You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY

ACTIVITY SHEET (AP 10- WEEK 7 & 8)

ARALING PANLIPUNAN 10

Name of Learner
Grade level and Section
Date

Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon

Learning Competency with code


 Nakagagawa ng malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa
kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.
AP10IKL-IIIj-10
Learning Context (Brief discussion of the lesson, cite examples)

Sa modyul na ito natalakay at naunawaan mo ang konsepto ng kasarian sa iba’t ibang lipunan, nasuri
mo rin ang mga isyu at hamon sa kasarian at lipunan. Naisa-isa rin ang mga hakbang na ginagawa ng
pandaigdigang samahan, mga bansang nagsusulong sa karapatan ng lalaki, babae at LGBT.
Mahalagang mapag-aralan ang mga ito upang lubos mong maunawaan na ang lahat ng tao anuman
ang lahi, wika, kultura, relihiyon at maging oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
ay may karapatang pantao. Makatutulong ang pag-unawang ito upang maitaguyod ang pagtanggap,
paggalang at pagkakapantay-pantay ng tao bilang isang kasapi ng pamayanan.

Sa bahaging ito ang pangunahing gawain ng mag-aaral ay makagawa ng mga malikhaing hakbang na
magsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. Maari itong gawin sa pamamagitan ng
media-advocacy, symposium, documentary presentation, Essay, Poster, Slogan, Sanaysay, Graphic
organizer at iba pa.

PANIMULA:

Gawain 1: TAMA o MALI


Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung TAMA ang sinasaad ng pangungusap at ekis (X) kung
MALI.
_______1. Ang karapatan ng mga LGBT ay karapatang pantao.
_______2. Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan.
_______3. Bawat isa, anuman ang oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian ay
nararapat magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
_______4. Ang karapatang pantao ay para sa mga kalalakihan at kababaihan lamang.
_______5. Mga kababaihan lamang ang nakakaranas ng pang-aabuso at diskriminasyon.

Gawain 2: Patunayan natin


Sa inyong paaralan may mga programa ba o alintuntunin na ngangalaga sa karapatan ng
mga mag-aaral na babae, lalaki at mga kabilang sa LGBT? Patunayan ang iyong sagot.

________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY

PAGPAPAUNLAD:

Gawain 3: Graphic organizer


Panuto: Sagutan ang mga tanong at punan ng wastong sagot ang graphic organizer.

1 3

Bakit mahalaga ang pagtanggap at paggalang sa kasarian o oryentasyong


seksuwal ng isang tao?

Gawain 4: Chart
Panuto: Sa kanang bahagi, magtala ng tatlong paraan kung paano mapipigilan ang karahasan sa
kababaihan, kalalakihan at LGBT. Sa kaliwa naman ay magtala ng tatlong paraan kung paano
mapagtitibay ang mga karapatan.

Tatlong paraan kung paano mapipigilan ang Tatlong paraan kung paano mapagtitibay ang
karahasan sa kababaihan karapatan ng mga kababaihan.

1. 1.

2. 2.

3. 3.

Gawain 5: Sagutin natin


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong at Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1.Bilang mag-aaral paano mo 2. Paano magkakaroon ng pagkakapantay-


maipapakita ang paggalang sa mga pantay sa lipunan sa kabila ng pagkakaiba-
LGBT? iba ng pananaw sa isyu ng kasarian?
__________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY

PAKIKIPAGPALIHAN

Gawain 6: STATUS REPORT


Panuto: Mula sa pinag-aralang paksa ay gagawa ka ng sariling pag-uulat at pagsisiyasat sa iyong
pamayanan kaugnay sa kalagayan ng mga babae, lalaki at LGBT sa inyong lugar. Itala sa chart ang
mga batas at polisiya na ginamit sa pagtanggap, paggalang at pagkakapantay-pantay ng tao bilang
isang kasapi ng pamayanan.

KALAGAYAN BATAS AT POLISIYA


BABAE

LALAKI

LGBT

1. Bakit mahalagang magkaroon ng mga batas at polisiya para sa mga sa mga kababaihan,
kalalakihan at LGBT? _______________________________________________________________
2. Naniniwala ka ba na pantay dapat ang pagtingin sa mga babae, lalaki at LGBT? Oo o hindi? Bakit?
Ipaliwanag ang iyong sagot.__________________________________________________________

PAGLALAPAT:

Gawain 7: Sang-ayon o Hindi sang-ayon?


Panuto: Suriin ang pangungusap at sagutin ang tanong kung sumasang-ayon o hindi sa ipinahihiwatig
ng nito.

Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa,
anuman ang oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat
matamasa ng lahat ng karapatang pantao.

Sang-ayon o Hindi sang-ayon Ipaliwanag ang iyong sagot


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY

Gawain 8: 3 GOOD THINGS


Panuto: Sumulat ng tatlong (3) bagay, aral, o kaalaman na nakuha, natutunan at babaunin mo mula
sa aralin at ilahad kung paano mo ito mailalapat o maisasabuhay sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Gawain 9: Sanaysay

Sumulat ng sanaysay na nagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagtanggap at paggalang sa


kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

Gawain 10: Malikhaing hakbang

Gumawa ng malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa


iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang
kasapi ng pamayanan.
Maaring pumili ang mga mag-aaral kung anong paraan nila ito ipapakita batay sa
kanyang hilig o interes:

 Essay
 Poster
 Slogan
 Sanaysay
 Tula at iba pa.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY

Scoring Rubric (If necessary)

Rubric sa Pagmamarka ng Sanaysay at Essay


Nakuhang
Pamantayan Deskripsiyon PUNTOS
Puntos
Pag-unawa Malinaw na nailahad ang
kahalagahan ng pagtanggap at 10
paggalang sa kasarian na
nagtataguyod ng pagkakapantay-
pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan.
Organisasyon Kumprehensitibo at malinaw ang
daloy ng ideya. Maayos na 5
naipahayag ang pagkakaiba at
pagkakaugnay ng mga tinutukoy na
konsepto.
Nilalaman Wasto at makatotohanan ang
impormasyon. Nakabatay ang 5
nilalaman sa mga tinalakay na paksa.
Teknikalidad Sumunod sa mga pamantayan sa
pagsulat ng sanaysay tulad ng 4
paggamit ng tamang bantas,
kaayusan ng pangungusap, at
pagdepelop ng kaisipan.
Kabuuan 20

Rubrik sa Pagmamarka ng Tula


Pamantayan Paglalarawan Puntos
Nilalaman Nakatuon sa tema ang tula. Naglalaman ito ng 8
partikular na mga detalye batay sa hinihingi ng
gawain.
Organisasyon Organisado ang paglalahad ng kaisipan at 7
wasto ang transisyon
Presentasyon Akma ang ginamit na mga salita, baybay, at 5
bantas
Kabuuan 20
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY

Rubrik sa Pagmamarka ng Slogan


Nilalaman Nakatuon sa tema ang slogan 10
Naglalaman ito ng partikular na
mga detalye batay sa hinihingi
ng gawain.
Organisasyon Organisado ang paglalahad ng 10
kaisipan .
Kabuuan 20

Rubrik sa pagmamarka ng Poster


Pamantayan Indikador Puntos Natamong puntos
Nilalaman Naipakita at 8
naipaliwanag nang
maayos ang ugnayan
ng lahat ng konsepto
sa paggawa ng poster.
Kaangkupan ng Maliwanag at angkop 5
konsepto ang mensahe sa
paglalarawan ng
konsepto.
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa 3
(Originality) paggawa ng poster
Kabuuang Malinis at maayos ang 2
presentasyon kabuuang
presentasyon
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang 2
kombinasyon ng kulay
upang maipahayag
ang nilalaman,
konsepto at mensahe.
Kabuuan 20

Reflection
Gawain 11: Aking Repleksiyon

Bilang pagtatapos ng araling ito, kompletuhin ang mga kasunod na pahayag o pangungusap upang
mas maunawaan mo ang aralin.

Mahalagang magkaroon ng pantay na karapatan ang bawat tao anuman ang kanilang oryentasyong
sekswal dahil ___________________________________________________________

References for learners

LM AP 10 2017 – Pahina 310 – 340


(DepEd LM AP 10, 2017)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY

Answer Key Gawain 4: Chart Gawain 8: 3 GOOD THINGS


Gawain 1: TAMA o MALI Ayon sa pagpapasya ng guro. Ayon sa pagpapasya ng guro
1. 
2.  Gawain 5: Sagutin natin Gawain 9: Sanaysay
3.  Ayon sa pagpapasya ng guro. Ayon sa pagpapasya ng guro
4. 
5. Gawain 6: STATUS REPORT Gawain 10: Malikhaing hakbang
Gawain 2: Patunayan natin Ayon sa pagpapasya ng guro Ayon sa pagpapasya ng guro
Ayon sa pagpapasya ng guro.
Gawain 7: Sang-ayon o Hindi Gawain 11: Aking Repleksiyon
Gawain 3: Graphic organizer sang-ayon? Ayon sa pagpapasya ng guro
Ayon sa pagpapasya ng guro. Ayon sa pagpapasya ng guro

Prepared by: MYLENE A. SALUBAYBA


Name of Writer

For Quality Assurance

Reviewed by:
ERNESTO P. DORADO
Learning Resource Evaluator
(Master Teachers, Subject Specialist)

LINA M. LAGURAS MA. RAINE P. RAMOS


School Head Public School District Supervisor

ROMEO B. FULE HENRY P. CONTEMPLACION


Education Program Supervisor (Subject) Education Program Supervisor (LRMS)

Approved by:
VINCENT EMMANUEL L. ILAGAN
CID - Chief Education Program Supervisor

You might also like