ng mga lalaki.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
TITIK A TITIK B
__1. Gay (bakla) A. Sila ang mga babae na ang kilos
at damdamin ay panlalaki; mga
babaeng may pusong lalaki at umiibig
sa kapwa babae.
__ 2. Bisexual
B. Mga taong nakararamdam ng
atraksyon sa dalawang kasarian.
2.Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bi-sexual. Siya ang lagi mong kasama
simula pa noong kayo ay mga bata pa at para na kayong magkapatid. Matapos
matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang iyong gagawin?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
1. May mabuti bang dulot ang female genital mutilation o FGM sa mga babae? Ano sa palagay mo ang
epekto sa: a) emosyonal, b) sosyal, at c) sikolohikal na kalagayan ng mga babaeng sumailalim dito?
2. Bakit patuloy pa rin ang pagsasagawa ng FGM sa rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya?
3. Ayon sa binasa, pantay ba ang pagtingin sa mga kababaihan at mga miyembro ng LGBT sa Africa at
Kanlurang Asya? Magbigay ng patunay.
4. May kalayaan bang magpahayag ng damdamin ang kababaihan at mga miyembro ng LGBT sa
bahaging ito ng mundo? Patunayan ang sagot.
PAGLALAPAT:
Ang gawaing ito ay naglalayong mapaghambing mo ang tatlong pangkultura pangkat sa New Guinea
ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Margaret Mead.
Panuto: Sagutan ang kasunod na talahayanan at ang dalawang mahalagang tanong kaugnay nito
upang mataya ang pag-unawa sa iyong binasa.
GAMPANIN
1. ARAPESH
2.MUNDUGUMOR
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
KONTRIBUSYON
Sagot 1 Sagot 2 Sagot 3
Babae
Lalaki
LGBT
Komento
2. Ano ang napansin mo sa kanilang mga kasagutan? Pantay ba ang kanilang pagtingin sa kontribusiyon
ng mga kasarian? Ipaliwanag.
a. Sanaysay
b. Slogan
c. Editorial cartoon
d. Poster
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
Reflection
Gawain 13: Aking Repleksiyon
Mula sa mga paksang tinalakay hinggil sa isyung may kinalaman sa kasarian, ano ang iyong naging
repleksiyon? ______________________________________________
References for learners
LM AP 10 2017 – Pahina 257-283
(DepEd LM AP 10, 2017)
Answer Key
Gawain 3 : Dialogue bubble Gawain 8: Sagutin natin
Paunang Pagsusulit Ayon sa pagpapasya ng guro Ayon sa pagpapasya ng guro.
1. A
2. B Gawain 4: Katangian natin Gawain 9: Basa-Suri
3. D Ayon sa pagpapasya ng guro Ayon sa pagpapasya ng guro.
4. A
Gawain 5: Kilalanin natin
5. D
Ayon sa pagpapasya ng guro Gawain 10: Paghambingin at
Unawain
Gawain 1:Suriin natin:
Gawain 6: Pagsunud-sunurin Ayon sa pagpapasya ng guro
1. Female
2. Male A. 3
B. 2 Gawain 11: Sarbey tsart
3. Transgender/LGBT
C. 4 Ayon sa pagpapasya ng guro
Pamprosesong tanong:
Ayon sa pagpapasya ng guro. D. 5
E. 1 Gawain 12: Gawin natin
Gawain 2. Venn diagram Gawain 7: Pagtapat-tapatin Ayon sa pagpapasya ng guro
Ayon sa pagpapasya ng guro. 1. C
2. B Gawain 13: Aking Repleksiyon
3. D Ayon sa pagpapasya ng guro.
4. E
5. A
Approved by:
VINCENT EMMANUEL L. ILAGAN
CID - Chief Education Program Supervisor